Halos alas otso na ng gabi, ng magpahayin sa hapag si Mrs. Antonia. Hinintay kasi nito si Lucas galing sa barkada. Matagal na rin ng huli silang nagkasabay pagkain, dahil palagi itong busy noong nakaraan, at halos doon na matulog sa opisina.
Nang makasalubong naman niya itong galit na galit na galing sa likod bahay, ay sinundan naman niya ito at kinausap, na intindihin si Anna. Kinausap din ng Ginang ang anak, na baka naman sumosobra din ito, kaya naman nagagawang sumagot ni Anna.
Ipinaliwanag din ng Ginang na mabait na bata si Anna. Na kaya ito napunta ng Maynila, dahil gusto nitong makatulong sa magulang, para hindi mahinto ang dalawang kapatid na ngayon ay nasa high school na. Kahit papano ay napahupa ng pagkausap ng ina, ang inis na nararamdaman niya para kay Anna.
Hindi naman daw ito galit sa ina. Pero gusto lang daw nitong magpalipas ng inis kay Anna. Kaya mas ninais nitong umalis at magtungo sa bahay ng kaibigan at doon magpalipas inis na nararamdaman.
Kapapasok pa lang ni Lucas, at bagong nababa ng hagdanan ang Ginang, galing sa kwarto nito.
"Tamang -tama ang dating mo Lucas, nagpahanda na ako ng dinner. Akala ko ay hindi ka pa darating magtatampo na sana ako sayo anak." Malambing na wika ng Ginang sa kay Lucas.
"I told you mommy, I'll be back before dinner. Masama lang ang loob ko kanina. But I'm fine now. Kain na tayo. " Sagot naman ni Lucas na ikinayakap ng ina.
"Akala ko talaga magagalit ka na sa mommy mo eh." May halong pagtatampo sa boses nito.
"Mom, kahit naman nagkakasagutan at nagkakatampuhan tayo. Hindi ko naman hahayaan na, lumipas ang isang araw na hindi tayo okey. Baka parehong magtampo sa atin si daddy, na sobrang busy sa negosyo sa ibang bansa, ay ayaw na namang umuwi at ang gusto na naman siya ang dadalawin. Dapat tayo ang magtampo kay daddy eh." Mahabang wika ni Lucas na ikinatawa ng mommy niya.
"Ewan ko dyan sa daddy mo. Palaging ang sinasabi sa akin uuwi daw s'ya for good pag nag-asawa ka na." Wika ng Ginang na ikinakunot naman ni Lucas.
"Naku mommy, hayaan na lang muna natin si daddy na mag enjoy sa pamamahala ng company natin sa ibang bansa. Ang bata pa ni daddy para mag retiro. Kayang kaya niya iyon." Wika ni Lucas na ikinatawa lalo ng Mommy n'ya.
"Asus kung hindi kita anak, baka maniwala akong talaga na gusto mo lang na mag enjoy ang daddy mo sa pamamahala ng kompanya. Kaso anak kita, sabihin mo na lang na ayaw mo pang mag-asawa kahit thirty three ka na. Mas maniniwala pa ako. Kailan ka ba mag-aasawa anak? Nang may maalagaan naman akong apo habang malakas pa kami ng daddy mo." Wika ng Ginang na si Lucas naman ang natawa.
"Matagal pa ng kaunti mommy. Kain na tayo, namiss ko ang luto ni Manang Fe." Pag-iiwas ni Lucas sa sinabi ng ina.
"Hay naku, sige na nga. Ngayon lang ulit tayo magkakasabay anak. Mabuti na lang talaga, sinasabayan ako nina Fe na kumain. Kung wala sina Fe, hay, hindi masayang kumaing mag-isa."
"Si mommy talaga. Ito na nga, basta may pagkakataon, sabay ako tuwing dinner, kasabay sina Manang Fe."
Nakaayos na ang pagkain pag pasok nila ng kusina, nakaupo na rin silang lahat at magsisimula na sanang kumain ng mapansin ni Mrs. Antonia na wala si Anna.
"Nasaan si Anna? Kanina ko pa s'yang hindi nakikita?" Tanong ni Mrs. Antonia.
"Tss. Paimportante." Pabulong na sambit ni Lucas. Pero narinig naman ng mga kasama nila sa hapag.
"Hindi pa po siya bumabalik, buhat ng iwan namin siya ni Manang Fe, doon sa bodega. Baka po naglilinis pa iyon. Noong pinuntahan ko kaninang hapon tatapusin lang daw niya at patapos na. Pero hindi ko na po ulit nabalikan doon si Anna." Mahabang paliwanag ni Liza sa mga ito.
"Tatawagin ko po muna si Anna." Sambit ni Liza, na akmang tatayo ng magpresinta si Lucas na siya na ang tatawag kay Anna.
Ayaw sana ng Ginang, baka mamaya ay mag-away na naman ang dalawa, pero hinayaan na lang din ni Mrs. Antonia ang gusto ng anak. Dahil siya naman daw ang nagpalinis ng bodega. Gusto din daw nitong makita kong nalinisan ba ng maayos ni Anna ang kwartong iyon.
Napakunot naman ang noo ni Lucas ng mapansing bukas ang pintuan ng bodega, pero wala namang bukas na ilaw. Imposibleng naglilinis pa si Anna sa oras na iyon. Samantalang sure na wala na itong makikita sa dilim ng bodega.
Nilapitan ni Lucas ang pintuan ng bodega. Wala man lang siyang narinig na kaloskos sa loob kaya isinara na lang niya ang pintuan. Hindi na rin siya nag-aksaya pang buksan ang ilaw. Dahil wala man lang siyang naramdaman na may tao pa sa loob noon.
"Tss. Saan kaya nagsuot ang babaeng machine gun na iyon?" Wika pa ni Lucas sa sarili.
Pagbalik ni Lucas, sa dinning ay nakasilip na ang Ginang sa likudan ni Lucas.
"She's not there." Biglang sabi ni Lucas.
"Imposible. Hindi ko naman nakita na pumasok si Anna dito sa loob kanina eh." Sambit ni Manang Fe.
"Tingnan ko po muna sa kwarto." Sabi ni Liza, at mabilis na tumayo.
Ilang saglit lang ay bumalik na rin si Liza.
"Wala po si Anna sa kwarto." Nag-aalalang wika ni Liza. Hapon pa ng huli niyang nakita si Anna. Wala namang nakakapasok na masamang tao sa loob ng subdivision na iyon. Kaya alam nilang safe ang mga tao doon.
"Nasilip mo ba ang loob ng bodega anak?" Tanong muli ng Ginang kay Lucas.
"Patay kasi ang ilaw, kaya I assume na walang tao doon. Pero wait, bukas ang pintuan ng bodega. Pero hindi na ako nag-aksayang buksan ang ilaw. Kaya hindi ko nasilip ang loob." Wika ni Lucas na ikinatayo ng ina.
"Ako na lang ang pupunta." Sambit ng Ginang.
"Sama na ako mom." Wika ni Lucas.
Sumama na rin si Manang Fe at Liza pabalik sa bodega. Pagpasok nila ay hinanap agad ni Lucas ang switch ng ilaw. Pagsambulat ng liwanag ay halos namangha talaga sila na linis ng loob ng bodega. Naka ayos na rin ang mga bagay na nakatambak pero pwede pang gamitin. Hindi mo na makikitang bodega o tambakan iyon kanina. Sobrang laki ng pagbabago ng malinis ni Anna.
Naagaw lang ang pansin nila ng matumba ang mop sa sahig kaya napatingin sila dito. Doon nila napansin ang babaeng nakahiga, na halos naghahabol ng paghinga.
Mabilis naman itong tinakbo ni Lucas. Magulo ang buhok nito na nakatabon sa mukha. Aayusin sana ni Lucas ang buhok nito ng bigla niyang bawiin ang kamay.
"Sh*t!" Gulat na sambit ni Lucas na ikinalapit ng tatlo.
"Bakit? Kumusta s'ya anak?" Tanong ng Ginang.
"Sobrang taas ng lagnat n'ya! Maputla din ang kulay n'ya. Call a doctor now! Mom!" Halos pasigaw na wika ni Lucas sa ina. Halata din sa boses nito ang pag-aalala. Walang pag-aalinlangang binuhat nito si Anna.
Sa halip na sa kwarto ng mga katulong dalahin ang dalaga ay sa kwarto niya mismo ito dinala. Binalikan din niya si Liza at pinapalitan ng damit si Anna dahil basang-basa ang damit nito.
Kukuha pa sana ng damit ni Anna si Liza, ng iabot ni Lucas ang sarili nitong damit at bagong boxer shorts kaya iyon ang ipinalit ni Liza kay Anna.
Matapos mapalitan ni Liza ng damit si Anna ay niyaya na muna silang kumain ni Manang Fe.
"Sir Lucas, mamaya ay darating na rin ang doktor, tumawag na po ang mommy n'yo. Kumain po muna kayo, naghihintay ang mommy n'yo sa hapag." Wika ni Manang Fe.
"Kumain na kayo Manang. Mamaya na lang po ako kakain. Dito na lang po muna ako. Pasabi kay Mommy, babawi na lang ako sa kanya sa susunod. Sorry din at parang nawala po ang gutom ko." Sambit ni Lucas na narinig naman pala ng mommy niya ang sinabi nito. Dahil nasa likudan na pala ito ni Manang Fe.
"Sige, bantayan mo na lang muna si Anna. May kasalanan ka din kaya siya nasa sitwasyon na iyan. Magpakuha ka na lang ng pagkain, o magpahayin ka pag nagutom ka na ha." Sambit ng Ginang na ikinatango na lang ni Lucas.
"Halika na kayong dalawa at kumain na tayo. Darating na rin naman ang doktor maya-maya lamang. Hayaan n'yo na munang masolo ng aking anak ang daughter in law ko." Mahinang sambit ng Ginang na ikinahagikhik ni Liza na parang kinikilig. Pero hindi nakalampas sa pandinig ni Lucas.
Nang makaalis ang tatlo, ay nilapitan ni Lucas si Anna at sinalat ang noo nito.
"Sinabi ko lang naman na linisin mo iyong bodega, hindi ko sinabing pwersahin mo ang sarili mo. Pwede mo namang sabihin sa akin na hindi mo natapos kaya bukas mo na lang itutuloy. Pero bakit mo naman tinapos linisin, ayan nagkasakit ka tuloy." Sermon pa ni Lucas kay Anna kahit alam niyang hindi siya naririnig nito.
"Sa susunod kung hindi mo kaya, pwede namang magpahinga, hindi naman ako magagalit kung hindi mo natapos. Kasi kitang kita ko kung gaano kadami ng tambak sa loob ng bodega na iyon. Gusto kong lang talaga na inisin ka kaya ko ipinalinis iyon sayo. Beside gusto ko din naman na luminis at maalis ang dapat ng itapon at matira ang pwede pang magamit. Kaya lang grabe ang ginawa mong linis. Kulang nalang kumikislap sa sobrang linis ang ginawa mo eh." Dagdag pa ni Lucas.
Kinuha niya ang kamay ni Anna at mahigpit na hinawakan ng mahigpit.
"Don't let me scared like that again baby. Masyado mo akong pinag-alala. Pagaling ka na ha. Darating na si dok." Wika ni Lucas, habang hawak niya ang kamay ni Anna at masuyo niyang hinalikan.
Ilang sandali lang ay natapagtanto ni Lucas ang kanyang ginawa. Bigla niyang binitawan ang kamay ni Anna, at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"F*ck! T*ngna! Saan nanggaling 'yon?" Takang sambit ni Lucas sa sarili. Habang hindi pa rin makapaniwala, sa mga salita at kilos na kanyang ginawa.