Chapter 32

2194 Words
Chapter 32 CHLOE'S POV Natigil na lamang ako sa pag aaral nang bumukas ang pintuan at lumuwa si Mama sa may pinto, na may ngiti sa labi. Niluwagan nito ang pag kakabukas ng pintuan at kina-pasok sa aking silid. Konti na lamang ang naka bukas na ilaw sa aking silid dahil malalim na ang gabi. Alas onse pasado na nang gabi pero heto, puspusan pa rin akong nag aaral sa aking kwarto. "Dinalahan kita ng gatas." Hawak sa kabilang kamay ang tinimpla nitong gatas para sa akin. Lumapit si Mama at pinatong nito ang gatas sa ibabaw ng study table kasama nang mga gamit at notebook ko na naka lagay din doon. "Inumin mo na ito habang mainit pa." Paalala nito, na tinabi ko naman ang ibang mga gamit ko. "Salamat Ma." Wika ko na lamang at nanatili ito sa gilid ng pwesto ko pinag mamasdan ako. Nababasa ko din na may gusto itong sabihin sa akin. "Bakit po Ma?" Tanong ko na lamang at kinuha ang tinimplang gatas, malayang sinimsim ang laman no'n. "Nag kita pala kami ng pinsan mong si Nadya kahapon." Pag bubukas nito ng usapan, at ang taenga ko naman nakikinig sa susunod pa nitong sasabihin. "Hinahanap ka sa akin ng pinsan mo, gusto daw mag pasama sa'yo sa Mall. Ang sinabi ko naman sakanya, wala ka kasi kasama mo ang nobyo mo." Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong gatas sa sinabi ni Mama. Lumakas ang pintig ng aking puso, at sa isang iglap may takot at pangamba ang lumukob sa pag katao ko na binanggit ni Mama kay Nadya ang bagay na iyon. "H-Ho? Sinabi mo si kay Nadya ang tungkol kay Taurus?" Tuluyan nang nag hina ang tuhod ko sa mga nangyari, kong sakali lang talaga na naka tayo ako baka kanina pa ako natumba. Pinangangambahan ko na malaman ni Nadya ang tungkol sa aming dalawa ni Taurus. Paano na ito? Anong gagawin ko? Gustong-gusto ko na talaga aminin kay Nadya ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Taurus, subalit biglang nanaig ang takot at konsensiya ko na makita ko siyang umiiyak kahapon. Natatakot ako. Naging duwag bigla ako, sa maaring maramdaman ni Nadya kapag nalaman nito ang totoo. Mahalaga sa akin si Nadya, kaya't hangga't maari iniinggatan ko ang nararamdaman niya. Alam kong masakit at masasaktan siya kapag nalaman niya kong anong relasyon na mayron kami ni Taurus, pero hindi pa talaga ako handa na sabihin sakanya ngayon ito. Hindi pa muna. Ililihim ko muna ito sakanya hangga't maari. Alam ko naman na walang sekreto, na hindi mabubunyag at alam sa sarili ko na malalaman at malalaman niya rin ang totoo kaya't hangga't wala pa. Mag iipon muna ako nang lakas ng loob at tyempo na sabihin kay Nadya ang totoo. Naririnig ko na ang malakas na pintig ng aking puso, na hindi inaalis kay Mama at isang matamis na ngiti lamang sa labi ang sinagot niya sa akin. "Huwag kang mag alala, hindi ko naman pinag paalam sakanya ang pangalan ni Taurus, sinabi ko lang naman na mag kasama lang kayo ng nobyo mo na umalis." Naka hingga ako ng malalim sa sinabi ni Mama. Nawala kaagad ang mabigat na naka patong sa aking dibdib sa katagang binanggit nito. "Ganun po ba? Sige po Ma." Alangan na lang akong sumagot sakanya. "Bakit hindi mo pa ba nasasabi kay Ndya ang tungkol sainyong dalawa ni Taurus?" "Hindi pa po Mama." Umiling na lamang ako. "Wala pa akong lakas nang loob na aminin sakanya kasi kapag sinabi ko sakanya ang tungkol sa aming dalawa ni Taurus baka, masasaktan ko lang ho siya." Natatakot kong wika na may lungkot pa rin sa mata ko. "Kong ano man ang rason mo, mas mabuti pa rin na sabihin mo sakanya ang totoo anak.." anito na humawak sa balikat ko. "Maiintindihan naman siguro ng pinsan mo kong ano iyan. Mga bata pa lang kayo, madalas na kayong mag kasama na dalawa at close na close kayo.. Mas mabuting masaktan na siya habang maaga pa, kaysa malaman niya pa iyon sa iba at baka madurog lamang ang puso niya kapag nag kataon na nagawa mong mag lihim at mag sinunggaling sakanya." Ngumiti siya nang kay tamis sa akin na sumukli na lamang ako. ***** Matapos naming mag kausap ni Mama kagabi, hindi ako naka tulog ng maayos dahil nangangamba at may bumabagabag na sa isipan ko kong sasabihin ko na ba sa pinsan ko ang totoo. Nag pakawala na lamang ako nang malalim na buntong-hiningga, pang ilan na iyon matapos akong maupo dito sa Cafeteria. Nag tatalo pa rin ang isipan ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Humigpit ang pag kakahawak ko sa notebook na hawak. Konti lamang ang mga estudyante ang kumakain ng sandaling iyon at pinili kong pumwesto na lamang sa pinaka dulo at malayo para naman maka-iwas sa ibang tao. Ganun na ganun ako, mas pinipili ko talagang maka iwas sakanila. Habang hindi pa nag sisimula ang klase, minabuti ko na munang tumambay sa cafeteria. Nag order na lamang ako ng kape, habang naka centro ang atensyon ko sa pag aaral. Medyo magulo na ang lamesa dahil naka patong doon ang mga ilang libro at notebook na parati kong bitbit. Konti lang naman ang mga estudyante doon kaya't nakapag consentrate talaga ako nang husto at ang iba naman hindi naman gaano maiinggay. "Haha, look mag-isa na naman ang pangit." Rinig kong bulong-bulongan ng ilang estudyante na napapa tingin sa gawi ko. "yea, what a freak." "Yea! Sino ba naman ang mag papangahas na makipag kaibigan sa weirdo na iyan. Look at her style, so gross! Kahit ako, hindi makikipag kaibigan sa pangit na iyan!" Iilan lamang iyan sa mga bulong-bulongan at pag lalait ng mga tao sa akin. Walang katapusan at napa lingon na lamang ako sa kabilang table, at naka upo doon ang tatlong babae na mga 'It girl' ang pormahan. Nag tatawanan pa ang mga ito, at hindi ako naka ligtas sa masama at may bahid na kahulugan na pag titig nila sa akin na para bang basura ako sa paningin nila. Hindi maalis-alis ang mata ko sa kabilang table at mag tagpo ang mata namin ng babaeng lider ng kanilang grupo, tinaasan na lamang ako neto ng kilay at nag taray pa. "What freak?" pag iinis nito, na gustong-gusto talaga mag hanap ng gulo. Imbes na patulan, umiwas na lamang ako ng tingin sakanila at patay-malisya na lamang. Ayaw ko nang madawit sa anumang gulo kaya't hangga't maari iiwas na lamang ako. Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa binabasa kong notebook, hanggang kusa na lamang ako napa tigil na mag tagpo ang mata naming dalawa ni Taurus. Kakarating lamang nito sa cafeteria at hawak nito ang tray lamang pag-kain at sa isang iglap naging nakaka takot ang mata nito sa gawi ng babaeng nag aasar sa akin, na nakita niya ang pangyayari. Hindi na kaagad maganda ang mustra ng mukha ni Taurus na papatol at papatol talaga kong nag kataon. Sa labis na takot ko naman, iniling ko na lamang ang ulo ko, nag papahiwatig na huwag na itong pansinin ang mga babae. Umiling ako sa takot, na nag papahiwatig na huwag niya na iyon patulan pa. "Huwag, please, huwag na." binuka ko na lamang ang bibig ko na walang tunog na lumabas doon at kabado na ako nang husto. Kilala ko ang ugali ni Taurus, papatol at papatol talaga ito kapag hindi niya nagugustuhan kong ano man ang nakikita niya. Naririnig ko na lamang ang malakas na pintig ng aking puso at kaba na lumukob sa pag katao ko, na hindi inaalis ang mata ko sa aking nobyo. "Huwag na, please," pahiwatig kong wika na walang tunog. Naintindihan naman ni Taurus ang pag papahiwatig ko pero wala pa ring katapusan na kay talim niya sa gawi ng mga kababaihan. Hindi matapos-tapos ang pag iling ng ulo ko na pakiusap sakanya, hanggang naka hingga ako nang maluwag na kusa na lamang ni Taurus na nilampasan ang mga babae sa table at dire-diretso na itong nag lakad, nag alit pa rin para mag hanap ng bakanteng pwesto, na hindi naman kalayuan kong saan ako naka upo. Nahimasmasan ang puso ko sa nangyari, na naka upo si Taurus at tuluyan nang hindi pinansin ang mga babae. "Chloe,"excited na naupo ang pinsan kong si Nadya sa bakanteng silya sa harapan ko lamang. Excited na ito at halatang hindi mapakali, panigurado kakatapos lang ng klase nito kaya't may energy na naman chumika. "Oh ang saya mo ata," puna ko naman. "Ako, masaya? Hindi ah pfft!" pag susungit nito, na nilabas ang paborito nitong suklay at sinuklayan ang mahaba at magandang buhok. Kahit saayos naman at hindi magulo ang buhok neto, hilig talaga niyang suklayan ang buhok para mapa natili ang kagandahan. "Nakita ko kanina ang ex- boyfriend mong si Bernard hayun parang linta na dikit na dikit na naman sakanya si Tasya. Ang sakit-sakit talaga nila sa mata kong minsan. Biruin mo naman na may napag diskatahan naman ang dalawa na I-bully ang bagong transferee, at exchange student pa." "Oh tapos?" bored kong sagot. Hindi naman ako interesado kong anong ganap sa buhay at mga pinag gagawa nila. Ewan ko ba na dati-rati naman kapag naririnig ko na ang pangalan ni Bernard, para na akong baliw na hindi mapakali pero ngayon wala na. Wala nang dating sa akin ang pangalan at kahit na rin presinsiya nito. "Oh tapos lang isasagot mo?" taking-taka na wika ng pinsan ko, na naka taas na ang isang kilay nito. "Bakit ano pa ba ang dapat kong sagutin, Nadya? Congrats, na masaya na sila, ganun ba iyon?" "Wala, naninibago lang ako dahil wala kanang pakialam sa gago na iyon, na dati-rati naman patay na patay ka sakanya." Kina-ayos nito na pag kakaupo sa silya. "Matagal na iyon Nadya, at tyaka naka move on na ako." "Mabuti naman, at nagising kana rin sa ka-praningan mo sa ex-boyfriend mo na iyan dahil gago talaga iyon."pag susungit ng pinsan ko. "Siya nga pala, nabanggit sa akin ni Tita na umalis ka daw kahapon at sinabi niya sa akin na may boyfriend kana raw?" pag bubukas nito ng usapan na sa isang iglap naman, napa hinto na lamang ako. Linunok ko na lamang ang laway sa lalamunan ko at kahit iwasan ko man ang tanong at maka hulugang titig sa akin ni Nadya, alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ako makaka ligtas sa maari niyang itanong sa akin. Patay! "Ikaw ha? Hindi kana nag chi-chika sa akin. Bakit hindi ko alam ang bagay na iyan ha?" "Wala iyon," alangan akong ngumiti at pilit na umiiwas sa magiging tanong nito. "So, si Tita na ang nag sisinunggaling sa akin, ganun? Sino ba kasi iyon? Kilala ko ba siya?" sunod-sunod na tanong at kino-korner niya na akong umamin na sakanya. "Wala talaga Nadya," "Ikaw ha, nag lilihim kana sa akin. Hmmp! Akala ko ba, wala tayong lihiman sa isa't-isa pero bakit kasama naman kita araw-araw wala kana man nababanggit sa akin na may nobyo kana pala. Nakaka tampo kana talaga ah." Pag susungit nito sa akin. Naka taas na ang isang kilay ng pinsan ko at nag lalaro rin sa isipan ko kong dapat ko na bang aminin sakanya ang totoo. Bahala na! Tama nga si Mama, dapat ko nang sabihin kay Nadya ang totoo. Bahala na kong magalit siya sa sasabihin ko. Inipon ko ang natitirang lakas sa dibdib ko, bago ko pag handaan na aminin ang totoo. "N-Nadya, ang totoo kasi niyan. Tungkol sa amin pala ng bago kong boyfriend," pag puputol ko nang sasabihin. "Okay lang at tyaka hindi naman ako galit, na hindi mo sa akin sinabi ang totoo na may boyfriend kana pala. No pressure cous, hindi rin naman kita kukulitin na kilalanin kong sino ang nobyo mo. Basta ang mahalaga sa akin na masaya ka," ngumiti siya sa akin ng matamis, "Talaga? Pero gusto ko talagang sabihin sa'yo Nadya kong sino ang boyfriend ko at sana, hindi ka magagalit sa sasabin sa'yo. Ang totoo talaga niyan, may relasyon kaming dalawa ni Tau----" "Hindi talaga, okay lang sa akin kong sino man ang mahalin mo basta huwag ka lang bumalik sa gago mong ex-boyfriend na si Bernard, huh?" anito at kina-sandal naman ng pinsan ko sa silya, na hindi inaalis ang mata sa akin. "Hindi naman siguro si, Taurus ang tinutukoy mong boyfriend mo, hindi ba? Kong oo man, magagalit talaga ako sa'yo Chloe." Seryoso at may laman na tinig niyang wika sa akin, na kaagad naman umatras ang dila at loob ko sa katagang binitawan niya. Sa isang iglap, umiba ang dating sa akin na pinapakita na emosyon ng pinsan ko. "H-Hindi naman siya," namutla na ang labi ko na pag tatangi, na kina-taas naman ng noo ng pinsan ko. "Good, mabuti nang nag kakaitindihan tayong dalawa," pinakita niya sa akin ang matamis na ngiti, na kina-simsim naman nito na inumin ang bottle juice na dala. Alangan na lang akong ngumiti sa pinsan ko pero naroon pa rin talaga ang kakaibang kilabot at pangamba sa puso ko. Paano na ito? paano na ako, mag kakalakas nang loob na aminin pa sa'yo ang totoo Nadya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD