Chapter 12

1340 Words
Pinagtitinginan naman si Lucas at si Andrew, ng mga taong napapadaan sa pwesto nila. Lalo na at agaw pansin naman talaga ang itsura ng magkaibigan. Mayaman at gwapo lang sila pero marunong silang makisama at makibagay. Biglang pumasok sa isipan ni Lucas si Anna. Na bakit tuwing magkikita sila, ang tahimik na mundo nagkakaroon ng world war two. Natigil lang ang pag-iisip ni Lucas ng iabot na sa kanya ang order niyang ice cream. Habang masaya silang kumakain ng ice cream ay nakikipagkwentuhan na rin sila sa mag ina. Nakilala nila ang mag-ina na si Gia at Gael. Napag-alaman nilang wala itong asawa at isang pagkakamali lang ang nangyari, pero hindi daw nito pinagsisisihan, lalo na at kasa-kasama niya ngayon si Gael. Naikwento din ni Gia ang nangyari sa kanya, kung bakit ito humantong sa ganoong kalagayan. Nagtatrabaho ito sa isang bar, ang Phoenix, bilang waitress. Nang isang pagkakataon may isang lasing na lalaki siyang tinulungan. Hindi naman niya alam kung saan ito dadalahin kaya ang ginawa niya ay dinala ito sa isa sa VIP room ng bar. Pero nagkamali pala siya ng pagtulong, dahil napagkamalan yata nito, na siya ang babaeng siguro ay kasintahan nito. Hanggang sa nangyari ang hindi dapat mangyari. Nang malaman niyang nagdadalang tao siya, pinalayas naman siya ng kanyang mga magulang. Hindi matanggap ng mga ito, na ang kanilang anak ay nabuntis ng walang asawa at isa itong kahihiyan sa pamilya. Mahirap lang sila, pero dahil hindi matanggap ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya. Pinalayas siya ng mga ito. Hindi din siya hinanap ng mga magulang, siguro ay sagad talaga ang galit ng mga ito sa kanya. Kahit mahirap noon ang pagbubuntis niya ng mag-isa. Tiniis niya ang lahat para sa kanyang anak. Mahirap man ang buhay, pero laban lang, lalo na at may isang buhay ngayon na umaasa sa kanya. Ngayon ay nangungupahan sila sa isang maliit na apartment. Napapabantayan naman nito si Gael sa kapitbahay nila na matandang dalaga, pag nasa trabaho siya. "Hindi mo man lang ba hinanap ang lalaking nakabuntis sayo?" Curious na tanong ni Andrew kay Gia. "Kung ako ngang, inosente niyang nakuha, hindi niya hinanap, ako pa na hindi ko naman, siya kilala. Pati sa bagay, habang nagsasawa siya sa katawan ko noon. Ibang babae naman ang binabanggit niya. Sabagay hindi naman niya ako kilala." Kibit balikat na wika ni Gia. "Hindi ba naghahanap ng tatay itong si Gael?" Tanong naman ni Lucas. "Hindi naman, hindi naman niya hahanapin ang tatay niya, kasi matagal ko ng ipinaliwanag kay Gael, na hindi ko talaga kilala ang tatay n'ya. Na nagkamali ako. Matalinong bata si Gael kaya kahit mahirap ang buhay masaya akong dumating siya sa buhay ko. Si Gael na lang ang natitirang lakas ko, para lumaban sa hamon ng buhay." Mapait ang tinig sa boses ni Gia. Matapos kumain ay nagpaalam na rin si Gia na uuwi na daw sila. "Thank you po Sir Andrew, Sir Lucas. Salamat po sa pakikinig. Masarap din po palang kahit papano may napapaglabasan ng mga hinanakit sa buhay. At Sir Lucas salamat po sa libro. Matagal na po kasi naming binabalikan iyong libro sa mall. Minsan po kasi may sale. Inaabangan ko po talaga na mangyari iyon kaso hindi po talaga nangyari. Pero nagpapasalamat po ako. Nang sobra dahil hindi na kayo nagalit sa akin. Ibinigay n'yo pa itong libro sa akin anak." Taos pusong pasasalamat naman ni Gia na ikinangiti ni Lucas. "Uuwi na ba talaga kayo?" Tanong ni Lucas. "Kailangan Sir, may trabaho pa po ako mamayang gabi." Wika ni Gia. "Sa bar ka pa rin ba nagtatrabaho?" Tanong naman ni Andrew. "Hindi na Sir, matagal na akong umalis doon, noong nalaman kong nagdadalangtao ako. Sa isang fastfood na po ako nagtatrabaho ngayon. Iyon pong 24hrs. Kaya po panggabi ang duty ko." Wika ni Gia. "Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong naman ni Lucas. "Nahihirapan po. Pero ano pong magagawa ko, wala naman po akong mahihingan ng tulong, walang mag-aalalaga sa anak ko kung lilipat ako ng ibang trabaho. Hindi po ako pwedeng maging katulong, lalo na at walang magbabantay ng aking anak." Malungkot na wika ni Gia. "What if sumama ka na lang sa akin. Kunin na lang kitang katulong sa bahay. Isama mo si Gael, sure na pati si mommy, matutuwa na may bata sa bahay." Masayang wika ni Lucas. "Hala Sir nakakahiya naman po. Baka po maging abala pa kami sa inyo." Pagtanggi ni Gia. "Wag kang mag-alala, sumama ka na kay Lucas, kung hindi nga lang ako sa condo ko nakatira isasama na lang kita. Kaso mas mahirap ang sitwasyon mo doon lalo na at madalas maiiwan lang kayong mag-ina wala ding magbabantay kay Gael. Pero kay Lucas madami." Wika naman ni Andrew. Wala na namang nagawa si Gia ng itakbo ni Andrew si Gael, patungo sa nakaparadang kotse ni Lucas. Itinuro na lang ni Gia ang daan pantungo sa apartment na tinutuluyan nilang mag-ina. Iilan lang naman ang gamit ng mag-ina na halos nagkasaya lamang sa hindi kalakihan bag. Nagpaalam din si Gia, sa matandang dalaga niyang kapitbahay, na siyang may-ari ng paupahan, at nag-aalaga kay Gael pag nasa trabaho siya. Dumaan din sila sa fastfood kung saan ito nagtatrabaho. Nagpaalam na rin si Gia sa mga kasamahan sa trabaho, at sa manager nito. Hindi naman nagalit ang mga ito sa biglaan niyang pag-alis sa trabaho. Lalo na at alam din pala ng mga ito ay sitwasyon ni Gia. Talaga lamang wala din silang magawang tulong para sa mag-ina dahil gipit din ang mga ito. Matapos ang isang oras na byahe ay inuna muna ni Lucas ihatid sa tapat ng condo nito si Andrew. Gusto pa sana nitong sumama, para daw makita si Anna na ikinainis na naman niya. Kaya pagkababa ni Andrew ng kotse niya ay iniwan na lang niya ito basta. Pinaharurot naman niya mabilis ang kotse niya at naiwan si Andrew na nagdadabog. Natatawa pa siya sa inasal ng kaibigan, na parang batang nais pa yatang maglupasay. Nang biglang malingunan niya ang mag-ina na natutulog sa back sit ng kotse niya. Naiisip ni Lucas ang kwento ni Gia, na hindi niya maipaliwanag kung bakit halos magkapareho sila ng kwento. Ang pagkakaiba lang, ay ang nagkukwento. Gusto niyang alamin kung tunay ang kanyang hinala. Malakas ang kutob niyang, anak nito si Gael. Pero wala itong mapagkakilanlan sa babaeng nakasama nito noong gabing iyon. Lalo na at hindi na niya nakita ang babae ng magising siya. Ang alam nito ay isang prosti ang kasama niya noon, pero hindi nito inakala na siya ang dumungis sa inosente nitong pagkatao. Isang mabining tapik sa balikat ang nagpagising kay Gia. Nakita niyang nakatigil sila sa tapat ng isang napakalaking bahay. Bumaba si Gia ng sasakyan habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa bahay na nakikita niya. "Sir hindi po ba nakakahiya na dito kami tumuloy? Oo nga po at magiging katulong ako, pero nahihiya po akong kaming mag-ina ang tutuloy dito." Nahihiyang wika ni Gia. "Wag ka ng mahiya, mababait silang lahat dito." Nakangiting sambit ni Lucas. Tinawag din ni Lucas si Liza para mabuhat ang gamit ni Gia. Hindi nito mabubuhat ang dalang bag nila lalo na at tulog na tulog si Gael. Nagulat naman si Liza ng makita ang babaeng kasama ni Lucas, masasabing bata pa ito at maganda, pero may kasamang bata. "Magandang hapon Sir." Bati ni Liza sa kanya. Na ikinatango lang niya. "Pakidala naman ng gamit ng mag-ina sa maids quarter. Doon na lang sa ibang kwarto. Lalo na at may kasama siyang bata. Mas komportable kung sila lang mag-ina ang magkasama." Sambit ni Lucas na agad namang ikinasunod ni Gia kay Liza. Pumasok na rin si Lucas sa loob ng bahay ng makita ang mommy niya na nakatingin sa babaeng may bitbit na bata na nakasunod kay Liza. Isinama naman ni Lucas ang mommy niya sa loob ng library at doon kinausap tungkol sa babaeng kasama niya ngayon. Hindi rin halos makapaniwala ang Ginang, sa nalaman sa anak. Wala pa namang patunay pero umaasa silang tama ang kanilang nasa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD