Chapter 34

1772 Words
Chapter 34 CHLOE'S POV Taurus? Napahinto na lamang ako at hindi ko alam ang mararamdaman ko na mag tagpo ang mga mata naming dalawa ni Taurus. Nanatili lamang ito naka tayo at hindi na maipinta ang itsura nito, kong ano man ang kanyang nadatnan ng mga sandaling iyon. Hindi ko lubusang aakalain na nandito siya at makikita niya ang lahat. Paano? Paano niya nalaman na nandito ako? Naging blangko na ang isipan ko, sa mga nangyari at hindi ko alam kong paano ko siosmulan ang ipapaliwanag ko sakanya. Lumunok na lamang ako ng laway at lalo akong nasaktan sa kakaibang emosyon na pinapakita ni Taurus, na pabaling-baling lamang ng tingin sa aming dalawa ni Bernard at nag hihinggi ng kasagutan. Sinilip ko na lamang si Bernard sa tabi ko, naka pamulsa ito at wala man lang pakialam sa kanyang ginawa at ang mapag larong ngisi ang gumuhit sa labi nito. Kumurap na lamang ako ng mata ko at humigpit ang pag kakahawak ko sa aking bag. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ihakbang ang aking paa paalis sa lugar na iyon para maka alis na sa lugar na iyon. Ang tumatak lamang sa isipan ko, na gusto kong umalis. Gusto ko silang takbuhan. Napaka bigat para sa akin na hinahakbang ang paa ko palayo, na kahit naka talikod ako ramdam ko ang pag sunod ng tingin nila sa akin. Napa-tutop na lamang ako sa aking bibig at doon ko na pinakawala ang iyak na kanina ko pa pinipigilan. Naging blangko na lang ang isipan ko sa bilis ng mga nangyayari at iyak lang ako nang iyak. Gusto kong ilabas lahat ng sakit at kirot na aking dibdib dahil ramdam kong may naka patong na mabigat na bagay na hindi ako maka hingga. Ang yabag ng paa at pag tawag ng pangalan ko ang mag paiyak pa lalo sa akin nang husto. "Chloe. Chloe." Patuloy na pag tawag sa akin ni Taurus, imbes na huminto binilisan ko na lamang ang hakbang ng paa ko kasabay ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Lumayo ka sa akin. Huwag mo akong susundan. Sigaw naman ng utak na wala pa ring lingon-lingon. Wala na akong mukhang maihaharap sakanya matapos ang mga nangyari. Sobra akong nahihiya na hindi ko na alam kong ano ang ipapaliwanag ko sakanya. Hindi ko alam kong makakaya niya akong paniwalaan matapos ng kanyang mga nakita kanina. "Chloe, Chloe." Lumakas na ang pag tawag sa akin ni Taurus at pag bilis ng pag lakad nito ang pag habol nito sa akin, na sasabog na ang dibdib ko sa sakit. "Sandali lang Chloe, mag usap tayo." Napa tigil na lamang ako na matagumpay akong nahabol ni Taurus at hinawakan nito ang pulsuhan ko. Hinila niya ako paharap sakanya at humarap ako na bakas ng daplis na luha ang mata ko. "B-Bakit?" Garalgal ko na lamang na tanong. Lalo pa akong nasaktan sa galit na mustra ng mukha ni Taurus at alam ko na rin ang nag lalaro sa isipan niya ngayon. "Pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang mga nakita ko kanina Chloe?" Mahina ngunit may laman ang pag kakabigkas nito. "Wala dapat akong ipag paliwanag sa'yo Taurus. Hindi totoo ang mga nakita mo kanin——" "f**k!" Matinis na mura na lang nito at sinuklay ang buhok gamit ang palad, sa frustrate na naramdaman. "Kaya ba ayaw mo akong ipasama sa lakad mo ngayon dahil mag kikita kayong dalawa ng gagong iyon, iyon ba iyon Chloe?" May diin sa tono nito na iniling ko na lamang ang ulo ko para ipahiwatig na mali ang nasa isipan niya. "Hindi ganun iyon Taurus." Giit ko pa. "Niya ano? Huh?" Tumaas ng konti ang boses nito at ang mata'y nabahiran na ng galit. "Ipaliwanag mo sa akin Chloe, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Noon paman alam kong hindi pa rin nawawala ang nararamdaman mo sa lalaking iyon at kahit mag kasintahan na tayo, ramdam kong mahal mo pa rin siya!" "Hindi iyan totoo, matagal ko na siyang kinalimutan Taurus alam no iyon. Hindi ko rin inaasahan na mag kikita kaming dalawa dahil tinawagan niya ako kanina, gusto ko lang malaman kong bakit. Tapos hindi ko aakalain na hahalikan niya na lang ako nang ganu——" "f**k! Kaya pala." Nanuya na lamang si Taurus napa buga sa hangin. Gulong-gulo na lamang ako napa titig kay Taurus. "Ngayon alam ko na, kong bakit ayaw mong ipaalam sa lahat ang relasyon natin dahil pino-protektahan mo ang nararamdaman ng gagong iyan, hindi ba?!" Hindi na lang ako naka imik at umiwas na lamang ako ng tingin. Sobrang bigat na nang aking dibdib, na sasabog na iyon sa sakit. Bakit hindi niya ako magawang paniwalaan? "H-Hindi ganun iyon Taurus, maniwala ka sa akin." Depensa ko naman at umagos na naman ang luha sa mata ko. "That's f*****g bullshit!" Matinis na mura nito at nilapit pa ni Taurus ang sarili niya sa akin. "Just even once Chloe, hindi ko naramdaman kahit konti na minahal mo ako. Tiniis ko lahat iyon kahit masakit para sa akin dahil mahal na mahal kita... Sinabi ko na lang sa sarili ko, na balang araw mamahalin mo rin ako kagaya ng pag mamahal mo sa gagong iyan! Pero tangina, pero hindi ko alam ang mararamdaman ko matapos kong nakita na nag halikan kayong dalawa!" "Taurus." Impit ko na lamang na tawag sa pagitan ng pag iyak. "Maniwala ka sa akin, mali ang iniisip mo, hindi ko rin alam na gagawin niya iyo——-" "Mahal mo pa ba siya?" Pag tatapos nito ng sasabihin ko. "Mahal mo pa ang gagong iyon? Huh!?" Sindak nito. Napa titig na lang ako sa walang emosyon at galit na mga mata nito. Ilang segundo ako hindi naka sagot at kasabay no'n ang pag bagsak ng balikat ni Taurus. "Minahal kita Taurus, alam mo iyan. Matagal ko nang kinalimutan si Bernard. Akala ko, maiintindihan mo ako pero bakit m-mukhang mali ako," mapait na lang akong ngumiti at tinalikuran ko na siya kasabay ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko. Parang gripo na lamang na patuloy na lumalandas ang mga luha ko at napaka bigat para sa akin na ihakbang ang paa ko paalis at iwan siya. Naka ilang hakbang pa lang ako na bigla na lang ako napa-hinto na may mainit na katawan na yumakap sa akin mula sa likuran. Kahit hindi ko lingunin kong sino iyon, alam ko sa sarili ko na si Taurus iyon. Kinulong niya ako sa kanyang bisig at ramdam ko talaga na ayaw niya ako pakawalan ng sandaling yakap-yakap niya ako. Walang salita ang lumabas sa bibig ko at pinapakiramdaman ko na lamang siya sa likuran ko. "I'm so sorrry." Basag nitong wika at ramdam kong naiyak na rin siya ng sandaling iyon. ***** Naririnig ko na lamang ang pag galaw ng orasan sa bawat segundong lumipas. Kanina pa ako tahimik sa kina-uupuan ko at pinasadahan ko si Taurus ng tingin na naka upo sa kabilang couch, kanina pa kami tahimik at pinakikiramdaman lamang ang bawat isa. Mag kasama kaming dalawa ni Taurus sa isang Hotel, matapos nang sandaling pigilan niya ako sa pag alis kanina dinala niya ako para mapag usapan ang bagay-bagay at maayos na rin ang hindi pag kakaintindihan naming dalawa. Mahigit trenta minutos na kami dito sa Hotel, wala pa rin siyang kibo na tila ba napaka lalim ng kanyang iniisip. Alam kong galit siya, kong ano man ang mga nadantanan niya kanina. Huminggi na rin ako ng dispensa sakanya, alam kong may pag kakamali ako sa naging aksyon na ginagawa ko na hindi ko muna pinag iisipan ng mabuti bago ako tumuloy, na makipag kita kay Bernard. Humingga na lang ng malalim si Taurus at kina-tayo nito sa kina-uupuan. Halo-halo ang emosyon ang gumuhit sa kanyang mata’y bahid ng lungkot at pag hinggi ng dispensa kong ano man ang nangyari kanina. Tumigil ang yabag ng paa ni Taurus sa harapan ko at piniling maupo na lang sa tabi ko. Pinakikiramdaman ko na lamang siya hanggang kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. Tumitig ako sa guwapong mukha ni Taurus. “Taurus, I’m so sorry.” Pag hinggi ko ng dispensa sakanya. “Ako dapat huminggi ng dispensa sa’yo, Chloe.” Anito na seryosong tinig at yumuko. “Pasensiya na, nadala lamang ako ng galit at selos sa mga nakita ko kanina, kaya’t kong ano-ano na lang ang nasabi ko sa’yo. Nabigla lang talaga ako at napa gago ko para pag isipan kita ng ganun. Ayaw ko lang talagang mawala ka sa akin Chloe, kaya’t takot na takot ako na balang araw magising na lang akong wala kana at bumalik kana sakanya.” Kumikinang sa lungkot ang mata nitong wala sa sariling napa hawak na lamang ako sa mukha ni Taurus at bahagyang inanggat para mag kapantay kami ng titig na dalawa. Mamasa-masa na ang mata nito’y at anumang segundo iiyak na ito sa harapan ko. May kurot sa aking dibdib, na makita siyang ganun na nahihirapan. Napaka bait ni Taurus at pinaramdam niya sa akin kong gaano niya ako kamahal, at masakit para sa akin na makita siyang nahihirapan dahil na lamang sa mga nangyari. “Okay lang sa akin iyon, naiintindihan naman kita. Pasensiya na kong, hindi ko pinag paalam sa’yo na mag kikita kaming dalawa para sa ganun hindi na tayo nag away pa.. May pag kakamali rin ako Taurus, at aaminin ko iyon, pasensiya na talaga kong parati kitang sinasaktan.” Basag ko na lamang na tinig at mapait na ngumiti. “Ikaw lang ang mahal ko Taurus. At kaylan man, hinding-hindi kita ipag papalit sakanya.” Ang malungkot na mukha nito, unti-unting lumiwanag sa katagang sinabi ko. Marami nang ginawa si Taurus sa akin, na pag sakripisyo at ilang beses niya na rin akong pinag tanggol sa mga taong gustong umapi sa akin. Noong una, wala naman talagang naramdaman sakanya pero sa bawat araw at linggong nag daan unti-unti akong namulat sa katotohanan at nasabi ko sa sarili kong, napaka swerte ko sakanya. Nag karon ako ng nobyong nandiyan, at laging naka suporta sa akin. At hindi ma imagine na isang araw mawala na lang siya sa akin. “Mahal na mahal kita, Chloe.” Anito. “Mahal na mahal din kita, Taurus.” Wika ko na lamang at hinawakan ko ang kanyang mag kabilang pisngi at nilapit ko ang mukha ko sakanya. Sunod ko na lamang naramdaman ang pag lapat ng aming mga labi, at pag haplos ng kamay ni Taurus sa aking balikat na unti-unti kong naramdaman ang pag alis ni Taurus ng dahan-dahan sa aking damit na mapa pikit na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD