Chapter 8

1642 Words
Chapter 8 Taurus? Maski si Chloe hindi makapaniwala sa kanyang nakita na hawak-hawak na ngayon ni Taurus ang pulsuhan ni Tasya, para lamang pigilan ang kamay nitong isasampal sana sa akin. Nabigla din ang mukha ni Tasya at kahit na rin ang mga kasamahan nito, hindi inaasahan ang bigla-bigla na lang pag sulpot ni Taurus na pag dating. Ang gulat sa mukha ni Tasya, naging panandalian lamang at sa isang iglap naging malamig ang mata nitong binabawi ang kamay sa pag kakahawak sakanya ni Taurus. “Bitawan mo ang kamay ko, ano ba.” Nainis na ang tono ng pananalita nito na hindi pa rin binibitawan iyon ng binata, malamig ang pakikitungo at paraan ng titig niya dito. “Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, bitawan mo ang kamay k—-Aray!” Daing ni Tasya sa sakit na walang pag aalinlangan na pinilipit ni Taurus ang pulsuhan na kina-lukot naman ng mukha nito sa sakit, at ang mata nama’y nag sasabi na nasasaktan na ito sa ginawa ni Taurus sakanya. “T-Tama na, ano ba! Ang sakit na.” impit na pakiusap ni Tasya dito na lalong diniinan pa lalo ang pag kakapilipit ng kamay nito na hihinggi na ito ng tulong sa kanyang mga kasamahan na maski ang mga ito’y hindi na naka kilos sa labis na pag kabigla. “Ano bang problema mo?” Hirap na wika sa pamamasa-masa ng mata. “Anong problema ko?” Umawang ang gilid ng labi nito at sa paraan na iyon kay dilim ng mustra ng mukha ni Taurus at nakakatakot siya. “Tatangunin mo pa talaga, na paharang-harang kayo sa locker ko at hindi ako maka daan.” Nakakatakot na wika ni Taurus “Bitawan mo ang kamay ko, you will regret this!” Banta ni Tasya at wala man lang naramdaman na sindak sakanya si Taurus, bagkus ngini-ngitian lamang iyon. “Talaga? Sa paanong paraan, ganito ba?” Diniin pa lalo ang pag kakapilipit a braso nito kasabay ang malakas na unggol nito sa sakit at sumabay nang gumalaw ang kaliwang balikat ni Tasya. “Gusto mo bang baliin ko kamay mo? Tignan lang natin kong magawa mo pang makapag cheerleading pag katapos nito.” Tumitig si Tasya sa mata ni Taurus, na maluha-luha at may pag mamakaawa sa mata. “T-Tama na, ang sakit na. I’m sorry.” Impit na pakiusap ni Tasya dito. “Sorry na kasi, tama na please.” Pakiusap nito at walang pag alinlangan na binitawan ni Taurus ang kamay ni Tasya at kulang na lang tumalsik ito sa lakas nang impact, at napa subsob sa kanyang mga kasamahan. Nasalo naman si Tasya ng mga kasamahan nito at hawak-hawak pa din ang kabilang kamay, dinarama ang sakit na pag kakapilipit sakanya ni Taurus doon. “What?” Sindak ni Taurus dito at kumaripas na silang tumakbo na para bang takot na takot. Pinapanuod ko lamang ang malapad na likod ni Taurus sabay pinunasan ang nabasa kong uniforme na sinaboy sa akin ni Tasya kanina. Sobrang lagkit na ng kanyang katawan at para na siyang basang sisiw sa kanyang itsura. Ang pangit niya na nga, basang-basa pa din siya ng inumin. Naiiyak na lamang siya na tinignan ang kanyang mga gamit na nasa sahig na tinapon kanina ni Tasya, yumuko na siya at simulang pulutin isa-isa ang kanyang mga gamit na mamasa-masa ang mga mata. Habang pinupulot niya iyon, pinapapag niya ang kanyang gamit para maalis ang dumi na kumapit doon na pag apak kanina doon ni Tasya kanina. Naiiyak na siya sa kanyang sarili na kong bakit, siya ang sinisisi ni Tasya sa pag kaka aksidente ni Bernard kahit wala naman siyang kasalanan doon. Dumadaloy na lang ang luha sa kanyang mga mata at nang matapos na niyang pulutin ang mga gamit niya at ilagay sa bag, pag ayos niya ng tayo wala na doon si Taurus. Tumingin pa siya sa kaliwa’t-kanan para hanapin ito pero hindi niya na makita ang binata. Bago umalis, tumitig siya sa locker kong saan malapit ang locker niya at wala siyang makita na naka ukit na pangalan ng binata doon kagaya ng sinabi nito. Ano? Wala ang pangalan niya dito? Bakit sinabi niya kanina, na paharang-harang kami ni Tasya sa locker niya? **** Napag pasyahan ko muna na pumunta sa comfort room para mag hilamos ng aking katawan at panlalagkit ng aking katawan na rin sa inumin na tumapon sa katawan ko. Nag color brown na ang puti kong uniforme na suot, sa inumin na sinaboy ni Tasya at lumabas na ako sa comfort room para maka uwi na at doon na lang mag bibihis. Wala naman siyang dalang pang malit kaya’t sa bahay na lang siya mag bibihis. Pag labas na pag labas ko, ang katahimikan na hallway ang sumalubong sa akin at wala na rin akong makitang ibang studyante na dumaraan. “Ay putiki!” Kamuntik na akong mapa lundag sa pag kagulat na makita ko ang lalaki na naka sandal sa pader sa gilid ng pinto ng comfort room. Kaagad din naman ako napa hawak sa aking dibdib, at napaka lakas ang pintig no’n. Ang lalaking naka sandal sa pader, kay lamig akong tinignan sa mata at para bang kanina pa ito nag hihintay mula sa akin sa labas. Kusa na lang akong napa lunok sa sarili kong laway na mapa titig sa guwapong mukha nito at ang kanyang posisyon na pag kakasandal doon, napaka anggas at cool niyang tignan. “T-Taurus.” Iyan na lang ang nabanggit ko na hindi inaalis ang mata ko sakanya. Anong ginagawa niya dito? Eh comfort room ito ng mga babae. “S-Sinusundan mo ba ako?” Hindi ko malaman kong saan ko inipon ang lakas sa dibdib ko na maitanong iyon sakanya. Imposible lang na dito siya tatambay , eh pang babae itong comfort room. At malayong-malayo din na may hinihintay siya mula sa loob at ako lang ang mag-isa doon. “Just checking on you.” Bored na wika nito na inalis ang sarili sa pag kakasandal. Para akong timant na pinapapanuod na lang siya na inalis ang sarili niya doon at hinarap ako. “A-Ano?” Hindi pa rin nag si-sino in sa utak ko ang sinasabi niya. Check sa akin? Bakit naman? At ano naman ang rason? “Bakit ba?” Inayos ko ang pag kaka ayos ng makapal kong glasses at napa-ngisi pa ito sa tanong ko, masasabi ko lang na ang guwapo niya doon. “Seriously? Umiyak ka dahil sa kanila?” Matapos suriin ako nagawa niyang mag salita muli. Nahihiya naman akong inayos ang sarili ko, at ikubli ang pamamasa ng mata ko kagagaling lamang sa pag iyak pero mukhang huli na dahil nakita na nito na umiyak ako. “O-Oo.” Para saan pa kong itatago ko rin naman sakanya ang totoo, kong alam niya din naman. “Sinisisi nila ako sa pag kaka aksidente ni Bernard, na wala naman akong kinalaman doon. Hindi ko naman sila m-masisisi dahil noon paman talaga, ayaw na nila sa aki——“ “Ako ang may gawa no’n.” Naputol ang anumang sasabihin ko na mag salita siya muli. Takang-taka akong tumitig kay Taurus, kahit mahina lamang klarong-klaro sa pandinig ko kong ano man ang sinabi niya. “Ano?“ “Hindi ko na uulitin kong, ano man ang sinabi ko.” Masungit na wika nito at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa at umayos ng tindig. “I-Ikaw ang nanakit kay Bernard? Bakit? Bakit m-mo siya sinaktan?” Mahina kong tinig at tumitig lamang sa mata nitong walang bahid ng emosyon at galit. Bakit kailangan pang saktan niya si Bernard? Ano bang kasalanan nito para gano’n ang gawin niya dito? “Dahil sinaktan ka niya.” Matabang na pag kakasabi, at nainis naman ako sa naging rason niya. “Ano bang pakialam mo kong sinaktan ako ni Bernard? At b-bakit ba nakikialam ka?” Sagot ko at may galit sa aking tono. “Wala naman siyang atraso sa’yo ah, bakit mo siya binugbog? Tignan mo ang ginawa mo, akala nila ako ang may gawa sa pag kakabugbog ni Bernard at tingin nila sa a-akin napaka sama. ” “f**k! I’m just trying to help.” Sumagot naman ito sa akin at halatang iritado sa aking naging reaksyon. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Sino ba nag sabi sa’yo, na hihinggi sa’yo ng tulong huh? Bakit ka ba nanghihimasok sa buhay ko? Sino ka, huh!” Sigaw ko at hindi ko na mapigilan ang sariling kong mapa iyak sa harapan niya, hindi lamang sa nag aalala ako kay Bernard kundi dahil na rin sa pakikialam niya. “Lalo mo lang pinaka-komplekado ang sitwasyon ko, babalikan nila ako at dahil diyan ibu-bully at kukutyain na naman nila ako.” “Damn it!” Matinis na mura ni Taurus at nakita ko ang pag tagis ng kanyang panga sa galit. “Bakit ka pa nagagalit sa akin? Tinuruan ko na nga ng leksyon ang tarantadong iyon! Huwag mong sabihin, na mahal mo pa rin ang hayop na iyon kahit sinasaktan kaniya!?” Hindi ako naka sagot sa malakas nitong sigaw sa akin. Umagos na lang ang luha sa mga mata ko at galit-galit sa pangingialam niya. Gusto ko ng katahimikan sa buhay ko, at dahil sa pangingialam niya kukutyain at pag tatawanan na naman ako ng mga estudyante. I bubully na naman nila ako. Inis na napa suklay si Taurus sa buhok nito sa labis na galit, at katahimikan ang sumagot sakanya at hindi na ako sumagot pa. Uyam itong tumitig sa akin, at umawang na lang ang gilid ng labi nito sabay martsa na galit na galit at iniwan ako. Sinundan ko na lang si Taurus na mag lakad palayo hanggang mawala siya sa aking paningin. Mabilis ko naman pinunasan ang daplis na luha sa pisngi ko na pag agos no’n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD