Chapter 10

1736 Words
Alas syete na ng umaga ng magising si Lucas. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili sa mga kakatwang kilos niya ngayon. Kagabi, matapos niyang ubusin ang kapeng iniinum niya ay pumasok na siya ng loob ng bahay. Nakita niyang lumabas si Manang Fe sa kwarto niya na may bitbit na tray. Hindi lang siya napansin ni Manang. Nang makababa si Manang Fe, saka lang siya tuluyang pumasok ng kwarto niya. Ang balak lang naman niya ay kumuha ng pantulog, dahil hindi siya komportable sa suot niya ngayon. Matapos niyang kumuha ng pamalit, ay napatitig siya sa mukha ni Anna, na mahimbing na natutulog. Lalampasan na sana niya ito, pero biglang pumasok sa isipan niya na salatin muna ang noo nito. Nakahinga naman siya ng maluwag ng maramdamang hindi na ito gaanong maiinit. Kung titingnan, hindi na mataas ang lagnat nito. Sinat na lang bali iyon dahil nawala na ang sobrang init. Hindi naman niya sinasadyang mapatingin siya sa mapupulang labi ni Anna. Doon ay napalunok na siya ng laway. Hindi niya maintindihan ang ang sarili at natutukso siyang halikan ito. Pero dahil sa isip isip niyang naiinis pa rin siya sa dalaga ay aalis na talaga sana siya pero, hindi niya naiiwas ang sarili na halikan ito sa noo. Matapos ang ginawa niyang iyon, ay para tuloy siya ang magnanakaw. Magnanakaw ng halik sa noo. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto niya. Bitbit ang damit na kinuha niya, at mabilis na nagtungo sa guest room, para doon muna siya matulog. Mabilis naman siyang nagtungo sa banyo para maligo. Gusto niyang mawala ang masamang espirito na dumadaloy sa katawan niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na hinalikan niya sa noo si Anna. Naaawa lang siya dito. Iyon ang itinatanim ni Lucas sa isipan niya. Dahil hindi siya pwedeng maattract sa babaeng machine gun na iyon. Matapos magtuyo ng buhok ay nahiga na rin si Lucas pero hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya malaman kung ano ang dahilan niya ngayon at madaling araw na. Mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata. Naligo na muna si Lucas sa kwartong inukupa niya, bago magtungo sa sariling silid. Nakita niya si Liza, na may bitbit na tray ng pagkain pero wala pang bawas. "Hindi ba s'ya kumain?" Tanong niya dito. "Tulog pa Sir. Nakatulog po yata kaagad kagabi, matapos pakainin ni Manang Fe. Tapos noong pumasok na ako sa loob, nakita kong kagigigising lamang ni Anna. Gusto nga sanang lumipat na sa kwarto namin. Pero pinuntahan kami ni Maam Antonia at sinabihan si Anna na dito na lang matulog dahil nasa isang guest room na daw po kayo. Tapos ayon mag aalas singko na po noong nakatulog ulit. Akala ko lang po ay gising na, kaya dinalahan ko na ng pagkain. Kaso tulog na tulog po eh. Kaya hinayaan ko na muna." Mahabang paliwanag ni Liza sa kanya. Na ikinatango naman ni Lucas. "Papasok sana ako at magpapalit ng damit." Wika niya dito. "Gusto n'yo po bang gisingin ko na si Anna?" Tanong ni Liza sa kanya. "No need, sa walk in closet naman ako magbibihis. Hindi na kailangang gisingin si Anna para makapagpahinga siya ng maayos." Sambit ni Lucas, na ikinasag-ayon naman sa kanya ni Liza. Nagpaalam na rin si Liza dahil may gagawin pa daw ito. Pumasok naman ng kwarto si Lucas ng halos hindi gumagawa ng tunog. Nakatalukbong ng kumot si Anna na ang labas lang ay ang mga labi at ilong. Base sa paghinga nito ay mahimbing nga tulog nito. Nagtuloy siya sa walk in closet at naghanap ng maiisuot. Wala siyang planong pumasok sa opisina ngayon, lalo na at linggo naman. Balak niya ngayong bisitahin ang ilang mall na pagmamay-ari nila. Nagsuot lang siya ng white short and red polo shirt. Suot din niya ang kanyang white sneakers. Kung titingnan, para lang talaga siyang magmamall. Hindi mo mapaghahalataang, kanilang pagmamay-ari ang mall na bibisitahin niya. Mukha lang naman talaga masungit pero mabuti ang pakikitungo niya sa mga empleyado. Maliban na lang talaga sa mga empleyadong, nang sisino ng iba. Iyong pag tingin nila walang pambili hindi inaasikaso. Doon talaga siya naiinis. Kaya ganoon lang ka simple ang suot niya, dahil hindi lahat ng empleyado kilala siya. Gusto niyang makita ang pagkakapantay pantay ng pakikitungo ng mga ito sa bawat customer. Matapos niyang maitali ang sneakers niya, ng magulat siya sa biglang pagsigaw ni Anna sa loob ng kwarto niya. Halos madapa pa siya sa sobrang pagmamadali. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang lalaking nakahiga sa kanyang kama, na nakayakap sa nakakumot na si Anna. Nawala na ang pagkakatalukbong nitong nakita niya, noong pumasok siya ng walk in closet niya. "What the f*ck!? What are you doing here, De Vega!?" Mariing tanong Lucas sa lalaking hindi pa rin naaalis ang pagkakayakap kay Anna. "Wait. Wait. Bago ka magalit. Hindi ko alam na may babae dito sa kwarto mo. Akala ko kasi ikaw itong nakahiga at nakataklob pa ng kumot. Kaya niyakap ko. Nagulat na lang din ako ng bigla siyang sumigaw." Paliwanag ng lalaki, na unti-unting inalis ang pagkakayakap kay Anna at mabilis na umalis ng kama. "Sorry bro, hindi ko naman alam na may tinatago ka pa lang girlfriend. Kung hindi pa ako naligaw dito hindi ko malalaman." Mapang-asar na wika ng kaibigan ni Lucas. "Ano munang ginagawa mo dito? At sino ang nagpapasok sayo dito sa kwarto ko?" Inis na tanong ni Lucas sa kaibigan. "Hindi ko kasi nakita si Manang Fe at Liza sa labas. Hindi ko din nakita si Tita Antonia. Kaya nagkusa na ang sarili ko na anyayahang pumasok dito sa loob ng kwarto mo. Wala namang pumigil. So I welcome myself here." Nakangising wika nito kay Lucas na ikinaasar naman lalo ni Lucas dito. "F*ck! you! De Vega." Sambit ni Lucas na tinaasan pa ng middle finger ang kaibigan. Nakatingin lang si Anna sa magkaibigan na nagbabangayan. Nagulat lang naman talaga siya, dahil biglang may tumabi sa kanya sa higaan. Tapos ay niyakap pa siya ng mahigpit. Isiniksik pa nito ang ulo sa likudan niya, kaya hindi na niya napigilan ang pagsigaw. Iyon ang nadatnan ni Lucas paglabas nito ng walk in closet. "Pero maiba ako, kailan mo ipapakilala sa amin ang girlfriend mo?" Sabay tingin kay Anna na nakaupo na ngayon sa kama ni Lucas at nakatingin sa kanilang dalawa. "Hindi ko s'ya girlfriend. She's one of our maid. Nagkasakit siya dahil na over fatigue daw at nalipasan ng gutom." Ani ni Lucas na ikinangisi naman ng kaharap. "Don't me De La Costa. Madami kayong guest room. May maids room. Dito pa talaga sa kwarto mo, dinala kung maid lang s'ya para sayo?" Tudyo pa ng kaibigan sa kanya. "Sa nataranta na ako kagabi eh. Lalo na at kasalanan ko kung bakit siya napagod." Paliwanag niya dito na napa 'oh' naman ang kaharap. "So you mean pinagod mo na nga s'ya. Tapos, hindi mo pa naisip na pakainin. Ibang klase ka De La Costa. Ano lang ang pinakain mo sa kanya?" Bulong ng kaibigan niya sa kanya, habang nakangisi sa kanya. "F*ck you! D*mn you! A*shole!. Hindi iyon ang ibig kung sabihin! Ipinalinis ko sa kanya iyong bodega sa likod bahay kaya s'ya napagod. Tapos hindi pa kumain. Hindi yang kung ano-ano iyang nasa utak mong kulay blue!." Galit na singhal niya sa kaibigan na ikinatawa lang nito sa kanya. "So hindi mo siya girlfriend. Wala kayong relasyon, so pwede pala akong magpakilala." Sabay talikod kay Lucas, at binalingan si Anna. "Hi, sorry kong nagulat kita, hindi ko kasi alam na may ibang tao pala ang nakahiga dito. Akala ko kasi tulog pa si Lucas. Kaya naman ginawa ko iyong pagyakap kanina. Iinisin ko lang sana s'ya. Kaso, wrong move pala. Sorry ulit. I'm Andrew. Andrew De Vega." Sabay abot ng kamay kay Anna na tinanggap nito. "Sorry din sa pagsigaw ko. Nagulat lang talaga ako kanina. Ako nga pala si Anna." Nakangiting sagot ni Anna kay Andrew. Hindi naman makapaniwala si Lucas na nginitian nito ang kaibigan habang pag nagkakausap silang dalawa ay halos, maglabasan na ang mga litid nila sa leeg sa pagbabangayan. Pinagmasdan lang ni Lucas ang dalawa hanggang sa hindi pa rin binibitawan ng kaibigan niya ang kamay ni Anna. "Anna lang? Surname?" Tanong pa nito kay Anna. "Anna na lang nickname ko iyon." Sagot pa ni Anna dito. "Nickname mo lang ang Anna. Anong tunay mong pangalan?" Curious na tanong ni Andrew sa kanya. "Baka magulat ka pag nalaman mo." Nakangiting wika ni Anna, na talaga namang ikinamamangha ni Lucas. Hindi sila ganoon noong unang magkita sila. Sweet ito at palaging nakangit sa kaibigan niya na ikinabibigat ng kalooban niya ngayon na hindi niya mapangalanan. "Hindi ako magugulat. Pa suspends ka naman eh. Just tell me. With surname." Pangungulit pa ni Andrew. "Aira Noel Noriel Anastacia Contreras, ang pangalan ko. Ang haba noh? Kaya Anna na lang." Wika ni Anna na ikinanganga naman ni Andrew. Natawa tuloy si Anna sa reaksyon nito. "Tama, Anna is much better. Ang haba ng name mo. Iba din ang trip ng mga magulang mo." Wika pa nito, na ikinagiti ni Anna. 'Iba talaga ang trip nila. Much better pa rin kay sa, sa Modess.' Wika ni Anna sa kanyang isipan. Magsasalita pa sanang muli si Andrew ng bigla siyang hawakan ni Lucas sa kwelyo ng kanyang damit at sapilitang hinila papalapit ng pinto. Mabilis din nitong naibukas ang pintuan, at itunulak palabas ang kaibigan. Gusto pa sana nitong pumasok sa loob pero talagang hindi na nito pinayagan. Hawak niya ang ulo ni Andrew kaya hindi ito nakapalag. "Tama na ang daldalan. Dyan ka na sa labas De Vega. Hindi ka welcome dito sa loob ng kwarto ko. At isa pa may pupuntahan tayo ngayon." Wika niya sa kaibigan, na ngayon ay nagmamaktol sa labas ng pintuan, kasi hindi na talaga niya ito pinapasok sa loob. "Ikaw naman. Hintayin mo lang si Liza at ipapa-akyat ko ang pagkain mo ng makainum ka ng gamot." Sambit ni Lucas kay Anna. "Sir kaya ko ng bumaba. May paa pa naman ako. Sa kusina na lang po ako kakain." Kontra niya sa sinabi ni Lucas. "Mukha naman okey ka na nga. Pero ako ang boss. Wag na wag kang lalabas ng kwartong ito hanggat hindi ka pa okey. Maliwanag. Ako ang boss kaya ako ang masusunod." Wika ni Lucas sabay sarado ng pintuan ng kwarto. Napatitig na lang si Anna sa saradong pintuan, habang inaalala ang sinabi ni Lucas. "Weird."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD