Mabilis na lumabas ng sariling kwarto si Lucas at nagtuloy sa kusina. Nadatnan niya ang mommy niya si Manang Fe at Liza na nagsisimula ng kumain.
"Oh! Akala ko ba hindi ka pa kakain." Tanong ng mommy niya.
"Nagbago na ang isip ko. Kain na tayo." Wika niya na halatang umiiwas.
"May nangyari ba anak?" Tanong muli ng kanyang ina.
"W-wala n-naman mommy." Nauutal pang sambit ni Lucas. Kaya pinaningkitan siya ng ina.
"Bakit para hindi naman? Bakit ka nauutal anak?" Tudyo pa ng ina. Habang nakikinig lang sa usapan ng mag-ina sina Manang Fe at Liza.
"Mom, nagugutom na ako kaya ako bumaba. Tulog naman si." Hindi niya matuloy ang sasabihin, dahil kahit isang linggo na doon ang dalaga ay hindi pala niya natatanong ang pangalan nito.
"Si?" Ulit pa ng mommy n'ya.
"Yong babaeng machine gun ang bibig na iyon. Tulog naman kaya bumaba na ako." Natawa naman si Liza ng hindi sinasadya habang napangiti naman si Manang Fe.
"Lucas, may pangalan ang babaeng machine gun ang bibig na sinasabi mo." Sabay hagikhik naman ng Ginang.
"Pero wait lang kahit ako nalilito eh. Isipin ko lang." Natatawang sambit pa ng Ginang na ikinatingin ng lahat sa kanya.
"Aira Noel Noriel Anastacia ang pangalan niya. Short for Anna. Ang haba talaga ng pangalan ng batang iyon." Wika ng Ginang na ikinaawang ng bibig ni Manang Fe at Liza. Pati si Lucas ay napaisip din ng husay sa pangalang binanggit ng kanyang ina.
"Seriously mommy? Apat na pangalan?" Seryosong tanong ni Lucas sa mommy niya.
"Aba'y oo, ipinakita pa sa akin ang birthday certificate niya. Kaya napatunayan kung iyon talaga ang kanyang pangalanag. Pati nga naghahanap ng trabaho ang batang iyon. Kaya lumuwas dito sa Maynila. Galing daw siyang probinsya." Wika pa ng Ginang. Nakikinig lang naman sa kanya ang tatlong kaharap.
"Ito pa ang trivia, kaya talagang natutuwa ako kay Anna. Anna have two siblings. Noriel and Aira. Her mother is Anastacia and his father is Noel." Sambit ng Ginang na ikinahagikhik naman nito na lalong nagpanganga sa mga kaharap.
"What?" Biglang sambit ni Lucas.
"Anong what? What? Ka dyan anak?"
"Seriously? Dala n'ya ang pangalan ng buong pamilya n'ya ah?" Sambit ni Lucas na ikinahanga naman ng dalawa pang kaharap.
"Buhat ng dumating dito si Anna. Akala ko talaga Anna ang pangalan n'ya. Nakakatuwa kasi ang tandem ng name namin. Anna Liza." Sambit ni Liza na ikinatawa ng Ginang.
"Sabagay pareho naman kayo ni Anna. Si Anna na may apat na pangalang nakapaloob sa pangalan niya at ikaw na si Lizariabeth." Sambit ni Manang Fe na ikinanguso naman ni Liza.
"Manang ah. Hindi ko alam kung saang planeta nakuha ni inang ang pangalan ko. Wag mo ng banggitin kakahiya." Wika ni Liza na ikinatawa na rin ng Ginang.
Nagpatuloy lang sila sa pagkain. Natuwa na rin si Lucas at na divert sa iba ang kanilang pinag-uusapan at hindi na siya natanong ng mommy niya. Kung ano ang dahilan ng bigla niyang paglabas sa sariling kwarto.
Matapos silang kumain ay dumating na rin ang doktor. Hindi na sumama si Lucas para tingnan ang lagay ni Anna dahil nagtuloy na lang siya sa garden. Doon na lang siya nagpalipas ng busog, habang umiinom ng kape na pinatimpla niya kay Liza.
"Dok kumusta naman si Anna?" Nag-aalalang tanong ng Ginang.
"She's fine Mrs. De La Costa. Na over fatigue lang talaga, at nalipasan siya ng gutom." Sambit ng doktor na ikinalingon ni Mrs. Antonia kay Manang Fe.
"Hinihintay ko nga si Anna noong tanghalian sa kusina kaya lang nawala na rin sa isip ko na dalhan siya ng pagkain dahil may ginawa ako. Noong meryenda naman sabi ni Liza ay tatapusin na nga lang daw ni Anna ang ginagawa. Pero hayon, dahil masama na pala ang pakiramdam. Hindi na nagawa pang kumilos at nakatulog na doon sa pwesto niya." Napabuntong hininga na lang si Manang Fe, habang nakatingin kay Anna na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Niresitahan naman ng gamot si Anna pati vitamins na pang isang buwan, para makabawi agad ng lakas. Sinabihan din muna silang lugaw muna ang ipakain kay Anna sa loob ng dalawang araw at prutas, para naman mas mabilis itong makabawi ng lakas.
Matapos maibigay ang resita, ay nagpaalam na rin ang doktor.
Nagising naman si Anna. Nagulat siya sa nakita, na wala siya sa kanilang silid. Mabilis namang bumangon si Anna. Ngunit mabilis ding bumagsak dahil, nakaramdam ng hilo.
"Ano ka bang bata ka. Wag kang pabigla bigla ng pagbangon. Baka kung mapaano ka." Nag-aalalang sambit ni Mrs. Antonia.
"Sorry po Maam. Ano pong nangyari? Bakit po nandito ako sa silid ni Sir Lucas. Baka po magalit iyon." Nag-aalalang wika ni Anna.
"Wag kang mag-alala hindi iyon magagalit. Siya naman ang nagdala sayo dito sa kwarto niya." Sagot ng Ginang sa kanya.
"P-po?" Litong tanong niya.
"Aba'y malay ko. Basta wag kang mag-alala. Si Lucas mismo ang nagdala sayo dito sa kwarto niya. Nang makita ka namin sa may bodega. Ano bang naisipan mo at hindi ka man lang kumain noong tanghalian, pati n rin noong meryenda. Kaya ka nagkakasakit, pinababayaan mo ang sarili mo. Isipin mo ang pamilya mo sa probinsya. Paano sila pag nagkasakit ka. Hmmmm." Sermon ng Ginang sa kanya, na mas ikinatuwa naman niya, dahil ramdam niya ang pag-aalala nito sa kanya.
"Sorry po Maam at salamat po sa pag-aalala. Pasensya na rin po at nakatulog po pala ako doon kanina." Nakayukong wika naman ni Anna sa Ginang.
"Wag kang mag-alala mahalaga ay ok ka lang. Parating na rin si Fe, at nagpaluto ako ng lugaw. Iyon daw muna ang kainin mo sabi ng doktor, sa loob ng dalawang araw. Para hindi mabigla ang tiyan mo. Bakit kasi nagpalipas ka ng gutom. Inumin mo din ang gamot na resita sayo ng doktor. Para mabilis kang gumaling." Wika pa ng Ginang sa kanya. Masaya siya na kahit malayo siya sa pamilya, sa ganitong sitwasyon ay kasama niya ang isa sa pinakamababait na tao na nakilala niya. Katulong lang siya doon. Pero pamilya na ang turing sa kanya.
"Sorry po. Ibawas n'yo na lang po sa magiging sweldo ko ang lahat po ng expenses ko, sa gamot at doktor. Pati na po sa abala." Nahihiyang sambit pa ni Anna.
"Wag mong isipin iyon, ang mahalaga ay ok ka lang. Uminom ka ng gamot, para mas mabilis kang gumaling. Dito ka na lang matulog. Pasasamahan na lang kita kay Liza para hindi ka mailang. Sa ibang kwarto na lang matutulog si Lucas. Hmmm." Malambing na sambit ng Ginang, na ikinatango niya dito, bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.
Si Manang Fe naman ang pumasok sa loob. May dala itong isang tray na may lamang isang mangkok na lugaw, isang basong orange juice, tubig, hiniwang prutas at gamot.
Dahil nagugutom na rin siya, ay naubos din niya ang mga dalang pagkain ni Manang Fe. Matapos mainom ang gamot ay tinulugan naman siya ni Manang Fe na makahiga ng maayos. Lumabas na rin ito ng masiguradong komportable na siya.
Ipinikit na lang niya ang kanyang mata at gusto na rin niyang muling matulog. Hindi niya alam kung bakit ganoong kakomportable ng pakiramdam niya, kahit may sakit siya. Masarap ang pakiramdam niya ngayon, habang nakahiga sa kama ng kanyang boss, at naaamoy ang natural scent nito.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Gising pa ang diwa niya, pero hindi na niya kayang imulat ang mga mata. Hinayaan na lang niya ang taong pumasok sa loob. Dahil malamang si Liza iyon tulad ng sinabi ng Ginang na pasasamahan siya nito dito ngayong gabi.
Naramdaman na lang ni Anna ang mainit na kamay na humaplos sa kanyang ulunan. Pero hindi na talaga niya maimulat ang mga mata. Maya maya pa ay may mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang noo. Mabilis lang iyon at naramdaman na lang niyang muli ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hanggang na tuluyan na talaga siyang igupo ng antok.