Chapter 11

2346 Words
"Oi, Lucas, saan ba tayo pupunta? Makikipagkwentuhan pa ako kay Anna eh." Reklamo ni Andrew, habang papasakay sila ng kotse. "Ako ang ipinunta mo di ba? Bakit sa kanya ka makikipagkwentuhan?" Inis na tanong ni Lucas. "Hindi daw girlfriend, tapos ayaw akong palapitin. Wala pa ngang karapatan, pero inaangkin." Bulong ni Andrew na dinig din naman ni Lucas. "F*ck you! De Vega. Hindi kita pwedeng iwan sa bahay, dahil may pupuntahan ako." Si Lucas. "Oh. Tapos? Magdadate tayong dalawa?" Nang-iinis na wika ni Andrew kay Lucas. "Tigilan mo ako Andrew, baka gusto mong ihulog kita dyan sa kinauupuan mo." Singhal naman nito na ikinatawa lang ng kausap. "Alam mo Lucas, seriously speaking. Wala bang boyfriend iyong bagong katulong sa bahay n'yo? Pwede ko ba s'yang ligawan?" Tanong ni Andrew na hindi alam ni Lucas ang isasagot niya. Nagkaroon siya ng kakaibang damdamin na hindi niya alam kung saan nagmula. "Wag mong pairalin ang pambababae mo kay Anna. Humanap ka ng iba!" Sambit ni Lucas na ikinatigil niya bigla. 'Ano ba talagang problema ko ngayon.' Wika pa niya sa sarili. Na bago pa mahalata ni Andrew ay nagsalita na muli ito. "Bakit ba sa akin ka nagtatanong? Aba'y malay ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling." Natigilan na naman si Lucas sa sasabihin ng maalala ang isinagot ni Anna sa kanya noong una silang nagkita sa kwarto niya? 'Saan ako nanggaling? Sa sinapupunan ni inay.' Bigla na lang ipinilig ni Lucas ang kanyang ulo at nakaramdam na naman ng inis sa dalaga. "Sa kanya ka magtanong at wala akong alam tungkol sa tinatanong mo!" Inis na singhal ni Lucas na ikinatitig naman sa kanyan ni Andrew. "Seriously bro. Kay Anna ako magtatanong? Pero bakit mo ako binitbit kung saan ka pupunta ngayon? Paano ako magtatanong? Di bali na lang. Babalik na lang ako mamaya." Nakangising wika ni Andrew kay Lucas. "Hindi ka babalik sa bahay, kasi hindi tayo babalik doon. Sasamahan mo ako ngayon, bibisita ako sa mall. Tapos. Uuwi tayo sa bahay n'yo. Patambay muna ako." Nakangising wika ni Lucas. Na laglag ang pangang ikinatingin ni Andrew sa kanya. Hindi na nakasagot pa si Andrew ng ipark ni Lucas ang kotseng dala niya sa tapat ng mall. Mabilis naman silang bumaba. Nagyuko naman ang mga gwardiya ng batiin niya ang mga ito. Tumigil muna sila sa loob ng opisina niya sa mall. Habang naghihintay ng oras. Nagpadeliver na rin lang siya ng pagkain sa sekretarya niya. Dahil hindi pa siya kumakain ng umagahan. Gawa ng biglaang pagsulpot ni Andrew sa bahay nila. Alas dyes na ng umaga ng lumabas ng opisina si Lucas. Naiwan naman si Andrew sa loob at maglalaro na lang daw ng 'Fishdom' sa cellphone niya. Habang naglalakad ay napansin niya ang papadaming pagdagsa ng mga tao. Naka bull cap din s'ya at naka facemask para hindi agad siya makilala ng ibang empleyado nila. Maayos naman ang pakikitungo ng mga empleyado nila sa mga customer ng mga tindahan na nadadaanan niya. Pero naagaw ng pansin niya ang isang bata na umiiyak, sa harapan ng bookstore. Nilapitan niya ito. Kakausapin sana niya ang bata ng lumapit sa kanya ang isang sales lady na mukhang galit na galit. "Ikaw ba ang kasama ng bata na iyan? Pagsabihan mo ng maayos iyang bata na kasama mo, ng hindi makasira. Alam mo bang kinuha niya iyong libro na pambata, pero hindi lang naman basta libro iyon. Dahil napakamahal noon, sa ayos pa lang ng bata na iyan, siguradong hindi kayang bilhin ng magulang ang nasira niya." Galit na wika ng sales lady habang nakataas ang kilay. Lalo namang umiyak ang bata, kaya binuhat na niya ito at pinapatahan. Nakayakap sa kanya ang bata habang tinatapik ang likuran nito para kumalma. Sa tingin niya ay nasa limang taon pa lang ang bata. Syempre bata ito, kaya siguro sabik makakita ng mga laruan, o kaya naman ay makukulay na libro. Nahabag siya sa sitwasyon ng bata, na ngayon ay wala na ang malakas na pag-iyak. Pero maririnig pa rin ang sunod-sunod na pagsinghot nito. "Ms. Sales lady ganyan ba kayo makitungo sa mga customer n'yo. Kung may kasalanan man ang bata na ito. Pwede n'yo s'yang sabihan in a good way. Hindi iyong kagagalitan ninyo dahil lang nakasira sila. Isa pa Miss. Bata iyang kinagagalitan mo. Ang dapat sinasabihan sila ng maayos. Hindi iyong pagagalitan mo." Wika ni Lucas sa sales lady na hindi niya magawang magtaas ng boses kahit naiinis siya. Dahil baka matakot ang bata na buhat niya ngayon. Tumatakbo namang papalapit sa kanila ang isang babae na sa tingin niya ay nanay ng bata. Simple lang ito at mahahalata mong nag-aalala. Kung titingnan mong mabuti ay parang nasa mid twenties pa lang ito. Siguro ay kasing edad lang ito ni Anna. Simple lang ang suot nito, pero mahahalata mong maganda ang babae. Nakasuot ito ng kupas na pantalon at simpleng t-shirt. Mahahalata din sa suot niyang sandals ang kalumaan. "Anak anong nangyari?" Wika ng babae na nasa tabi na niya kaagad. Bigla namang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ang bata at biglang yumakap sa ina nito. "Sabi ko naman sayo wag kang aalis sa tabi ko." Sambit pa nito sa anak na mahigpit na nakayakap sa kanya. "Nanay sorry po. Nakita ko po iyong libro. Tapos maganda. Tapos hindi ko po sadya. Tapos nabitawan ko po. Tapos nasira ko po." Wika ng bata sa ina na ikinatuwa niya. Dahil alam niyang mali nga ang ginawa niya at pwedeng mapagalitan ng ina ay sinabi pa rin nito ang totoo. "So ikaw pala ang pabayang ina ng batang iyan. Pakibayaran ng librong nasira niya." Sabat naman ng sales lady, na nakataas pa rin ang mga kilay. Ibinaba naman ng babae ang kanyang anak at inabot ang libro. Nagulat naman ito ng makita ang presyo noon. Halos nasa mahigit dalawang libo din iyon. Hindi kasi iyong ordinaryong libro. Bawat pahina kasi noon ay may mga 5D pictures na pagbinuksan mo ay umaangat. Kaya pangarap ng isang bata ang magkaroon ng ganoon. Maganda din ang papel nito. Pero dahil nabitawan ng bata, nagkaroon ito ng maliit na punit. Hindi na pwedeng ibenta, dahil damage na. Lalo na pag maselan ang customer. Hinintay niya ang sasabihin ng babae, dahil napansin niyang napalunok na ito. Siguro ay hindi din nga ito makapaniwala na ang halaga ng libro na iyon ay nasa aabot ng ganoon. "Sorry Ms. Hindi ko kayang bayaran iyan. Sa katunayan. Ito lang limang daan ang pera namin. Gusto ko lang talagang ipasyal ang akin anak ngayon, dahil day off ko, tapos kaar." Hindi natuloy ng ina ng bata ang sasabihin ng pagtaasan ito ng kilay ng sales lady. "Sorry talaga." Hinging patawad pa nito, at nagyuko muli ng ulo. "Alam mo bang, machacharge sa akin ang pagbabayad kung hindi ka magbabayad ng nasira ng anak mo. O kaya naman ay ipakulong na lang kaya kita, dahil hindi mo kayang bayaran ang nasira ng anak mo." Galit na sabi nito. Nakakaagaw na rin sila ng atensyon ng mga tao. Dahil sa pagsigaw ng sales lady. "Wait lang Ms. Sales lady, pwede bang hinaan mo ang boses mo nakakaagaw ka na ng atensyon. Nakakasira ka ng reputasyon nitong mall. Masyado kang mapangmataas, manyapat naka uniporme ka. Na kung tutuusin mas mabuti pa ang ibang, wala sa kalagayan mo dahil marunong silang magpakumbaba." Wika ni Lucas dahil naiirita na siya sa katarayan ng babae. Nakayuko naman ang mag-ina na tila nahihiya sa nasira ng kanyang anak, at wala naman silang maiipambayad. "Bakit? Ikaw ba ang magbabayad ng nasira ng batang iyan? Kung makasagot ka naman. Akala mo naman ikaw itong may-ari nitong mall." Galit na wika ng sales lady na ikinaalis ni Lucas ng cap at facemask na suot niya. Nagulat ito sa pag-aalis ng facemask niya. Nakilala siya kaagad nito na ikinalaki ng mata nito. "M-mr. De L-la C-costa." Nauutal na wika ng sales lady na hindi ngayon magkaintindihan sa pagpapaliwanag. "Sir, sorry po. Hindi ko po kayo nakilala. Sorry din po sa inasal ko kanina." Natatarantang palitawanag nito sa kanyan. "We don't tolerate your reckless action towards to this little boy. Hindi mo ba nakikita na, sobra ng umiiyak ang bata. Hindi ka na naawa. Ready your resignation letter, or baka gusto mong termation na lang." Sambit ni Lucas sa sales lady. "Sir naman, sorry na po. Hihingi po ako ng sorry sa mag-ina. Wag n'yo lang po akong alisin sa trabaho ko. Kailangang kailangan ko po ito lalo na po at may sakit ang tatay ko." Pagmamakaawa pa nito sa kanya. "Sana naisip mo yan kanina. Bago mo pagalitan ang bata. At pagtaasan ng boses ang kanyang ina." Inis na sambit niya dito. "Sorry na baby. Sorry po. Sana po mapatawad n'yo ako. Sana po pakiusapan n'yo si Sir na wag akong alisin sa trabaho. Kailangan ko po ang trabaho ko." Naiiyak na pagmamakaawa ng Sales lady. Naiba naman ngayon ang sitwasyon. Siya itong mapagmataas kanina ang nagsusumamo ngayon, at humihingi ng tawad. Nakatitig naman ngayon sa kanya ang ina ng batang nakasira ng libro. Habang ang sales lady naman ay, umiiyak na nakikiusap na wag siyang alisin sa trabaho. Dumarami na rin ang mga taong nakatingin sa kanila na pinapaalis naman ng mga gwardiya. "Sir, excuse me po." Agaw pansin ng ina ng bata sa kanya na ikinaharap niya dito. "Kasalanan ko din po ang nangyari at hindi ko napansin ang aking anak na nawala sa tabi ko. Patawarin n'yo na po si Ma'am. Naiintindihan ko po siya. Mahirap pong mawalan ng trabaho, lalo na at mayroong may sakit sa pamilya. Pero sana po ay pagbigyan n'yo pong hulog-hulugan ko ang nasirang libro ng aking anak. Totoo pong limang daan lang ang pera ko ngayon. Kahit po sana four hundred lang sana po muna. Para po may pamasahe kami pauwi. Iiwan ko din po ang i.d. ko. Promise po hindi po ako tatakas. Wag n'yo lang po akong ipakulong." Mahinahong pakiusap ng ina ng bata sa kanya, na ikinamangha naman niya. "Gusto mong patawarin siya, kahit malaki ang kasalanan niya sayo? Kahit tinawag ka niyang pabayang ina?" Wika ni Lucas. "Lahat naman po nagkakamali. Tulad po ng sabi niya. Machacharge sa kanya pag hindi po ako nakabayad. Kailangan din po niya ng pera, para sa may sakit niyang ama. Malaking tulong po ang dalawang libo pambili ng gamot. Kaya po naiintindihan ko siya. Wag n'yo na po siyang alisin. Alam ko pong aral din po sa ating lahat ang nangyari. Sorry po ulit lalo na at nakasira ang akin anak." Pakiusap pa ulit ng ina ng bata. Napabuntong hininga na lang si Lucas. Naaawa din naman siya sa Sales lady. Pero mali pa rin ang ginawa nito. "Okey, ngayon lang palalampasin ko ang pangyayaring ito. Pero sana maging aral sa lahat. Mahirap man o mayaman, pantay-pantay lang sana. Wala sanang discrimination. Kasi minsan kailangan nating maranasan ang kalagayan ng iba, bago natin maintindihan ang nararamdaman nila." Sambit ni Lucas, ng bigla siyang natigilan at naisip niya si Anna. Siguro nga ay mali talaga siya ng pakikitungo dito kaya naman, umabot sila sa puntong puro na lang bangayan ang nangyari. "Thank you Sir. Salamat po sa pagkakataon." Nakayukong sambit ng sales lady, tapos ay humarap sa mag-ina. "Sorry din sa aking inasal. Sorry din sa mga maling nasabi. At salamat." Makikita naman na totoo ang paghingi ng tawad ng sales lady kaya naman nginitian ito ng mag-ina. Tapos ay kay Lucas naman tumingin. "Sir! Okey lang bang hulugan ko ang pagbabayad sa nasira ng aking anak." Tanong ng ina ng bata. Na kinuha sa kamay nito ang libro na hawak at tiningnan ni Lucas. "No need, maliit na punit lang naman ang nangyari. Pwede pa itong magamit ng anak mo. Ayusin na lang natin. Ako na lang ang bahala." Iniabot ni Lucas ang kanyang debit card sa sales lady at ito na nag ng process ng p*****t. Tapos inilagay na ang libro sa isang paper bag at iniabot sa kanya. Isinaman naman ni Lucas ang mag-ina sa opisina nito sa loob ng mall. Pag bukas pa lang ng pinto ay mukha agad ni Andrew ang bumungad sa kanya. "Oi, sino ang mga iyan?" Takang tanong ni Andrew sa kanya. "Customer bakit? May reklamo ka?" Hindi na lang niya pinansin pa si Andrew na tanong pa rin ng tanong. Pinaupo niya ang mag-ina at kinausap ang bata. Nilagyan niya ng maliit na tape ang punit at halos hindi na ito mahalata. "Gusto mo ba itong libro na ito?" Tanong ni Lucas sa bata. "Hindi na po ba makukulong si nanay, pag tinanggap ko po iyan?" Inosenteng tanong ng bata sa kanya. "Hindi, at hindi mangyayari iyon. Bigay ko na ito sa iyo. Wala kang babayaran. Isa lang thank you." Wika ni Lucas sa bata na agad namang ikinalaki ng mata nito wat walang pag-aatubiling tinalon nito si Lucas at niyakap ng mahigpit. "Thank you po Mister. Ito po ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko. Five na po ako. Sobrang thank you po." Lumuluhang wika ng bata, na ikinatuwa naman ni Lucas dahil sakto pa lang birthday ng bata ngayon. "Sir salamat po. Hindi ko po alam kung paano po ako magpapasalamat sa kabutihang ginawa n'yo sa amin ng akin anak." Nahihiyang wika ng ina ng bata. "Oi birthday pala ni baby boy. Saan ang kainan." Wala sa sariling wika ni Andrew. Napayuko naman ang ina ng bata dahil hindi naman talaga sasapat ang pera niya. "Sorry mga Sir, balak lang naming bumili ng ice creame sa apa, doon sana sa bilihan sa labas. Iyon lang po ang kaya ko ng budget ko." Nahihiyang wika nito bago muling magsalita. "Pero kong okey lang po sa inyo na kumain ng ice creame, treat ko po kayong dalawa." Nakangiting wika ng ina ng bata na ikinasang ayon naman ng dalawa. Matapos ibalik ni Lucas ang libro sa loob ng paper bag, ay ibinigay na niya ito sa nanay ng bata. Sabay sabay din silang lumabas ng opisina nito sa mall, at nagtungo sila sa isang maliit na ice creame stand, na may tindang iba't ibang flavor ng ice creame.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD