[C]hapter Three

1582 Words
[C]hapter Three     HINDI ko alam kung pupunta ba ako sa address na ibinigay sa akin ni Deborah last night. Hindi ko nga alam kung saan itong building na ito. The Ressurection Tower. 36 F/Rm 212 Hanggang ngayon araw na lang na ito ang stay ni Grevan Salvatore sa tower building. Kung hindi ako pupunta ngayong araw---hindi raw ako interesado. Hindi ko pa alam kung anong uri ng tao ang Grevan na iyon. Hindi rin ako familiar sa pangalan niya---kahit ang apelyido na ginagamit niya, hindi rin bukangbibig ng lahat. Masyado atang privabado ang pamilya nila pero---mayaman talaga sila kung tutuusin. Ang sabi naman sa akin ni Deborah. Madali kong makikilala si Grevan kapag nakaharap ko ito. Distinct ang personality at attitude nito. Paano ko makilala kung hindi ko pa naman nakikita ang tao na iyon? Kailangan daw niya ng tao na magsusulat ng talambuhay niya? At para saan? Wala ba silang ibang makuhang ibang manunulat? Oo naghahanap ako ng trabaho, pero ang sa akin lang---sa dami niyang pera hindi lang siya basta-basta lang kukuha ng taong hindi naman kilala... Kagaya ko. Actually, kanina pa ako nag-iisip tungkol sa Salvatore at hanggang dito sa loob ng classroom. Wala na ngang pumapasok sa utak ko mula sa mga tinuturo ni Sir. Mabuti at dito ako nakapwesto sa bandang likuran. Habang nag-iisip ako at nagtuturo si Sir bumababa naman ang galamay ng orasan. May mga susunod pa kaming mga professors na papasok. Hanggang 9 PM pa ang klase ko ngayon. Hindi ako sigurado sa sinabi ni Deborah na, before the night falls; bago mag-gabi o bago matapos ang gabi? 3:20 PM na. Uhm. Akala ko ba kailangan ko ng trabaho? Ito na, tutuklawin na lang ako--nilapitan na ako pero ano pang bumabagabag sa akin? Hindi ko ba nagustuhan ang approached sa akin ni Deborah last night? Kung oo, paiiralin ko pa ba ang pride ko? Tinignan ko ulit ang card na ibinigay sa akin ni Deborah. Pag-aari rin kaya ng Salvatore itong tower building na ito? Parang may something na nag-uudyok sa akin na pumunta pero parang pinipigilan ko rin ang sarili ko na--huwag na lang. Pero kasi, kailangan ko talaga ng pera. Kailangan ko ng trabaho kaya nga ako nagpasa ng mga resumé ko. Kung pupunta ako, hindi rin naman ako sigurado kung matatanggap ako. Kagaya nga ng sinabi ni Deborah---si Grevan ang magdidesisyon. Siguro dapat subukan ko na rin. Bahala na. Susubukan ko pa rin kung matatanggap o hindi. Kung hindi para sa akin, maghahanap ako ng iba.     ***     Pagkalabas ni Sir, tumayo na rin ako. Nagpaalam ako sa katabi ko na kung sakaling hahanapin ako ay sabihing may importanteng lakad akong pupuntahan. Saglit lang naman siguro ako, makakabalik pa ako kaagad sa last 2 subjects ko. Nakalabas na ako kaagad ng university. Nagtanong pa nga ako sa guard kung alam niya ang The Ressurection Tower. Sa Makati raw. Condominium building daw ito. Pagkatapos kong magpasalamat, sumakay na kaagad ako papunta sa Makati. Pagkababa ko, nagtanong-tanong ako kaagad kung nasaan ang Tower. Mula sa kinatayuan ko, itinuro ng pinagtanungan ko ang isang mababang kulay abong building na sadyang malayo ang pagkakatirik mula sa iba pang nagtataasang building. Nagsosolo lang ito at mukhang mas matanda ang building kumpara sa iba pa. At isa pa, nalaman ko mula sa pinagtanungan ko na Don Miguel Tower ito noon pero bumagsak ang itaas na parte, bahagyana ni-renovate at pinalitan ng Ressurection. Apelyedo ni Don Miguel. Iilan lang daw ang nakatira sa building. Natanong ko kung pag-aari ng Salvatore ang building. Nabigla ako nang mabatid kong, alam niya rin ang tungkol sa Salvatore--o baka naman, lahat ng nandito kilala ang pamilya Salvatore. Hindi pag-aari ng mga Salvatore ang Ressurrection pero lahat daw ng nakikita kong matataas na gusali, iyong mga pinakamataas---pag-aari ng mga Salvatore na nakapangalan lang sa iba't ibang pagkakakilanlan na hindi naman daw nag-eexist sa mundo. Mga pangalan na wala namang gumagamit. Multo raw ang tawag nila sa mga pangalan na iyon. Multo? Kagaya ng gusto nilang mangyari sa akin kung tatanggapin ako ni Grevan na tagapagsulat ng buhay niya. Hindi na ako nagtanong-tanong pa. Bukod sa may pahabol siyang---mababait ang mga Salvatore sa mga taong naninirahan sa nasasakupan nito. Binagtas ko na lang hanggang sa tower building. At sa labas, kapansin-pansin ang kalumaan ng desinyo nito; parang noong panahon pa ng kastila. Totoong renovated pero hindi inalis ang bakas ng nakaraan---at isa pa, parang wala namang nakatira na sa gusali na ito.  Seryoso ba talaga si Deborah na nandito iyong Grevan na tinutukoy niya? Bahala na nga. Bakit parang walang guardiya sa gusaling ito? O wala talaga? Saan ako magla-log in? Tumingin ako sa paligid. Parang wala rin tao na maglalakas na lumapit sa gusaling ito at---nakakatakot pala. 4:20 pa lang naman pero parang ang dilim-dilim na. Wala rin kahit na anong establisyamentong malapit sa gusaling ito. Pumasok na ako sa unang pasilyo. Lumapit ako sa pintuan ng elevator. Sira?! At... Isa lang ang elevator? Seryoso ba ito? 36 floor pa ang unit nung Grevan. Napabuntong hininga ako sa inis. Baka naman pinagtitripan lang ako ni Deborah! Pero para saan? Napatingin ako sa stairs. Okay, total nandito na rin naman ako at lumiban na ako sa mga susunod kong klase... Ituloy-tuloy ko na ang kabaliwang ito. Nagsimula na akong humakbang paakyat sa paikot ikot na hagdan. Tahimik. At parang walang nabubuhay sa loob ng gusaling ito. Hindi ko rin naririnig mula rito ang ingay ng mga sasakyan sa labas. Parang nasa ibang dimensyon ako. 20th F. Meron pang labing anim na palapag. Kaya ko pa naman. Isang Salvatore na masasabi kong mayamang tao na nagtatago sa ganitong uri ng lugar. Anong uri ng tao siya? Alone? At sa palagay ko rin. May edad na ang Grevan na iyon. Kung nasa unit mo man ikaw. Hintayin mo ako papunta na po ako. Hay. Baliw na ata ako dahil pinatos ko pa rin ang kagaguhang ito. 35th Floor. Okay, one last floor. Hmm. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Isang hakbang... Nandito na ako sa huling palapag. Hanapin ang unit ni Salvatore. 212... Ang dim ng ilaw dito. At may kakaibang lamig. Malinis at consistent ang nakakabinging katahimikan. 210. 211... And... 212. May tao kaya rito? Paano ko malalaman kung hindi ako kakatok. I think, this is too much for some kind of a discreet interview. May interview pa kayang magaganap? Huminga muna ako ng malalim. Then I knocked. And knock and one last knock. Para akong timang nito. Parang wala namang tao. Wala akong naririnig na kung ano sa loob. Should I knock again? I think I should... Biglang dahanang bumukas ang pintuan at may isang lalaking ubod ng kisig ang tumambad sa akin. At---ang gwapo, puta! “Sino ka at anong kailangan mo...” Pinagmasdan niya ang mukha ko... Pababa sa katawan ko, “...bata.” Panapos niya. Ang boses niya’y parang kayang humipnitismo ng isang tao. Buo. Klaro. Salita sa salita. Letra sa letra. At---parang gusto niyang makipagtalik sa tono ng pananalita niya. Napalunok ako. At alam kong napansin niya iyon. Hindi ko akalain na may makikita ako, harap-harapan, ng isang perpektong lalaki na sa mga sinusulat ko lang naipipinta sa isipan ko. Detelyado ang hugis ng kaniyang mukha. Mula sa kaniyang buhok na magulo pero may malakas na dating, kilay niyang sumang-ayon sa kaakit-akit niyang mata, tangos ng ilong na dadampi sa pisngi ng taong hahalikan niya, hanggang sa labi niyang... Sa unang tingin ko pa lang, masasabi ko ng... Malasa, masarap. Nababalutan ng after shaved ang mukha niya. Matapang---mapanukso. At pansamantalang napadikit ang mga mata ko sa kaniyang mahubog na katawan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong puriin siya sa aking isipan. Sino ang taong nasa harapan ko? “Bata. Ayos ka lang ba?” Matono niyang pagpuna sa akin. Nawala ako sa aking sarili. Napailing ako at tumingin sa kaniya ng diretso. Nais ko pa sanang igala ang mga mata ko sa mas pinakababang parte ng katawan niya dahil tanging maikling itim na salawal lang ang suot niya. Subalit nakaramdam na ako ng pagkahiya. “Oo. Opo... Yes, I am... Fine.” Pautal kong sagot. “Sagutin mo na ang tanong ko. Sino ka at anong kailangan mo?” Pang-ulit niya habang tuwid na nakatingin sa aking mukha. “Mico, Pangalan ko ay Mico Del Rosario. I am here for Mr. Grevan Salvatore.” Sagot ko. Maayos. Malinaw. Pero may kaba pa rin akong nararamdaman. Nakatitig siya sa akin at sinimulang igala ang mapangobserba niyang mga mata na para bang minamarkhan niya ang bawat parte ng aking katawan. At---bigla siyang napahawak sa... Harapan niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mapatingin. Hinimas niya ito at kitang-kita ko ang tila mahabang bumubukol at nakatago sa loob ng salawal niya. “Sige Mico, pwede ka ng umalis.” Sabi niya at bigla niyang sinarado ang pintuan. Nabigla ako! Damn. Ano ba kasing ginawa ko? Bakit ako napatingin sa mga kinilos niya? Nakakahiya ako! Pero... “Deborah sent me!” Pahabol ko! Deborah? Ano bang apilyedo ng babaeng iyon? Pero wala na akong narinig pa mula sa kabila. Mukhang wala siyang pakialam. At kung sino man siya... Ayaw niya akong ipaharap kay Grevan Salvatore. Naghintay pa ako. Pero mukhang wala na siyang balak pagbuksan ako ulit ng pintuan. Isinuksok ko ang card sa ilalim ng pintuan at umalis na ako. Hanggang sa makarating na ako ulit sa pinakababa. Pakiramdam ko, sinayang ko lang ang oras ko sa wala. Sa wala? Tang'na! Iyong lalaking iyon. Bakit... Parang gusto ko ulit siyang makita? No. Hindi Mico. Kalimutan mo na siya. Kalimutan mo ang tungkol sa Salvatore. Bago ako makalabas... Biglang nag ring ang telepono. Paulit-ulit. Wala namang gwardiya. Sasagutin ko ba? Hinayaan ko nalang hanggang sa mamatay. Pero bago ako ulit humakbang, tumunog ulit ito. Lumapit na ako at sinagot ko ang tawag. “Bata. Bumalik ka rito sa kwarto ko. Ngayon na.” Mapangautos na tono ng tumawag at binaba kaagad ang linya. Hindi ako pwedeng magkamali--boses iyon ng lalaki na nasa kwarto ni Grevan Salvatore.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD