Chapter 13

1708 Words
Pagkatapos ng pag-uusap ng mag-ina ay tumuloy agad si Lucas sa kanyang kwarto. Inaasahan niyang makita ay ang nakahiga sa kama na si Anna, habang mahimbing na natutulog. Pero kabaliktaran ang kanyang nakita. Si Anna na nagsisimulang maghubad ng kobre kama ang nakita niya. "What hell, are you doing!" May diing sambit ni Lucas na ikinagulat naman ni Anna. "Hala, ay magpapalit po ng cover ng kama, kaya po heto na at hinuhubaran ko na." Wika ni Anna sa kanya. "Di ba, sinabi ko sayo na wag ka na munang magkikilos, at wag ka na munang magtrabaho! At isa pa, di ba dapat nagpapahinga ka pa." Inis na namang wika ni Lucas. "Magpapalit lang po ako ng cover ng kama at punda ng unan ninyo. Hindi po mabigat na trabaho. Pati ok na po ako." Giit pa ni Anna kay Lucas, na ikinalapit sa kanya ni Lucas, at hinawakan ang noo n'ya. "Wala na po akong sakit at okey na po ako. Kung iyan ang iniisip ninyo. Wag po kayong mag-alala kung iyon man po ang nararamdaman ninyo." Dagdag pa ni Anna. "Hindi ako nag-aalala sayo. Si mommy ang inaalala ko, na baka kung mapaano ka ay masyado iyong mag-isip. Wag kang assuming." Masungit na sambit ni Lucas na ikinangiti naman ni Anna. "Hindi naman po ako assuming Sir. Nasabi ko lang. Pero hindi ko inakala. Pero baka po gusto n'yo muna doon sa porch, para po mapalitan ko na ito ng maayos. Nakapaglinis na rin naman po ako. Ito na lang talagang cover ang hindi ko napapalitan." Mahabang wika ni Anna na kinuha naman ni Lucas ang hawak nitong dulo ng cover na hawak niya. "Wag mo na lang munang palitan. Bukas na lang. Bumaba ka na at naghahanda na sina Manang ng dinner. May kasama nga pala ako kanina. Siguro kasama na nina Manang sa kusina. Balikan mo na lang ako dito pag okey na." Wika naman ni Lucas na ikinatitig niya dito. "Pero Sir, baka amoy ko na ang nandyan sa cover ng kama mo. Tapos pinagpawisan pa ako kagabi at kaninang umaga. Baka mamaya, magulat ka na lang kasi kakaiba ang amoy ng cover mo at unan." Paliwanag naman ni Anna dito na hinawakan siya sa kamay at iginaya palabas ng kwarto. "Bukas mo na nga lang kasi palitan. Okey lang ng hindi ka na mabinat. Bumaba ka na sa kusina, magpahinga ka na lang muna. Para mamaya, makakain ka na rin at makainum ng gamot. Layas na! Ako ng bahala dito." Wika pa ni Lucas. "Pero Sir." "Ang kulit mo. Mukha ngang wala ka ng sakit. Bukas na nga kasi di ba? Lalabas ka, ng kwarto ko o lalayas ka ng bahay na ito?" Sambit pa ni Lucas. Na binitbit na siya patungong pintuan at pinagsarhan na siya ng pinto. Nakatingin naman si Anna sa saradong pintuan, na tila may malalim na naiisip. "Ang weird talaga ni Sir, kaninang umaga pa. Akala ko ba maselan, halos dapat malinis ang kwarto niya. Amoy pawis ko iyong higaan n'ya eh. Tapos isa pa, hindi siya gaanong galit. Nagalit lang kasi ayaw kung sumunod na bukas na lang gawin ang trabaho ko. Hindi din gaanong mataas ang boses makipag-usap sa akin ngayon, kahit ramdam ang kaunting inis. Mukhang naengkanto yata si Sir ah. Ang weird n'ya. Sobra." Wika pa ni Anna sa sarili, bago tinalikuran ang nakasaradong pintuan ni Lucas. Tumuloy na rin siya sa kusina, at nakilala niya ang bagong katulong daw na kasama ni Lucas. Unang kita pa lang niya sa babae ay natutuwa siya dito at kitang-kita niya na mabait ito. Nakakatuwa din ang batang kasama nito. Iyon nga lamang kahit gustong-gusto niya sanang buhatin, hindi pwede kasi kagagaling lang niya sa sakit. Nakontento na lang siyang kausapin ito ng hindi nalalapitan habang buhat-buhat ito ni Liza. Si Gia naman ay katulong ni Manang Fe sa paghahanda ng pagkain. Habang bagong dating si Mrs. Antonia na nawili ding makipaglaro kay Gael. Kinuha pa nito kay Liza bata at siya ang mismong nagbuhat. Sa kwarto naman ni Lucas ay hindi maintindihan ni Lucas ang sarili kung bakit hinayaan lang niyang paalisin si Anna, kaysa papalitan ng cover ang kanyang kama. Hindi din niya alam kung bakit nakahiga siya ngayon sa kama niya, habang nasasamyo ang naiwang amoy ng dalaga. Kung pinagpawisan man ito, ay hindi niya alam kung bakit parang nagugustuhan ng kayang ilong, ang samyo ng amoy nito. Para pa nga siyang narerelax, at gusto niyang matulog na lang, at samyuin ang amoy ng hinihigaan niya ngayon. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nangyayari sa kanya. Hindi naman siya pamilyar, pero gusto niya ang nararamdaman ngayon. Mas ok sa kanya na hindi patulan ang pagsagot ni Anna ng pabalang. Ayaw na rin niyang marinig ang boses nito na nagagalit. Mas ok sa kanya ang boses nito na mahinahon. Kahit siya ang ang weird ng pakiramdam. Kahit sarili niya hindi niya makuha kung ano ang dahilan ng pagbabagong pakikitungo niya kay Anna. Ayaw niyang isipin na nagugustuhan niya ito. Lalo na at wala siyang alam kung ano ang pakiramdam ng may magustuhan. Noong bata pa s'ya, school bahay lang talaga siya. Kahit sabihing, lalaki siya hindi siya tulad ng ibang mayayaman na nagbabar, club, party dito, party doon. Tanging pag-aaral lang ang priority n'ya hanggang college. Hanggang sa pag-aralan na rin niya ang paghahandle ng kanilang company. Ngayong s'ya na ang humahawak ng company nila dito sa Pilipinas. First time niyang sagot-sagutin siya, ng isang babae pa. Kaya naiinis siyang talaga. Pero sa ilang araw na nakasama niya si Anna na noong una ay puros lang sila bangayan, kaya sagad ang inis din niya dito. Pero ng makita niya itong nakahiga sa sahig at inaapoy ng lagnat, hindi niya maipaliwanag ang takot na kanyang nadarama para dito, at ang pagsisisi, sa ginawa niyang pagpapalinis ng bodega dito. Nainis pa siya ng sa unang pagkikita ni Andrew at Anna ay genuine ang ngiti nito. Hindi niya alam pero may kirot iyon sa kanyang puso. Gusto din niyang makita, ang ngiti nito na hindi iyong parang nang-iinis. Napabangon si Lucas sa mga tumatakbo sa utak niya. 'F*ck you! Lucas! Anong nangyayari sayo? Kinulam na yata ako ng babaeng iyon eh! Hindi naman ako ganito noon. Bakit!? Haist! T*ngna.! Lang talaga.!" Inis na usal ni Lucas sa sarili. Tatlong katok ang narinig ni Lucas sa labas ng kanyang kwarto. Hindi na siya sumagot at tuluyang lumapit na sa pinto at binuksan ito. "Wha...?" Hindi natuloy ni Lucas ang sasabihin ng mapansing dala ni Anna si Gael. Hindi niya ito hinahawakan kanina. Pero dahil magaling na naman siyang talaga. Hinayaan na siya ni Gia na buhatin ang kanyang anak. Tuwang-tuwa naman si Gael kay Anna dahil sa pagiging makulit nito sa kanya. "Bakit ikaw ang may dala kay Gael? Baka mabinat ka." Nag-aalalang wika ni Lucas, at kinuha sa kanya si Gael na ikinanguso n'ya. "Okey na naman ako eh. Pinayagan nga ako ni Gia, na buhatin itong si baby Gael eh. Ako na lang ulit magbubuhat." Reklamo ni Anna, habang inaagaw si Gael kay Lucas. Tuwang-tuwa naman si Gael, habang nagrereklamo si Anna, paatras ng paatras naman Lucas, dahil natutuwa siyang naiinis ito. Nang hindi naman napansin ni Lucas na nasa may kama na siya, na ikinawala niya ng balanse. Habang si Gael naman ay bumagsak sa malambot na kama na ikinatawa nito ng malakas. Hindi na rin naman nakabawi si Anna at napasunod sa pagbagsak ni Lucas sa kama. Namalayan na lang nilang magkadikit ang kanilang mga labi na ikinalaki ng mata ni Anna. Ramdam na ramdam ni Anna ang kakaibang kuryenteng, dumadaloy sa magkahugpong nilang mga labi. Hindi naman malaman ni Anna kung paano aalis sa pwestong kinasasadlakan, dahil nararamdaman niya ang isang bagay na nasa pagitan ng mga hita ni Lucas. "Oh! My! Gosh! Lucas Dimitri!" Narinig nilang wika, kaya biglang naitulak ni Lucas si Anna, na ikinabagsak nito sa sahig. "Aray naman!" Reklamo ni Anna habang hawak-hawak ang balakang. "Mommy naman! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Inis na tanong ni Lucas. "Ang tagal n'yo kasing bumaba, kakain na kaya tayo, kaya sumunod ako kay Anna. Kaya lang, kinamalayan ko bang, gusto mo na akong bigyan ng apo. Hindi n'yo naman agad sinabi. Bakit sinama n'yo pa si Gael. Di sana ay hindi na kayo naistorbo. Akin na nga itong baby na ito. Diyan na kayong dalawa. Kakain na kami. Hinay-hinay lang mga anak. Kagagaling lang ni Anna." Wika ng Ginang, na biglang ikinakuha kay Gael at mabilis na lumabas ng kwarto. "Bakit ka ba nanghahalik!" Singhal na naman ni Lucas kay Anna, pagkalabas ng Ginang sa kwarto niya. "Ang kapal ng mukha mo ng slight Sir ah. Alam mo bang, kung hindi mo inagaw sa akin si Gael, hindi mangyayari iyon! Akala mo ba gusto kong mahalikan ka? Aba naman!" Inis na singhal niya dito. "Aba, parang lugi ka pa sa akin ah.! First kiss mo no?" Pang-aasar pa nito sa kanya. "Eh ano naman? Bakit ngayon ka lang nakahalik ng first timer? Ganyan kasi talaga pag mga f*ckboy, playboy, babaero. Nagugulat talaga pag nakahalik sa mga Dalagang Filipina." Inis na sagot naman ni Anna. "Mukha namang hindi mo first time. Tss. Tama na nga ang arte. Lumabas ka na, baka mamaya kung ano pang isipin ni mommy na ginagawa mo dito. Layas!." Inis na wika ni Lucas sa kanya. "Oo lalabas na. Akala mo siya itong first timer na nahalikan. Daig pa ang babae kung umangal." Wika ni Anna na halos bulong na lang ang pahuli ng hindi marinig ni Lucas. "May sinasabi ka!" "Wala po Sir. Sabi ko lalabas na nga. Akala mo naman hindi masakit tumulak. Para tuloy lalo akong magkakasakit sa lagay na ito." Sagot pa ni Anna habang dahan-dahang naglalakad palabas ng pintuan. Nang makalabas si Anna, doon lang nagawang hawakan ni Lucas ang mga labi niya. Ramdam niya ang pagdaloy ng kuryente sa labi niya, ng biglang maglapat ang mga labi nila ni Anna. Hindi niya maipaliwanag, pero totoong first kiss din niya iyon. Hindi lang niya ipinahalata kasi tense talaga siya sa pangyayari na iyon ng biglaan. Mabuti na rin at dumating ang mommy niya. Dahil hindi niya alam ang gagawin lalo na at nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam ang katawan niya ng mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD