Hindi malaman ni Lucas, kung anong gagawin niyang pagtitimpi sa sarili sa inis na kanyang nararamdaman. Hindi niya akalaing napakalakas ng loob ng bagong katulong na nakuha ng mommy niya para lamang sagot sagutin siya.
Iginagalang siya sa loob at labas ng kompanya nila. Pati sina Manang Fe at Liza, kahit na ang mga gwardiya nila ay kinakausap siya ng maayos. Bukod tanging iyong babaeng iyon lang ang may lakas ng loob na sumagot ng pabalang sa kanya.
Pagod ang pakiramdam niya, dahil gusto niyang magpahinga ngayong maghapon, pero umaga pa lang sirang sira na ang araw niya. Hindi din siya makatulog, dahil sa inis na nararamdaman niya.
Naiisip niyang kahit babae pa ito ay wala itong karapatan para bastusin siya ng ganoon. Pakiramdam niya kasi sa pagsagot pa lang nito sa kanya ay binatos na nito ang pagkatao niya.
Masama mang gumanti sa kapwa, pero dahil naiinis siya sa babaeng iyon, kaya tuturuan lang naman niya ng leksyon.
Mabilis niyang kinuha ang dalawang paso ng rosas sa porch at dinala sa banyo, binihusan niya ng tubig hanggang sa umawas ito at ang mga lupa sa paso ay napunta sa tiles ng banyo.
Hinayaan din niyang madaming tubig ang paso para paglipat niya sa balkonahe ng kwarto niya ay tumutulo ang tubig nito na may kasama pang lupa. Nang pagmasdan niya ang banyo at ang dinaanan niya ay sobrang kalat. Natatawa naman siya sa naiisip na pagpapahirap kay Anna sa unang araw ng kanilang pagkikita.
Tumawag si Lucas, sa telepono na naka connect sa kusina at pinapupunta nga niya doon sa kwarto niya ang bagong katulong.
Si Manang Fe ang nakasagot ng tawag niya. Aayaw pa sana si Anna pero, wala siyang nagawa kasi siya talaga ang nerequest nito. Lalo na at may ginagawa din si Liza.
Tatlong katok naman ang narinig ni Lucas sa labas ng pintuan na ikinangisi niya. Tumugon lamang siya na pinapapasok niya ang nasa labas. Mabilis namang pumasok si Anna.
Magsasalita pa sana siya ng biglang magulat sa kalat na nakita niya. Basang basang ang sahig na puro lupa pa. Naiinis man siya, pero pinilit niyang ngumiti ng maayos at humarap kay Lucas.
"Iyan ba ang ipag-uutos mo Sir? Ang linisin ang kalat mo?" Mahinahon niyang tanong, habang nakangiti.
"Anong pinagsasasabi mo? Iniisip mo bang sinadya ko ang kalat na iyan? Kasalanan ko bang hindi maayos ang pagkakadilig mo sa mga halaman ko, kaya ako na ang gumawa, pero hindi ko akalaing kakalat ng ganyan." Maayos namang tugon nito sa kanya. Na sa kaloob looban ni Lucas ay nagbubuyi siya.
"Bilisan mo ang paglilinis at ayaw kong makita iyang pagmumukha mo." Dugtong pa ni Lucas na inikangisi niya sa kanyang isipan.
"Kung ayaw n'yo akong makita lumabas muna kayo." Mahinahong sagot naman ni Anna.
"Aba't bakit naman ako lalabas ay kwarto ko ito?" Balik tanong niya.
"Akala ko ba ayaw n'yong makita ang mukha ko? Kung nandito kayo sa loob ng kwarto n'yo, lalo lang kayong maiirita sa pagmumukha ko." Pang-iinis namang sagot ni Anna.
"Bilisan mo na lang ang ginagawa mo. Lalo lang sumasakit ang ulo ko pag nakikita ka." Tugon pa ni Lucas.
"Kung naiinis at naiirita kayo, lumabas na kasi kayo para makapaglinis ako ng ayos. Para kayong bata, ang kalat kalat." Reklamo pa ni Anna.
"Paano ko naman Sir bibilisan, basang basa ang sahig, syempre dapat dahan-dahanin ko para maayos kong malinisan." Nakangising tugon ni Anna.
"Sumagot ka pang talaga. Kaya lalo na lang akong..." Hindi natuloy ni Lucas ang sasabihin dahil lalo lang siyang naiirita sa kaharap.
"Bakit ba ang bagal ng kilos mo?" Tanong ni Lucas sa kanya.
"Kung ikaw Sir kaya ang naglilinis nito, ng malaman mo kung bakit ang bagal bagal ko." Inis ng sagot ni Anna dito.
"Hindi mo ba talaga bibilisan!?" Galit na naman nitong sambit sa kanya.
"Kung nagagalit kayo kasi mabagal ako, di aalis na lang ako. Total naman naiirita na kayo sa mukha ko." Sabay tayo sa pagkakaupo at iniwan ni Anna ang basahan at ang planggana na ginagamit niya.
"Bye Sir, linisin mo ng maayos ha. Baka may matira pang basa sa sahig madulas ka pa tapos magkaroon ka amnesia." Sambit ni Anna at mabilis na tumakbo, palabas ng kwarto ni Lucas, pababa ng kusina.
Hingal na hingal pa si Anna dahil sa ginawang pagtakbo, ng makita siya ni Manang Fe. Mabilis naman siyang inabutan nito ng tubig.
"Anong nangyari sayong bata ka? Para kang hinabol ng tatlong aso ah." Nag-aalalang tanong ni Manang Fe.
"M-manang hindi n-naman ako hinabol ng tatlong a-aso, pero sure bubugahan na ako ng apoy ng d-dragon." Abot-abot hiningang sambit ni Anna.
"Anong dragon, wala naman dito dra." Hindi na natapos ni Manang ang sasabihin ng hindi nila napansin na kasunod pala ni Anna si Lucas patungong kusina.
"Babaeng machine gun, napakadami mo pang trabaho, para iwan mong basta na lang. Ganyan ba ang nakuha ni mommy na katulong? Iniiwan ang trabaho n'ya?" Mapanuyang wika ni Lucas.
"Sir Dragon.. Este Sir Lucas, inis na inis ka sa pagmumukha ko, bakit hindi ka tumingin sa salamin, ng makita mo ang mukha ng totoong nakainis. Este bakit kasi sobrang kalat ng kwarto ninyo? Kung naiinis kayo sana kanina pa kayo lumabas, ng nagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Kay sa kuda kayo ng kuda. Tapos sa akin kayo galit." Lakas loob na sagot ni Anna na ikinagulat naman ni Manang Fe.
Nang marealize ni Anna ang sinabi niya, ay mabilis siyang kumaripas ng takbo palayo kay Lucas.
"Sir Lucas, mamaya ka na pumasok sa kwarto mo, maglilinis lang ako ng mabilis na mabilis. Promise!" Sambit ni Anna, bago mabilis na nagtungo sa kwarto ni Lucas.
Mabilis naman sinimulan ni Anna ang paglilinis, dahil baka mamaya pumasok ng sariling kwarto si Lucas ay tirisin na siya nito.
Samantalang galit na galit na naiwan sa kusina si Lucas at hindi naman malaman ni Manang Fe ang gagawin.
"Sir pagpasensyahan mo na si Anna. Pero unang tingin ko naman sa batang iyon ay napakabait. Meron lang talaga siguro kayong hindi pagkakaintindihan." Pagkakalma ni Manang Fe kay Lucas.
"Saan ba napulot ni mommy ang babaeng iyon, parang walang pinag-aralan. Hindi ba siya marunong gumalang sa amo n'ya?" Tanong pa niya.
"Eh ay Sir, tanong n'yo na lang po sa mommy n'yo. Pero sa kwento po ni Maam Antonia, ay nanakawan po kahapon ang mommy n'yo. Pero dahil kay Anna nabawi po ang bag niya."
"Baka naman modus lang iyon Manang ng babae na iyon? Pero ang totoo ay may ibang motibo kay mommy." Wika ni Lucas ng biglang nagsalita ang mommy niya.
"Lucas Dimitri! Kailan ka pa natutong, manghusga ng kapwa?" Tanong ni Mrs. Antonia sa anak.
"Mommy ngayon lang." Sarkastikong tugon ni Lucas na ikina 'tss,' lang ng mommy n'ya.
"Anak mabuting bata si Anna. Bakit ka ba galit na galit sa kanya? Alam mo ba ang kasabihang 'the more you hate the more you love'?" Nakangising sambit ng Ginang sa anak.
"Tss. Not me mommy. Kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto sa babaeng machine gun na iyon." Mariing pagtanggi pa ni Lucas.
"D'yan iyan nagsisimula anak. Una akala mo galit ka. Iyon naman pala, ay nagpapapansin ka lang. Hindi ko naman sinasabing kay Anna iyon, pero sinasabi ko lang talaga." Natatawang tugon pa ng mommy n'ya.
"Whatever mom. Kahit kailan hiding hindi ako magkakagusto sa babaeng iyon." Mariin niyang pagtanggi.
"Okey sabi mo eh. Pero mabait na bata si Anna anak. Pero baka naman kaya hindi mo siya magugustuhan, kasi pwedeng mahalin mo s'ya." Biro pa ng Ginang, na lalong ikinainis ng anak.
"Mom pagod ako at hindi ako nakikipagbiruan. Ipalinis n'yo na lang ng maayos ang kwarto ko. Sa opisina na lang ako matutulog ngayon. Ayaw kung makita, ang pagmumukha ng babaeng machine gun n'yong katulong."
Kahit naiinis si Lucas sa mga pinagsasasabi ng ina, ay hinalikan pa rin nito ang noo ng ina at maayos na nagpaalam.
Nagkatinginan pa si Manang Fe at si Mrs. Antonia sa dahil sa ikinikilos ni Lucas, at nagkangitian pa silang dalawa.
"Sa tingin mo Fe?" Tanong pa ni Mrs. Antonia.
"Parang Maam. Para kasing may kakaiba. Higit sa lahat. Ngayon lang ito nangyari." Nakangiting sagot naman ni Manang Fe, na ikinatango at ikinangiti ng Ginang.
Pagkalabas naman ng bahay, ay nagmamadali na pumasok si Lucas sa kotse niya at mabilis itong pinaharurot papalayo.
Hindi niya akalaing ang pang-iinis na gagawin niya sana sa babaeng machine gun na iyon, ay babalik sa kanya. Sa halip na iyon ang mainis. Siya ito ngayong inis na inis.
Dahil sa inis niya, sa halip na ang babaeng machine gun na iyon ang mag-adjust. Siya pa ngayon ang umalis, wag lang munang makita ang pagmumukha ng babaeng iyon.