Chapter 14

1941 Words
Isang buwan na ang nakakalipas buhat ng magtrabaho si Anna sa bahay ng mga De La Costa. Ngayon hindi niya maintindihan kung masungit, o mabait si Lucas. Minsan kasi maayos kausap minsan kala mo may buwanang dalaw. Buhat ng mangyari ang tagpong iyon, sa kwarto ni Lucas, ay iniiwasan na niya ito. Lumalapit lang siya pag may ipag-uutos ito. Pero hanggat maaari ay iwasan muna niya si Lucas. Unang sweldo niya ngayon, kaya ang balak niya ay magtungo ng bayan para makapagpadala naman ng para sa pangangailangan ng mga kapatid niya sa eskwelahan at makapag-abot ng kaunting halaga para sa pang-araw-araw na panggastos ng kanyang pamilya. Day off din niya ngayon kung tutuusin. Madalas naman kasi, ang day off niya ay inilalaan na lang din niya sa loob ng bahay para magtrabaho. Wala naman din siyang gagawin o pupuntahan wala naman siyang alam sa Maynila. Ngayon lang siya aalis para makapagpadala sa pamilya niya at kasama niya ngayon si Gia at ang anak nitong si Gael. Dahil sanay ito sa Maynila, sure na hindi siya maliligaw. "Ready ka na ba Anna?" Tanong ni Gia sa kanya, habang si Gael ay nag-aalpas sa ina at gustong magpabuhat sa kanya. "Oo naman." Sambit niya habang si Gael ay kinukuha sa ina. "Gusto mo ba kay Tita Anna, kaya sa akin mo gustong magpabuhat?" Masuyong tanong ni Anna kay Gael. "Opo. Ok lang po ba? Kasama naman po si Nanay gusto ko lang po na magpabuhat sa inyo." Nakangiting wika ni Gael. "Aba Gael, baka naman mabigatan sayo si Tita Anna niyan, malaki ka na. Akala ko ba big boy ka na? Bakit nagpapabuhat pa?" Wika naman ni Gia na ikinanguso ng anak. "Kasi nanay, buhat ng magpunta tayo dito, ng sinama tayo ni Tito Lucas, nito po lang ako nagkaroon ng tito, tita, lola. Bukod po kay lola na nakakasama ko doon sa tinitirahan natin noon. Kaya po masayang masaya po ako." Naka pout na sambit na Gael, na ikinagigil naman dito ni Anna habang buhat buhat. "T-tita A-anna, lalam ko po lalab mo ako. P-pero hin-hindi po ako maka hinga." Wika ni Gael na ikinaluwag ng pagkakayakap ni Anna dito. "Sorry naman baby, natutuwa lang si Tita. Kasi kahit malayo si Tita sa family n'ya. Sobra mo akong napapasaya." Wika naman ni Anna na ikinalapit sa kanya ni Gia. "Asus tama na nga kayong dalawa. Para kayo ang mag-ina. Tara na." Sambit ni Gia na ikinalakad nila palabas ng kwarto. Nakita naman nila si Manang Fe at Liza na nasa kusina. "Paalis na ba kayo? Ingat kayo ha." Wika ni Manang Fe sa kanila. "Dapat kasama ako eh, kaso nakapagpadala na ako kahapon. Sa susunod, sasabay ako kay Anna ng pagpapadala sa pamilya ko. Para makapag bonding tayong tatlo." Sambit naman ni Liza, na ikinatuwa naman ni Gia at Anna. Nang makalabas sila ng gate ay maglalakad sana sila palabas ng subdivision ng tumigil sa harapan nila ang kotseng kilalang kilala ni Anna. "Hop in." Wika nito pagkababa ng salamin ng pintuan ng kotse. "Naku Sir Lucas, mag tricycle na lang po kami." Sagot ni Anna, habang umiiwas kay Lucas. "Sakay na, mainit ang panahon, baka mamaya magkasakit pa, pati si Gael." Pilit nito sa dalawa, kaya naman wala ng nagawa si Gia at sumakay na ito sa back sit. Akma namang sasakay din sa back sit si Anna ng biglang magsalita si Lucas. "What are you doing?" Tanong nito sa kanya. "Sasakay po." Maang niyang sagot kay Lucas. "D'yan? Ano ako driver n'yo? Dito ka sa front sit." Mariing tugon ni Lucas. Magrereklamo pa sana siya ng makita niyang masama ang tingin nito sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi, sumunod dito. "Saan ba ang punta n'yo?" Tanong sa kanila ni Lucas na si Anna na ang sumagot. "Sa bayan Sir. Magpapadala po ako sa pamilya ko sa probinsya." Sagot ni Anna, sabay tingin sa labas. "Bakit sa bayan pa? Meron din namang remittance center sa mall." Tanong nitong muli. "Ibibili ko po ng ilang gamit si Gael Sir. Mas makakamura po pag sa palengke ako bibili." Sabat naman ni Gia. "Ano bang mga kailangan ni Gael?" Tanong namang muli ni Lucas. "Ibibili ko po siya ng ilang gamit sa eskwelahan. Tinanggap pa rin po kasi siya doon sa school na napagtanungan ko. Nakita ko po kasi iyong public school malapit lang po doon sa subdivision sa bahay n'yo. Papapasukin ko na po sana si Gael." Paliwanag naman ni Gia. "Akala ko simula na ng pasukan? Late na si Gael kung ganoon." Sambit ni Lucas. "Sabi po noong magiging guro niya. Kahit daw po two months na late, okey lang kaya pa daw pong makahabol ni Gael. Lalo na at Kindergarten pa lang naman." Wika ni Gia. na ikinatango ni Lucas. Ilang minuto din ang lumipas, pero tumigil sila sa mall na pagmamay-ari ng mga De La Costa. "Sir, akala ko ba sa bayan po tayo pupunta?" Sabay na tanong ni Gia at Anna. "Ok lang naman dito. Makakapamili si Gael ng mga gamit niya, ng hindi mabigat ang presyo. Trust me." Wika ni Lucas at sabay sabay na silang pumasok sa loob. Una nilang pinuntahan ang remittance center. Dahil madaming tao. Naghintay na lang sa labas sina Gia, may bench naman doon kaya doon sila nakaupo. Habang si Lucas ang may buhat kay Gael at nakikipaglaro dito. Kahit pinagtitinginan si Lucas ng mga taong nagagawai sa pwesto nila, dahil may kasama siyang bata ay baliwala lang sa kanya. Mahalaga masaya siyang nakikipaglaro kay Gael. Halos nasa kalahating oras ding pumila si Anna. Habang nakapila, tinawagan niya ang kapatid na si Noriel. Ito kasi ang kukuha ng padala niya. Sinabi din niya na may pasobra siya sa padala niya, para makakain naman sa labas ang pamilya niya. Ayaw pa sana ng kanyang ina, pero dahil mapilit siya napilitan na rin ang mga ito sa treat niya kahit malayo siya sa mga ito. Miss na niya ang pamilya niya, kung hindi lang nakakahiya sa maraming tao sa loob ng remittance center ay baka naiyak na siya, habang kausap ang pamilya. Paglakalabas ni Anna ay sinalubong naman siya ng nakangiting si Gia. "Okey na?" Tanong nito sa kanya. "Oo daw, mamaya ay kukunin na ni Noriel ang padala ko. Nakakainggit, magkakasama silang lahat mamaya. Pero kahit papano masaya na rin ako. Malayo man ako sa kanila. Mahalaga makatulong akong mapagaan ang isip nila kung saan hahanap ng mga gagastusin. Lalo na at malaki din ang gastos ng dalawang high school, pamasahe pa lang." Wika ni Anna na ikinangiti ni Gia. "Naiinggit din ako sayo. Sana ganoon din ang pamilya ko. Sana dumating ang panahon na matanggap nila kami ni Gael." Malungkot na wika ni Gia. Habang nakatingin kay Gael na nilalaro ni Lucas. "Baka nabigla lang sila. Wag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Wika naman ni Anna. Nang makita naman sila ni Lucas, ay nagsimula itong maglakad palapit sa kanila akay si Gael. Bumitaw naman si Gael kay Lucas at nagpunta sa nanay niya. Nagsimula silang sundan si Lucas ng maglakad ito. Napansin nilang sa book store kung saan nakasira ng libro si Gael sila nagtungo. Napansin naman sila ng sales lady na nakasagutan niya noon at mabilis na lumapit ito sa kanila. "Hi." Nakangiting bati nito sa kanila. "Hello." Sagot naman ni Gia. "Bibili ba kayo ng gamit school? Sale kami ngayon." Nakangiting wika ng sales lady sa kanila, na nagpakilalang, si Mira. "Talaga? Akala ko noong isang buwan pa nag sale, bago magpasukan." Gulat na tanong dito ni Gia. "Hindi. Noong isang buwan selected items. Ngayong araw all items. Kaya madami kayong pwedeng mabili. Magandang klase, pero napakababa ng presyo." Makangiting wika ni Mira. Natuwa naman si Lucas sa nakita. Hindi na tulad noon ang pakikitungo ng sales lady sa mag-ina. Maayos na itong nakikipag-usap sa mga ito. Napansin din niya ang pag assist ng sales lady sa mag-ina. Kaya naglakad lakad na rin siya sa loob ng bookstore. Nakita niya si Anna na nagtitingin din ng mga school supplies. Nilapitan niya ito. Pero busy si Anna kaya hindi siya nito agad napansin. "Iniiwasan mo ba ako?" Wikang tanong ni Lucas, na ikinagulat naman ni Anna. "Hindi ah." Simpleng sagot ni Anna, na hindi naman bumenta kay Lucas. "Talaga lang ha." "Oo naman Sir. Bakit ko naman kayo iiwasan." Tanong ni Anna. "Because of the kiss." Sagot ni Lucas na ikinatigil ni Anna sa pagtitingin ng mga gamit. "Para iyon lang? Nakalimutan ko na nga iyon. Kayo lang nagpaalala." Wika ni Anna na hindi naman makatingin kay Lucas. "Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?" "Hindi nga kasi, ang kulit n'yo. Bakit ba nandito kayo sa tabi ko? Hindi ba kayo busy?" Sambit ni Anna, na naiirita na sa kasusunod ni Lucas. "I'm busy, you know." "Yon, naman pala eh. Bakit sunod pa kayo mg sunod sa akin." Wika ni Anna na humarap pa kay Lucas. "I'm busy, to see you." Nakangiting wika ni Lucas. "Anong?" Hindi na natuloy ni Anna ang sasabihin ng hawakan ni Lucas ang kamay niya. "Wag ka ngang maraming tanong, para kanino ba ang tinitingnan mong mga gamit? Para sa mga kapatid mo. Dito tayo." Sabay hila sa kanya ni Lucas, papunta sa mga school supplies na talaga namang magagamit nga ng kanyang mga kapatid. Pero kahit sabihing sale, kung bibili naman siya, sure na baka naman mashort s'ya ngayon buwan dahil napadala na niya sa pamilya niya ang para sa mga ito. Napatitig na lang si Anna sa mga mgagandang gamit. "Hindi ka ba kukuha ng mga gamit para sa mga kapatid mo?" Tanong nito sa kanya. "Next time na lang Sir. Baka ma short ako ngayon eh. Napadala ko na kasi halos lahat ng sweldo ko. Nagtira lang ako ng konte." Sagot ni Anna, ng hindi na niya napigilan si Lucas, na ito ang kumuha ng iba't ibang school supplies. "Sir, anong ginagawa mo?" Tanong niya dito. "Ako na lang ang bibili, ang bagal mo, kasi. Nakita ko na kasi si Gia at Gael na papalapit sa counter tapos na yata sila." Wika ni Lucas, habang hawak na naman nito ang kamay niya, papunta sa counter kung nasaan si Gia at Gael. "Nakuha mo ba lahat ng pwedeng magamit ni Gael?" Tanong ni Lucas kay Gia, na ikinangiti nito. Habang ang mga gamit naman na kinuha ni Lucas para sa mga kapatid niya ay inilapag din nito sa counter. "Ako na ang magbabayad ng lahat. Paghiwalayin mo na lang ng lalagyan." Wika ni Lucas sa cashier na hindi naman kaagad nakapag react ang dalawa. "Sir!" Sabay na wika nila kay Lucas na ipinagkibit balikat lang nito. "Isinama n'yo na nga po kami, tapos kayo pa magbabayad?" Wika naman ni Gia. "Para naman kay Gael iyon, kaya hayaan mo ng ako ang magbayad." Nakangiting wika ni Lucas. "Bakit pati iyong sa mga kapatid ko?" Tanong ni namang bigla ni Anna. "Bakit ba ang tanong mo? Basta gusto ko." Sagot ni Lucas. Na isa isang binuhat ang paper bag na naglalaman ng mga gamit na pinamili nila. Habang si Anna at Gia naman at nagkatinginan lang. Pinagmasdan lang nila ang likod ni Lucas na papalabas sa bookstore. "Anong nakain ni Sir?" Wika ni Anna. "Abay ewan ko? Sinamahan na nga tayo, s'ya pa ang nagbayad ng pinamili natin, ngayon s'ya pa ang may bitbit ng lahat ng iyon." Sambit ni Gia habang buhat ngayon ang halos, mawalan ng malay na si Gael, dahil sa kaantukan. Napangiti naman si Anna, kahit hindi niya alam ang dahilan ng biglang pagbabago ni Lucas. Masaya siyang hindi na ito palasigaw sa kanya. Hinawakan naman niya sa siko si Gia, at sabay na silang naglakad para sundan si Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD