Chapter 14

2729 Words
Chapter 14 CHLOE'S POV "Nalalapit na ang intramurals, Chloe." Kinikilig na kwento sa akin ni Nadya na mag kasabay kaming dalawa nag lalakad. Kakatapos lang ng klase nila sa araw na ito at nag kataon naman nag kasabay silang dalawa na maaga ang labas na pasado alas tres pa lang ng hapon. "Excited na talaga ako sa Monday, ikaw ba?" Bumaling ng tingin sa akin ang pinsan ko at simple na lang akong ngumiti. Lahat na ng studyante excited na sa lunes para sa nalalapit na intramurals, malayong-malayo pa naman ang lunes kong saan gaganapin iyon abala na ang mga estudyante sa campus at ang iba pa sakanila nag eensayo at nag hahanda sa mga kasali sa mga palaro kagaya ng basketball, tennis, volleyball at kong ano-ano pang sinalihan nila para sa parating pa lang na event. Simula sa lunes, hanggang byernes ang ganap ng intramurals nila sa school. Paano kaabala ang mga estudyante sa nalalapit na event, ganun rin ang teacher at iba pang staff sa University sa kanilang pag hahanda. "Medyo," sagot ko naman dahil hindi naman ako interesado sa mga ganung bagay. Kapag talaga intramurals, pumapasok lang naman ako, dahil habol ko lang naman ang attendance dahil dagdag points daw iyon sabi pa ng ibang Professor namin. "Basta pumasok ka sa lunes ha? Manunuod tayo ng mga games at iba pang activities dito sa school, minsan lang na mag enjoy tayo kaya sulitin na natin.. Panigurado kapag natapos na naman ang event na ito, balik na naman tayo sa totoong mundo, na madugo na naman na pag aaral at exam ang sasalubong sa atin." Naka nguso pang lintarya ng aking pinsan. "Oo, papasok ako." Sinimanggutan lang ako ng pinsan ko. "Paminsan talaga duda ako sa mga sinasabi mo, Chloe eh. Baka mamaya niyan, hindi kana lang pumasok." Anito na pinaningkitan pa ako ng mata. "Oo nga, papasok ako. Sayang din naman ng points at attendance." Wika ko pa. "Gusto ko iyan na iniisip mo. Mag eenjoy at susulitin natin ang isang linggo na intramurals, dahil panigurado maraming mga pogi akong makikita." Pinag dikit pa ng pinsan ko ang kanyang palad at kahit gising, nanaginip ito sa mga poging mga lalaki. "Makikita ko na naman ang mga crush ko at mag papa cute ako sakanila kapag nakita ko sila. Hihi." Kinikiliti na parang kiti-kiti ang pinsan ko sa tabi ko na kina-iling ko naman ng ulo. Hay naku, Nadya. Hindi ka pa rin talaga nag babago. Nag patuloy lamang kami sa pag lalakad ng pinsan ko at ilang segundo nag salita itong muli. "Chloe." "Hmm?" "Rinig ko sa usap-usapan sa ibang blocks ng mga estudyante na naka labas na daw si Bernard ng hospital, pero sa kasamaang palad hindi siya makaka sama sa palaro ng basketball sa araw ng Intramurals sabi ng coach dahil hindi pa gaanong magaling ang kanyang mga sugat." Salaysay ni Nadya at hindi na lang ako umimik. Panigurado nalulungkot at dismayado si Bernard sa pag kakataon na ito, na hindi siya makakasali sa palaro. Buhay ni Bernard ang pag lalaro ng basketball at mahirap siguro para sakanya na ganito ang kanyang sitwasyon. Simple na lang akong ngumiti, at para sa akin maayos na sa kalooban ko na kahit hindi ko man siya makita na nag lalaro ng basketball. Basta lamang makita ko siyang maayos at nag papagaling, okay na ako doon. "Aba, ngumiti kana naman, gaga." Hirit ni Nadya na kaagad nawala ang matamis ang ngiti sa aking labi na mapag tanto na kanina pa siya naka titig sa akin. "Oh, ano umaasa kana naman sa tarantado na iyon? Tigilan mo na ako Chloe, at huwag kanang mag ilusyon na babalikan ka pa ng gagong iyon. Huwag ako." Pag susungit ng pinsan ko at sinunggitan na lamang ako nito. Sa labis na inis ng pinsan ko, inunahan na ako nito mag lakad at sinundan ko na lang siya na bagsak ang balikat. **** Araw na nga ng lunes at abala na ang mga estudyante, nag simula na ang event sa araw ng intramurals at lahat excited na. Kagaya pa rin ng dati, marami kang makikita na mga estudyante na kanya-kanya sa kanilang ginagawa kasama ang kanilang kaibigan o ang iba naman ang kanilang kasintahan. Sa unang araw, masaya naman at nag karoon lamang ng event kagaya ng singing contest, palaro at dance contest pa. Sa pangatlong araw, masaya pa rin at ang eenjoy ang lahat, well almost. Hindi naman ako interesado sa ganitong lumalabas at nag eenjoy, mas gusto ko pa kasi talaga ang nasa bahay lamang at nag aaral hindi iyong lumalabas. Wala naman talaga akong choice, kundi ang pumasok sa school dahil nga sa kailangan ko ang attendance. Mahalaga pa rin sa akin ang mag karoon ng mataas na grades at ayaw kong bumaba lamang iyon dahil hindi ako pumasok. "Halika na, bilisan mo na Chloe." Hatak-hatak ni Nadya ang pulsuhan ko at pinapasunod lamang sa kanyang gustong puntahan. Labag man sa akin na sumama, ngunit nag patanggay na lamang ako sa pag hila niya sa akin dahil alam ko naman na hindi niya naman ako tatantanan. "Mahuhuli na tayo sa laro eh." Anito na hindi na makapag hintay pang maka punta kami. "Sandali lang kasi Nadya." Himutok ko pang wika ngunit hindi niya ako pinakinggan. "Saan ba kasi tayo pupunta at kailangan mo pa talaga akong hilahin?" Himutok ko pang wika na naka nguso na. Pasado alas dyes na ng umaga at kakatapos lang nila kumain ng mga tinitinda sa Campus na mga pag kain, at bigla na lang siyang hinila nito kong saan. "Basta, makikita mo na lang kapag naka rating na tayo doon." Anito at ngayon ko pa lang nakita ang pinsan kong sabik na sabik. Hindi naman kasi ugali ng pinsan ko ang masabik sa isang bagay lalong-lalo na sa araw ng Intramurals. Hindi pa rin binibitawan ni Nadya ang kamay ko at nilalampasan na namin ang ilang mga estudyante, na madaanan o kaya naman maka salubong namin. Medyo napapalayo na nga kami, ng pinsan ko hanggang ilang minuto maka lipas, huminto kami sa mga nag kukumpulan na mga estudyante sa field. Malawak iyon at karaniwan ginagawa ang mga patimpalak o kaya naman ang mga palaro doon. Lumakas na ang sigawan ng mga estudyante at ang iba pa nag hihiyawan pa ang mga ito, na hindi ko talaga matukoy kong ano ba ang meron kong bakit ganun na ganun na lang talaga ang malakas na sigaw at pag cheer pa ng mga ito. "Anong meron?" Taka ko pa tin na wika at hindi ko matuloy kong ano ba ang nangyayari dahil napapalibutan ng mga estudyante sa sabik na sabik ang field. Hindi ko rin masilip dahil nasa parteng likuran na kami ni Nadya ng mga taong nandon. "Mag e-enjoy ka kapag nakita mo na Chloe." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ng pinsan ko at hinatak niya na ako papasok at suminggit sa mga estudyante. Nakipag siksikan pa kami sa mga taong nakikinuod at ang ilan pa sa mga ito nagalit at hindi nila nagustuhan ang biglang pag singit namin ng pinsan ko. Nahihiya na talaga ako sa ginagawa namin pero si Nadya, wala siyang pakialaman kahit sungitan man kami ng mga mas nauna pa sa amin naka rating. Hindi binitawan ni Nadya ang kamay ko hanggang tuluyan na nga kami naka singgit at pumwesto kami sa parteng unahan na talaga. Doon ko nakita mismo sa aking mga mata ang kanilang pinag titilian kanina pa. Doon sa malawak ns field, may mga teams na nag lalaro at lahat sila mga lalaki. Iba-ibang mga course at year na rin ang mga ito, pawang sila matatangkad masasabi ko talagang may mga itsura. Kaya naman talaga; ganun na ganun ang pag hiyawan ng mga kababaihan dahil guwapo ang manlalaro at pawang sa kanila sikat na talaga sa University. Pag dating namin ni Nadya mukhang patapos na nga ang laro, at nag sisipa sila ng bola na hindi ko maintindihan ang laro na iyon dahil ngayon ko pa lamang nakita. Nag hihiyawan sila kapag naka strike, na hindi ko naman talaga magets ang mechanis ng laro. "Go! Go!" Hiyaw ng pinsan kong napapa-takip na lang ako ng taenga at nakikipag sabayan rin siya sa mga sumisigaw sa likuran namin. "Ano bang laro ito Nadya, hindi ko maintindihan." Bulong kong nilapit ang taenga ko sa pinsan ko para marinig niya ang sinabi ko. Baka kasi hindi niya marinig dahil sobra talagang inggay na hindi na mag karinigan ang lahat. "Ang laro na ito kickball." Anito na mapa taas na lang ako ng kilay. Kaya naman pala, hindi gaanong familiar sa akin. Sa iba siguro alam nila ang laro na ito, pwera na lang sa akin na hindi naman talaga interesado pag dating sa sports. "Bakit ba naman kasi tayo nandito? Wala naman akong hilig manuod sa mga ganitong laro, Nady——" "Shhh!" Pag papatigil nito sa akin na ayaw mag pa istorbo at focus na focus talaga siya sa kanyang pinapanuod. "Sumabay kana lang sa akin, Chloe at isa pa nandito si Taurus." Kinikilig nitong wika na mapa-awang na lamang ako ng labi. Ha? Si Taurus? "Ayun siya Chloe oh." Kinikiliti na parang bulate ang pinsan ko at may tinuro ito sa parting gawi ng mga lalaking lalaro sa field. Sa labis na kuryusidad ko sinundan ko kong saan siya naka turo at natigilan ako na makita si Taurus, na isa sa mga manlalaro. Naka suot ito ng blue na uniforme, ganun din ang kanyang mga ka-team. Pawisan ito sa kanyang itsura at kahit ganun, hindi pa rin nababawasan ang natata-tangi nitong ka-guwapuhan. Well ma itsura naman talaga siya, pero hindi ko pa rin type. Hindi ko alam kong ilang segundo akong naka titig sakanya, na naka sentro lamang ang atensyon nito sa game. Seryoso mag laro si Taurus at kahit malamig ang kanyang pinapakita na emosyon, bumagay naman sakanya. Lalo siyang umanggas at ang kanyang dating, grabe. Ibang-iba kumpara sa tuwing nakikita o kaya naman nakaka salubong ko siya sa Campus. Ngayon lumabas ang kanyang pagiging competative sa kalaban nilang team. Hindi talaga ako makapaniwala, na marunong pala siya mag laro ng ganito. Nakilala ko kasi si Taurus, na tahimik lamang at naka focus sa pag aaral, hindi ko alam na magaling at may talento rin pala ito pag dating sa mga sports. "Go, Taurus. Kaya mo iyan." Sigaw naman ng pinsan ko na maririnig mo na lang ang malakas niyang sigaw sa katahimikan ng mga taong nanunuod. Todo suporta pa lang siya at ilang beses niyang tinawag at chineer ang pangalan ni Taurus nang paulit-ulit. "Go, Taurus! Whooo!" Sigaw nito na naka lagay na ang dalawa niyang kamay sa bibig para sa ganun lumakas ang pag sigaw nito. "Nadya, tumigil ka nga diyan." Sita ko naman sa pinsan ko na ayaw makinig at ako naman ang nahihiya sa kanyang pag cheer dahil nag iisa lamang siya. "Ang lakas-lakas naman ng boses mo, nakaka hiy——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na ang mata ko na naka titig kay Taurus, at bumaling siya sa direksyon namin ni Nadya. Natigilan naman ako at kay lamlam at seryoso niya ako tinitigan sa mata. Isa. Dalawa, Tatlo Apat Lima. Limang segundo niya ako tinitigan at ibang-iba para sa pakiramdam ko ang pag titig nito na may ibig sabihin na hindi ko mawari. Nanikip ang dibdib ko at hindi ko maiwari ang mararamdaman ko sa kakaibang paraan ng pag titig nito sa akin. Gusto ko man ibawi at putulin ang pag titigan namin sa mata pero hindi ko na magawa dahil nanigas na ang katawan ko. Kahit bawiin ko man iyon, huli na rin. Si Taurus na ang pumutol ng titig namin na dalawa at tinuon na lamang nito ang atensyon sa pag lalaro, na maka hingga naman ako ng maluwag. "Chloe, omg. Omg. Tumitig siya sa akin." Kinikilig na wika ng pinsan ko na hindi na mapigilan ang sarili na niyugyog nito ang balikat at halos tumalon-talon na sa sobrang kilig. "Nakita mo iyon? Ahh! Napansin niya ang pag cheer ko sakanya, Chloe." Kulang na lang mapunit ang matamis na ngiti sa labi ng pinsan ko samantala naman ako tahimik lamang at ngumiti ng pilit sakanya. Hindi ko pa rin maipaliwanag sa sarili ko ang malamlam na pag titig sa akin ni Taurus. **** Hanggang matapos ang laro, bukam-bibig pa rin ng pinsan ko si Taurus. Pinag malalaki niya rin ito at sinasabi kong gaano ito kagaling sa pag lalaro. Ilang beses ito nakaka-puntos kanina at tuluyan na nga nilang naipanalo ang laro dahil na rin malaki na rin ang agwat ng kanilang team sa score. "Diba tama ako, ang pag cheer ko kay Taurus ang nag panalo sakanila kanina." Singit na kwento ng pinsan kong ngini-ngitian ko na lamang. Kanina pa siya nag ku-kwento at hindi na talaga matapos-tapos. Mag kasama kaming dalawa ngayon sa parteng likuran ng building kong saan maraming mga puno ang naka tanim. Ma presko at sariwa ang hangin dahil napapa-libutan ng mga matataas na kahoy at open area din iyon, kaya't bwelong-bwelo na pumasok ang ihip ng hahgin. May mga upuan naman na pinasadyang nilagay malapit sa puno kaya't hindi tumatagos ang nakaka pasong init ng araw sa balat namin. Malimlim doon at kakatapos lang namin ni Nadya mananghalian. May mga estudyante na rin ang nag lalakad sa field at ang iba naman pinili mag paiwan dahil mamaya mag re-resume ang event mamayang ala-una ng hapon at doon naman gaganapin sa auditorium mamaya. "Kailangan ba talagang gawin ito, Nadya?" Naka nguso kong wika na kasalukuyan na mag katabi kami ni Nadya naka upo sa upuan at nilalagyan ako ng make-up sa mukha. Ako ang pinag pra-practisan ng pinsan ko na mahilig mag make-up. "Oo, kailangan para maging pretty ka kagaya ko. Hihi." Anito at nilagyan pa niya ng foundation ang mukha ko na mapa-pikit naman ako. "Kahit ano man gawin mong pag papaganda sa mukha ko, hindi na ito mag-babago. Ang pangit, ko at tignan mo ang dami pang mga tigyawat."himutok kong wika. "Mag trust the process ka kasi, Chloe. Kailangan ko lang na pantayin ang foundation at concealer para matakpan kahit ngayon lamang ang mga babies mong mga tigyawat." Anito na naka ngiti na. "Ayaw ko na Nadya at isa pa ang kati-kati sa mukha." Reklamo ko pa dahil makati na rin talaga at ang mabigat sa mukha. Hindi ko alam kong hindi lang ba ako sanay sa mga ganito at pampaganda. Wala akong kahilig-hilig sa pag mga cosmetic at mga skin-care. Wala naman akong nilalagay sa mukha ko tanging pulbo lamang sapat na ako doon. "Hindi talaga ako komportable sa mga ganito, Nadya." Wika ko pa na naka nguso na. "Konti na lang, matatapos na ito." Anito. Pag tatapos nito sa pag aayos sa akin at nang matapos na ang pinsan ko, lumawak ang ngiti sa labi niya. "See, maganda ka maman talaga. Need mo lang talaga ayusan ng bongang-bonga. Hindi na kailangan ng himala para maging pretty ang pinsan ko. Hehe." Pinaharap sa akin ni Nadya ang salamin at nakita ko ang aking itsura. Simple lang naman ang nilagay nitong make-up at masasabi kong may talento naman talaga ang pinsan ko sa pag aayos. Gumanda naman ako kahit na konti, pero okay na rin. "Dito ka lang ha? Mag babanyo lang ako sandali, huwag mong aalisin ang nilagay kong make-up sa'yo ha, kundi magagalit talaga ako." Pinanlakihan ako ng mata ng pinsan ko at tumayo na ito at nag mamadali ng umalis, Naiwan na lamang akong naka-upo sa upuan na ang aking atensyon naman hindi pa rin natapos sa pag titingin ng sarili ko sa salamin na hawak ko. May ilan-ilan naman na mga estudyante ang mga nag lalakad malapit sa pwesto ko pero may kalayuan din naman sila sa akin. “Hmm, diba sinabi ko sa’yo na mas gusto ko pa rin ang wala kang make-up.” Bigla naman ako napa tigil ng marinig ang boses sa aking likuran. Mabilis ko naman kina-lingon para hanapin kong saan nag mumula ang malagong na boses, at kusa akong natigilan na mag tag tagpo ang aming mga mata. Bumilis ang kalabog ng aking puso at kinabahan ako na makilala ko, kong sino nga ito. Nakita ko ang lalaking naka tayo sa gilid ko at malamig akong tinitigan. “T-Taurus,” iyan na lang ang nasambit ko at kusa ko ng naibaba ang kamay kong may hawak na salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD