Dala ang isang hindi kalakihang back pack, at isang maliit na sako bag na may zipper, ang lalagyan ng kanyang gamit. Naglalakad lamang si Anna sa paghahanap ng trabaho.
Bawat kanyang madaanan, na may nakapaskil na hiring ay pinupuntahn niya. Dala ang kanyang bio data, na ipinapasa niya sa mga fastfood, restaurant, pharmacy, boutique kahit nga sa vulcanizing shop nagpapasa siya. Kahit ang pagiging katulong na lang sana, kaso agency, malayo pa.
Kaya hanggang sa mga oras na ito wala pa rin siyang mahanap na trabaho. Dahil kung hindi tapos na ang hiring, ay dapat naman ay graduate kahit vocational courses ang hanap ng iba.
Sinubukan din niyang pumasok ng mall. Nagbabakasakaling may hiring sa loob. Iniwan muna niya ang kanyang gamit doon sa habilinan sa tabi ng guard. Pero wala ding nangyari.
Palagi na lang siyang hinahanapan ng diploma ng college. Wala naman siyang maibigay dahil first year college lang ang natapos niya.
Halos hapon na at naglakad-lakad muna siya. Kailangan niyang makahanap ng matutuluyan ngayong gabi. Madaling araw siyang lumuwas, puyat siya at pagod na rin. Halos maghapon na rin siyang naglalakad sa paghahanap ng trabaho.
Doon niya naisip na napakahirap maging mahirap. Hindi ka tanggap sa lipunan kong hindi ka nakahawak ng diploma ng kolehiyo. Wala ding silbi kahit marunong ka sa buhay. Sa tunay na mundo, hindi diskarte ang tinitingnan. Kundi diploma kahit wala kang alam.
Lamang pa rin ang mga nakatapos ng kolehiyo kahit puro pagbubulakbol lang ang alam mo. Walang puwang sa lipunan ang mahirap kahit sila naman ang nagpapayaman sa mayayaman. Dahil kung walang mahirap walang magtatrabaho para sa iyo, kung isa kang mayaman.
Nakarating si Anna sa isang park, at doon muna naupo para mamahinga sa isang bench doon. Pagod na pagod na rin siya at nagugutom.
Suman lang ang laman ng kanyang tiyan na baon pa niya sa pagluwas at tubig. Tinitipid niya ang perang dala, para sa uupahang bahay.
Alam niyang mahal ang tirahan sa Maynila, kahit iyong ilang ihip na lang ay igugupo na ang mga haligi, ay nasa three thousand five hundred pa rin ang bayad. Iyon ang sabi ng mga byaherong kumukuha ng gulay sa kanilang probinsya kaya niya nalalaman.
Problema niya ngayon ay saan siya hahanap ng pansamantalang matutuluyan. Habang nakaupo siya at nag-iisip ng tamang gawin ay nakarinig siya ng sigaw ng isang babae.
Hindi na siya nakapag-isip at bigla na lang siyang tumakbo para puntahan ito. Nakita niya ang isang lalaki na inaagaw ang bag nito. Pero dahil malakas ang lalaki ay nabitawan ng babae ang bag, at mabilis na itinakbo noong lalaki.
Wala siyang alam sa pasikot sikot sa Maynila. Pero ang dinaanan ng lalaki ay ang dinaanan niya kanina. Kaya mabilis niya itong sinundan. Hindi niya alam kung paano makakahingi ng tulong ng may nakita siyang dalawang pulis sa daraanan niya.
Mabilis niyang kinuha ang atensyon ng mga ito, ng mapansin ang ibig niyang sabihin ay sakto naman ang paglusot ng lalaki na may dalang bag sa isang eskinita na ang lalabasan ay nandoon na ang dalawang pulis at nakabantay.
Babalik pa sana ang lalaking kumuha ng bag, pero nandoon na siya sa kabilang dulo. Tinutukan na rin ng baril ito kaya hindi na rin nakagalaw. Habang ang isang pulis naman ay mabilis itong nalagyan ng posas.
Bitbit ang nahuling lalaki at nakuha dito ang bag na ninakaw nito. Ibibigay sana sa kanyan ng pulis ang bag pero tinanggihan niya ito. Na ikinakunot ng noo ng dalawang pulis.
"Hindi po sa akin iyang bag. Doon po iyan sa babaeng mukhang sasakay ng kotse malapit doon sa park na pinagpapahingahan ko. Pero dahil po sa magnanakaw na iyan, malamang po ay nag-aalala ang Ginang na iyon sa mga gamit niya na laman ng bag na iyan." Mahabang paliwanag ni Anna, sa dalawang pulis.
Magkakasabay naman silang bumalik sa pinanggalingan nilang parke. Malapit na sila ng matanawan ang Ginang na mukhang nag-aalala kasama ang dalawa ding pulis. Na siguro ay hiningan nito ng tulong.
Natawa na lang si Anna sa sarili dahil sa pagod at gutom na kanyang nararamdaman, ay nagawa pa niyang tumakbo para habulin iyong magnanakaw.
Nang makalapit sila sa pwesto ng Ginang ay nagliwanag ang mukhan nito, ng mapansing bitbit ng kasama niyang pulis ang kanyang bag, at hawak ng isa pang pulis ang lalaking kumuha ng bag niya. Masaya namang iniabot ni mamang pulis ang bag nito at ipina check kung may nawawala ba.
Matapos isa isahin ang mga gamit, ay nakahinga naman ng maluwag ang Ginang dahil kompleto ang gamit niya sa loob ng bag.
"Maraming salamat sa inyo, SPO1 Mendoza at SPO2 Martin. Dahil napaka importante ng laman ng bag kong ito." Nagpasalamat din ang Ginang sa dalawang pulis na kasama nito kanina na nauna ng umalis kasama ang lalaking nahuli ni SPO1 Mendoza at SPO2 Martin.
"Trabaho po namin ang makatulong, pero sa katunayan, ito pong babaeng kasama namin ang dahilan kung bakit namin nahuli agad ang magnanakaw na iyon. Siya po ang nagbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa hinahabol niyang magnanakaw." Paliwanag naman ni SPO2 Martin, sa Ginang.
Matapos ang ilan pang pag-uusap ay umalis na rin ang dalawang pulis. Siya naman ang binigyang pansin ng Ginang ng makaalis ang mga ito.
"Hija salamat nga pala sa ginawa mong paghabol doon sa magnanakaw. Kung pera lang sana ay hindi ko na pag-aaksayahan pa ng panahon ang bag kong ito. Pero nasa loob nito ang ala-ala ng aking ina. Palagi ko iyong dala. Pakiramdam ko kasi ay palagi ko silang kasama. Pag dala ko iyon." Paliwanag ng Ginang na ikinangiti naman ni Anna.
"Naiintindihan ko po kayo, ganoon din po ako kaya nga po dala ko ngayon ang lit.."
Hindi na natapos ni Anna ang sasabihin ng bigla niyang maalala na naiwan niya ang lahat ng gamit niya doon sa bench kung saan siya naupo. Kaya mabilis niyang iniwan ang Ginang at tinakbo ang mga gamit niya. Nananalangin siyang sana ay walang mag-interes sa mga luma niyang gamit.
Nakahinga naman ng maluwag si Anna ng makitang nandoon pa ang kanyang mga gamit. Ngunit nagkaroon siya ng kaunting takot ng makitang mayroong isang lalaki na mukhang taong grasa sa inupuang bench kanina.
Kahit medyo may pag-aalangan ay lumapit siya dito.
"Hi po, kukunin ko lang po sana itong mga gamit ko naiwan ko po kanina." Magalang niyang wika sa lalaking nasa tabi ng kanyang mga gamit.
"Heto na hija ang mga gamit mo. Nakita ko kasi kanina ang pagtakbo mo, para tulungan ang Ginang na nanakawan. Hindi naman ako makakatakbo sa tanda ko ng ito, kaya dito na lang ako umupo sa tabi ng mga gamit mo. Madami talagang mga taong nakakagawa ng masama dito sa Maynila kaya palagi kang mag-iingat." Nakangiting sambit ni tatay sa akin na ikinasaya naman ng aking kalooban. Kung mayroong taong masasama sa Maynila mayroon din namang mabubuti at isa na si tatay doon, na binantayan ang gamit niya.
"Naku tatay salamat po. Bagong salta lang po talaga ako dito sa Maynila, at naghahanap ng trabaho, pero wala naman pong tumanggap sa akin. May nadaanan din po akong mga bahay na kahit pagkakatulong sana, pero ang gusto nila galing agency. Kaso sabi daw po malayo ang mga agency dito, kaya hindi ko po alam kung paano ako magkakatrabaho." Mahabang wika niya kay tatay.
"Naku hija, wala akong maiitulong sa iyo, kita mo naman, walang wala din ako. Pero ipapanalangin kong makahanap ka ng trabaho at matitirahan. Napakabuting mong bata, tiyak na pagpapalain ka." Nakangiting sambit ni tatay sakanya.
"Salamat po tatay, kayo din po napakabuti ninyo. Tanggapin n'yo po itong kauting halaga, pasasalamat ko na rin po sa pagbabantay ninyo sa gamit ko." Tatanggihan pa sana ni tatay ang ibinibigay ko ng may magsalita sa akin likuran, kaya hindi ko tuluyang naiabot sa kanya.
"Tama ba ang narinig ko hija, naghahanap ka ng trabaho? Gusto mo bang maging katulong sa bahay ko?" Alok na trabaho ng Ginang sa kanyang likuran, hindi niya akalaing sinundan pala siya nito.
"Syempre naman po. Masipag po ako, at mapagkakatiwalaan, palagi pong payo ng aking mga magulang, na wag kukuha ng gamit na hindi sa amin, kaya wag po kayong mag-alala. Taga probinsya man po ako, pero mapagkakatiwalaan naman po ako. Pangako." Mahabang paliwanag niya sa Ginang, habang nakataas ang kanang kamay. Natawa naman ang Ginang sa inasal niya.
"Gusto kita hija. Nakakatuwa na napaka masayahin mo. Sumama ka na sa akin. Para makapagpahinga ka na rin at sa tingin ko sayo ay napapagod at nagugutom ka na rin."
Matapos sabihin ng Ginang ang salitang pagod at nagugutom na siya, ay siya namang pagkulo ng kanyang tiyan. Hindi na talaga niya maiitanggi ang gutom niya. Lalo na at tiyan na niya ang kusang sumagot.
Habang nasa parke pa sila ay nagpakilala na muna siya sa Ginang. Tuwang tuwa naman sa kanya ito. Lalo na ng ipakilala niya ang sarili. Sa haba ng pangalan niya ay mas mabuti nga daw na Anna na lang ang itawag nito sa kanya.
Nakilala na rin naman niya ang Ginang. Si Mrs. Antonia De La Costa. Asawa nito si Mr. Rodrigo De La Costa. Sila ang may-ari ng De La Costa Shipping Lines, mayroon din silang mga malls at iba pang business. Isa din sila pinakamayaman pamilya sa Pilipinas. Mayroon silang isang anak na hindi nila malaman kung mabait o pasaway. May pagka masungit daw kasi, pero maaasahan sa mga business nila.
Bago sila umalis ng parke na iyon, ay ipinabalik na ng Ginang ang pera na sana ay ibibigay niya kay tatay. Dahil si Mrs. Antonia na pala ang magbibigay. Inabutan ni Mrs. Antonia si tatay ng ilang piraso ng lilibuhing pera. Dahil sa tuwa ni tatay ay napaiyak pa ito sa harap ni Mrs. Antonia, at taos pusong nagpasalamat.
Sadya sigurong mabait ang Ginang. Kaya mas lalo pang pagpapalain ng Maykapal ang mga taong tulad nila. Ngayon napakasaya niyang mayroon na siyang maayos at marangal na trabaho. Malayo daw ang bahay ng mga ito. Kaya pinatulog muna siya ng Ginang habang binabagtas nila ang daan pauwi sa bahay ng mga ito.