"Lets go." Halos mahulog ako sa upuan, sa gulat, ng magsalita mula sa aking likudan si Sir Lucas. Hindi ko man lang naramdaman ang yabag niya. Para siyang pusa na halos hindi mo mapapansin na nakalapit na pala sayo.
Nakatingin lang siya sa akin na parang tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. Aba ay malay ko bang nakalapit na siya. Busy ako panonood kay Manang Fe sa pagsasalansan ng kanyang mga pinamili.
Bukod pa doon ay may pasalubong siya sa amin ni Liza na chichacorn, tigisa daw kami. Dahil nakita niya ang kaibigan niya sa palengke ay binigyan daw siya ng tatlong balot at galing itong Ilocos. Kaya naman talagang hindi ako nakafocus kung may taong papalapit sa aming dawala.
"Sir tuwang tuwa ka ah. Tapos kanina halos malagutan ka na ng litid pag sigaw." Nakangising wika niya dito.
"Nagkamali nga ako eh. Dapat pala hindi na lang kita pinalabas ng kwarto ko, para naman, makakita ka ng live na magandang katawan, at hindi lang doon sa t.v." Bulong nito sa kanya. Na ikinapula naman ng pisngi niya. Hindi naman maririnig ni Manang Fe ang sinabi nito dahil busy ito sa ginagawa.
"Tara na Sir kung saan tayo pupunta. Kung saan ka may ipaguutos. Baka makalimot akong boss kita masapak kita." Nakangiting wika ko kay Sir, na halos pabulong kong sinabi ang pahuli.
Lalo na at baka ako ang masapak nito. Sa laking tao nito na halos mahigit six feet yata ang taas. Isang sapak lang baka mapisak na ako. Samantalang ako ay nasa five'two lang ang height. Mas matangkad pa sa akin si Noriel, habang si Aira kasing tangkad ko na.
Bakit kasi kay inay ako nagmana ng height. Matangkad naman si itay na minana noong dalawa. Ako lang talaga ang napagkaitan ng tangkad.
"Anong binubulong mo?" Tanong pa ni Sir.
"Wala po ah. Sabi ko po, tara na ng masimulan ko na ang mga ipag-uutos n'yo. Para makatulong pa ako sa ibang gawain dito." Sagot ko naman. Mabuti na lang at hindi na siya nagsalita pa.
Sumunod lang ako kay Sir Lucas kung saan kami pupunta. Sa lawak kasi ng pamamahay nila. Maglakad pa lang nakakapagod na. Halos ilang minuto din kaming naglalakad. Nang mapagtanto kong, sa likod bahay lang kami pumunta.
Imagine mula sa kusina, dumaan kami ng dinning room, living room, papunta sa front door. Dumaan kami sa left side na sobrang layo kay sa, sa daan doon sa right side. Ito pa ang pinakamatindi. Nandito kami sa harap ng pinto, na parang isang bodega. Na nasa likod itong parte ng bahay, pero mas malapit ang pinto sa kusina, na dinadaanan ko pag pumunta doon sa laundry area, kung saan nakatambay si Liza, at hinihintay matapos umikot sa automatic washing machine ang mga nilalabhan nito. Tapos itutupi naman pagkatapos malabhan at magsasalang ng panibagong batch.
Hindi malaman ni Anna ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang manapak ng boss.
'Ano kayang trip ng dragon na ito, para lang pahirapan akong maglakad. Kung pwede naman pala kaming dumaan doon sa may kusina, nandoon na kami kanina eh.' Inis na wika ni Anna sa sarili, habang hindi inaalis ang tingin sa pinto, dahil baka magawa niya ang naiisip na pananapak ng boss.
"Linisan mo iyang bodega na iyan, dapat pag balik ko wala ng kalat. Nga pala dapat may maayos na space at ng mabilis makita ang mga kailangan kung may need hanapin sa loob." Wika nito sa kanya.
'Pinagod pa akong maglakad, ito lang pala ang ipapalinis. Tss." Bulong niya sa sarili.
"May reklamo ka?" Tanong pa nito.
"Wala Sir, sabi ko nga lilinisan ko ng maayos."
Pagkabukas ng pintuan ay tumambad kay Anna ang sobrang kalat na kwarto. Masasabi niyang, literal na bodega talaga ang nasa harapan niya. Napakadaming kahon, at mga gamit na sa wari niya ay hindi na nga mapapakinabangan, pero dahil hindi napapagtuunan ng pansin. Basta na lang nilalagay ng mga ito sa bodegang iyon.
Pumasok na si Anna sa loob ng bodega para magsimula, naiwan naman si Lucas na nakatingin dito.
Hindi pa rin makapaniwala si Lucas na hindi man lang niya narinigan ng reklamo si Anna. Inaasahan pa naman niya na magrereklamo ito dahil hindi naman talaga mukhang bodega ang kwartong iyon. Halos basurahan na. Pero hindi man lang ito nagsalita sa nakita. Bagkos ay pumasok pa sa loob at nagsimula na.
Nakita niyang hinagip nito ang isang tela na kulay brown, at walang pasabing, bigla nitong ipinagpag.
Halos mapuno ng napakadaming alikabok ang buong kwarto na iyon na ikinaubo niya ng sobra. Na narinig niya ang pigil na hagikhik ni Anna.
"What's wrong with you woman!" Galit nito wika sa kanya, matapos mapatigil sa pag-ubo.
"Sinadya mong ipagpag ang sobrang alikabok na tela na iyan! Anong problema mong babaeng machine gun ka?" Galit na galit pa ring sambit nito sa kanya.
"Oops!" Sabay takip ng bibig.
"Hala! Sir Dragon, este Sir Lucas nandyan ka pa pala. Akala ko naman umalis ka na, matapos mo akong ihatid dito. Hindi mo naman sinabing gusto mo akong bantayan di sana ay nag-ingat ako sa pagpapagpag." Inosenteng sagot ni Anna sa kanya. Pero kitang kita niya sa mata nito na sobra itong nasisiyahan sa ginawa sa kanya.
"Ako ba'y pinaglololoko mo?" Tanong pa nito.
"Hala! Paanong pinaglololoko? Aba'y ang siste ay hinatid mo ako dito para maglinis. Malay ko bang nandyan ka pa sa labas. Akala ko ba ay umalis ka na pagkahatid mo sa akin. Kinamalayan ko bang gusto mo palang maligo ng alikbok." Nakangising sagot sa kanya ni Anna, na akmang sasagot pa siya ng unahan siya nito.
"Sir bago ka magsalita. Nandito ako para magtrabaho at sumunod sa utos mo. Ngayon kung hindi ka aalis dyan at magrereklamo lamang dahil sa alikabok na nanggaling sa tela na hawak ko. Aba ay hindi ako makakatapos niyan. Kaya ngayon pa lang. Please lang Sir. Lumayas ka na sa harapan ko. Bago pa ako mairita sa pagmumukha mo, at hindi ko maituloy itong pinag-uutos mo. Kaya ngayon pa lang, tsupi. Layas na at ng ako ay makapagsimula na. Baka mamaya pag napaliguan ka na naman ng alikabok, makapagreklamo ka na naman. Hindi na ako makatapos dito."
Mahabang reklamo pa ni Anna, na hindi naman nakasagot pa si Lucas. Napatakip naman ng bibig si Anna ng marealize ang sinabi.
Si Lucas naman ay tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo. Naiwan naman ang susing ginamit nito sa door knob ng bodegang kinalalagyan ni Anna ngayon.
Nang mapansing malayo na si Lucas at malapit na sa pinto sa may kusina, mabilis namang kinuha ni Anna ang susi sa door knob at mabilis na ni lock ang pinto.
Ilang saglit pa ay narinig niya ang malakas na pagkatok ni Lucas sa labas ng bodega.
"Buksan mo itong pintuan, babaeng machine gun ka! Ako ang boss dito! Kaya wala kang karapatang paalisin ako!" Reklamo ni Lucas, na hindi pa rin tumitigil sa pagsigaw at pagkatok sa labas.
Huminga muna si Anna ng malalim at kahit kinakabahan siya ay pinatampang muna niya ang awra niya. Dahil talagang wala siyang laban pag nasapak siya ng boss.
Binuksan niya ang pinto, at nakita niya ang galit na galit na mukha ng boss niya. Pero hindi siya papatalo. Hindi siya si Anna Contreras para lamang matakot sa boss niya. Tapos wala naman siyang ginagawang masama.
"Sir ano bang ipinuputok ng butsi mo, at nakabalik ka pa dito. Alam mo namang inutusan mo akong maglinis dito." Wika niya dito na sinasabagayan niya ang matalim nitong titig sa kanya.
"Anong karapatan mong paalisin ako? Ako ang amo dito. Ako ang boss dito. Oo nga at si mommy ang nagpasok sayo dito. Pero boss mo pa rin ako." Galit na sambit nito sa kanya na ikinabuntong hininga niya.
"Pinaalis naman kita kasi nga, maglilinis na ako. Sobrang tambak ng kalat dito sa bodega, at alikabok, kaya kita pinaalis. Kung ayaw mong umalis, ay ako na lang ang aalis. Dapat malinis na iyan pag balik ko. Walang kalat, may space at wala ng alikabok. Nagkakaintindihan ba tayo Sir." Mahinahong wika niya dito na kita niyang lalong ikinagalit nito.
"GINAGALIT MO BA TALAGA AKONG BABAE KA!" Galit na sigaw nito sa kanya, pero hindi siya natinag.
Bigla namang tumakbo palapit si Manang Fe at si Liza sa kanilang tabi. Kitang kita nila ang galit sa mukha ni Lucas. Habang relax na ang itsura ni Anna.
"Sir anong nangyari?" Tanong ni Manang Fe.
"Anna? Ano na namang pinagtalunan ninyo ni Sir at galit na galit na naman?" Tanong sa kanya ni Manang Fe. Na hindi agad niya nasagot ng biglang umalis sa harapan nila si Lucas.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa. Bakit galit na galit na naman si Sir Lucas?" Mahinahong tanong sa kanya ni Manang Fe.
"Wala naman akong ginawa Manang na masama. Sa totoo niyan, nung sumama ako kay Sir, mula sa kusina, dito niya ako dinala sa bodegang ito. Imagine Manang, pinadaan ako sa harap ng bahay, eh kalapit ng daan sa kusina. Isa pa linisan ko daw ito. Hindi nga ako nagreklamo. Inumpisan ko kaagad. Akala ko naman nakaalis na siya. Ayon naligo sa alikabok kasi pinagpag ko iyong tela. Ito pa ang isa, siya pa nagalit sa akin. Tapos sabi ko kaysa magalit sa akin ay umalis na lang ng makapagsimula na ako. Ay nagalit wala daw akong karapatan na palayasin siya at siya daw ang boss. Alam ko naman iyon. Kaya sabi ko kung hindi siya aalis, ay siya na lang maglinis ng bodega. Ayaw umalis eh. Tapos iyon sa akin pa galit." Mahabang paliwanag ni Anna. Na ikinamangha naman ni Manang Fe. Habang si Liza naman ay natatawa sa paliwanag niya.
"Ewan ko sayong bata ka. Hindi ko malaman kung paano kayo magkakasundo ni Sir Lucas." Wika ni Manang Fe.
"Pero wait lang Manang Fe, hindi kaya ako palayasin ni Maam Antonia sa ginawa kung pagsagot sa kanyang anak?" Nag-aalalang tanong ni Anna, ng maalala niya ang Ginang.
"Wag kang mag-alala, nakita ko si Maam Antonia sa may kusina kanina. Bagong dating lang galing yata sa opisina. Nakita din niya si Sir Lucas na galit na galit ng pumasok ito. Pero ng makita akong sinusundan si Sir Lucas. Ngumiti sa akin si Maam at sinabing siya na ang bahala. Kaya bumalik na ako dito. Need lang naman ni Maam ang paliwanag mo. Kaya wag kang mag alala. Alam nating lahat na Mabait si Maam Antonia. Kaya relax lang." Pahayag ni Liza na ikinapanatag ng kalooban ko.
"Ay s'ya magsimula ka na. Babalik na ako sa loob ng matapos ko na ang ginagawa ko. Balik ka na rin sa ginagawa mo Liza." Wika ni Manang Fe, sa kanila.
Muli siyang bumalik sa loob ng bodega, at sinimulan ng maglinis ng mga nakatambak doon. Inuna niyang ilabas ang mga kahoy, mga kahon at appliances na sira na. Itatanong na lang niya kung pwedeng itapon na lang para maalis ang ibang kalat. Bago niya sinimulang linisan ang buong bodega.
Halos gabi na rin ng makatapos siya, sa sobrang daming kalat doon kanina. Nagmukhang bagong kwarto, at naging maaliwalas ang bodegang iyon. Pwede ka ng maglagay ng isang kama at kabinet at kung siya ang papipiliin masarap ng tulugan sa aliwalas ang kwartong iyon.
Matapos niyang buhatin isa-isa ang mga dagmang doon at ilagay sa labas. Pinalisan naman niya iyon ng maalis ang mga alikabok. Pinunasan din niya ang buong kwarto, ang kisame, dingding at sahig.
Dahil sa pagod, hindi na namalayan ni Anna na bumagsak na ang kanyang katawan sa sahig mula sa pagkakaupo, at tuluyan ng nakatulog.