Chapter 18

1435 Words
Dalawang linggo na ang nakakalipas buhat noong dumating si Ginoong Rodrigo kasama ang anak ng kasosyo nito sa kompanya na si Lyka. Wala pa ring tigil si Lyka sa pagdikit kay Lucas, habang si Lucas naman ay wala din ang tigil sa pag-iwas wag lamang madikit sa babae. Si Anna naman, ay halos araw-araw pa ring nakakatanggap ng kung anu-ano mula kay Lucas. Mayroong bulaklak, chocolate at iba pa. Natutuwa din naman ang mga kasama niyang katulong, dahil kahit dapat si Anna lang naman ang binibigyan ni Lucas ay kasama pa talaga silang lahat, sa binibigyan nito. Lalo na kay Gael na mahilig sa chocolate, pero binibigyan lang nila ng tama lang at hindi naman sobra. Ilang beses na rin ni lang sinuway si Lucas sa ginagawa, dahil nahihiya sila dito. Pero mapilit ang binata, at masaya daw na lahat sila ay napapasaya nito sa mumunting binibigay nito. Nasa garden ang mag-anak, nagkataong wala si Lyka, dahil may binisita itong malapit na kaibigan, na nandito sa Pilipinas na nakilala nito sa US. Mabuti na rin at umalis si Lyka, dahil gusto talaga niyang makausap ang mga magulang, tungkol dito. Hindi na siya natutuwa, tuwing kakausapin at lalapitan niya si Anna ay eeksena ito na parang girlfriend niya kahit ang totoo ay ayaw niya sa babae. Sumasakit din ang ulo niya, sa pangungulit nito sa kasal na ni minsan hindi niya pinangarap, kung si Lyka din lang naman. "Dad, kailan po ang balik n'yo ng US?" Tanong bigla ni Lucas habang nasa garden sila at nagrerelax. "Hindi ka ba natutuwang nandirito ako at kasama n'yo ng mommy mo Dimitri? Gusto ko na ring magstay dito for good. Kaya gusto kong maayos na ang kung anong meron sa inyo ni Lyka. Para matuloy na ang kasal. Sobrang tagal naman ng getting to know each other n'yo. Sa gayong noong mga bata pa lang kayo ay hindi na kayo mapaghiwalay." Wika ni Ginoong Rodrigo sa anak na kitang-kita ang inis na bumalot sa mukha nito. "Dad, kung ikaw lang, gusto kong dito ka na lang. Alam kong nalulungkot din si mommy na malayo ka. Alam ko namang hindi pababayaan ni Kuya ang kompanya sa US kahit naman broken iyon. Kaya lang, kung ipipilit n'yo ang kasal? Wala akong gusto kay Lyka. Kung hindi man kami mapaghiwalay noon. Noon iyon. Magkaiba ang noon at ngayon. Isa pa, mayroon akong ibang nagugustuhan. Pero dahil sa pag-uwi ninyo na kasama si Lyka. Hindi ko alam kung paano ako makakalapit ng walang nanggugulo." Sambit naman ni Lucas na ikinatingin ni Ginoong Rodrigo sa asawa, habang sumisimsim ng tsaa. "Totoo ba ang sinasabi ng anak natin mahal? Ang akala ko ay wala siyang nagugustuhan, kaya natuwa ako ng sinabi ni Lyka na gusto niya ang ating anak. Kaya hinayaan ng mga magulang niya na sumama sa akin pauwi dito." Tanong ni Ginoong Rodrigo sa asawa. "Hindi ako sigurado mahal. Pero may gusto akong babae para sa ating anak. Simpleng babae lang siya, at gagawin ang lahat para sa pamilya." Nakangiting wika ng Ginang na ikinatingin kay Lucas na ikinahinga nito ng maluwag. Alam ni Lucas na gusto ng mommy niya si Anna para sa kanya. Kaya noong una ay naiinis siya. Pero ngayon, natutuwa siya sa sinabi ng mommy niya. Kung papipiliin siya mas pipiliin niya si Anna kaysa kay Lyka. Si Lyka ang kabaliktaran ni Anna. Kung si Anna ay family oriented. Si Lyka naman ay friends, clubbing, party dito, party doon, shopping. Mas mahalaga pa ang materyal na bagay kaysa sa pamilya. Mabait naman si Lyka, pero, hindi niya nakikita ang sarili na makasama ito habang buhay. "Sino ba mahal ang tinutukoy mo?" Wika ni Ginoong Rodrigo. "Si Anna mahal. Ilang buwan na rin dito si Anna, at masasabi kong napakabuting bata noon. Oo hindi siya galing sa kilalang pamilya. Pero mahalaga pa ba iyon mahal? Para sa akin kung saan masaya ang ating anak, susuportahan ko." Sagot ni Ginang Antonia sa asawa na ikinamangha naman ng asawa. Kitang-kita ng mag-asawa ang mumunting ngiti ng kanilang anak sa sinabi ng Ginang. "Ganoong ba? Kung ganoon naman pala ay maaari ko ng sabihin kay Mauricio na hindi ko na itutuloy ang aming usapan. Ayaw kung ipilit ang isang bagay na pagdating ng araw ay masasaktan ka Dimitri. Mas mahalaga pa rin sa akin ang kaligayahan mo." Nakangiting wika ni Ginoong Rodrigo sa anak na ikinatapik nito sa balikat ni Lucas. "Gusto ka rin ba ni Anna anak?" Biglang tanong naman nito kay Lucas. "I don't know dad. Ang hirap suyuin. Although nararamdaman ko naman na nahuhulog na s'ya sa akin. Pero nararamdaman kong pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Palaging sinasabi sa akin na madami pa siyang pangarap para sa pamilya niya, at need pa niyang mapatapos ang mga kapatid niya ng pag-aaral. Ngayon lang ako naging kontento dad na makita lang siyang masaya, masaya na rin ako. Willing akong maghintay." Nakangiting wika ni Lucas na ikinahagikhik naman ng Ginang na ikinatawa ng kanyang ama. "May mali ba sa sinabi ko? Mom? Dad?" Takang tanong ni Lucas sa mga ito. "Wala naman. Your too inlove with that girl ha. We're so proud of you anak. Galingan mo ng mapasagot mo agad. Pero masasabi ko ngang magalang at mabait na bata si Anna. Sa dalawang linggo kong nakikita ko s'ya dito sa bahay." Sagot naman ng daddy niya na ikinangiti ni Lucas. Natigil sila ng pag-uusap ng biglang lumabas si Anna na habol-habol ang batang si Gael. Napangiti naman sila, dahil makulit mang minsan si Gael. Pero masasabi nilang mabait itong bata. "Mahal saan mo nakilala ang mag-inang Gia at Gael? Biglang tanong ni Ginoong Rodrigo sa asawa. Sa dalawang linggong pamamalagi sa bahay nila ay nakilala nga niya ng maayos ang mga bagong katulong na si Anna at Gia pati na ang anak nito na si Gael. Si Liza naman ay nakilala niya, bago siya umalis noon. "Daddy ako ang nagdala dito sa mag-ina. Why dad?" Sagot ni Lucas. "Hindi ko alam kung napapansin ninyo. Pero nakikita ko si Diesel kay Gael." Wika ng Ginoo na hindi pa rin mawala ang titig kay Gael na hinahabol pa rin ni Anna. "Nakilala ko sila sa mall, ng minsang bumisita ako. Single parent si Gia at initnakwil ng pamilya ng malamang nabutis. Nagtatrabaho si Gia bilang waitress sa Phoenix, ng may tinulungan siyang isang lasing na lalaki, na hindi na makagulapay. Nang dahil hindi alam kung saan ito dadalahin. Dinala ni Gia ang lalaki sa VIP room ng Phoenix. Pero napagkamalan daw yatang siya ang girlfriend noong lalaki, hanggang sa may nangyari sa kanila. At ayan si Gael ang bunga." Mahabang paliwanag ni Lucas sa ama na ikinakunot ng noo nito. "Pamilyar ang kwento n'ya. Saan ko ba iyon narinig?" Takang tanong ni Ginoong Rodrigo, na iniisip ang sinabi ni Lucas. "Iyan din ang naisip ko, at ni mommy. Narinig natin ang kwento na iyan, noong down na down si Kuya Diesel ng iwan s'ya ng fiancee n'ya. Dahil nabuntis si Shara ng ibang lalaki at nagpakasal sa lalaking nakabuntis sa kanya. At isa pa, halos parang si Kuya Diesel din Gael." Sagot ni Lucas, na ikinatango lang ng ama. "Wala pa namang alam si Gia, lalo na at hindi pa naman tayo sigurado. Pwedeng nagkataon lang. Pero malakas ang kutob kong apo natin ni Gael." Wika ng Ginang na ikinalungkot naman ng asawa. "Sana nga mahal, tama ang hinala natin. Sa nakikita ko mabuting babae si Gia. At kung nandito lang sana si Kuya Rodel at Ate Sophia, alam kong matutuwa sila dahil malaki na ang apo nila. Kung tama ang ating hinala." Nalulungkot na wika ng Ginoo na ikinatingin sa nakahiga na ngayong si Anna at Gael sa damuhan, habang papalapit si Gia na may dalang towel. "Mahal, maiba ako, kumusta si Diesel?" Pag-iibang tanong ng Ginang. "Ganoon pa rin mahal. Inuubos ang oras sa trabaho, pero pag-uwi ng bahay, alak na ang kasama. Mas ok na rin hindi tulad noong una na puro pambababae lang ang ginagawa. Nagbago ang batang iyon, mula ng mangyari ang kwento n'ya na nakasama ang isang babaeng inaakala niyang bayaran, pero napagtanto niyang siya pa ang dumungis sa kainosentehan nito." Salaysay ng Ginoo. "Dad, pauwiin mo kaya si Kuya Diesel." Sambit naman ni Lucas. "Mag-asawa ka na anak, sure na uuwi ang kuya mo." Sagot naman ng Ginoo. "I work hard for that daddy. Pauuwiin ko si Kuya dito. Para malaman ko ang totoo." Nakangiting wika ni Lucas. Habang nakatingin sa dalawang babae hindi kalayuan sa kanila. Habang ngayon ay natatanaw naman nila si Manang Fe at Liza na may dalang meryenda na papalapit sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD