Chapter 7

2174 Words
Chapter 7 CHLOE'S POV Matapos na mag usap sila ng pinsan niyang si Nadya at sabihin ang nangyari tungkol kay Bernard, lutang at napaka layo pa rin ang iniisip ni Chloe. Hanggang ngayon, palaisipan pa din sakanya kong sino o kong ano nga ba talaga ang atraso ni Bernard sa taong nanakit sakanya? Bakit ganun na lang kalala ang sinapit niya dito? Isa pa rin ang bumabagabag sa kanyang isipan, ay ang huling salita na binigkas ni Taurus nang huli silang mag kausap sa parking area kahapon. Hindi kaya? May kinalaman kaya ito sa pag kaka bugbog kay Bernard? Buong klase, walang konsentrasyon si Chloe kakaisip sa dati niyang nobyo. Nag aalala din siya sa kalagayan nito, kahit anong mangyari mahal niya pa rin ito. Gusto niya sanang dalawin at puntahan ito sa hospital para silipin o kaya naman dalawin man lang ngunit baka pag punta niya doon nandon si Tasya at awayin pa siya. Natapos na ang klase ni Chloe, pinag uusapan pa rin sa Apollo University ang mangyari kay Bernard. Lahat ata ng estudyante alam na rin ang nangyari sakanya na pag kaka aksidente at hindi rin imposible na malaman ng ilang guro at staff sa University ang tungkol doon. Matapos ng klase maagang naka uwi si Chloe, sakanila. Habang nasa bahay hindi pa rin natigil ang pag aalala niya dito, hanggang naka tulugan niya iyon. Kina-agahan, maaga siyang nagising para pumasok sa na alas otso na klase. Alas sais pa lang nang umaga, gising na siya at nakapag paligo na rin. Suot niya na ang uniforme na pag pasok. Kahit mamaya pa naman ang pasok niya, gusto niya pa rin na maaga na mag handa at ayaw niya rin na maipit sa mahabang traffic. Gustong-gusto niya rin na maaga na pumapasok sa oras ng kanyang pasok, para mahaba pa naman ang oras niya para mag review ng mga lessons nila. Pag baba ni Chloe sa dining para makapag almusal, nadatnan niya ang kanyang Mama na nag aayos sa may table. Naka handa na rin ang almusal sa lamesa para sa ganun, salo-salo na silang kumain bago pumasok ako sa klase at ang kanyang mga magulang naman sa trabaho. "Good morning, anak." Bati ng kanyang Mama. "Mauna kanang kumain kong nagugutom kana at ang Papa mo, nasa itaas at naliligo pa." "Sige po." Uupo na sana siya sa bakanteng silya para makakain na, na mapukaw ang atensyon niya sa hinahanda ng kanyang Mama na lunch box na magandang lalagyan ng masasarap na pag-kain sa lamesa. Kaagad niya naman napansin na hindi iyon, ang karaniwan na dinadala nito kapag pumapasok kapag bumabaon. "Ano iyan Mama? Bakit dalawa ang hinanda mo?" Bungad niyang tanong habang inupo ang sarili sa silya. Nakapag ligo na rin ang kanyang Mama at naka suot na ng damit na maganda. Isang matamis ngiti ang pinakita nito sakanya at para bang kini-kilig. "Ah ito ba? Ginawan kita ng lunch, para mamaya hindi kana lalabas at bibili sa canteen para tipid na lang sa gastos." Salaysay nito at kumukuha na siya ng pag kain sa mesa at ang atensyon naman ng kanyang Mama naka tuon sa ginagawa na pag kain na nilalagyan ng cute na design ang mga iyon. "At ang isa naman na hinanda ko para kay Bernard, para sa ganun sabay kayo na dalawa na makapag lunch." Ang salita ng kanyang Mama ang mag patigil kay Chloe sa pag sandok ng ulam at ilagay iyon sa pinggan niya. "Ahh, ganun po ba?" Alangan at hindi malaman ni Chloe ang isasagot dito. Pinakita ng kanyang Mama ang hinanda nitong pag-kain sa lunch box at kinikilig pa rin. “Chloe, nag away ba kayo ni Bernard? Napapansin ko kasi na hindi siya sumasagot sa text ko sakanya, kahit na rin sa tawag." Anito na kinabahan naman siya nang husto sa tanong nito. Hindi nito maiiwasan na mag tanong sakanya, lalo't nahahalata na siguro ng mga ito na hindi na sila nag sasama na dalawa. "A-Ahh, nawala po kasi ang cellphone ni Bernard, kaya siguro hindi na siya nakakasagot ng mga text o tawag mo sakanya." Kong bibigyan lang si Chloe na award, siya na ata ang 'best in sinunggaling'. Hindi naman siya pinalaki ng kanyang mga magulang na sinunggaling, pero dahil lamang sa pag mamahal niya sa binta nagawa niyang mag sinunggaling at mag lihim sakanila. "Ganu ba? Kaya naman pala." Tinakpan na nito ang ginawang lunch box, na matapos na nitong gawin. "Basta ibigay mo na lang ito sakanya na gawa ko.. At ibigay mo na rin kay Bernard ang new number ko kapag naka bili na siya ng bagong cellphone para makapag usap naman kaming dalawa." Sabay abot ng lunch box sakanya na alangan naman kina-ngiti ni Chloe. "Sige po Ma, salamat po.” ***** Matapos makakain ng almusal, dumiretso na si Chloe sa University. Naging matiwasay lang naman ang kanyang pag aaral, at tinuon lang niya ang kanyang atensyon sa buong klase. Mag isang kumain ng lunch sa cafeteria na kagaya nang dati wala naman siyang kasama, sayang lang talaga at hindi niya nakita ang kanyang pinsan. Panigurado wala itong pasok ngayong araw, kaya’t wala talaga siyang kausap o kasama man lang. Wala naman kaibigan si Chloe o kaya naman kasundo sa ilan niyang mga kaklase. Ang iba kasi sakanila, ayaw makipag kaibigan sakanya kapag nakikita na ang kanyang itsura. Ayaw lang siguro na makipag kaibigan ang mga ito sa isang pangit at manang kong pomorma. Tapos na ang klase ni Chloe sa araw na ito. Nag siuwian na rin ang ilang studyante sa University at ilan naman sakanila nasa kanya-kanyang pang mga klase. Kagaya nang dati muli, mag isa na lang siya nag lalakad sa malawak na Hallway bitbit ang makakapal na libro na madalas niyang dala-dala at naka sabit naman sa kaliwa niyang balikat ang bag. Wala na masyadong tao sa Hallway, at nag aagaw na rin ang liwanag at dilim sa kalangitan dahil bandang alas singko pasado na nang hapon iyon. Mabuti naman at naka bukas naman ang ilaw kahit sa hallway, na maging gabay sa kanya sa pag lalakad. Nag patuloy lang siya sa pag lalakad at kusang huminto sa locker, at buksan niya. Balak niyang ilagay ang mabibigat niyang mga libro doon para sa ganun hindi niya na bitbitin ang mga iyon pauwi. Isa-isa niya na din nilagay sa locker at ilang sa mga gamit niya sa bag para sa ganun, hindi na siya mabigatan pa sa pag dadala. Napaka laki ng locker at bawat estudyante may kanya-kanya silang lagayan ng mga gamit. Sa kalagitnaan ng pag lalagay ni Chloe ng mga gamit, paharap siya sa locker nang walang ano-ano tinulak siya nang malakas mula sa likuran kaya’t napa subsob siya papasok sa locker. Dinama niya ang matinding sakit at pag katama ng kanyang katawan sa locker, at kikilos sana siyang muli na marahas na hinablot ang kanyang buhok mula sa likuran na inaatake siya. Napa-unggol at hindi na maipinta ang mukha ni Chloe sa buong higpit na pag kakahawak sa kanyang buhok at labis ang kanyang pag kagulat na pinaharap siya dito kaya’t nakilanlan niya kong sino ang tumulak at may hawak ng kanyang buhok. Kusang napa-lunok ng laway si Chloe at bahid ng takot na lumukob sa kanyang puso na makita ang mata nitong nanliliyab sa galit. “T-Tasya?” Iyan na lang ang nabigkas niya sa pagitan ng takot na kina-ngisi naman nito. “Oh, bakit nagulat ka?” Buong gigil nitong asik na hinigpitan pa lalo ang pag kakahawak sa kanyang buhok na kina-unggol niya muli sa sakit. Ramdam ni Chloe na may natanggal na buhok sa rahas nitong pag kakahawak at porsigedo talaga na saktan siya. Nag pumiglas pa siya na makawala ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na mangyari nang sinampal siya ni Tasya ng ubod ng kay lakas sa kaliwa niyang pisngi at sabay tinulak kaya’t malakas na tumama ang kanyang likod sa locker, na maririnig mo ang lakas ng tunog na pg kakatama niya doon. Ininda ni Chloe ang sakit na pag tulak nito sakanya, at ilang sandali lamang lumabas na ang dalawang kasamahan ni Tasya mula sa likuran na kasama nito sa cheering squad at pinalibutan siya nito. Hindi niya maikilos ang kanyang katawan sa takot, lalo’t may kakaibang ngisi at galit ang kanilang mata kong paano siya nito titigan. “Oh bakit? Natatakot kana Chloe? Walang tutulong sa’yo,dito.” Wika ni Tasya na ito ang leader sakanilang tatlo. Susunod na lamang sa kanyang pinag uutos ang kanyang dalawang kasamahan. “This is all your fault.” Nilapit pa ni Tasya ang sarili sakanya na kina-siksik niya naman sa locker sa takot na baka saktan siya muli nito. “Hindi kita maintindihan,” naguguluhan siya sa sinasabi nito. “Ano bang ibig mong sabihi——“ hindi niya na natapos ang kanyang wika na sinampal siya muli nito sa kabilang pisngi, na kina-hilo niya naman sa lakas nang impact. Mamasa-masa ang mata ni Chloe sa takot na lumukob sa kanyang pagkatao na baka kong ano na lang ang gawin nito sakanya. Hindi naman siya palaaway at hindi rin siya ang klase ng tao na matapang kagaya nila. “Sinunggaling!” Sigaw nito na kina-pikit naman ng kanyang mga mata. “Akala mo, hindi ko malalaman na ikaw ang may pakana sa pag kaka aksidente ni Bernard, kaya siya nabugbog!” Naguguluhan siya sa sinasabi nito at wala siyang kinalaman kong bakit ito naaksidente. At bakit siya ang sinisisi nito? “W-Wala akong alam sa sinasabi mo Tasy——“ hinablot ni Tasya ang kanyang bag na hawak at aagawin niya sana iyon pabalik ngunit humarang na sakanya ang dalawa nitong kasamahan at tinulak siya pabalik na mapa sandal sa malamig na locker. “Talaga ba? Wala kang kina-laman sa nangyari kay Bernard?” Pilyang wika ni Tasya, na may pina-plano sa kanyang isipan. “Oo, Tasya. Wala akong kinalaman doon at..” hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin na tinaas ni Tasya ang bag niya at hinulog ang laman ng kanyang mga gamit sa sahig. Pinanuod lamang ni Chloe na mahulog ang kanyang notebook, ballpen at mahahalagang gamit na dinadala niya sa school. Inapak-apakan ni Tasya ang kanyang mga gamit hanggang mag sawa siya. Pilit niyang nag pupumiglas na lapitan at awatin ito sa kanyang ginagawa, ngunit hindi siya maka kilos lalo’t naka hawak sa kanyang mag kabilang kamay ang dalawa nitong kasamahan. “Tama na Tasya, t-tama na.” Pakiusap ni Chloe na may daplis na luha sa kanyang mga mata pero nag patuloy lamang ito sa kanyang ginagawa hanggang mag sawa ito. “T-Tama na please,” anong pwersa ang sumanib kay Chloe na maka wala sa pag kakahawak sa kanyang kasamahan at lumapit sa gawi ni Tasya para awatin pero hawak ni Tasya ang inumin at walang ano-ano sinaboy sakanya ang buong laman no’n na kina-basa ng kanyang mukha at mabasa rin ang suot niyang uniforme. Mabilis ang kilos ni Tasya, na sinampal siya muli nito ng kay lakas sa pisngi at doon na pumatak ang luha sa kanyang mga mata na kanina niya pa pinipigilan. May konting kirot sa ginawa nitong pag kakasampal sakanya at tinignan ito: “Pangit kana nga, sinunggaling ka pa!” Buong gigil na asik nito at domoble ang galit sa mata. “Huwag kanang mag maang-maanggan pa sa akin. May naka kita sainyong dalawa ni Bernard sa parking area no’ng isang araw, at nakuha mo pa talaga na mag makaawa sa boyfriend ko para balikan ka?” Pang iinsulto nitong wika at wala siyang maisagot. Hindi na rin siya magugulat kong may makaka kita o malaman ng ibang tao ang kanyang ginawa dahil bukas ang taenga at taenga ng bawat estudyante sa mga nangyayari. “Ganiyan kana ba ka despirada? Kaya siguro binantaan at pina-bugbog mo si Bernard kasi hindi ka niya binalikan. Nakaka awa ka.” Lumapit sakanya si Tasya at marahas na hinawakan ang kanyang buhok at kinaladkad pasunod palapit may locker. Iyak lang siya nang iyak siya ng sandaling iyon. Sa gilid ng kanyang mga mata, hinahanap niya kong may tao na pwedeng mahinggian niya ng tulong pero wala siyang makita. “T-Tama na please, nasasaktan na ako.” “Talagang masasaktan ka sa akin.” Marahas na hinablot ang kanyang buhok na kina-tingin niya sa mukha ni Tasya. “Kong ano ang ginawa mo sa mukha ng boyfriend ko, iyon din ang gagawin ko sa pag mumukha mo! Babasagin ko ang pangit mong mukha!” Nanalaytay sa kanyang kalamanan ang pinag halong takot at kilabot sa sinabi nito na totohanin nito ang pag babanta. Tinaas ni Tasya ang kaliwa nitong kamay para sampalin ako, na kina pikit ko naman ng kamay. Ilang segundo siyang nag hintay pero wala akong naramdaman. Nanginig ang katawan niyang, minulat para silipin si Tasya pero kaagad naman kumalabog ng malakas ang kanyang puso na hawak na nang bagong dating ang kaliwa nitong kamay na isasampal sana sa akin. Tumitig ako sa mata ng bagong dating na puno ng galit at lamig at tuluyan na nang lambot ang aking tuhod na makilala ito. Taurus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD