Chapter 6

1601 Words
Halos isang linggo na rin mula ng magkita si Mrs. Antonia at si Anna. Sa isang linggo niyang pananatili sa bahay ng mga De La Costa, masasabi niyang masungit talaga ang anak ng Ginang. Kahit ang sabi nila ay mabait ito. Maaring mabait ito sa iba. Pero talagang may pagkaarogante, at pagkamasungit pag ang kaharap ay siya. Pinipigilan na lang niya ang sarili na patulan ito. Dahil kahit papano ay anak pa rin ito ng kanyang amo. Habang nasa may garden si Anna ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Liza. "Anna, tawag ka ni Sir Lucas. Mag behave ka ha. Kung pwedeng pigilan ang sarili na wag sumagot. Wag sumagot. Okey." Sambit ni Liza. Pinaalalahanan na rin siya nito. Sa isang linggo niya sa bahay na iyon, ay talagang hindi na umayos ang buong araw nila. Basta nagkalapit or nagkita sila ni Lucas. Ang mahigpit lang niyang ipinagtataka. Kung gaano siya kaingat sa pag-iwas dito, iyon naman ang palagi nitong ginagawa, ang palagi siyang ipatawag nito. Walang problema ang utos utusan siya at trabaho niya iyon. Ang mahirap lang ay tuwing makikita siya nito ay palaging galit, inis ang pagmumukha nito ng hindi niya malaman ang dahilan. Kaya naman ang maayos sana nilang pag-uusap, at maayos na pag-uutos sa kanya ay nauuwi sa sagutan at bangayan. "Opo, Liza, naiintindihan ko. Ang hindi ko lang maintindihan palaging sa akin galit, pero ako palagi ang hanap. Ang weird ng boss natin na 'yon, di ba? Parang ipinaglihi sa kagaspangan ng ugali, pag ako ang kaharap. Tapos ang bait bait sa inyo." Nakangusong reklamo niya kay Liza. Kahit matanda si Liza ng dalawang taon sa kanya. Ayaw nito ng tinatawag na ate. Nakakatanda daw kasi. Maganda si Liza, iyon nga lang tulad din niya, kailangan din nitong kumayod, para sa kinabukasan ng mga mahal nila sa buhay na mga nagsisipag-aral pa. Kaya malaki ang pasasalamat niya at dito siya napunta. Tulad din niya hindi nito pinagsisisihan ang trabaho na maging katulong. Lalo na at napakabait ng Ginang sa kanila. Hindi pa nila nakikita asawa nito. Pero sabi naman ni Manang Fe ay mabait ang asawa nito tulad din ng Ginang. Maliban lang talaga sa pakikitungo ni Sir Lucas sa kanya. "Baka naman na love at first sight sayo, kaso in denial king, este boss, kaya ganon na lang makitungo sayo." Natatawang sambit ni Liza. "Naku Liza walang ganoon. Baka hate at first sight, tingnan mo at galit na galit sa akin, wala pa akong ginagawa. Galit na. Paano kung mayroon pa. Sige aalis na ako, baka mag-ala knight fury na naman ang boss nating iyon, bugahan pa ako ng apoy." Halos patakbong paalis ni Anna, habang kumakaway pa kay Liza. Halos nasa tatlong minuto ng nakatayo sa labas ng kwarto ni Lucas si Anna ay hindi pa rin s'ya nito pinapapasok. Naka ilang katok na rin siya pero hindi ito sumasagot. Sa isip na baka, inaasar lang siya nito ay napilitan na siyang buksan ang pinto, at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ni Lucas. Magtatanong pa lang si Anna kung ano ang kailangan nito sa kanya, ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si Lucas na nakatapis lang ng maliit na towel na puti sa baywang. Habang may hawak na maliit na towel na ginagamit nito para matuyo ang basang buhok. Dahil sa pagkabigla ay hindi magawang alisin ni Anna ang tingin kay Lucas. Napatitig pa siya sa isang butil ng tubig na tumulo mula sa dibdib nito. Patungo sa mabato nitong six pack abs, hanggang sa makarating sa. "Staring is rude. Alam mo ba yon?" Sambit ni Lucas. Pero mukhang walang naririnig ang babaeng kaharap. Napalunok na lang ng laway si Anna at hindi na niya tinuloy pang sundan ang isang butil na patak ng tubig na iyon dahil nagkasala na nga ang kanyang inosenteng mata, tapos madadagdagan pa kung susundan niya kung saan iyon patungo. Bago pa siya makaiwas ng tingin ay narinig na naman niya ang sigaw ni Lucas. "What the hell are you doing here!" Madiing wika nito na halos lumabas ang litid nito sa leeg. Malamang dahil hindi na niya naintindihan ang sinabi nito noong una. Magagawa ba niyang parang biglang namagnet ang kanyang mata sa katawan nito. Kahit na eeskandalo ang kanyang mga mata sa ayos nito. Ay hindi naman niya mapigilan na hindi ito sagutin. 'Self galit yan sayo. Sa mata ang tingin. Hindi sa towel. Focus self. Baka mag ala Toothless yan mahirap na.' Giit pa ng isang bahagi ng utak ko bago pa ako nakasagot. "Anong? What the hell I'm doing here? Abay ipinatawa mo daw ako sabi ni Liza. Alang namang magtungo ako dito, para tingnan kung tapos ka ng maligo. Para tingnan iyang katawan mo. Aba'y mahiya ka naman sa inosente kong mga mata, para magbalandra ka ng katawan sa aking harapan. Hindi man ako si Maria Clara, pero ako naman ay Dalagang Filipina." Mahabang paliwanag ni Anna, bago napagtanto ang kanyang sinabi. Gusto niyang malubog sa kanyang kinatatayuan, dahil siguradong galit na galit na naman sa kanya ang knight fury na ito. "So, hindi ka pag nag-enjoy sa katawang nakabalandra sa harapan mo? Kung halos tumulo na ang laway mo pagkakita sa katawan ko." Nakangising sambit nito sa kanya na ikinapula naman ng mukha niya. "Hindi ah. Madami na akong nakitang ganyang katawan. Mas malalaki at mas built in kaysa sayo. Wala nga lang iyan sa mga nakikita ko." Sagot niya dito na ikinasingkit ng mata nito. "Akala ko ba inosente yang mga mata mo. Pero madami ka na palang nakitang ganitong katawan?" Naiinis na tanong nito sa kanya. "Aba'y sa ngayon lang ako nakakita sa personal eh. Nakikita ko lang naman iyan sa t.v. at sa magazine na ginagamit ni Aling Lorna at Aling Rosa sa tinda nilang prutas at gulay doon sa probinsya namin." Sagot naman niya dito na ikinatawa ni Lucas. Hindi malaman ni Anna kung akong anong mabuting espirito ang sumapi sa boss niya at tumawa ito ng hindi niya inaasahan. Doon lang niya napansin na gwapo pala ito pag tumatawa at hindi iyong palaging paangil sa kanya. Pero binaliwala lang niya ang nasa isip dahil wala iyong magandang maiidulot sa kanya. Natigilan ito sa pagtawa ng hindi sinasadyang, makalas ang pagkakabuhol ng towel nito sa beywang. "Oh my gosh.!" Iyon lamang ang nasambit ni Anna sa kanyang sarili. Mabuti na lang at nagawa niyang makatalikod bago tuyang bumagsak ang towel nito sa sahig. Napasinghap si Anna ng bigla itong sumigaw. "Get out! Bumalik ka after five minutes at ipapagawa ko sayo ang ipag-uutos ko." Galit na wika nito sa kanya. Hindi naman magawang ihakbang agad ni Anna ang mga paa, dahil naiisip pa rin niya ang sarili na kung hindi siya nakatalikod nakita niya ng hindi inaasahan ang ano nito. Ang itinatago nito sa likod ng towel. Natigil ang pag-iisip ni Anna ng lumipad sa tapat ng ulo niya ang towel na gamit nitong pantuyo sa buhok kanina na ngayon ay nasa may ulunan na niya. Hinagip niya ang towel, akmang ibabalik niya ito dito ng sumigaw naman ito. "GET OUT!" Sigaw nitong muli kaya nagmadali ng lumabas si Anna ng kwarto nito. Baka mamaya sa halip na galit lang ito, ay mapalayas siya nitong mismo sa pamamahay ng mga ito. Bitbit ang towel, ay mabilis na tumakbo si Anna sa kusina. Kumuha kaagad siya ng isang basong tubig sa ref at mabilisang uminom. Halos pangapusan siya ng hininga habang naiisip ang pangyayari kanina, sa pagitan nila ni Lucas. Alam niyang maganda ang katawan nito, pero hindi niya akalaing mas maganda pala iyon pag walang suot na damit. Ipinilig pa niya ang ulo, dahil sa mga imaheng pumapasok sa utak niya. "Anong nangyari sayo? Para kang tinakasan ng lakas ah." Tanong ni Liza na hindi niya napansin ang pagpasok nito sa kusina. "Wala naman." Tipid lang niyang sagot. "Sure ka ba? Bakit parang nakakita ka ng multo? Ano yang hawak mo? Towel yan ni Sir Lucas di ba?" Dagdag tanong pa nito. "Hindi ah! Hindi naman ako nakakita ng multo. Hubad na dragong gwapo ang nakita ko." Wika niya kay Liza, na napatakip lang siya ng bibig ng marealize ang sinabi. Pinaningkitan naman siya ni Liza. "Anong hubad na dragong gwap." Hindi natuloy ni Liza ang sasabihin ng bigla itong tumili. "Hala, nakita mo si Sir na nakahubad? Oh my gosh. Nakita mo ang abs n'ya? Hala s'ya. Grabe ka. Anong ginawa n'yo?" Mapanudyong tanong pa ni Liza, na muling ikinatili nito. "Ano iyang mga pinagsasasabi mo? Ako'y tigilang mo Lizariabeth. Noong punta doon sa kwarto ni Sir ay hindi ko naman alam na katatapos lang niyang maligo, so ayon, nakita ko lang ng slight ang katawan niya. Tapos pinalabas lang ako at mamaya daw ako bumalik dahil may ipag-uutos nga daw siya." Wika niya kay Liza na mukha namang naniwala. Dahil iyon naman ang totoo. Maliban sa nakita naman talaga niya ang katawan nito. Na talaga namang mukhang alaga sa exercise at healthy diet. Hindi na rin siya kinulit pa ni Liza sa kung ano ang nangyari sa kanya. Umalis na rin ito at ipagpapatuloy ng muli ang pagsasampay, dahil baka tigil na rin sa pag-ikot ang mga damit na sinalang nito washing machine kanina. Hindi na rin siya umalis ng kusina. Tumawag na lang siya sa pamilya niya sa probinsya para makipagkumustahan sa mga ito. Sa isang linggo na malayo sa pamilya ay talagang namimiss din niya ang mga ito. Hanggang sa dumating na rin si Manang Fe, na galing sa paggogrocery. Doon na lang din niya hihintayin ang pagtawag muli ni Lucas sa kanya para sa ipag-uutos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD