Chapter 33

3115 Words
Chapter 33 CHLOE'S POV Araw ng sabado kaya't pag kahapon maaga rin naman ang uwi nila pareho sa klase. Kasalukuyan si Chloe, naroon sa bahay ng pinsan niyang si Nadya, at kapag ganun na mga sandali nag ku-kwentuhan silang dalawa o kaya naman nag mo-movie marathon para naman sa mga madugong week na babad nila sa pag aaral, makapag relax naman sila kahit konti. Matapos nilang mag movie marathon ni Nadya ng isang series sa netflix, inaayusan niya na sinusuklayan ang mahabang buhok ng pinsan samantala naman ito abala pag lalagay nang make-up sa mukha. Pangiti-ngiti pa ang kanyang pinsan na pinapanuod ang kanyang sarili na inaayusan ng makukulay na kolorote. "Gusto mo ba make-upan ulit kita? Lalagyan lang kita ng press powder." Prensinta nitong kina-tingin ko naman sa pinsan ko sa repleksyon sa salamin, umiling na lang ako bilang pag tatanggi. Ngumoso na lang si Nadya sa naging sagot ko at binaba ang press powder na hawak, sunod naman na pinag diskitahan nitong kunin ang pink blush- on at nilagyan ang pisngi nito para maging rossy cheeck na natural. "Ang KJ mo talaga," himutok nitong nilalagyan ang sarili na pang paganda. "Alam mo Chloe, kailangan mo rin mag ayos at pagandahin ang sarili mo. Ayaw mo bang ilabas ang natatago mong kagandahan?" Naka taas naa ng isa nitong kilay at hindi na lang ako sumagot pa. "Lahat ng mga estudyante sa Apollo University, nag papaganda at nag lalagay nang kong ano-ano sa katawan at mukha nila pero ikaw. Look at you, napang iiwanan kana, mas gusto mo pa rin maging manang." "Hindi na Nadya at hindi rin naman ako sanay sa mga ganun.. Mapapagod ka lang naman, wala naman akong kahilig-hilig sa mga ganiyan." Pinandilatan na lang ako nito. "May gahd, parati na lang ganiyan ang rason mo sa akin. Ako na nga ang mag sasagot sa pag pare-bond ng buhok mo at grand make-over sa'yo pero ikaw naman itong nag iinarte." Hindi na lang ako sumagot, dahil ilang beses na akong pinilit ng pinsan ko, ako lang naman ang tumatanggi. Mukha naman maganda ang suhesyon nito kaso hindi ko naman talaga hilig sa mga ganun. Mas komportable na ako, kong ano na ang itsura ko iyong natural lamang at hindi nag lalagay ng pang paganda sa mukha. Hindi naman talaga ako lumaki sa mga ganung hilig, na kahit nga ayusan at pormahan ko ang sarili ko wala rin sa akin. "Ewan ko ba sa'yo," hindi pa rin matapos-tapos ang pag hihimutok ng pinsan ko at kina-silip ko itong nag lalagay na ito nang lipstick sa labi. "Nag aayos ka ata ngayon, may pupuntahan ka ba?" Taka ko naman na tanong. Minsan ko nang nakita ang pinsan kong nag aayos at nag lalagay ng kong anong kaartehan sa sarili, pero ibang-iba ang ayos niya ngayon at naka suot pa ito ng magandang damit na labis ko naman pinag tataka. "Nagustuhan mo ba?" Nilagay ang hawak na lipstick sa table at kay tamis nang ngiti na humarap sa akin. "Bet mo ba ang looks ko ngayon? Pinag handaan ko na ang ayos ko kapag nag kita kaming dalawa ni Taurus. Sa tingin mo magugustuhan niya ito?" Kulang na lang mapunit ang labi nito sa lawak ng ngiti. "Siguro." Alangan kong sagot, na mabanggit na naman nito ang pangalan ni Taurus. Makikita mo naman kaagad sa kanyang mukha, na seryoso nga talaga siya sa sinasabi niya. "Mukhang gustong-gusto mo talaga si Taurus. Eh, kumusta na iyong iba mong mga crush?" Tanong ko pa at nag kibit balikat na lang ito sa akin. Maraming mga crush at gusto si Nadya sa Campus namin at nag tataka talaga ako nang husto na hindi na siya ngayon nag ku-kwento sa kanyang mga nagugustuhan, na dati-rati naman kinikilig at sabik na sabik siyang mag kwento sa tuwing nag kikita kaming dalawa. "Ahh sila? pfft!" Anito at kina-balik muli ng pinsan ko ang sarili sa harapan ng salamin at pinag patuloy ang naudlot na ginagawa nito. "Kinalimutan ko na ang mga crush ko at naisip kong hindi naman maganda na napaka rami kong crush, diba? So I decided na kay Taurus na lang ako mag focus. Hihi." Kinikilig pa nitong turan na mapa-hinto naman ako sa pag susuklay sa mahaba nitong buhok. "Bakit si Taurus pa? Eh, diba masungit iyon? Hindi ka nga niya pinapansin d-diba?" "I don't care," anito na may pag tataray sa boses. "Magugustuhan niya lang ako sa tinakdang panahon Chloe, just wait for it.. At isa pa, aawayin ko lahat ng babaeng lumalapit at kahit na rin magugustuhan ni Taurus." Puno ng diin nitong wika na may laman. Hindi na ako naka-imik pa dahil ramdam ko naman na seryoso talaga ang pinsan ko sa pag kakataon na ito. "Kaya't ikaw Chloe, kapag nagustuhan ka ni Taurus, aawayin rin kita." Bigla akong napa tingin sa repleksyon ng pinsan ko sa salamin, na mag tagpo ang aming mga mata. Kay galit at ibang-iba ang emosyon ang pinakita sa akin ng pinsan ko kaya't kinabahan talaga ako ng husto. "I'm serious about this one Chloe, gagawin ko lahat sa taong mahal ko at wala akong pakialam kong sarili ko pang tao ang makaka-away ko." May pag papahiwatig sa tinig nito. Hindi ako nakapag salita at kusa na lamang umatras ang dila ko na makita ang mata'y nitong kay dilim at may paninindak. Lumunok na lamang ako ng laway at kabado na ako, at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa labi ni Nadya na nakaka-kilabot. Sa isang iglap, nawala ang galit at kakaibang mustra ng mukha nito at kaagad naman napalitan ng mala-anghel na itsura. "Relax, namutla ka ata cous." Puna nito, na pangiti-ngiti pa at hindi na maalis ang labis na pangamba sa dibdib ko na mga nangyari. "Hindi naman mangyayari na aawayin kita kasi may boyfriend kana, right? Good thing lang talaga at hindi si Taurus ang naging boyfriend mo at baka mas nauna pa akong nabaliw." Dinadaanan na lamang ni Nadya sa biro ang kanyang mga sinasabi na kahit ganun, may laman lahat iyon. Naputol na lamang ang pag uusap naming dalawa, na may kumatok nang mahina sa pintuan na kaagad din naman lumuwa ang katulong na kina- pasok nito ang sarili sa loob ng silid ni Nadya. "Mam Nadya at Mam Chloe," anito na magalang na tinig. "Yes Manang?" Maarte na wika ng pinsan ko. "Pinapatawag po kayo ni Madam sa ibaba, may inihanda daw sainyo na meryenda." Tukoy nito sa Mommy ni Nadya. "Sige Manang thanks, susunod na kami." Tumayo na si Nadya at isa-isa na nitong inayos ang kanyang mga pinag gamitan na mga kolorete. Nag vow na lamang sa harapan namin ang matanda at pinag-paalam nito ang sarili na mauna nang bumaba. Nilagay ko na rin ang hawak kong suklay sa ibabaw ng table at ang pinsan ko na ang unang kumilos. Nang mapansin siguro nito, na hindi ako naka sunod sakanya kaya't bumaling siya ng tingin sa akin. "Ano pang tinatayo mo pa riyan, Chloe? Let's go na, nagutom na ako. Hihi." "Sige." Alangan na lamang akong ngumiti at nauna nang nag lakad ang pinsan ko palabas ng silid at kina-sunod ko na lamang sakanya. STILL CHLOE'S POV Mag tatakip silim na napag pasyahan kong nag paalam kay Nadya, imbes na dumiretso sa amin sinadya ko talagang pumunta sa pinaka malapit na Mall para bilhin ang ilan ko pang mga kailangan sa project at ilang gagawin namin sa school. Napa tigil na lamang ako sa pag lalakad, na mag vibrate ang cellphone ko sa kamay na kaagad ko naman binuksan para tignan, kong sino nag padala ng mensahe. May kong anong kilig at kiliti akong naramdam sa simpleng text message na natanggap ko mula sakanya. Taurus: "Asan ka babe? Date tayo ngayon." :) Kaagad din naman ako nag tipa ng text message na reply sakanya. "Sa susunod na lang Taurus, marami pa kasi akong gagawin sa school." Sagot ko pa. Taurus typing... Chloe typing... "Nasa Mall ako ngayon." Dugtong ko na lamang. Taurus typing... Taurus: "Saan ka ba? Sasamahan na lang kita." Presinata na lamang nito. Chloe: "Huwag na, madali lang naman ako dito at hindi naman ako mag tatagal pa." Pag tatanggi ko na lamang. Hindi lang sa ayaw ko siyang makasama, kudi mabilis lang naman ako dito sa Mall. Matapos kong bilhin ang mga kailangan ko, diretso naman akong uuwi sa amin para masimulan na ang mga gagawin ko. Marami pa kasi akong gagawin na kailangan kong tapusin kaya't gusto ko na rin talaga matapos ang mga gagawin ko para sa ganun, wala na akong iisipin pa. Taurus typing. Taurus: "Are you sure, na hindi na ayaw mo talagang mag pasama?" Chloe's typing... "Oo, sa susunod na lang tayo mag da-date okay? Pasensiya na talaga, marami pa kasi akong gagawin sa school eh. Bawi na lang ako sa'yo." Taurus typing: Taurus: Okay sa susunod na lang, take care. I love you [insert heart emoji.] Simpleng kisses emoji na lang ang ni replyan ko sakanya, at sinilid ko na ang cellphone ko sa bulsa. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad at sinadya kong pumunta sa second floor para pumunta sa national book store at bumili na rin ang mga kailangan ko. Medyo natagalan nga talaga ako doon, dahil na rin marami-rami rin naman ang nabili ko at sabayan pa ng mahabang pila sa counter. Sabado kasi, kaya't expected ko na talagang maraming tao sa ganitong mga araw. Matapos kong bumili ng mga kailangan ko, mag-isa na lang akong lakad na pauwi, hanggang marating ko na ako sa ground floor na may mag vibrate ulit ang cellphone ko sa bulsa kaya't kina labas ko naman. Hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa aking labi na baka si Taurus ang tumatawag. Ang aking pag kasabik na naramdaman kaagad din naman napalitan ng pag kadismaya na hindi si Taurus iyon. Kumunot na lamang ang noo ko na mapa titig sa unknown number na nag appear sa screen ng phone ko, kaya't takang-taka naman ako na paulit-ulit nag vibrate sa kamay ko. "Sino kaya ito?" Himutok ko na lamang na hindi inaalis ang mata kong napa titig na lamang sa cellphone ko. Ilang segundo akong napa hinto at kong anon a lamang ang kaba ang yumakap sa buong pag katao ko ng makilala ang numero na tumatawag sa akin. Kahit burado ko na ang numero, tanda ko pa rin ang number kong kanino iyon galing kasabay ang malakas na pintig ng aking puso. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko at naging blangko na lamang ang isipan ko ng sandaling iyon. Hinayaan ko na lamang na kusang namatay ang tawag at ang mag palambot pa sa tuhod ko ang mag padala ng text message na kina-bigla ko naman talaga. "Sagutin mo ang tawag, Chloe." "Si Bernard ito." "Asan ka?" "Mag kita tayong dalawa, hihintayin kita." Naririnig ko na ang malakas na pintig ng aking puso at tuluyan nang nanlamig ang buong katawan ko na hindi inaalis ang mata sa text message na pinadala sa akin ni Bernard. Ilang beses rin ako napapa-lunok sa sarili kong laway na hindi ko alam talaga ang gagawin ko. **** Natagpuan ko na lamang ang sarili ko, na pumunta sa lugar kong saan kaming mag kikita na dalawa ni Bernard, sa parking lot iyon ng Mall at wala gaanong tao. Napaka raming mga sasakyan ang mga naka park doon at mabibinggi ka talaga sa katahimikan ng lugar. Mahigpit ko na lamang hinawakan ang bag ko at dahan-dahan kinikilos na mag lakad para hanapin ng mata ko si Bernard. Wala naman akong naramdaman na takot at pangamba sa sarili ko sa pag kakataon na iyon dahil sapat rin naman ang liwanag sa parking area na makita ko ang paligid, isa pa rin ang nag pakampanti sa dibdib ko ang makitang ang roving na security guard kaya't hindi rin naman ako nag iisa. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad hanggang kusa na lamang napa hinto ang paa ko na maagaw kaagad ang atensyon ko ang isang lalaki na kanina pa nag hihintay. Namuhay na naman ang pangamba at kaba sa aking dibdib, na kaagad ko naman na nakilala kong sino iyon. Kahit naka talikod siya sa akin, alam ko sa sarili kong sino iyon. Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi at hinakbang pa ang paa ko palapit sakanya hanggang kusa na nitong napansin ang presinsiya ko na bagong dating kaya't humarap naman siya sa akin. Ang malamig at hindi maipintang mukha ni Bernard ang humarap sa akin. Simpleng black pants, white shirt at pang ibabaw na brown jacket ang mag bigay tikas at aura sakanya. Sa simple pa lang na pormahan at tindig nito na, hindi mo talaga maikakaila na guwapo at may dating nga talaga si Bernard, ilang buwan na kaming break na dalawa parang napaka sariwa pa din ang mga nangyari sa aming dalawa pero wala na akong nararamdaman pa sakanya. Gusto ko lang naman malaman kong bakit gusto niya akong makita. "Bernard." Tawag ko na lamang sakanya at hindi na maganda kaagad ang emosyon na pinapakita nito sa akin, ngunit pinag sawalang bahala ko na lamang. "B-Bakit, gusto mo akong makita?" Imbes na sumagot, nilapit pa ni Bernard ang sarili niya sa akin. "What's this huh? Tell me, Chloe!" Nabigla na lamang ako na walang ano-ano na binato niya sa harapan ko ang hawak nitong letters at bulaklak na hawak. Nabigla naman ako at hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Nag pupumigil hiningga na si Bernard ng sandaling iyon at ang palatandaan ng panginginig ng katawan na nag titimpi na lamang sa nangyari. Gulong-gulo ako at wala rin sa sariling napa tingin sa letter at bulaklak na tumilapon sa sahig at kumalat. "Letter? Bulaklak?" iyan na lamang ang sinagot ko at nabigla na lang talaga ako sa sunod na nangyari at marahas niya akong hinablot sa aking braso at hinila palapit sakanya kaya't nag kadikit ang katawan namin. "Tangina talaga." Matinis nitong mura at matapang naman akong nakipag titigan sa umaapoy nitong mga mata sa galit. "Ano bang problema mo? At pwede bang bitawan mo ako!" pilit akong nag pupumiglas sa kanyang pag kakahawak subalit hindi ako makawala-kawala. "Bitaw sabi!" imbes na matakot sa kanyang ginagawa, nanlaban talaga ako. Ano bang problema niya? "Tangina talaga Chloe, tatangunin mo pa talaga ako kong anong problema ko?! Ikaw ang problema ko!" napa daing na lamang ako ng mahina na dumiin pa ang pag kakahawak nito sa braso ko, na maluha-luha na ang mata ko. "Wow! Ako pa talaga ang problema mo? Eh hindi na nga kita ginugulo matagal na, tapos ako pa talaga ang pinag bibintangan mong problema mo?" matapang kong asik at hindi man lang ako nasindak sa matatalim nitong mga mata. "Bitawan mo ako, ano ba!" Hinigit niya ako muli na dumikit na ang mga katawan namin. "Masasaktan ka talaga sa akin!" banta nitong pinagalaw pa ang panga. "Ano bang pinu-punto mo, huh?" "Hindi mo ba talaga ako tatantanan, Chloe? Hindi pa ba malinaw sa'yo na ayaw ko na sa'yo, tapos ikaw pa talaga ang may apog na mag susumiksik at sisirain ang relasyon naming dalawa ni Tasya! Tangina talaga!" nanlaki naman ang mata ko at gulong-gulo ako sa mga pinag sasabi nito. Ano daw? Anong ginugulo? Matagal na nga akong lumayo sakanila tapos pag bibintangan pa talaga niya ako? "Ano bang pinag sasabi mo?" "Pinag sasabi ko?" nag tagis ang kanyang ngipin. "That's f*****g damn letters and flower, na parati mong bini-bigay sa akin. Dahil sa ginagawa mong pag papansin, nag aaway kaming dalawa ni Tasya!" malakas nitong sigaw at para naman sasabog ang dibdib ko sa katagang binibigkas nito. Wala akong kaalam-alam sa kanyang mga pinag sasabi na matagal na akong nanahimik tapos guguluhin niya na naman ako? Ano bang tinira niya at ako na naman ang pag bibintangan niya? "Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo na wala akong kinalaman sa pinag sasabi m——" "Nice, f*****g act, Chloe." Anito. "Sa tingin mo, paniniwalaan ko ang mga kasinunggalingan mo? Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat. Tignan mo, naka pangalan pa sa'yo lahat na bawat letters at flowers na binibigay mo sa akin tapos mag de-deny ka pa talaga ngayon? That's f*****g bullshit! Huwag mo akong gawing tanga, Chloe." Kina-lingon ko naman ang tinapon kanina ni Bernard ang mga bulaklak at letters kanina. Tuluyan naman akong nanlambot sa aking makita na makita ko nga talaga naka sulat talaga doon ang pangalan ko. Bakit? Ano ito? Hindi ko ito gawa at kaylan man, hindi ako gagawa ng ganito. "Wala akong kinalaman diyan at matagal na rin akong umiwas sa'yo at sainyong dalawa ni Tasy------." Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko na hinigit pa lalo ako ni Bernard. "Putangina talaga! Gustong-gusto mo talaga kami mag kasira na dalawa, ano? Para ano? Sa tingin mo ba mananalo ka? Kapag nag tagumpay ka sa binabalak mo, sa tingin mo babalik ako sa'yo ganun ba iyon?!" uyam at may pag iinsulto sa kanyang tinig. "Ano ba! Bitaw sabi, nasasaktan n-na ako." Impit ko na lamang na pag pupumiglas subalit humigpit naman ito na pag kakahawak sa akin. "Ito ba ang gusto mo, ang mag kabalikan tayong dalawa!? Sige!" "Ano ba-hmmmp!" hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari at nabigla na lamang ako na sinungaban niya ako na marahas na halik sa labi. Nanlaki ang mata ko, sa labis na pag kabigla at inipon ko naman ang lakas kong itulak siya palayo sa akin at nag tagumpay naman ako doon. "Ano ba!" Sigaw ko na lamang at sa lakas ng pag kakatulak ko sakanya, tuluyan na akong napa bitaw sakanya. Mamasa-masa na ang mata ko sa galit at sama ng loob na kanyang ginawa samantala naman si Bernard, sinuklay na lamang ang buhok nito gamit ang palad at isang makapanindig balahibo na ngisi ang sinukli sa akin. Imbes na mabahala siya sa kanyang ginawa, kundi nasisiyahan lamang ito. "Oh ano, binigay ko na ang gusto mo Chloe, masaya kana? Ito naman ang gusto mo diba? Ang mag papansin sa akin! Nag tagumpay kana, napansin na kita at nasira mo na ang relasyon naming dalawa ni Tasya." lumawak pa lalo ang ngisi sa kanyang labi at tuluyan na akong nagimbal na mapansin ang pag hinto ng yabag ng paa palapit sa aming dalawa ni Bernard. Kaagad ko naman kina-lingon kong sino iyon at para akong binuhusan ng malamig na yelo sa aking katawan na mag tama ang aming mga mata ng bagong dating. Yumakap ang matinding pangamba at takot sa buong pag katao ko na ngayo'y kay dilim ng mustra ng kanyang mukha at nakaka takot na iyon. Napa-lunok na lamang ako sa sarili kong laway na hindi inaalis ang mata ko sakanya. Taurus? Anong ginagawa niya dito? Nakita niya lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD