Matapos ilagay ni Lucas ang mga gamit na pinamili nina Gia at Anna sa kotse ay mabilis naman itong bumalik sa loob ng mall.
Nakita din niya na palabas ang dalawa habang buhat ni Gia si Gael na wari mo ay nakatulog na.
"Kain muna tayo." Wika ni Lucas.
"Naku Sir, okey lang bang sa fastfood tayo kumain?" Tanong naman ni Gia. Lalo na at sure na magugustuhan doon ni Gael.
"Walang problema, my treat." Nakangiting wika ni Lucas, ng walang ano-ano'y hawak na naman nito ang kamay ni Anna.
Napatingin naman sa mga kamay nila si Gia na ikinangiti naman nito. Wala namang magawa si Anna, na sa tuwing kukunin niya ang sariling kamay. Lalo namang naghihigpit ang pagkakahawak ni Lucas dito.
Nakapila sila ngayon sa counter, habang nakatingin sa menu. Nagising na rin naman si Gael, at tuwang-tuwa habang nakikipaglaro sa mascot ng malaking bubuyog na may pakpak.
Sakto talaga ang punta nila ngayon sa fastfood na iyon, dahil may mascot sila ngayon. Si Anna at si Lucas na lang naman ang nasa counter. Nang masabi ni Gia ang order nila kay Anna ay pinahanap na nito si Gia ng upuan ng makaupo na rin si Gael.
"Sir, ano pong order nila?" Nakangiting bati ng babae sa counter.
Nakatingin lang naman si Lucas, na parang hindi malaman kung paano sasabihin ang mga order nila. Hindi naman siya maselan sa pagkain. Pantay-pantay naman talaga ang tingin nila sa mga taong nakapaligid sa kanila. Iyon nga lamang first time niya sa fastfood kumain, kaya nangangapa pa siya kung paano mag-order.
Napansin naman ni Anna ang reaction ni Lucas sa tanong ng babae sa counter, na ikinakunot ng noo nito.
"Ano po bang order mo Sir, naghihintay sila oh." Bulong ni Anna kay Lucas na ikinatingin nito sa kanya.
"Nakakahiya mang aminin. Hindi man ako maselan sa pagkain. Pero hindi ako marunong omorder. Lalo na at may naririnig ako kaninang code. Hindi ko maintindihan." Nahihiyang wika ni Lucas, na ikinasilay ng ngiti ni Anna.
Hindi naman malaman ni Lucas ang dahilan ng biglang pagbilis ng t***k ng puso niya, dahil lamang sa pagngiti ni Anna. Halos hindi niya maalis ang titig sa magandang mukha ni Anna kung hindi lang niya, narinig ang tikhim ng babaeng nasa counter.
Magsasalita pa sana si Lucas ng unahan siya ni Anna. Sinabi nito ang order nila, pinagsama sama na lang niya ang mga order. Chicken, rice, spaghetti, burgers, fries, drinks at sundae.
"Okey na ba sayo ang mga iyon?" Tanong ni Anna kay Lucas.
Tango lang ang sagot ni Lucas at hindi naman siya nagreklamo sa kung anong order ni Anna. Mas ok na nga iyong nagsalita ito, dahil kung hindi, s'ya lang yata ang mayamang, nagpapatakbo ng isang kompanya, pero napahiya lang sa pag-order sa fastfood. Mas hindi katanggap tanggap iyon.
"Ito na lang po ba lahat. Maam? Sir?" Sambit ng babae sa counter, matapos ulitin ang order nila.
"Yes." Sabay na sagot ni Anna at Lucas sa babae, at iniabot naman ni Lucas ang kanyang debit card.
"Ammm, Sir. May problema po ang swipe card po namin ngayon eh. Okey lang po bang cash na lang?" Nakangiting wika ng babae, na ikinapansin naman ni Anna na mukhang nag-iisip si Lucas.
"Anong problema mo Sir? Kanina sa pag-order, ngayon pati pagbabayad may problema ka pa din?" Tanong ni Anna na ikinabuntong hininga ni Lucas. Mabuti na lang talaga at wala silang kasunod sa pila. Sa tagal nila sa counter, maaaring magalit ang mga ito sa kanila.
"Wala akong cash." Walang kiming wika ni Lucas na ikinanganga ni Anna.
"Mayaman ka pa talaga ng lagay na iyan ha. Sabagay boss ka nga namin ni Gia, pero wala naman palang cash. Ako na lang ang magbabayad. Dalahin mo na iyang ibang pagkain na nasa tray baka nagugutom na si Gael." Wika naman ni Anna, na walang reklamong sumunod si Lucas sa utos niya.
Nang makatalikod si Lucas noon lang na realize ni Anna, na may mali. Siya ang katulong pero si Lucas ang inutusan niya. Natawa pa siya sa isipan ng hindi magreklamo ang boss niya.
Matapos maiabot ang bayad at mabigyan siya ng sukli, ng cashier, bubuhatin na sana ni Anna, ang isa pang tray ng biglang sumulpot sa harapan niya si Lucas.
"Ako na lang ang magdadala, ako lang naman ang lalaking kasama n'yo maliban kay Gael. Mahirapan ka pa." Sabay kuha ng tray na may laman pang pagkain at lumakad palayo sa kanya.
"Anong nakain nun? Abay, may pagkagentleman ngayon si Sir?" Wika ni Anna sa isipan niya at sumunod na rin kay Lucas, papalapit sa table na inuukupa nina Gia.
"Bakit ang daming pagkain?" Tanong ni Gia, na nakatingin kay Lucas at Anna.
"Kumain ka lang Gia, minsan lang yan. Sure na matutuwa si Gael. Lalo na at nasabi niyang gustong gusto niya dito." Nakangiting wika ni Anna, na tumingin kay Gael habang kumakain ng spaghetti at chicken na ikina thumbs pa nito sa kanila.
Masaya naman silang lahat kumain. Nakita din nila kung paano kumain si Lucas ng walang kaarte-arte sa katawan. Hindi katulad ng ibang mayayaman na hindi na mo mapapakain sa ganiton lugar. Mas gugustuhin nila sa mga mamahaling restaurant. Pero si Lucas, game na makisama at makisabay sa kanila.
First time lang naman nakasama ni Anna si Lucas sa labas kaya namamangha siya sa nakikita. Pero kahit nakasama na ni Gia si Lucas at ang kaibigan nito na kumain ng ice cream sa isang stall dito sa mall ay humahanga pa rin talaga siya husay ng pakikisama nito sa tulad nila.
Halos matawa sila sa ayos ng lamesa nila ngayon. Ang pagkaing akala nila ay hindi mauubos ay nakain nilang lahat. Good for six person talaga ang order nila. Pero hindi nila akalaing kahit apat lang sila at ang isa ay bata pa, naubos nila ang pagkain order nila.
"This is my first time na kumain sa dito. Dinadaanan ko lang ito, pagbinibisita ko itong mall. Kung maayos ang pakikitungo ng mga staff sa mga customer. Masarap pala. Hindi na masamang once in your life magkaroon ka ng cheat day sa pagkain." Nakangiting wika ni Lucas na ikinangiti naman ng dalawa sa kanya, habang si Gael ay kinakain pa ang fries na inorder nila para dito.
"Di ba Sir masarap? Sa probinsya namin, pag may okasyon lang kami nakakakain sa ganito. Minsan lang kasi, kaya sinusulit namin. Kahit mahirap ang buhay, basta masaya okey na kami doon. Pagkaarawan ng mga magulang ko o kaya naman ng dalawa kung kapatid, pinipilit kong mailabas sila at kumain sa fastfood. Nakakaipon naman ako sa pagtitinda ko noon ng mga kakanin." Nakangiting wika ni Anna, na habang inaalala ang namimiss na pamilya. Nang ikatingin niya kay Gia na naluluha na naman ito.
"Hala, Gia, oi! Wag ka ngang mag drama. Nandito lang naman kami para sayo. At wag kang mag-alala. Matatanggap din ng pamilya mo ang naging sitwasyon ninyo. Kaya wag mong isipin yan." Sambit naman ni Anna na ikinapunas naman ng ilang butil na luha na dumaloy sa pisngi ni Gia.
Nakatingin lang naman si Lucas sa dalawang babaeng, may magkaibang pinagdaraanan sa buhay. Si Anna na masayahin at gagawin ang lahat para sa pamilya. At si Gia naman na katulad din ni Anna ang ginawa lahat para sa pamilya, pero sa isang pagkakamali, na hindi naman nito kagustuhan, nangyari ang pagtataboy ng sariling pamilya dito.
Masasabi niyang napakatapang, ng mga babaeng nasa harapan niya ngayon. Isama pa si Liza na, alam din niyang ginagawa ang lahat para sa pamilya.
Kung gaano siya kaswerte kasi sa mayamang pamilya siya lumaki. Pero mas maswerte siyang makilala ang mga babaeng ito na gagawin ang lahat para sa pamilya. Minsan ka na lang makakilala ng mga taong katulad nila. Family first before anything else.
Napatitig siya kay Anna, habang nag-uusap ito at si Gia. Hindi niya napigilang mapangiti sa tumatakbo sa isip niya.
'Siya at si Anna, sa isang simpleng pamumuhay na puno ng pagmamahalan. Habang hands on si Anna sa pag-aalaga sa kanya at sa kanilang mga an...'
Naputol ang pag-iisip ni Lucas ng marealize ang tumatakbo sa isipan niya.
"Okey na kayo? Uwi na tayo!" Masungit na wika ni Lucas ng bigla itong tumayo, at naglakad palabas sa fastfood.
"Nangyari doon?" Sabay na wika ni Anna at Gia na nagkatinginan pa.
Sakto namang naubos na ni Gael ang fries na kinakain nito. Kaya binuhat na ang anak at mabilis silang sumunod kay Lucas.
Nagtataka man ang dalawang babae sa biglang pagbabago ni Lucas. Na bigla na naman itong nagsimulang magsungit.
Natawa na lang silang dalawa ng makita si Lucas na nakatayo sa labas ng kotse nito. Na nakakunot na ang noo habang hinihintay silang dalawa.
"Moody." Nasambit ni Anna sa sarili, habang nakatingin kay Lucas.