Chapter 31

1985 Words
Chapter 31 CHLOE'S POV Kakatapos lang nila sa subject at mayron siyang dalawang oras na bakante para makapag pahingga bago mag simula ang kanilang klase. Mag kasama sila ng pinsan niyang si Nadya sa Cafeteria at kumakain ng meryenda. Konti lamang ang mga tao sa cafeteria dahil ilan sa mga estudyante nasa kanya-kanya nilang silid dahil oras pa nga ng klase. Bilang lamang sa kamay ko ang nandoon na kumakain kaya't nag karoon kaming dalawa ni Nadya ng katahimikan. Si Nadya abala ito sa pag guguhit ng kong anong imahe sa sketchpad nito samantala naman ako naka tutok lamang ang atensyon ko, na binabasa ng mga napag aralan namin kanina. Hanggang ang aking malalim na konsentrasyon kaagad din naman naputol nang mapa dako ako ng tingin sa biglang pananahimik ng pinsan kong si Nadya. Kina-baba ko ng konti ang binabasa kong notebook at inayos ko ang salamin ko, na mapa tingin na lamang sa pinsan kong kay higpit na pag kakahawak nito sa lapis. Pinapanuod ko na lamang ang pinsan ko na kay dilim ng mustra ng kanyang mukha, na hindi pa din binibitawan ang lapis na hawak. Kay talim ng kanyang mga mata at galit-galit na ito, na hindi ko maintindihan. Hanggang sa labis na gigil na naramdaman, kusa na lamang na nabali ang lapis na buong gigil na pag kakawahak ni Nadya doon. "Nadya." Tawag ko na lamang sa pinsan ko at hinawakan ang balikat, na mabalik ito realidad. Maluha-luha ang mata nitong kina-baling ng tingin sa akin at sa isang iglap naging malambot ang kanyang emosyon na pinapakita at kahit na rin siya, hindi makapaniwala na nabali niya nang ganun-ganun lang ang lapis. "Chloe." Tawag nitong maluha-luha ang mata. "Okay ka lang ba?" Nag aalala kong tanong at dali-dali ko naman na nilayo sakanya ang hawak na lapis. Tinabi muna sa isang tabi para hindi siya masugatan o masaktan. "Anong nangyayari sa'yo Nadya? May problema ba?" Ito ang kauna-unang beses na makita ko ng ganito ang pinsan ko at nag aalala talaga ako nang lubusan. Hindi ko alam kong anong nangyayari sakanya, at nababahala talaga ako. "No, h-hindi ako okay Chloe." Sinapo nito ang mukha at ang mata'y naman malilikot na hindi mapakali. "Si Taurus." Pag bubukas na naman nito ng usapan na kina-tigil ko naman. Si Taurus? "Bakit? Ano sakanya, Nadya?" Patay malisya ko na lamang na tanong. Nag tataka rin naman ako sa inaakto ng pinsan ko dahil simula no'ng mag kasama kami kanina, pansin na rin ang pananahimik nito na para bang may bumabagabag sa kanyang isipan. Akala ko, hindi lang talaga maganda ang araw na ito kaya't kanina pa siya tahimik pero may dahilan pala na iba. "Nakita ko si Taurus, kagabi Chloe at may kasama siyang babae. Mag kasama silang dalawa sa Mall." Nagulantang ang pag katao ko sa sinabi ng pinsan ko at kahit na rin ako natamimi na rin. Kinabahan ako bigla at para bang may naka patong na mabigat na bagay sa dibdib ko, na hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano? Nakita niya kami ni Taurus kagabi? Nakita niya? Nakilala niya ako? Tuluyan nang nanlamig ang buong pag katao ko na kahit ako mismo, may kaba na ang lumukob sa dibdib ko na makita kaming dalawa ng pinsan ko. "Ang sakit-sakit lang talaga Chloe, hindi ko matanggap na may ibang babae na si Taurus na kasama." Aniya nito kasabay ang pag iinit ng sulok ng mga mata nito. "May ibang babae na nag papasaya sakanya at hindi ako i-iyon." Giit nitong kina-baling ng tingin sa akin, nakaka awa na ang sitwasyon ng pinsan ko. Matagal niya nang kinu-kwento sa akin na may nararamdaman siya para sa binata, akala ko lanang simpleng pag hanga lamang iyon kagaya nang mga lalaki na kanyang nagugustuhan pero hindi ko naman lubusang akalain na maapektuhan siya nang ganito. Maapektuhan at masasaktan sa kanyang nakikita. Ito ang kauna-unang pag kakataon na makita ko si Nadya na mag kaganito sa isang lalaki na kanyang nagugustuhan at masakit para sa parte ko, na pakiramdam ko pinag taksilan ko na rin ito. Pinag taksilan na hindi ko masabi sakanya ang totoo. Hindi mo masabi-sabi sakanya ang tungkol sa aming dalawa ni Taurus. "Ha? Baka nag kamali ka lang siguro ng nakita Nadya, baka naman kaibigan o kapatid niya ang kasama niya kagab——" "Alam ko ang nakita ko Chloe." Pag tatapos nito nang sasabihin ko na may pag tataas ng konti ng boses. “Hindi niya kapatid o kaibigan ang kasama niya kagabi dahil mag kahawak kamay pa sila ng babae na iyon." Bumagsak na ang luha sa mata nito. "Nakita mo ba ang mukha ng babaeng kasama ni Taurus?" Umiling lamang si Nadya at pinunasan ang daplis na luha sa mata. "Hindi." Anito. "Hindi ko nakita kasi naka talikod sila sa akin. Kong sino man ang babaeng kasama ni Taurus kagabi, hindi ko siya mapapatawad sa pag agaw niya sa akin sa pinaka mamahal ko! Hindi ko siya hahayaan na maging masaya, Chloe.. Aalamin ko kong sinong babaeng iyan, at mag handa siya sa akin." Buong gigil na asik nitong may galit ang mga mata Nakakatakot, Nakaka kilabot. Ang mata’y nanlilisik at handang manakit, kong kanyang nanaisin. Hindi na lamang ako naka-kibo sa katagang binitawan ni Nadya at pinag masdan ko na lamang ang mukha ng pinsan ko, na hindi pa rin nag babago ang madilim na expression sa mukha nito. Paano na ito? Paano na ako mag lalakas nang loob na aminin sa’yo ang totoo Nadya, kong mismo kina-mumuhian mo ako ngayon? ***** Matapos namin mag-usap ni Nadya, malalim pa rin ang iniisip ko. Hindi ako makapag konsentrasyon sa buong klase, iniisip pa rin ang katagang binitawan niyang salita kanina. Muntik na kami ni Taurus, makita ni Nadya. Paano na lamang kong hindi lamang siya ang naka-kita sa amin sa Mall, kundi may iba pa? Inisip ko pa lamang ang bagay na iyon at may kong anong pangamba at takot sa puso ko. Pinilig ko na lamang ang aking ulo at winaksi sa isipan ko ang bumabagabag na mga katanungan. Imposible! Walang naka kita sa amin. Kong may ibang tao, ang naka-kita sa amin panigurado kalat na kalat na ito sa University ngayon. Tama, ganun na nga. Sinapo ko na lamang ang mukha ko, at mag-isang nag lalakad. Alas singko na nang hapon at tapos na ako ngayon sa pasok ko, samantala naman si Nadya hindi na kami nag kasabay at nag kausap pa nito kasi mas maaga natapos ang pasok nito kumpara sa akin. Tahimik lamang akong nag lakad at may kasabayan akong ilan-ilan na mga estudyante nag lalakad sa hallway, sa kaliwa ko naman hawak ko ang libro at notebook kong madalas na dinadala. Naputol na lamang ang malalim kong iniisip nang tumunog na lamang ang cellphone ko, na kaagad ko naman nilabas sa bulsa at binasa ang text message na pinadala sa akin ni Taurus. Taurus: ‘Asan ka? Hihintayin kita dito sa rooftoop. Come here.’ napa titig na lamang ako sa cellphone ko at dali-daling pumunta doon. Hini-hinggal akong naka rating sa rooftop, inakyat ko ang mahigit sampung floor bago maka rating doon. Humigpit ang pag kakahawak ko sa libro na hawak ko at kaagad din naman na humampas sa akin ang malamig na simo’y na hangin na tinatanggay pa ang buhok ko sa bawat pag ihip. Walang katao-tao sa rooftop at makikita mo rin ang napaka lawak na espasyo, na matatanaw mo mula roon ang magandang tanawin at kalawakan ng Apollo University. Napaka ganda at nakakagaan ng nararamdaman ang tanawin na makikita mo mula sa itaas. Ginala ko para hanapin ng mata ko si Taurus, kaagad ko din naman itong nakita na naka-pamulsang naka tayo at napaka anggas ang kanyang tindig. Tinaas pa nito ang kaliwang kamay para batiin ako, at ngumiti ng kay tamis kaya’t nakita ko ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Lumapit naman ako sa gawi ni Taurus at piniling huminto sa harapan niya. “Ano ba kasi ang ginagawa natin dito, Taurus?” Diretsa kong tanong. Medyo kabado na pabaling-baling ang tingin ko sa paligid, sinisiguro talaga na walang ibang tao ang makakakita sa amin. “It’s our meeting place.” Casual na wika, na kina-taas naman ng isa kong kilay. Meeting, what? “Nahihirapan kasi ako na mag tagpo tayo kong saan-saan na lugar na mag kita. Bawal din kitang lapitan at kausapin dito sa School kaya gumawa na lang ako ng paraan na kahit bawal, magagawa ko pa rin na makasama ka.” Humawak si Taurus sa aking baywang at hinagkan ng matamis ang aking noo, na kina-pikit ko naman ng mata. Naramdama ko ang kilig at sarap sa simpleng ginawa nito at pakiramdam ko kampanti ang loob ko kapag siya ang kasama ko. “Eh, baka may ibang estudyante na maka-kita sa atin dito o kaya naman baka may pumunta dito at makita tay——-“ pinutol na ni Taurus ang sasabihin ko, mainggat na inanggat ng konti ang baba ko sa pamamagitan na pag hawak niya doon, kaya nag kapantay kaming dalawa ng titig. “Relax, walang ibang tao ang pupunta dito, kundi tayo lang na dalawa.” Natamimi na lamang ako sa sinabi nito. “Baka nakaka-limutan mo babe, I’m Taurus Ridge Dawson, at kaya kong kontrolin lahat ng bagay dito sa University at walang sinumang makakapag pigil sa akin.” Anito at alangan na lamang ako ngumiti sakanya. Ang saya at pag kanabik na nararamdaman ko, na mag kakasama na kami dito sa University, may kakambal naman iyon na lungkot at pag aalinlangan. “Hey, what’s wrong?” Malumanay na pag tanong ni Taurus na mapansin siguro nito ang pait sa aking labi. “Kilala mo naman siguro ang pinsan ko diba? Si Nadya.” Pag bubukas ko naman ng usapan. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang lungkot at pait sa mukha ng pinsan ko kanina, na mabanggit lamang nito ang tungkol na kasama ko si Taurus kagabi. “Yeah, what about her?” Casual na wika ni Taurus at bahagyang kina-layo nang sarili niya sa akin. “Kanina kasi, balak ko na sanang sabihin sakanya ang tungkol sa relasyon nating dalawa kaso bigla akong napa-atras kas—-.” “Nag aalangan ka ba, kasi may gusto siya sa akin?” Napa-baling naman ang mata ko kay Taurus. Nag tataka sa sinabi nito. Ha? Alam niya? Ngumisi na lamang si Taurus, na mahulaan nito ang nasa isipan ko. “Alam mo?” Tuminggala na lamang si Taurus sa kalangitan at bumuntong-hiningga ng malalim. “Halata naman.” Anito. “Parati siyang lumalapit sa akin at nag papansin. Lalaki ako Chloe, mababasa ko kaagad sa mukha nila kapag ang babae may gusto sa isang lalaki.. Matagal ko nang alam na may gusto ang pinsan mo sa akin.” “Nakita kasi tayo ni Nadya lumabas kagabi doon sa Mall. Hindi ko alam ang mararamdaman ko Taurus, nang kwinento niya sa akin ang mga nakita niya.” “Nakilala ka ba niya?” Umiling na lamang ako. “Hindi, pero hindi ko rin kayang makitang nasasaktan rin ang pinsan ko nang ganun.” Pag puputol ko nang sasabihin ko. “Parang kapatid ko na kasi si Nadya, Taurus. Mga bata pa lang kami malapit na talaga kami sa isa’t-isa. Siya ang taga pag tangol ko sa mga taong nag aapi at nag kukutya sa akin no’ng mga bata pa kami.. Siya rin iyong taong handang tumulong at damayan ako sa lahat ng mga oras na kailangan ko siya.. Nang makita ko siyang umiyak at masaktan sa mga nakita niya kagabi, pakiramdam ko doble ang sakit na naramdaman ko dahil pinag taksilan ko siya.. Ako ang nanakit sakanya, Taurus.” Gumilid na ang bakas na luha sa mga mata ko. Lumapit na lamang si Taurus sa akin at niyakap ako nito nang mahigpit, na sa pag kakataon na iyon nag karoon ako ng sandalan at masasabihan ko ng problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD