Gabi na rin ng makarating sila ng bahay nina Mrs. Antonia. Nakilala din niya doon si Liza at si Manang Fe.
Unang kita pa lang niya sa mga ito ay masasabi niyang, mababait ang mga ito. Wala doon ang asawa ni Maam Antonia, dahil nasa ibang bansa ito. Umuuwi lang daw ito, ng ilang beses sa isang taon.
Ang kasama lang nito ay ang nag-iisang anak na siyang katulong nito sa pag-aasikaso ng mga business nila dito sa Pilipinas.
Matapos kumain ay inayos na rin ni Anna ang kanyang mga gamit, sa kwartong tutuluyan niya. Kasama din niya sa kwarto si Liza at Manang Fe.
Malaki ang kwartong iyon at komportable. May kanya-kanya silang kama, may sariling banyo din sa loob at magkakaiba din ang lalagyan ng gamit nila.
Dahil sa pagod na nadarama maghapon ay mabilis na nakatulog si Anna. Kahit nakatulog na ito sa byahe noong kasama niya si Mrs. Antonia. Naghihilik pa siya ng mga oras na iyon. Pero hinayaan na lang ni Manang Fe at inayos na lang ang pagkakahiga ni Anna para maging komportable ito.
Hindi pa naman inaantok si Liza kaya sinamahan niya si Manang Fe pabalik sa kusina. Nung bumalik sila sa kusina ni Manang Fe ay naabutan nila si Mrs. Antonia na umiinum ng tubig. Naikwento din ni Mrs. Antonia ang ginawag pagtulong ni Anna sa kanya para mabawi ang bag nito sa magnanakaw.
Kaya naman lalong napalapit agad sa kanila si Anna kahit iilang oras pa lang nila itong nakikilala. Base na rin sa kilos ni Anna, masasabing mapagkakatiwalaan itong talaga.
Kinabukasan ay maagang nagising si Anna. Dahil kahit anong pagod niya ay sanay naman siyang gumising ng maaga.
Naabutan niya si Manang Fe sa kusina na nagluluto.
"Magandang umaga Manang Fe." Masiglang bati ni Anna.
"Maganda ka pa sa umaga Anna." Balik bati nito sa kanya, na siya namang ikinakilos niya na parang kinikilig.
"Kayo talaga Manang, agang-aga pinapakilig n'yo naman ako. Maniniwala na akong maganda talaga ako." Biro pa niya kay Manang Fe.
"Ikaw na bata ka, magkape ka na, at ikaw na ang maglinis ng kwarto ni Sir Lucas, ang alam ko ay wala pa iyon ngayon, siguro ay sa barkada na naman niya natulog. Kaya unahan mo na, para pag-uwi noon ay linis na ang kwarto niya." Mahabang wika ni Manang Fe sa kanya.
"Walang problema manang ako ng bahala."
Matapos mag-agahan, ay mabilis ng nangtungo si Anna sa kwartong lilinisan niya. Nakasalubong pa niya si Liza sa harap ng pintuan ng kwarto ni Sir Lucas, bitbit ang mga labahan nito.
Pagkapasok ni Anna sa loob ay tumambad sa kanya ang napakalawak na kwarto. Simple lang naman ang ayos nito. More on kulay black at brown lang ang mga gamit. Madalang kang makakita ng kulay puti. Lalaking lalaki ang dating kwarto pa lang.
Una niyang nilinisan ang c.r nito. Hindi naman madumi, pero may kaunting mga tilamsik ng sabon at iyon ang nilinis niya ng ayos.
Pinalitan naman niya ang kobre kama nito at unan. Dahil wala na itong cover ng pagpasok niya. Kasama na pala iyon sa mga kinuha ni Liza nung magkasalubong sila.
Hindi na muna niya isinunod ang kurtina. Dahil lilinisan pa niya ang maliit na porch na nakaharap sa silangan. Kitang kita niya ang pagsilay ng araw. Habang dinidiligan niya ang ilang halaman na nasa paso doon at pinupunasan ang parteng nabasa at nagabukan.
Nag-enjoy si Anna sa panonood sa pagsikat ng araw kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng lalaking siyang may-ari ng kwartong iyon.
Ibabagsak sana ni Lucas ang kanyang katawan sa kama ng matanawan niya na may tao sa balkonahe ng kanyang kwarto, na hindi niya kilala. Mabilis ang kilos niya ng puntahan ito, kaya mabilis niya itong nakorner.
"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Madiing tanong ni Lucas, na ikinaayos naman ni Anna ng pwesto. Ibubukas pa lang ni Anna ang bibig para magsalita ng unahan siya ni Lucas.
"Siguro magnanakaw ka ano? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Galit na dagdag pa ni Lucas, ng magsasalita itong muli ng iharang ni Anna ang kamay niya sa bibig nito.
"Wait lang ha. Bago ka mambintang, ang ganda ko namang magnanakaw. Paano ako nakapasok? Ay di dumaan sa pinto. Saan pa? Lumipad? Ano ako si Superman?" Pabalang na sagot ni Anna.
"At isa pa Sir ang t*nga ko naman pating mangnanakaw, sa lagay kong ito. Aba pasikat na ang araw bago naisipang magnakaw? Pati ano pong nanakawin ko dito sa porch, itong isang paso na may tanim na rose? Ibang classics din nga naman SIR di ba?" Ipinagdiinan pa niya ang salitang sir.
"Isa pa, saan ka nakakita ng magnanakaw na hindi matalas ang pakiramdam? Hindi ko nga namalayan ang pagpasok mo. Aba naman kung makabintang ka ha. Nakakahurt ka ng feelings huh." Reklamo ni Anna, ng bigla namang itulak ni Lucas ang kamay niyang nasa bibig nito.
"Kung hindi ka magnanakaw anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Tanong pa ni Lucas na halatang galit na galit na sa kanya. Tumataas na rin ang boses nito.
"Malamang Sir naglilinis, at ang isa pa, katulong n'yo po ako dito sa pamamahay n'yo. Bagong katulong." Paliwanag ni Anna na hindi pa rin humuhupa ang matalim na tingin sakanya ni Lucas.
"Sinong nagdala sayo dito? Alang namang kumuha si mommy ng katulong na hindi magmumula sa agency?" Sagot pa nito sakanya.
"Oi ang galing mo dyan Sir, paano mo nalaman? Si Maam Antonia nga ang nag-alok sa akin ng trabaho dito sa bahay n'yo o mansyon ba? Basta dito." Masiglang sagot naman ni Anna na parang lalong naaasar sa kanya ang kaharap.
"Saan ka naman nakita ni mommy!?" Galit na namang tanong nito?
"Sa parke. Doon lang sa tabi-tabi Sir." Nakangiting sagot ni Anna na lalong ikinaasar ni Lucas.
"Saan ka nanggaling? Saan ka nagmula? Bakit hindi man lang humanap si mommy ng maayos na katulong.!" Inis na tugon nito sa kanya.
"Saan ako nanggaling? Sa sinapupunan ni inay. Saan ako nagmula? Sekreto lang natin yan sir ha. Pero hindi n'yo ba iyon napag-aralan noong high school? Kung paano nagdadalangtao ang isang babae?" Inosenteng sagot ni Anna. Na ikinangisi niya ng mapansing pulang pula na sa galit ang mukha ni Lucas.
Sabi nga konting-konti na lang at sasabog na ito. Magsasalita pa sana siya ng bigla itong sumigaw ng sobrang lakas.
"MOMMY!!!!! MANANG FE!!!!!! LIZA!!!!!" Malakas na sigaw nito na tinatawag ang tatlo pang mga kasama sa bahay.
Natigilan naman si Anna dahil sumobra yata siya dito. Hindi lang naman niya napigilan na patulan ito, lalo na at pinagbintangan siya nitong magnanakaw.
Kahit kailan sa buong buhay niya, ay hindi niya naisip na magnakaw at manglamang sa kapwa. Palaging pangaral ng magulang nila, na ang mga bagay na hindi sayo, ay wag na wag mong angkinin at ang mga gamit na makikita mo na hindi sayo, ay pwede mong ipagtanong para mapabalik sa kung kanino man talaga ang bagay na iyon.
Kaya hindi niya matanggap ang pagbibintang sa kanya ni Sir Lucas, kaya napilitan siyang sagot sagutin ito.
Ilang saglit lang ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Lucas at sunod-sunod na pumasok ang mommy niya, si Manang Fe at Liza.
"Anong nangyari sa inyong dalawa? Lucas? Bakit ka pulang-pula?" Sambit ni Maam Antonia na ikinabaling nito sa kanya.
"Anna? Anong nangyari sa inyong dalawa? Narinig namin ang malakas na pagsigaw ni Lucas kaya nagmamadali kaming pumunta dito?" Wika nito sa kanya.
"Eh.. Ay Maam napagkamalan po ako ni Sir na magnana." Hindi natuloy ni Anna ang sasabihin ng unahan siyang magsalita ni Lucas.
"Mom, she's a thief? Why she's here in my room?" Madiing tugon ni Lucas.
"Sir ako po ang nagpapunta kay Anna dito sa kwarto ninyo, hindi ko naman po akalain na maagap po kayong darating, ay pinaglinis ko na muna siya dito. Alam kong may mali ako lalo na at hindi n'yo pa siya nakikilala, ay siya ang inutusan kong maglinis." Nahihiyang sambit ni Manang Fe, na ikinayuko pa ng matanda.
"Sorry Manang Fe don't feel guilty. Siguro nga ay mali din ako. Nagulat lang talaga akong may ibang tao dito sa kwarto ko. Si Liza at ikaw Manang Fe ang palagi kong naaabutan na naglilinis dito sa loob. Tapos ngayon ay may makikita akong ibang mukha." Paliwanag naman ni Lucas, pero masama pa rin ang tingin niya kay Anna.
"Mom, sorry pagod lang ako at nabigla. Hindi naman ako nag bar kagabi, kung iyan ang iniisip mo. Nag overtime ako sa opisina kasi wala akong balak pumasok ngayon." Hingi pa ng tawad ni Lucas sa mommy niya.
Matapos ang ilang pag-uusap ay lumabas na ang mga ito at naiwan pa rin si Anna, sa kwarto nito, para ituloy ang naudlot niyang ginagawa. Nang maisara ni Lucas ang pinto ay binalikan niya si Anna na ngayon ay nagkakabit na ng kurtina.
"Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo kay mommy bakit parang ang bait niya sayo. Pero ako, wag mong aasahan na magiging katulad ni mommy ang pagtrato ko sayo. Dahil hindi ko gusto ang isang tulad mo, masyadong matabil ang dila mo." May diing sambit nito sa kanya.
Matapos maikabit ang kurtina ay bumaba na si Anna sa hagdan na ginamit niya at ibinalik sa porch, bago humarap kay Lucas at nagsalita.
"Unang una Sir, ang mommy ang ang nagpakain sa akin, at wala akong ipinapakain sa kanya. Hindi ko hinahangad na maging mabait ka sa akin dahil si Maam Antonia naman ang amo ko dito. Sabagay amo din naman kita, pero kung may magpapaalis sa akin dito, si Maam Antonia iyon. At pangatlo, hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo ako, dahil hindi din naman kita gusto. The feeling is mut."
Wika ni Anna na hindi na natapos, ng bigla na siya kumaripas ng takbo, palabas ng kwarto ni Lucas. Lalo na ng makita na naman ang mukha ni Lucas na nag-aapoy na naman sa inis at galit sa kanya.