Chapter 19

1438 Words
Nang makabalik si Lyka sa bahay ng mga De La Costa ay kinausap siya ng mag-asawang Rodrigo at Antonia. Sinabi na rin ng mga ito na nakausap na nila ang mga magulang nito. Hinahayaan naman nila itong mag stay for vacation na nga lang. At hindi tulad ng unang napag-usapan. Halos pagbagsakan ng langit at lupa ang damdamin ni Lyka dahil sa nalamang hindi na matutuloy ang kasal. Hindi niya matanggap ang nangyaring desisyon ng dalawang partido. Mula pagkabata pa lang ay hindi lang bilang kababata at kaibigan ang turing niya kay Lucas. Sa bata niyang puso ay nakaramdam na siya ng pagmamahal para dito. Hanggang sa umalis si Lucas at si Ginang Antonia at bumalik ng Pilipinas ay hindi niya nakalimutan ang lalaki. Bagkus sa tagal ng panahon ay lalo lang niya itong minamahal. Ngayong may pagkakataon na para maging sila ng binata, saka naman ito mababago dahil lamang sa hindi man lang siya itinuring bilang isang babae na mamahalin kundi, isang babaeng nakilala lang. Nagpupuyos naman ang damdamin ni Lyka, dahil sa tinawagan siya ng Mommy Liara niya, dahil sa pagkansela sa napagkasunduang pagpapakasal sana niya kay Lucas. Hindi malaman ni Lyka kung ano ang mga tumatakbo sa isipan niya, maliban sa gusto niyang mapangasawa si Lucas, gusto man siya nito o hindi. Ramdam niya ang pag-iwas ni Lucas sa kanya tuwing magkikita sila. Nararamdaman din niya ang pagkairita dito pag lumalapit siya. Napapansin din naman niya ang saya dito, tuwing nakikita ang mga katulong sa bahay ng mga ito lalo na pag si Anna ang kaharap. Tulad ngayong oras na ito. Nakikita niya ang saya sa mukha nito habang nakatambay si Lucas sa kusina, habang nagdadayag si Anna ay nasa tabi nito si Lucas at masayang masayang nakikipag-usap dito. Katatapos lang nilang magtanghalian, kaya si Anna ang nagpresintang maghugas ng plato. Si Gia naman ay umalis para sunduin ang anak. Si Manang Fe ay namamahinga dahil siya ang nagluto ng mga pagkain. Habang si Liza ay nagsasalang na naman ng labada. Maayos naman ang trabaho ng mga ito. Pero sa ilang linggo niyang nandito siya. Ngayon lang siya nakakita ng ang mga katulong ay kasabay kumain ng mga boss nila, na lalo niyang ikinairita. Hindi lang niya maipahalata lalo na at kaharap ang pamilya ni Lucas. Hindi matanggap ni Lyka sa sarili, habang naririnig ang mga tawa ni Lucas pag kausap si Anna. Wala siyang nakikitang espesyal sa babae, pero hindi niya maintindihan na gustong-gusto ni Lucas na malapit dito. "Baby, wala ka pa bang balak na sagutin ako?" Masuyong wika ni Lucas kay Anna habang kinukulit ito. Si Lyka naman ay nakikinig sa di kalayuan at nagpupuyos ang damdamin. "Baby?! Aba wala pa ngang tayo, pero ang tawag mo?" Saad ni Anna na ikinakamot ni Lucas sa ulo niya. "Wala pa ba akong pag-asa sayo?" Muling tanong ni Lucas. "Alam mong priority ko ang pag-aaral ng mga kapatid ko at isa pa, ang bata ko pa kaya." Nakangising wika ni Anna na ikinalunok naman ng laway ni Lucas. "Sa love age doesn't matter. Hindi mahalaga ang edad. Tao lang ang tumatanda at hindi ang pagmamahal." Wika ni Lucas na ikinahagikhik ni Anna. Masasabing hindi maganda ang una nilang pagkikita. Hindi din inaasahan ni Anna na ganito kapursige ang boss niya, simula ng ipahiwatig nito ang nararamdaman. May pagkamakulit ito at parang bata. Ibang iba sa una nilang pagkikita na may pagkaarogante, sa kanya. "Alam ko. Pero mahalaga sa akin ang kinabukasan ng pamilya ko. Sabi nga kung tayo. Tayo. Nakasulat na ang tadhana natin, nasa sinapupunan pa lang tayo ng mga magulang natin. Makakapaghintay ang love sa tamang panahon. Sa ngayon, mas mahalaga ang future ng mga kapatid ko at pamilya ko. Sana maintindihan mo." Wika ni Anna na ikinabuntong hininga ni Lucas. "Wala naman akong magagawa kung iyan talaga ang gusto mo. Pero umaasa ako dyan sa kung tayo, tayo. Maniniwala ako sa sinabi mo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ngayon lang ako nagmahal. Willing akong maghintay. Sana pag pwede na. Sabihin mo. Hmmm." Malambing na sambit ni Lucas na ikinatango naman ni Anna. Matapos ang ginagawa ay si Lucas na ang nagpunas ng basang kamay ni Anna. Hinalikan din ni Lucas ang mga kamay ni Anna, na ikinangiti nito. Habang si Lyka ay mabilis na umalis sa kusina. Habang halos gusto niyang manakit sa galit na nadarama habang nakikita ang sweet gesture ng dalawa. Isang tikhim naman ang nagpabitaw sa pagkakahawak ni Lucas sa kamay ni Anna. "Akala ko kasi kusina ito, bakit ba ang daming langgam dito. Aray! Grabe ang sakit mangagat." Reklamo ni Gia na wari mo ay nagpapagpag ng damit at kinakamot pa ang braso, na akala mo nga ay nakagat ng langgam. Nailing na lang si Lucas sa ginawa ni Gia. Alam niyang inaasar na naman sila nito. Hindi mo aakalaing mapang-asar si Gia. Ibang-iba mula noong makilala niya. Mahiyain ito, pero masayang kausap. Hinintay lang talaga niya na makauwi ang Kuya Diesel niya. Gusto din niyang makilala nito ang dalaga. "Anong ginagawa mo dito Gia?" Tanong ni Anna na ikinahagikhik naman nito. "Maglalaba po ako Maam. Sir makikiraan at kukuha ako ng labahan." Pang-aasar pang sagot ni Gia kay Anna, na ikinatawa na lang niya. Hindi niya maintindihan ang tatlong dalaga na kasama nila sa bahay. Lahat naman ay mabubuting tao, magaganda at hindi makabasag pinggan. Pero pag silang tatlo lang ang magkakasama. Parang kanila ang mundo. Iba ang nabuong samahan ng pagkakaibigan ng tatlo. Sa maikling panahon nabuo nila ang tunay at wagas na pagkakaibigan. "Gumana na naman ang mapang-asar na pink mong utak Gia. Hay naku. Maglilinis na lang ako ng kwarto mo Sir. Bahala ka na dyang babaeta ka. Pakainin mo na lang si Gael. Hmp." Inis na wika ni Anna na ikinatawa ni Gia. "Sir, dito ka na lang sa aking piling at baka pagsamantalahan ni Anna ang iyong kahinaan. Ay maglilinis daw ng kwarto mo. Maglilinis ka nga ba?" Wika ni Gia, sabay sundot sa tagiliran ni Anna. Napaiktad naman Anna sa ginawa ni Gia. Nang akmang hahampasin sana ni Anna si Gia, ng biglang pumasok si Liza. "Anong nangyayari dito? Bakit nakakalimutan n'yong nasa labas ako?" Wika ni Liza habang kita ni Anna ang mapang-asar nitong titig. Hindi na natuloy ang paghampas ni Anna kay Gia at dumating na ring sa kusina si Gael. Nawala na rin ang asaran ng tatlo, at kumuha na lang ng pagkain si Gia para pakainin si Gael. Nakalimutan din bigla ni Anna na kasama pa nga pala nila si Lucas sa kusina, kung hindi lang nito hinila si Anna palayo sa tatlo. "Pagnandyan ang dalawa at si Gael nakakalimot kang nasa tabi mo ako." Nagtatampong bulong ni Lucas kay Anna. "Ang drama mo. Hindi bagay sayo. Pati bakit parang nagtatampo ka? Wala ka namang karapatan." Wika ni Anna ng biglang matigilan si Lucas. "Wala nga akong karapatan. Pero soon, hindi mo iyon mapipigilan." Nakangiting wika ni Lucas, na ikinailing na lang ni Anna at muling humarap sa magkausap na Liza at Gia habang pinapakain si Gael. "Aalis muna ako. Pupunta lang ako sa opisina. Si Daddy at Mommy naman ang bibisita sa mall." Wika ni Lucas na ikinatango lang ni Anna. "Sige." Sagot ni Anna, na hindi naman tumingin kay Lucas. Pero naiinis talaga si Lucas, dahil pag kaharap talaga iyong dalawa hindi na siya pinapansin ni Anna. Kaya kinalabit niya ito para makuha ang atensyon nito. Sinadyang ilapit ni Lucas ang sarili habang nakapantay kay Anna ang mukha. Pagharap ni Anna sakanya ay sakto ang paglapat ng mga labi ni Anna sa mga labi niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Anna at hindi makagalaw dahil sa pagkabigla. Napasinghap naman ang mga kasama nila habang si Gael ay tinakpan ni Gia ang mga mata. Tumagal ng ilang segundong magkahugpong ang kanilang mga labi, bago tuluyang makalayo ng mukha si Anna. Kitang-kita namang ang ngiting tagumpay ni Lucas sa ginawa. "Anong ginawa mo?!" Inis na wika ni Anna habnag masama ang tingin kay Lucas. "Thank you for the kiss baby. I have to go, bye." Wika ni Lucas na hindi na nila naabutan ng akmang babatuhin ni Anna ng pitchel na nahagip nito ay mabilis na itong nakatakbo palabas. "Dati kiss sa noo lang pag magpapaalam, Ngayon sa lips na. Aba lumi level up si Sir ah." Wika ni Liza na ikinahagikhik ni Gia. Habang inis-inis na si Anna. Sobra namang kinikilig ang dalawa. Napuno ng asaran ang buong kusina, habang may isang pares ng mga mata ang nakatitig kay Anna at nagpupuyos sa galit. Dahil kitang kita nito kung ano ang ginawa ni Lucas kay Anna, na dapat sa kanya lang nito ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD