Pagkarating ng company nila ay nagulat pa ang mga empleyado niya sa biglaan niyang pagbalik. Kauuwi lang kasi niya ng madaling araw, tapos ngayon ay nasa kompanya na ulit siya.
Sanay kasi ang mga ito, na pag nag oovertime siya ng hanggang kinabukasan ay hindi siya pumapasok araw na iyon. Pero heto siya ngayon, wala pang pahinga pero nasa loob na ulit ng kompanya nila.
Binati naman siya ng mga ito, pero dahil sa inis niya ay hindi man lang niya natapunan ng kahit kauting pansin ang mga ito.
Pagpasok sa elevator na para lamang sa kanya, sa pamilya at kaibigan at sa secretary niya, ay napasabunot na naman siya ng buhok. Hindi niya akalaing, ganoong kalakas ang loob ng bagong katulong sa bahay nila para sumagot sa kanya. Parang ito pa ang boss kung makasagot sa kanya.
Kararating lang ni Mandy ng company. Maaga talaga siyang pumapasok, lalo na at alam niyang hindi papasok ang kanyang boss. Pero nagulat siyang halos kasunod niya ito pagpasok sa opisina.
Hindi malaman ni Mandy kung babatiin ba niya ang boss. Lalo na at kitang kita sa mukha nito na may kinaiinisan ito. Pero mas pinili pa rin niyang batiin ito.
"Good morning Sir." Nakangiting bati niya sa kanyang boss. Kahit sa loob loob niya ay baka sa kanya mabunton ang inis nito, kung kanino man ito naiinis ngayon.
"Good morning Mandy. Please check may schedule for today. Kung may mga meetings na pwedeng schedule ngayon araw na ito, pakigawa. Pero pa schedule ng mga one in the afternoon. Dito muna ako sa kwarto ko sa opisina matutulog." Nakahinga naman ng maluwag si Mandy, ng sumagot ito ng mahinahon, kahit mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkainis.
Kahit inis na inis si Lucas sa araw na iyon ay hindi naman niya, dinadala sa trabaho. Maliban na lang kung sa mga pasaway na empleyado at ginagawang laro lang ang trabaho nila.
"Yes Sir. May pwede po akong tawagan ngayon. Si Mr. Hayashi. Iyong deal po noong nakaraan, na hindi natapos, dahil may emergency na tawag kay Mr. Hayashi. Contract signing na lang po iyon. Schedule ninyo po iyon sana bukas. Pero kung okey po kayo mamaya, papuntahin ko na lang po sila ngayon."
Nakangiting wika ni Mandy na ikinatango naman ni Lucas. Bago dumiretso sa kanyang opisina. Mabilis naman siyang pumasok sa banyo at nag freshen up bago nahiga sa kama, at tuluyan ng itinulog ang inis na nararamdaman kay Anna.
Matapos malinis ang nga kalat sa kwarto at banyo ni Lucas, ay mabilis namang lumabas si Anna.
Nakita pa niya si Liza na bagong pasok mula sa likod bahay. Siguro ay katatapos lang nitong magsampay, ng mga nilabhan nito.
"Hi, Liza." Bati niya dito.
"Hi, Anna. Anong ginawa mo kay Sir Lucas? Mukhang unang araw mo pa lang dito bad shot na sayo?" Tanong sa kanya ni Liza na ikinabuntong hininga na lang niya.
"Hindi ko naman gustong, sagot sagutin si Sir kaya lang, masyadong mainit ang ulo sa akin. Pagbintangan pa akong magnanakaw. Anong nanakawin ko sa kanya, iyong mga paso na pinaawas niya ang tubig, tapos ay sinadyang ikalat ang tubig sa mismong kwarto niya at banyo. Haist. Parang bata." Reklamo ni Anna na ikinatawa naman ni Liza.
"Alam mo, mabait naman talaga iyang si Sir Lucas eh. Baka talagang pagod lang tapos hindi ka pa naman kilala kaya nagulat sayo."
"Hala. Grabeng magulat? Naka uniform ako ng tulad ng suot mo. Tapos may hawak akong ligaderang maliit kasi nagdidilig ako ng halaman doon, para mapagkamalang magnanakaw. Kung wallet o pera ang hawak ko. Baka pa nga, tama na paghinalaan ako. Ligadera iyon, may tubig pa. Baka sabihin mo, oa masyado si boss. Ngayon lang nakakita ng magandang nagdidilig ng halaman."
Mahabang wika ni Anna na ikinatawa nilang pareho. Hindi akalain ni Liza na masaya pa lang kasama si Anna. Akala niya noong dumating ito ay masyado itong mahiyain. Masayahin pala ito at cool kasama.
Nagtuloy sila sa kusina at nakita nila si Manang Fe na nagluluto ng pananghalian.
"Manang Fe, nasaan si boss? Galit na galit pa rin ba?" Mahinang bulong ni Anna kay Manang Fe, habang nakamasid sa paligid.
"Wala si Sir dito. Umalis, sa opisina na lang daw siya matutulog. Pagpasensyahan mo na si Sir Lucas. Mabait naman iyon baka lang talaga pagod." Pagtatanggol ni Manang dito.
"Naku Manang, mukha naman ngang mabait si Sir. Lalo na pag tulog. Kaso gising kanina kaya parang dragon na magbubuga ng apoy, kahit wala naman akong ginagawang masama." Sagot ni Anna na ikinatawang muli ni Liza.
"Ikaw talaganag bata ka. Napakakulit mo, baka kaya nagagalit sayo si Sir eh. Ano bang ikinagalit noon at bigla na lang sumigaw at tinawag kami bigla. Pati si Maam Antonia ay tinawag. Sa inis sa iyong bata ka." Tanong ni Manang Fe, na ikinatikhim muna ni Anna bago sumagot.
"Hay Manang Fe, aba ang bait ko kaya. Tanungin ba naman ako ni Sir kung saan ako nanggaling syempre iyong totoo ang isinagot ko." Wika pa ni Anna na taas noo.
"Ay ano naman ang isinagot mo?" Natatawang tanong ni Liza.
"Di sa sinapupunan ni inay? Saan pa ba ako nanggaling. Doon naman talaga." Baliwalang sagot ni Anna na lalong ikinatawa ni Liza. Kahit si Manang Fe ay hindi na rin napigilan ang pagtawa.
Napatigil lang sila ng marinig ang mahinhing hagikhik ng Ginang papasok sa kusina. Kaya napatigil sila ng pagtawa, at napatingin sa Ginang na papalapit sa kanila.
"Hindi ko akalaing magiging masaya ang bahay na iyo ng dahil sa pagdating mo Anna. Palaging tahimik lang dito. Uuwi si Lucas, papasok sa trabaho, ganyan lang halos sa araw araw. Si Fe naman at si Liza, nagkukwentuhan pero hindi iyong ganitong nakikita ko na tumatawa at masaya." Nakangiting sambit ng Ginang ng makarating sa tabi nila at naupo sa isang high chair.
Napakabait ni Mrs. Antonia, pantay pantay lang ang tingin niya sa kapwa niya. Hindi ito mapangmata tulad ng iba. Basta mabait ka sa kanya, susuklian ka din niya ng kabaitan.
"Sorry po Maam, hindi ko po sinasadyang galitin si Sir Drago. Si Sir Lucas po, kaso ang init init ng dugo sa akin. Ayaw ko naman pong magpaapi lalo na po at wala naman akong ginagawang masama." Nakayukong, sambit ni Anna na ikinatapik ng Ginang sa balikat niya.
"Sa totoo, hindi naman ako galit sayo. Nagtataka lang talaga ako, na first time kung makita na manigaw ng babae ang batang iyon. Hindi naman siya ganoon sa iba. Kahit nga kay Liza at kay Fe ay maayos iyong makitungo. Kahit sa mga empleyado namin. Kaya sana ay pagpasensyahan mo din Anna ang ugali ng akin anak." Wika sa kanya ni Mrs. Antonia.
"Wag po kayong mag-alala Maam. Hahabaan ko pa po ang pasensya kay Sir. Lalo na po at dahil po sa inyo, nagkaroon ako kaagad ng trabaho. Salamat din po at nakilala ko kayo. Sigurado na po ako ngayong, hindi na gaanong mahihirapan si itay at inay kung saan kukuha ng pang tuition ng dalawa kung kapatid, dahil pwede ko na silang mapadalhan ng maayos."
Masayang wika ni Anna, na natutuwang nakikinig naman sina Liza, at Manang Fe sa pag-uusap nila ng Ginang.
"Napakabait mo namang anak at kapatid Anna. Sure na proud na proud sayo ang mga magulang at kapatid mo." Si Manang Fe.
"Ang sarap namang maging kapatid nitong si Anna. Nakakatuwang nakilala ka ni Maam Antonia." Si Liza.
"Hindi naman po ganoon. Maswerte po akong naging pamilya ko ang pamilya ko. Kung hindi sila ang kinalakihan ko, baka hindi din ako ganito ngayon. Masyadong mabait at mapagmahal si inay at itay, kaya naman po, lumaki po kaming magkakapatid na mayaman sa pagmamahal, at mabubuting pangaral mula sa kanila. " Proud na wika ni Anna sa kanila.
"Nakakatuwa kang bata ka. Masaya akong nakilala kita kahapon. Napakabuti ng iyong kalooban. Sana ay hindi ka sumuko sa pagsusungit ni Lucas, sana ay magtagal ka dito sa amin. Dahil sa katunayan niyan, hindi naman ganoon ang batang iyon. Pero, ngayon lang natutong magsungit ng husto." Wika pa ng Ginang.
"Wag po kayong mag-alala Maam, masungit lang si Sir, pero matigas po ang kalooban ko. Pati kayo po ang nagpapasahod sa akin di po ba? Wala pong ibang may karapatang magpaalis sa akin dito kundi kayo lamang." Sagot ni Anna na ikinatawa naman ng Ginang.
"Ikaw talaga Anna. Syempre hindi kita paaalisin. Hanggat gusto mo dito open ang bahay ko para makatulong sa iyo." Nakangiting sambit ng Ginang sa kanya.
Nagtagal pa ang kanilang kwentuhan, hanggang sa nakatapos ng magluto si Manang Fe. Sabay-sabay na rin silang kumain, dahil inabot na ng tanghalian ang kanilang pagkukwentuhan.