"Baby!" Sigaw ni Lucas na nagpahinto sa paglalakad ni Anna, patungong garden.
Hinarap niya ang kanyang boss, na kanina pa siyang sinusundan saan man siya magpunta. Kulang na lang pati pagpasok ng c.r. ay sundan siya nito.
"Sir. Unang-una hindi ako baby. Hindi baby ang ang pangalan ko. Tigil tigilan n'yo ako dyan sa katatawag n'yo ng ganyan sa akin. Hindi po ako nakikipagbiruan. Hindi ako nakikipaglokohan. Trabaho ang ipinunta ko dito sa Maynila at hindi para lumandi, o kaya ay manlandi ng boss ko. Maliwanag!" Inis na wika ni Anna na siya naman hindi ikinaimik ni Lucas.
"Teka lang, wala naman akong sinabi na nilalandi mo ako. Gusto ko lang pakinggan mo ako. Wala akong alam sa plano ni daddy. Wala din akong balak pakasalan si Lyka." Paliwanag ni Lucas kay Anna.
"Wait lang. Teka lang. Naguguluhan ako." Sambit ni Anna na talagang naguguluhan sa mga ikinikilos ni Lucas.
"Unang-una wala tayong relasyon maliban sa boss ko kayo at katulong n'yo ako. Hindi ninyo need magpaliwanag dahil wala namang dahilan." Dagdag pa ni Anna sa sinabi niya.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Look Anna. Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita. Pero. F*ck!" Wika ni Lucas, na bigla naman siyang nagulat ng mapansing nakataas ang kilay ni Anna.
"Sir! Ako'y wag mong ma f*ck! F*ck! Na iyan ha. Ako ay walang ginagawang masama sa iyo, baka gusto mong makatikim ng hambalos ko. Baka gusto mong kunin ko sa kusina iyong rolling pin at ihampas ko dyan sa ulo mo. Aba ako'y pinalaking gumagalang, pero ako ay palaban. Hindi ako paaapi kung alam kong nasa tama ako." Singhal pa ni Anna kay Lucas, na hindi malaman ni Lucas kung bakit parang kinakabahan siyang magalit si Anna sa kanya.
"Baby, hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Isa pa iyang baby na iyan. Ako'y walang maintindihan sa mga pinagsasasabi n'yo. Matapos mo akong sabihin ng, babaeng machine gun. Ngayon baby? Baby-hin mo yang Lyka mo!" Wika ni Anna na ikinabuntong hininga ni Lucas.
"Okey, Anna please listen. Ako muna ang magsasalita." Wika ni Lucas na ikinatahimik ni Anna.
"Alam kong hindi ganoong kaganda ang una nating pagkikita. Pero sa totoo naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Totoo naiinis ako noong una na sinasagot sagot mo ako. Pero noong nakita kong ngitian mo si De Vega. Nakaramdam ako ng, hindi ko ma explain pero I think, I'm jealous to that a*shole. I want to understand why I feel this weird feelings. Pero sa tingin ko, ako na rin ang sasagot sa tanong ko. Kahit hindi maganda ang ating simula, I'm... I'm fallin' for you." Lakas loob na amin ni Lucas. Na hindi naman ikinakilos ni Anna.
Hindi malaman ni Anna kung matutuwa ba s'ya sa sinabi ni Lucas, or ano. Hindi din malaman ni Anna kung ano ang dapat isagot. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng sasabihin.
"Sir Lucas. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Naiintindihan mo ba iyang mga salitang lumalabas sayo? Look Sir, pwedeng sa loob ng ilang buwang ikasal ka na? Sa tingin ko naman hindi ka lugi kay Ms. Lyka. Maganda, mayaman at may pinag-aralan. First year college lang Sir ang natapos ko. May pinag-aaral pa akong mga kapatid kaya ako nandito. Hindi ako umalis ng probinsya at nagtungo dito, para maghanap ng boyfriend na mayaman o manlandi ng mayaman. Trabaho lang ang ipinunta ko dito. Walang iba." Paliwanag naman ni Anna.
"Ayaw mo bang bigyan ako ng chance? Good catch na ako." Nakangiting wika pa ni Lucas.
"Iyon na nga Sir ang prob--." Hindi natuloy ni Anna ang sasabihin ng unahan naman s'ya ni Lucas.
"Just call me Lucas, or Dimitri. Wag mo lang akong tawaging Sir."
"Kahit saan mo tingnan, your my boss. Ang bastos ko namang katulong kung tatawagin lang kita sa pangalan mo." Giit ni Anna.
"Sinagot sagot mo na nga ako. Tapos nag-iisip ka pa ng ganyan. Kung sagutin mo na lang ako. Di mas mabuti." Nakangising wika ni Lucas na pinaningkitan naman siya ni Anna ng mata.
"Anong sagutin yang kalokohan mo?! Hindi ka pa nga nanliligaw tapos sasagutin na kita?" Mataray na wika ni Anna.
"Hindi pa ba panliligaw ang ginagawa ko sayo noon? Nagbibigay ako ng bulaklak, hindi pa ba panliligaw iyon sayo?" Tanong ni Lucas dito.
"Wala ka namang sinasabi? Bakit? Sinabi mo ba noong nanliligaw ka? Akala ko kasi, bumait ka lang talaga sa akin. Panliligaw na pala iyon?" Wika ni Anna na biglang napatakip ng bigbig ng marealize niya ang kanyang mga sinasabi mula pa kanina.
Napansin din niya ang pagngisi ni Lucas, na wari mo ay tuwang-tuwa sa mga pinagsasasabi niya.
"So you mean pag nagpaalam ako ngayon, papayagan mo akong manligaw. May pag-asa na ba ako sayo?" Nakangiting wika ni Lucas na, na hindi din malaman ni Anna kung ano ang isasagot sa boss niya.
Para itong bata na napagbigyan sa gusto at masayang-masaya ngayon. Sasagot na sana si Anna ng bigla siyang matigilan ng biglang may dalawang braso na yumakap kay Lucas mula sa likuran.
"Honey, kanina pa kitang hinahanap nandito ka lang pala." Malambing na wika ni Lyka, na ikinalakad nito paharap kay Lucas at walang pag-aatubili na hinalikan nito si Lucas sa labi.
Smack lang iyon, pero may pait na dumaan sa puso niya. Sabihin man ni Lucas na nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Pero wala pa rin siyang panama kay Lyka. Lalo na at ito ang gusto ni Sir Rodrigo na mapangasawa ni Lucas.
"Anong ginagawa mo?" Galit na wika ni Lucas sa kaharap.
"Hon, hindi mo ba ako na miss? Ikakasal na rin naman tayo. Magsama na tayo sa iisang kwarto." Malambing na wika ni Lyka, ng bigla itong itulak ni Lucas, at tingnan ng masama.
"Baby." Mahinang wika ni Lucas, na akmang hahawakan siya nito ng iiwas niya ang sarili.
"Sir tawagin mo na lang po ako kung may ipag-uutos kayo." Wika ni Anna at walang paalam na pumasok na sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina.
Naiwan si Lucas at si Lyka sa my garden. Nasundan lang ni Lucas ng tingin ang papalayong si Anna sa kinatatayuan niya.
Binalingan naman niya si Lyka, na animo ay naguguluhan sa kilos niya.
"Kung gusto mong matulog sa kwarto ko, doon ka matulog kahit kailan mo gusto." Wika ni Lucas na ikinangiti naman ni Lyka ng ubod ng tamis.
"Talaga? Pumapayag ka na?" Tanong nito habang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ni Lyka.
"Oo, kasi hindi naman ako matutulog doon hanggang nandito ka." Wika naman ni Lucas na ikinawala ng ngiti ni Lyka, at iniwan na ito ni Lucas sa garden na nag-iisa.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Anna pagkapasok na pagkapasok niya ng kusina. Nadatnan niya si Liza at Gia na magkatulong sa pagdadayag ng plato. Wala naman doon si Manang Fe, siguro ay maagang nagpahinga. Lalo na at pagod ito sa maghapon.
"Hoy Anna girl, ang lalim noon ha. May problema ka?" Tanong ni Liza.
"Wala naman." Matipid niyang sagot.
"Iyong totoo? Kung wala lang naman pala, bakit ang lalim noon?" Wika naman ni Gia.
"Hindi ko alam. Hindi naman ako malungkot. Hindi din ako masaya." Nakangiting wika ni Anna, pero hindi umabot sa mata.
"Tungkol ba kay Sir Lucas? Umamin na sayong gusto ka n'ya?" Sabay na tanong ni Liza at Gia, na nag-apir pa.
"Ang tsismosa n'yong dalawa." Wika ni Anna na ikinahagikhik naman ng dalawa.
Mabilis namang tinapos si Liza at Gia ang pagdadayag at hinila si Anna palabas ng likod bahay patungo sa bodega na nilinis niya.
Napansin ni Anna ang isang maliit na sala set sa loob ng bodega. May maliit din itong table. Masarap na tuloy tumambay doon lalo na at may isang electric fan, at maliit na t.v. na roon ngayon.
"Kailan pa nagkaroon ng ganito dito?" Tanong ni Anna.
"Noong nagkasakit ka. Matagal-tagal na rin. Pinalagyan ng ganyan dito ni Sir, para daw kung gusto nating magrelax at ayaw naman natin sa living room, dito na lang daw tayo. Para komportable at hindi tayo mailang." Wika ni Anna na nagbubukas ng tv.
Si Gia naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang single couch.
"Ano ngang problema Anna balik tayo." Ulit ni Liza.
"Alam ko namang hindi ako bagay kay Sir Lucas. Pero umamin s'yang nahuhulog na s'ya sa akin." Panimula ni Anna na ikinasinghap naman noong dalawa.
"Hala, ang haba naman ng buhok mo girl. How to be you po?" Maarteng wika ni Liza, habang ang ilang hibla ng buhok ay inilagay pa sa likod ng tenga, na ikinahagikhik ni Gia.
"Ang gulo n'yo. Walang ganun. Trabaho ang ipinunta ko dito at ang pamilya ko ang priority ko. At ang isa pa. Gusto ni Sir Rodrigo si Ms. Lyka para kay Sir. Sino lang ba naman ako kompara sa babaeng my pinag-aralan, mayaman at sopistikada. Hindi katulad kong katulong dito sa bahay nila." Wika ni Anna na ikinabuntong hininga lang din niya.
"Alam mo bang gusto ka ni Maam Antonia para kay Sir Lucas?" Wika ni Liza na ikinabigla ni Anna. Pero agad ding nakabawi.
"Natuwa lang siguro si Maam Antonia pero walang ganun. Kayo talaga. Hayaan na lang natin. Hindi ko naman kailangang isipin. Una baka naguguluhan lang si Sir kasi ayaw pang mag-asawa sa ngayon. Pero ayaw ko na ring isipin muna. Gusto ko lang naman makatapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko. Para magkaroon sila ng maganda at maayos na pamumuhay balang araw." Wika ni Anna na hindi na pinansin ang pangungulit ng dalawa.
Hindi nila napansin ang pagpasok ni Lucas dahil nangungulit pa rin ang dalawa sa kanya. Isang tikhim lang ang kanilang narinig, kaya biglang napatayo silang tatlo.
"Sir anong ginagawa mo dito? Nasaan po Ms. Lyka?" Biglang tanong ni Anna.
"Sinundan kita. Si Lyka? Iniwan ko sa garden. Gusto daw niyang matulog sa kwarto ko. So ayon pinagbigyan ko na." Wika ni Lucas na ikinakunot ng noo ni Anna, nakikinig lang naman ang dalawa sa pag-uusap nilang dalawa.
"Sinundan mo pa talaga ako dito Sir Lucas para sabihin iyan?" Inis na wika ni Anna dito.
"Hindi. Sinundan lang kita para sabihing sa opisina ako matutulog kasi ayaw akong tantanan ni Lyka. Doon s'ya matutulog sa kwarto ko. Aalis muna ako, babalik na lang ako bukas." Nakangiting sambit ni Lucas, ng bigla siyang niyakap nito palapit sa kanya at hinalikan sa noo.
"Good night. Matulog ka na mamaya. See you tomorrow." Wika pa ni Lucas na hindi man lang nagawang sumagot ni Anna. Habang ang dalawa niyang kasama ay halos maihi na sa kilig sa kanilang dalawa.