Chapter 10

1510 Words
Chapter 10 CHLOE’S POV Napaka lalim ng kanyang iniisip, kahit tatlong araw na ang lumipas hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang sandali na mag kausap silang dalawa ni Taurus. “Bwisit talagang Nadya na iyan, napaka kapal talaga ng pag mumukha.” Himutok na galit ng pinsan ko, na ngayon mag kasama kaming dalawa sa cafeteria para kumain ng Lunch. Naikwento ko na rin sakanya ang pang yayari kong paano ako sinaktan ni Tasya, at ngayo’y hindi na maalis ang galit na nararamdaman ng pinsan ko na gustong-gusto na itong upakan. War freak at pala-away naman talaga ang pinsan ko na napaka-layo talaga ng ugali naming dalawa. Mabait naman talaga si Nadya pero may pag kakataon talagang maldita at hindi mo mapigilan na mag salita ito kapag alam nitong mali. “Ikaw pa talaga ang napag disketahan? Alam kong sinasadya talaga ng babaeng iyon na sugudin ka dahil alam niyang wala ako. Nakakapang-gigil.” Namula na ang mag kabilang pisngi nito sa galit. Maririnig mo na lamang talaga ang boses na pag tatalak ng pinsan ko, na siya lang naman ang mainggay sa cafeteria. “Hayaan mo na Nadya, at tyaka huwag kang mainggay,” saway ko pa. Natatakot rin ako na baka marinig ng ibang estudyante ang pag tatalak niya at baka mamaya na lang balikan kami ng mga alipores ni Tasya. Umiiwas na ako sa gulo, at ayaw ko na rin masangkot sa mga ganitong sitwasyon dahil ayaw ko. Gusto ko na lang ng katahimikan, na mapayapa ako araw-araw papasaok sa University at walang iniisip na may ibang estudyante ang mag aabangan sa akin para balikan ako. “Aba, hindi mo ako mapipigilan diyan, Chloe.” Sinamaan ako ng tingin, na ako na ngayon ang kaaway nito. “Mag tatalak ako hangga’t gusto ko. Mas mabuti na rin marinig ng ibang estudyante ang ginawa niya sa’yo para malaman nilang napaka sama ng ugali ng Tasya na iyon. Hindi siya kagandahan, maputi lang siya at napaka-chaka niya pa!” Pag lalait nito na walang katapusan at ako na ang nahihiya dahil pinag titinginan na kami ng ilang studyante sa cafeteria. “Nadya; tama na.” Saway ko pa. Gusto ko na lang mag palubog sa kina-uupuan ko na ngayo’y naka tingin na sa amin ang ilang estudyante na malapit lamang kong saan kami naka pwesto na dalawa. “Babalatan ko talaga ang babaeng iyon ng buhay, makikita niya.” Himutok pa rin nito na hindi mag papigil. “Ibabalik ko sakanya, kong anong pananakit na ginawa niya sa’yo. Hayop talaga siya.” Natigil si Nadya sa pag tatalak nang napako na lang ang tingin nito sa harapan namin. Kaagad din naman ako na curious kong saan siya naka-titig, kaya’t sinundan ko naman ito hanggang tuluyan na akong nanlamig ng katawan na makita ko si Tasya at kasama nito ang kanyang mga kaibigan. Iyon din ang kasama nito, sa pag sugod sa akin mula sa locker. Pareho-pareho silang may hawak na tray, lamang pag kain at base pa lang sa kanilang itsura mukhang kakarating lang nila at nag hahanap ng mauupuan. Kinabahan na ako nang husto, na mapa baling ng tingin sa pinsan ko na kay sama nitong titigan si Tasya. Napa hinto rin si Tasya sa pag lalakad pati na rin ang mga kasamahan nito na makita ata na naka-upo kami sa apat na table lamang ang layo. “Sinu-swerte ka nga naman. Nandito na ang impakta.” Walang pag aalinlangan na tumayo ang pinsan ko para sugudin na si Tasya, at gumawa ng gulo. Bago paman maka kilos ang pinsan ko na mabilis ko naman nahawakan ang kamay nito at hinatak ito pabalik sa kanyang kina-uupuan. “Tasya; please tama na.” Mahina kong pangingiusap sakanya na ang pinsan ko pa ang agrabyado base pa lang sa itsura nito. “Tumigil kana Nadya, para wala nang gulo.” “Walang makaka pigil sa akin.” Galit na asik nito. “Bitawan mo ako Chloe at sasapakin ko lang nang isa ang babaeng iyan para matauhan. Bitaw sabi!” “Nadya.” Pakiusap ko pa rin na nakikipag hatakan talaga ito na mabawi ang kanyang sarili sa pag kakahawak ko. “Chloe, bumitaw kana——-“ hindi na natapos pa ng sasabihin si Nadya nang pareho kaming natigil ng kusang umiwas na umalis si Tasya kasama ang mga kasamahan nito. Hindi ko mawari kong bakit, hindi na sila sumugod at pumili na lamang umiwas na para bang takot na takot. Nag taka naman kami pareho ni Nadya at pareho nag katitigan sa mata na naguguluhan na akala namin susugod si Tasya, at ang mga kaibigan nito pero bakit bigla silang umiwas? Bakit, ganun na lang ang mukha nila na para bang takot na takot? Binitawan ko ang kamay ng pinsan ko na masiguro ko talaga na tuluyan nang naka alis si Tasya at ang mga kaibigan nito na hindi na ito maabutan pa ng pinsan ko. “Anong nangyari doon?” Takang tanong ng pinsan ko na kina-iling ko naman. “Tama ba ang nakita ko, iniwasan nila tayo?” Sabay kamot pa ng ulo nito. Kina-balik na lang namin ang sarili sa pag uupo sa silya at binalingan ko na lang ng tingin ang pinaka dulo na lamesa sa pinaka dulo kong saan naka upo si Tasya at ng kanyang mga kaibigan. Labis ko naman pinag tataka, na hindi nila magawang tumitig sa amin ng pinsan ko na para bang takot na takot na kusa na silang umiiwas? Ano kaya ang nangyari sakanila? Bakit ganun na lang ang kanilang ginawa? **** Ito na ang last subject sa araw na ito at kagaya ng dati, hindi naka pasok si Nadya dahil biglang sumama ang pakiramdam. Maaga kumpara ng dati nag sidatingan ang mga estudyante kahit naman mamaya pa naman ang simula ng subject ni Mrs. Cheska. Pag pasok ko pa lang sa silid, bilang lamang sa kamay ko ang naroon na mga estudyante at ang iba naman wala pa. Nag lakad na ako patunggo sa dating pwesto kong saan ako madalas umuupo kapag subject na ni Mrs Cheska sa unahan. Wala naman masyadong umuupo doon na mga estudyante dahil iniiwasan talaga maupo sa unahan dahil nga ayaw nila matawag kaagad. Paupo na sana ako sa dati kong pwesto na kaagad naman ako natigilan ng mapansin ang isang inumin sa ibabaw ng aking desk. Tumingon naman ako sa kaliwa’t-kanan ko para masiguro na naiwan ng iba pang mga estudyante o kaya naman kaklase ko pero mukhang hindi nila pinapansin iyon at kanya-kanya lamang sila sa kanilang mga ginagawa. “Ano ito?” Taka kong wika na hinawakan ang inumin at isa lamang iyon na can juice at mukhang mamahalin. Tinignan ko kong sakali may pangalan pero wala naman akong nakita. Hindi pa bukas ang inumin at mukhang bago pa lang kakabili. “Kanino ito? Sainyo ba ito?” Tanong ko naman sabay tinaas ang inumin para sakali na ipakita sakanila kong sakanila ba iyon na naiwqn lamang. Hindi ko naman aangkinin dahil hindi naman akin iyon. Ang katahimikan lamang ang sumagot sa akin at maski ang mga kaklase ko, hindi man lang ako sinagot o kaya naman inintindi. Nanatili ako sa aking kina-tatayuan ng ilang segundo, nag hihintay kong babawiin nila iyon sa akin o kaya naman kukunin pero mukhang hindi naman nangyari. Abala sila sa kanilang ginagawa at sineen lang nila ang pag tanong ko. Kagat-labi ako at nahihiya pang binaba ang inumin pabalik sa table at sabay napa kamot. Baka hindi naman sakanila ito, at nag assume na lamang ako na baka naiwan ito ng estudyante na gumamit ng kwarto na ito kanina bago kami dumating. Tinabi ko na lang ang inumin muli at nilagay ko na ang bitbit kong makakapal na libro sa desk at nilagay na rin sa upuan ang aking bag na dala-dala. Uupo na sana ako, na kaagad nag paagaw naman ng atensyon sa akin na makita ko si Taurus na naka-yungko at mukhang natutulog sa pinaka dulo na silya. Kaagad ko din naman siyang nakilala— at wala atang estudyante ang hindi naka-kilala sakanya dahil sikat na sikat nga ito. Napa-titig na lang ako sakanya ng ilang segundo at pinapanuod siya. Nag uudyok rin sa akin na lapitan siya para formal na mag pasalamat na niligtas niya ako, na tangkang sasaktan sana ni Tasya. Hinakbang ko na ang isa ko pang paa, at kaagad din naman ako nahinto sa pag lapit sana dahil nag aalangan at nahihiya akong lumapit sakanya. Isa rin na iniiwasan ko na baka sunggitan niya lamang ako sa pag gising at istorbo sakanyang pag tulog at mas matindi pa, baka pag chismissan pa ako ng mga ibang estudyante sa pag lapit ko lamang sakanya. Mainit ang mga mata sa akin ng mga estudyante dito at parati na lang sila naka bantay sa kilos at galaw ko. Humingga na lang ako ng malalim at umupo na na lang sa silya para hintayin ang pag dating ni Mrs. Cheska, at hindi maalis ang aking inumin sa ibabaw ng desk ko. Nag tataka kong kanino ba iyon galing?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD