Simple lang ang pamumuhay ng pamilya ni Anna. Minsan hindi sapat ang kinikita, pero masasabing masaya ang kanilang pamilya. Kontento sila sa buhay kung ano ang kaya nila. Mahalaga nakakaraos sila sa araw-araw.
Sobrang napakabait ng kanyang itay at inay. Ganoon din ang kanyang dalawang kapatid. Salat man sa buhay, pero masaya sila. Hindi sila naghangad ng mga materyal na bagay. Sa ngayon ang nais lang nila ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Pero dahil sa hirap ng buhay. Napilitang huminto muna si Anna.
Bagong graduate ng grade six ang kanilang bunso. Samantalang ang sumunod sakanya ay second year high school. Alam niyang masyado ng malaki ang gastos kung pipilit siyang magpatuloy ng pag-aaral lalo na at sa sunod na pasukan ay second year college na siya.
Maliit lang ang kinikita ng kanilang itay sa bukid. Ang paglalabada naman ng kanyang inay ay hindi rin sasapat para makapagpatuloy siya ng kolehiyo. Lalo na ngayon na dalawa na ang kanilang high school.
Malayo sila sa bayan, kaya kailangan pa nilang sumakay ng dalawang beses para lang makarating sa paaralan ng high school. Pamasahe pa lang problema na ng dalawala niyang kapatid.
Kaya ngayon nabuo na ang kanyang desisyon na tumigil muna sa pag-aaral. Hindi naman niya inaalis ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho pag dating ng araw. Dahil ang pangarap niya ay hindi lang para sa kanya, kundi para sa pamilya niya.
Pero sa ngayon, walang ibang mas mahalaga kundi ang kinabukasan ng dalawa niyang kapatid. Dahil kung salat man sila sa buhay, na parang pinagkaitan ng tadhana. Ang inay niya at ang itay, pati ang dalawang kapatid niya ang kanyang kayamanan.
Kayamanang hindi kayang tumbasan ng kahit na anong halaga. Pero mapapasaya ka habang buhay. Masayang kasama ang pamilya nila. Marunong silang makontento kung ano lang ang meron at kaya nila sa buhay.
Pagbakasyon ay tumutulong sila sa kanilang mga magulang. Kahit ang kanilang bunso ay hindi mo kakikitaan ng katamaran sa katawan. Kung may maiitulong din lang naman ay bukal sa kalooban na tutulong.
Ang sumunod naman sa kanya ay alam ang limitasyon ng barkada. Sumasama din naman lalo na pag may liga sa barangay. Pero bago iyon ay tutulong muna sa gawaing bahay. Pag tapos na at nakitang wala na talagang gagawin saka lang ito pupunta sa kaibigan, na kapitbahay nila, at sabay ang mga itong pumunta sa basketball court.
Hindi din nito hilig ang magbolakbol. Ang katwiran nito ay ang oras na uubusin niya sa pagbubulakbol ay itutulong na lang nito sa kanilang inay sa pagluluto ng mga kakanin. Hindi na gaanong nahirapan ang kanilang inay, nakatulong pa siya.
Kaya naman kahit mahirap ang buhay nila. Sobra niyang kamahal ang dalawang kapatid at mga magulang. Kaya uunahin niya ang lahat ng pangangailangan ng mga ito bago ang sarili niya.
Hindi man siya nangangako, pero gagawin niya ang lahat, mabigyan lamang niya ng kaginhawahan sa buhay ang mga magulang at mga kapatid. Kahit ang kapalit nito ay ang pagtigil niya ng pansamantala sa pag-aaral.
Nakangiting lumabas ng silid si Anna, at nagtungo kaagad siya sa kusina. Maagap siyang gumigising, dahil magtitinda pa siya sa bayan. Pagpasok niya ng kusina ay nakita na niya kaagad ang kanyang mga magulang.
"Magandang umaga inay. Magandang umaga itay." Magandang pagbati ko sa aking mga magulang ng nadatnan ko silang nagkakape.
"Magandang umaga din anak." Halos sabay na bati sa akin ni inay at itay.
Medyo madilim pa lalo na at alas singko pa lang ng umaga.
Maagang gumigising si inay, para naman makapagluto ng mga kakanin. Biko, puto, kutsinta at suman. Mabenta kasi ang mga iyan sa araw-araw. Pero mayroon ding umoorder madalas ng ibang kakanin. Tulad ng mga sapin-sapin, maja blanca, espasol at marami pang iba.
Nakita ko na ring nakaayos ang mga panindang kakainin na ititinda ko mamaya sa palengke. Nagtimpla na rin ako ng kape at sinabayan sila ng almusal.
"Anak, wala ka ba talagang balak pumasok sa kolehiyo ngayong darating na pasukan? Sayang naman at naka isang taon ka na sa kolehiyo tapos titigil ka." Wika ng aking ama, habang humihigop ng kape at kumakain ng itinirang biko na ginawa ni inay para sa aming umagahan.
"Buo na ang desisyon ko itay. Isa pa, pagnakatapos ng kolehiyo ang dalawa, pipilitin ko pa ring makapagtapos ng pag-aaral. Kaya wag kayong mag-alala sa akin ako pa. Kung hindi ako si Anna Contreras baka nga panghinaan ako ng loob. Pero Contreras ako itay. Kaya don't worry. Dala ko ang pangalan ng pamilya natin. Kaya wag kayong mag-alala ni inay." Nakangiting sambit ko kay itay. Nakita ko naman ang pagngiti ni inay.
"Ikaw na bata ka. Proud na proud ka sa pangalan mo ah." Sambit naman ni inay na ikinatawa ko.
"Inay paano naman ako hindi magiging proud, grabe ang naisip n'yong pangalan ni itay sa akin. Naalala ko pa noong grade one ako. Muntik na akong mahuli sa test dahil hindi ko pa tapos isulat ang pangalan ko. Kung hindi lang ako nakiusap kay teacher na tatapusin ko lang ang pangalan ko, bago siya magsimula. Imagine inay ha. 'AIRA NOEL NORIEL ANASTACIA CONTRERAS.' See nakakaproud inay." Mahabang sambit ko, ng bigla akong samaan ng tingin ni inay na ikina peace sign ko naman.
Sa aming mag-anak ako lang ang may pinakamahabang pangalan. Habang lahat sila tigigisa lang. Ito pa ang malala. Dala ko talaga lahat ang pangalan ng aming pamilya.
"Aba ikaw na bata ka, mabuti nga at ako ang nagbigay ng pangalan mo at hindi ang iyong itay. Dahil kong hindi nakita ng iyong tiya Belen, ang isinulat ng iyong ama sa papel Malamang ay Modess ang pangalan mo ngayon." Napangiwi naman ako sa sinabi ni Inay. Tama lang talaga na maging proud ako. Kay sa naman maging kapangalan ako ng isang brand ng sanitary napkin. Mahirap din nga naman.
"Ikaw naman Tacia, alam mo namang grade four lang ang natapos ko, hindi pa kasing ganda ng aral noon ang aral ngayon. Ay iyon ang nakita kong nakasulat doon sa maliit na plastic na kulay asul. Kaya gagayahin ko sana. Naisulat ko na nga ang M.O.D.E kaso sinigawan ako ni Belen." Kakamot kamot sa ulo na paliwanag ni itay. Ako naman ay natawa sa paliwanag niya.
"Ayos laang iyon itay, mahalaga hindi Modess ang pangalan ko." Natatawang wika ko kay itay, bago tuluyang inubos ang kapeng iniinum niya.
Matapos magkape ni itay ay umalis na siya at pupunta na daw ito ng bukid. Bagong gising naman ang dalawa kung kapatid na si Aira at Noriel.
Wag malilito, Ako si Aira Noel Noriel Anastacia, ang mga kapatid ko ay si Noriel at si Aira. Si inay si Anastacia at si itay si Noel. Lahat ng pangalan nila nasa pangalan ko. Ang galing talaga ni Inay, pero much better sa Modess.
"Noriel aalis na ako para magtinda. Wala pa namang pasok, kaya ikaw na muna ang gumawa dito ng mga gawaing bahay. Malaki ka na at alam mo na ang gagawin. Ikaw naman Aira, samahan mo si Inay mamaya. Lalo na at maglalabada na naman si Inay sa malaking bahay. Nagkakainitindihan ba tayo?" Wika niya sa dalawang kapatid na ikinasang-ayon naman ng mga ito.
"Smooth and clear ate. Wag kang mag-alala ako ang bahala dito sa bahay, pagkaalis nina nanay." Sagot ni Noriel.
"Yes ate, hindi ako papayag na si inay lang ang maglalabada sa malaking bahay. Tutulong ako para mabilis makatapos at makapagpahinga si inay." Sagot ni Aira.
"Ate wala namang ibang gagawin dito, after kung maglinis, ng bahay, sundan ko si itay sa bukid, magdadala na rin ako ng pagkain, para hindi na nakakapagod bumalik dito. Tutulong na rin ako kay itay." Sambit naman ni Noriel na ikinatuwa ko.
"Nakakaproud naman talaga kayong dalawa. Basta gagawin ni ate ang lahat para naman, mapagtapos kayo ng pag-aaral ng hindi na rin mahirapan sina inay at itay." Masayang sambit ko sa kanila, at niyakap ko pa ang dalawa.
Nagpaalam na rin ako kay inay, at malapit na ring mag alas sais ng umaga. Kailangan ko ng makarating ng bayan, para makapwesto ng maayos, ng mabilis makaubos ng aking paninda.