Maganda ang sikat ng araw at sobrang maaliwalas ng paligid. Hindi pa masakit sa balat ang sinag nito. Tamang tama ang oras ng pagdidilig ng mga halaman sa garden. Namumukadkad na rin ang mga busò ng rosas. Pati na rin ang iba pang mga bulaklak. Meron din ditong mga daisy, sunflower, at ang nakalatag sa lupa na iba't ibang kulay ng bulaklak ng portulaca grandiflora.
Kumakanta pa si Anna habang sinasabayan ang musika sa kanyang cellphone. Masaya talaga pag nagdidilig siya. Hindi kasi niya maiwasang mamangha sa ganda ng garden ng mga De La Costa, sa dami ng mga naggagandahang halaman dito.
Para siyang nasa paraiso kung tutuusin. Mabuti na lang at mabait ang mag-asawa, dahil hinahayaan silang mga katulong na dito mag relax, pagkatapos ng trabaho. Lalo na kung ayaw nilang manood ng t.v doon sa dating bodega. Dati, dahil hindi na talaga siya bodega ngayon. Magandang kwarto na rin iyon.
Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa ng biglang mawala ang kanta sa cellphone niya, at napalitan ng ringing tone. Pinatay muna niya ang tubig, bago kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Napalitan naman ng matamis na ngiti ang kanyang mga labi ng makita ang pangalan ng tumatawag sa screen.
"Magandang umaga Noriel, kumusta naman kayo? Kumusta sina inay? May kailangan kayo ni Aira na gamit sa school?" Masayang bati ni Anna, ng biglang mabalutan ng kaba ang kanyang puso, ng marinig ang mumuting pag-iyak ng kanyang inay.
"Inay? Ano pong nangyari? Kinakabahan po ako." Nag-aalalang wika ni Anna. Hindi pa man niya alam ang nangyayari, pero natatakot na siya.
(Naaksidente ang tatay mo anak. Nandito kami ng mga kapatid mo sa ospital. Kailangan natin ng malaking halaga para sa operasyon ng iyong itay.) Umiiyak na wika ni inay na kabog lalo ng puso ko.
"Paanong naaksidente si itay? Anong nangyari inay?" Hindi ko na rin mapigilan ang pagluha. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may masamang nangyari kay itay. Hindi ko kaya.
(Hindi na ako naglalabada anak kina Madam Flor, buhat ng, nagbibigay ka ng panggastos. Kaya mas minabuti kong ako na lang muli ang tumayo sa pwesto natin sa bayan, para makapagtinda ng kakainin. Masaya akong sinundo ng iyong itay, pero pagtawid namin ng kalsada. Mayroon isang mabilis na sasakyan ang biglang humarurot, naitulak ako ng iyong itay kaya gasgas lamang ang aking natamo. Pero ang itay mo ang napuruhan. Kailangan niyang maoperahan ang kaliwang paa, may crack din sa may part ng ribs daw ang iyong itay.)
Umiiyak pa ring wika ni inay, hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Wala naman kaming inaagrabyadong tao. Mababait ang mga kapatid at magulang ko. Pero bakit ganoon ang nangyari sa kapalaran nila.
"Inay, nahuli po ba ang taong driver ng sasakyan?" Tanong pa ni Anna.
(Hindi anak. Walang plate number ang sasakyan, at mabilis itong nakatakas, wala namang cctv sa malapit sa palengke anak kaya hindi na rin nakita.) Malungkot na wika ng kanyang ina, na ikinabagsak ni Anna mula sa pagkakatayo. Halos panawan siya ng malay dahil sa balitang natanggap. Hindi na rin niya mapigilan ang pag-iyak.
Wala si Gia, dahil hinahatid nito ang anak sa eskwelahan. Si Liza naman ay kasama ni Manang Fe patungong palengke. Wala din ang mag-asawang De La Costa at nasa bakasyon ang mga ito. Maagang umalis si Lucas dahil may biglaang meeting daw ito sa opisina.
Gusto niyang, umalis. Gusto niyang puntahan ang pamilya sa probinsya. Tinawagan niya ang mag-asawa pero walang sagot ang mga ito. Patay din ang cellphone ni Lucas. Hindi naman niya makontak si Gia o si Liza.
Napahilamos naman si Anna ng mukha ng hindi malaman ang gagawin. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay. Kailangan niyang makaalis para mapuntahan ang mga magulang. Lalo na ang kanyang itay.
Mayroon naman siyang ipon, pero alam niyang hindi sasapat para sa operasyon ng kanyang ama. Pero bahala na, mahalaga mapuntahan niya ang ama na ngayon ay nasa ospital.
Paglabas niya ng kwartong inuukupa nila, ay nakita niya si Lyka na nakatitig sa kanya. Alam niyang hindi siya gusto ng babae. Pero wala siyang choice kundi dito magpaalam.
"What happened Anna? Bakit may dala kang bag?" Tanong nito sa kanya.
"Ms. Lyka, pwede bang sa inyo na lang ako magpaalam. Emergency po kasi. Naaksidente si itay at nasa ospital. Kailangan kong makauwi sa probinsya." Umiiyak na sambit ni Anna, na napansin ang pagtaas ng kilay ni Lyka.
"Hindi ko po matawagan si Maam Antonia, hindi naman na ring ang cellphone ni Gia at Liza, ganoon din po si Sir Lucas. Please Ms. Lyka, payagan n'yo po akong makauwi ng probinsya." Pagmamakaawang pagpapaalam ni Anna.
"Malala ba ang nangyari sa iyong itay." Wika nito na biglang nag-iba ang tono ng pananalita at nagkaroon ng mumunting pag-aalala.
"Kailangan daw pong operahan ang kaliwang paa ni Itay, at may crack din daw po ang ribs ni itay. Kailangan po namin ng malaking halaga para sa operasyon, ni itay." Hindi na talaga napigilan ni Anna ang mapahagulhol dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyang itay.
"Wait me here, okey. Hahayaan kitang umalis pero hintayin mo ako saglit." Wika ni Lyka, na ikinatango naman ni Anna.
Ilang saglit lang ay may bitbit na isang maliit na envelope si Lyka, na iniabot sa kanya.
"Ano po ito Ms. Lyka?" Tanong ni Anna.
"It's a money. Three hundred thousand to be exact. Alam kong kailangan mo iyan sa ngayon. Wag kang mag-alala. Para hindi mo na ako matanggihan. Utang iyan at pwede mong bayaran kahit kailan, paunti-unti man ay walang problema. Sa ngayon umalis ka na. Alam kong kailangan ka na ngayon ng pamilya mo. Nagpabook na rin ako ng taxi, para mabilis kang makauwi. Wala kang babayaran sa taxi, binayaran ko na. Hmmm."
Wika ni Lyka, na hindi naman malaman ni Anna kung ano ang gagawin. Sobrang saya ng puso niya, dahil sa tulong na ibinigay ni Lyka. Hindi rin niya napigilang yakapin ito. Alam niyang ayaw sa kanya ng babae. Pero hindi niya akalaing napakabait pala nito para bigyan siya ng tulong.
"Thank you po Ms. Lyka. Napakalaking tulong po nito para sa amin. Makakabawi din po ako sa inyo. Alam ko pong hindi po maganda ang mga paghaharap natin noong una. Pero ito po at kayo pa ang kauna-unahang nagpaabot ng tulong sa akin. Pag okey na po si itay, babalik po ako kaagad, para makapagbayad po ako sa inyo. Salamat po." Umiiyak na wika ni Anna. Nang ilayo siya ni Lyka mula sa pagkakayakap niya dito.
"Okey lang iyon, kaya wag kang mag-alala. Ayan na pala ang taxi. Mag-ingat ka. Ako ng magsasabi kina tita at Lucas sa biglaan mong pag-alis. Alam kong mauunawaan ka nila. Lalo na at emergency naman ang dahilan mo." Nakangiting wika ni Lyka sa kanya.
Pagkalabas ni Anna ng bahay, ay nandoon na nga ang taxi na naghihintay sa kanya. Mabilis namang siyang sumakay dito, at nagpaalam na kay Lyka.
Nang makalayo ang sinasakyang taxi ni Anna ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Lyka.
"Hindi ko alam, na mabilis ko lang palang mapapaalis ng bahay na ito ang babaeng iyon. What a poor and idiot woman? Walang kaalam alam na wala na siyang babalikan. Alam ko ding hindi na siya matatanggap pa ni Lucas. O kahit ni Tito at Tita Antonia."
Wika ni Lyka, sa sarili, habang hawak ang isang bagay na nakuha niya sa bulsa ng suot ni Anna ng hindi nito namamalayan.
Napansin din niya ang isang taxi na tumigil naman sa tapat ng gate ng bahay. Kaya mabilis na pumasok sa loob ng bahay si Lyka ng matanawan ang papadating na kasambahay. Sina Liza at Manang Fe. Kasunod si Gia.