Maagang umalis si Anna papuntang palengke para sa magbenta ng mga kakanin. Unang araw ng klase, kaya naman siguradong madaming mga estudyante ang magdaraan sa pwesto niya.
Hindi man sa pagmamayabang ang kanyang inay ang isa sa pinakamasarap magluto ng kakanin sa kanilang probinsya. Kilala sa San Isidro ang lutong kakanin ng kanyang inay. Kaya ang pwesto niya sa palengke ay talagang dinarayo ng mga taga roon at karatig probinsya. At ang iba pa nga ay omoorder pa ng mga bila-bilao.
Kahit malakas ang benta ng kakanin nila, minsan ay hindi pa rin sapat para sa pag-aaral nilang tatlo, lalo na at nasa kolehiyo na siya. Masaya naman siya sa kanyang ginagawa lalo na at para iyon sa kanyang mga kapatid at mga magulang.
"MAGANDANG UMAGA SAN ISIDRO!" Malakas na sigaw ni Anna pagkarating niya sa kanyang pwesto kaya naman, pinagtinginan siya ng mga taong naroroon.
"Magandang umaga Anna. Mukhang masaya ang umaga natin ngayon ah. Anong bago?" Bati sa kanyan ni Aling Lorna. Nagtitinda naman ito ng prutas sa tabi ng pwesto niya.
"Wala naman Aling Lorna. Masaya lamang ako, dalawa na ang high school namin." Nakangiting sambit niya, na proud na proud para sa mga kapatid.
"Oo nga pala, high school na rin si Aira. Nakakatuwa naman kayo. Ay ikaw Anna hindi ka ba magpapatuloy ng pag-aaral? Kolehiyo ka na di ba?" Sabat naman Aling Rosa, na nagtitinda ng gulay sa tabi ni Aling Lorna.
"Hindi na po muna. Mas mahalaga po na makatapos ng pag-aaral si Noriel at si Aira. Siguro naman darating din ang pagkakataon na mapapagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Sabi nga po sa kasabihan, 'Edad lang ang tumatanda. Pero ang karapatan mong mag-aral at matuto, kahit kailan, pwede mong magawa. Wag ka lang susukong mangarap. Lahat ng iyon ay iyong matutupad." Masayang sambito ko sa kanila. Na ikinangiti naman nila pareho.
"Napakaswerte ng mga magulan mo sa inyong magkakapatid. Lalo na saiyo Anna. Nakakatuwa ang isang katulad mo na positibo sa buhay. Sana ay matupad mo ang pangarap mo." Sambit ni Aling Rosa.
"At kaming dalawa ni Rosa ang unang-unang matutuwa pag natupad mo ang pangarap mong bata ka. Ipapanalangin ko kung ano man ang nais mo, sana ay matupad." Sang-ayon naman ni Aling Lorna.
"Kayo po talaga, agang aga pinapaluha n'yo ako. Payakap nga po." Sabay yakap ni Anna sa dalawang Ale.
"Yaan po ninyo, pag ako talaga yumaman, hinding-hindi ko kayo kalilimutan. Kayo pong dalawa ay bibiyaan ko din ng biyayang matatanggap ko." Nakangiting sambit ni Anna sa dalawa.
"Ikaw talagang bata ka. Pero kahit wala kaming biyaya. Basta matupad mo ang pangarap mo, at palagi mo kaming maalalang batiin ay masayang masaya na kami. Di ba Rosa?" Si Aling Lorna.
"Abay oo naman. Masaya na kaming matupad mo ang pangarap mo at hindi kami makalimutan. Ay s'ya pwesto na tayo, at madami ng tao." Sambit ni Aling Rosa, bago sila bumalik sa kanya-kanyang pwesto, dahil dumadami na ang namimili.
"Good morning my loves." Bati sa kanya ng lalaking hindi niya gustong makita, lalo na at sa halip na gumanda ang umaga niya ay pinapainit ang ulo niya.
"Walang maganda sa umaga, lalo na at ang pagmumukha mo Adie ang aking nakikita." Mataray na sagot niya dito. Hindi naman pangit si Adie, iyon nga lamang ay may pagkamayabang ito, lalo na at sa pamilya nito naglalabada ang kanyang ina. Mabait naman ang magulang ni Adie. Masyado lang talaga itong mahangin. Mga signal number three.
"Grabe ka naman my loves, sabi ko naman sayo, sagutin mo lang ako, ay hindi na kayo mahihirapan ng pamilya mo. Hindi na kailangang maglabada ni nanay Anastacia, hindi na rin kailangang magtrabaho pa ni tatay Noel sa bukid." Mayabang na tugon ni Adie sa kanya.
"Ako'y wag mong binubw*sit Adie. Baka ikaw ang kauna-unahang makatikim ng sapak ko ngayong araw." Galit niyang tugot dito.
"Why so harsh naman my loves? Hindi ka ba nabibihag sa angking kagwapuhan ko. Maswerte ka nga at sobrang tapat ako sayo. Sayo lang din ang puso at katawan ko." Sambit ni Adie na talagang ikinaiinit na ng ulo niya, ikinakukulo pa ng dugo niya.
"Ako ba talagang herodes ka ay hindi mo titigilan sa mga pinagsasasabi mo? Abala ka sa mga namimili ng paninda kong kakanin. Pag ikaw ay hindi pa umalis dito sa harapan ko, baka ikaw ang kauna-unahang makatikim nitong kamao ko." Sabay taas ng kanyang kamao.
Akmang magsasalita pa si Adie, ng bigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa mukha.
"Ouch! Naman my loves? What and why you did that?" Sigaw na tanong ni Adie, na kita naman sa mukha na nasaktan.
"Don't english me Adie. Dahil kanina pa akong nabubw*sit sa pagtawag tawag mo sa akin ng." Hindi matuloy ni Anna dahil nabubw*sit siyang talaga.
"Basta iyon. Umuwi ka na sa inyo, at baka isumbong pa kita kay Madam Flor, sa mga kalokohan mo." Galit na sigaw ni Anna, at tuluyan ng tumalikod si Adie.
"I shall return my loves, gagamutin ko lang itong pasa sa aking mukha. Mapanakit ka mang magmahal, pero hindi kita susukuan." Madamdaming sambit ni Adie. Nang bigla itong kumaripas ng takbo, ng mapansing ibabato na ni Anna sa kanya, ang hawak nitong kutsilyo na panghiwa ng biko.
Napatawa naman ang mga kasamahan niya sa pwesto, lalo na at halos ilang buwan na ding nanliligaw sa kanya si Adie. Pero dahil wala siyang nararamdaman sa binata, ay hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin. Lalo na at ang priority niya ngayon, ay ang makatulong sa magulang niya, upang mapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid.
Halos mag-iisang buwan na ring pumapasok ang dalawa niyang kapatid, ngunit nararamdaman nila ang bigat sa gastos. Gusto din sanang huminto muna ni Noriel pero hindi niya iyon pinahintulutan.
Halip ay nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na makipagsapalaran sa Maynila. Noong una ay ayaw ng mga itong pumayag. Pero mas ayaw niyang huminto si Noriel sa pag-aaral. Hindi siya nagpaubaya sa mga kapatid, para lang tumigil din sa pag-aaral si Noriel.
Matapos niyang mag-ayos ng mga gamit, ay lumabas na siya ng kwarto. Nadatnan niya sa maliit nilang sala ang kanilang inay at itay pati na rin si Aira at Noriel.
"Noriel, pagbutihin mo ang pag-aaral n'yo ha. Pati na ikaw bunso. Wag kayong maging pasaway kay itay at kay inay. Pag nagkaroon ako ng trabaho, at nagkasweldo magpapadala agad ako ng pera. Alagaan n'yo mga sarili n'yo ha. Magpapakabait kayo." Bilin niya sa dalawang kapatid at niyakap ito. Bago bumaling sa kanyang mga magulang.
"Inay, itay, alagaan n'yo din po ang mga sarili ninyo dito ha. Pag may nararamdaman sakit, ay magpahinga at wag na munang magpatuloy sa trabaho. Kayamanan natin ngayon ang ating kalusugan. Kaya ingatan ninyo mga sarili ninyo. Maghahanap po ako ng trabaho. Promise ko po sa inyo kahit mahirap, basta marangal ay kakayanin ko. Mahal na mahal ko po kayo." Nagmano muna siya at yumakap ng mahigpit sa kanyang mga magulang.
Isang kayap pa ang kanyang ginawa sa mga magulang at mga kapatid bago tuluyang sumakay sa tricycle na maghahatid sa kanya sa kanya sa terminal ng bus papuntang Maynila.
Halos nasa limang oras din ang byahe mula San Isidro hanggang Maynila. Alas sais pa lang ng umaga, pero sobrang busy na ng kalsada. Ala una kasi siya ng madaling araw lumuwas para maagap siyang makarating.
Ngayon para sa kanya ito ang tunay na hamon ng buhay. Ang pagluwas ng Maynila. Walang kakilala, walang alam na pupuntahan, baon lamang niya ang lakas ng loob at determinasyon na makakahanap siya ng maayos na trabaho, para sa pamilyang naiwan niya sa probinsya.