[C]hapter Two

1994 Words
  NAG-MESSAGE rin kagaad sa akin si Miss D. Pinasa niya sa akin ang oras at lugar kung saan niya ako kikitain. 11 PM @ Sharlem's Dinners. And actually, paalis na ako rito sa boarding house. And seriously? 11 PM? Wala pa akong ideya kung anong uri ng kumpanya nagmula si Miss D. Hindi ko rin talaga maalala kung nakapagpasa ba ako sa Salvator's Private Company ng resumé. Sinubukan kong balikan ang histories sa browser ko pero wala sa mga link sites ang SPC. Sinubukan kong i-google ang Salvatore's Private Company. At nabigla ako sa nalaman ko. Pag-aari ng mga Salvatore ang halos 50% ng malalaking kumpanya buong Metro Manila. Naka-corporate at stockholders rin ang mga Salvatore ng iba't iba pang kumpanya. Tila isang malaking halimaw ang Salvatore's na lumalamon sa maliliit na kumpanya. Parang bagyo na kung dadaan ng Salvatore's ang maliliit na kumpanya ay paniguradong masisira, babagsak at mahihirapang makabangon muli. At bukod pa roon, nasa ilalim ng pamamahala Salvatore's ang lima na malalaking Universities sa lugar dito sa amin; Ang LIPU ng West, PNSU ng East, PAU ng South, ang pinapasukan ko ang LHU ng North at ang PCU na nasa gitna ng apat na Universities. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga tao na nasa likod ng Salvatore's. Pero isa lang ang alam ko, bigatin ang Salvatore's. At isang pribelihiyo na makapagtrabaho sa kumpanya nila. Pero... Paanong napunta sa SPC ang resumé ko? Isang paraan lang para malaman ko; ang makipagkita kay Miss D. Hindi ako kahusayan sa pagpapatong-patong ng susuotin. Hindi ako marunong magpares-pares ng suot; kung anong bagay sa ganito at sa ganiyan. Basta, nagsusuot ako ng alam kong kinakokomportable ko at maayos kung titignan ng iba. Okay na siguro itong semi-formal attire ko. Kung nandito lang sana si Nayette, magaling magpares-pares ng damit iyon, alam niya ang bagay sa ganito at sa ganiyan. Kaso, busy rin masyado ang babaeng iyon. At walang oras para tawagan siya. I am on my own. White polo at... Denim pants. At leather shoes. Putcha! Para lang akong a-attend lang ng binyag nito. Pero, bahala na nga. Ayusin ko na lang buhok ko at magpapaligo ng pabango. Relos na higit dalawang taon na sa akin. Hindi naman kalayuan dito ang Sharlem's Dinners. Dinner Interview ata ang magaganap. I just need to bring myself and all the positivity in the world. Okay, I am gonna do this.   ***    Lumabas na ako ng boarding house. Sumakay ako UV Express na dadaan mismo sa tapat ng Sharlem's Dinners. Naiwasan ng driver ang traffic. 10:47 PM nakababa na ako sa UV Express at nandito na ako sa tapat ng Sharlem's Dinners. Glass wall ang Dinners, and from here nakikita ko ang mga nagdi-dinner sa loob. Iilan lang---pangmayaman kasi ang Dinners na ito. Hindi ko alam kung akma ang suot ko sa ganitong lugar. I have never felt this insecurities before—not until now. Papasok ba ako o hindi? At parang wala namang Miss D sa loob. Kakahiya. “Excuse me Sir. May hinihintay po ba kayo?” Lumapit sa akin ang lalaking naka-tuxedo na nasa tent ng Dinners. Maayos ang suot niya at talaga naman nasa kaniya ang description ng pleasing personality. From head to foot, from the way he presents himself to people, to me. “Ah. Yes. No. I am sorry. I shouldn't have been here.” Pababago-bago at may halong pagkailang kong pagkakasabi. Puta! Nilamon na ako ng hiya ko! Mali ata na pinatos ko ang invitation interview na ito. At napansin ko na may isang matangkad, balangkinitan at napakagandang babae na lumapit sa entrance. Ang tapang ng itsura. Mapang-akit, nakakaakit, mapanukso, nanunukso. Nakasuot ito ng--red gown na halos hapit sa kakurbahan ng perpektong katawan niya. Halos lumuwa na ang kaniyang dibdib sa suot niya na talaga naman nakakailang pagmasdan. At kahit metro pa ang layo niya mula sa kinatatayuan ko, naamoy ko na ang pabango niyang may halong alindog. “He is with me.” Sabi niya na may parang pang-aakit din sa tono ng pananalita niya. Natulala ako sa kaniya. I can even describe her as a professional sexy starlet. I am with her? Is she Miss D.? “I am sorry, Miss D. Welcome to Sharlem's Dinners, sir.” Mapamating sabi ng lalaki sa akin na may halong pagkagalak. Miss D? Siya nga. Damn. She is definitely, hotter than hell. “It's fine Carlos.” Sabi niya na halos bawat linya ng salita niya ay may pang-aakit, tumingin siya sa akin, “...let's get inside, Mr. Del Rosario. Come with me.” Paanyaya niya. Pumasok na siya at kaagad naman akong sumunod. Masasabi kong matangkad talaga siya dahil hindi kataas ang heels ng sapatos niya.  Maganda ang ambiance dito sa loob ng Dinners. Calm and relaxing ang jazz music sa background. Halos lahat ng nandito ay judgeable as rich men and women. Kapuna-puna naman sa mga suot na silver and golden jewelries ng mga matatandang babae na kahit na ganitong oras ay gising pa rin. Hindi ko lang matulungan ang sarili ko na hindi sila mapansin. I don't even think they're having dinner or what. Some of them, just sitting... Drinking something, perhaps, wines. Huminto si Miss D sa corner ng Dinners na may table for two. “Have a seat Mr. Del Rosario.” Sabi niya. At---ako talaga ang una niyang pinaupo. I couldn't help myself but to be pleased and impressed by her. Ang weird na dapat ako ang magpa-impress sa kaniya. Eh mukhang sa entrance pa lang, bagsak na ako. But, I am still here... With her. “Thank you, Miss D. If I am not mistaken.” Magalang at may paniniguradong pagkakasabi ko. “Lovely voice coming from a guy like you.” Tugon naman niya na hindi ko alam kung compliment iyon o insult or maybe both. Does it matter? Umupo na ako at siya rin. “...and please, you can call me Deborah. And thank you for coming here tonight Mico. I know it's quite unusual for you to be invited at this late hour for an interview. But I was glad that you're here, seriously." Dagdag niya. She sounded so femininely attractive. At tinawag niya akong... Mico. Just my name. And yes, very unusual ang interview ng ganitong oras. Buti at afternoon class ako bukas. “Salamat din po. Pasensiya na rin po sa awkward moment kanina sa entrance. Hindi lang ako sanay sa ganitong lugar. Nakaka-concious. And... if I wasn’t here, maybe I couldn't take any chances to this privilege anymore. So, I’ve decided to take the chance of being here. I badly really need a part time job. Though to be honest Miss Deborah, I literally can't remember if I have sent my resumé at Salvatore Private Company." “Couldn't take any chance? But I remember, you almost run away. Is that right?” Tanong niya, figuratively. Then, she smiled at me, “…and of course you did Mico. That is the reason why I sent an invitation to you. That is also the reason why you are here. You didn't submit your resume at the Salvatore but you did submit at Salvatore's. Lahat ng pinasahan ng datum mo, lahat ng iyon ay pag-aari ng Salvatore." Paliwanag niya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala! Panigurado namang marami pang nagpasa ng resumé bukod sa akin. “Marami po bang nagpasa ng resumé bukod sa akin?” Paninigurado ko. “Please, don't use po on me Mico. Just get use to call me Deborah. Importante pa ba sa iyo ang ibang aplikante?” “Sorry, I just asked.” “Yes Mico. Maraming nagsubmit ng applications. Pero mas naging interesado ako sa iyo kaya naman ikaw ang pinasahan ko ng invitation.” Interesado sa akin? Gaano kainteresado ba ang resumé ko? Bakit pa nga ba ako magtatanong ng kung anu-ano? Nandito na ako. It's either, kukunin niya ako, nila ako sa posisyon na meron pa sila... Bilang Writer? O Encoder? Iyon lang naman mga pinasahan ko. “Salamat po. I mean, thank you for considering my application. Is it here where the interview will take place? The discreet interview.” “Hindi ako ang magdidesisyon ng tungkol diyan. Pero nandito ako para makita ka personally and I believed mas magugustuhan ka ni Salvatore.” Is this some kind of screening? At magugustuhan ako, nino raw? Ni Salvatore? O ng Salvatore? Or... Is this some sort of a joke? “I am sorry Miss D but... Pagkakatanda ko ang pinasahan ko ng mga applications ko, na ayon sa iyo na pag-aari ng Salvatore, ay mga naghahanap ng Freelance Writers, Article Writers, Amateur Writers at Encoders at hindi po Modeling o pag-aartista. Hindi ko alam kung para saan pa ang screening na ito. Wala rin sa qualification, sa pagkakatanda ko, ang pleasing personality, physically. Perhaps, I am desperate enough to find a job that is why I am here with you. But I think, nagkamali ako ng pinuntahan at nagkamali ka rin ng taong nakuha. So, I think this is the time that I should better circulate and go. And I am sorry again however I really do appreciated this consideration." Sabi ko sa kaniya. I got her ears. Tumayo ako ng may inilabas siyang libro. Wait... Is that my book? “You've been hiding your real name with some, what should call it? Pen name? Wala ka bang tiwala sa sarili mo at kinukubli mo ang pagkakakilanlan mo sa ibang katauhan? O baka kinahihiya mo ang sariling gawa mo." Mapanudyok niyang pagkakasabi at inilapag niya ang libro sa ibabaw ng table. “How did you know it was me who wrote that book?” May pagkabigla sa pagkakatanong ko. “Actually I didn't know until now. You just admitted it honey. Please, get back to your chair." Panunuyo niya. Umupo ako ulit. Tinignan niya ang book cover. “...hmmm, interesting title but I am interested with the author. How this author can convince me to buy this book if the author itself couldn't even define his or her real personality? Tell me honey, why a pen name instead of your real name?” Tumingin siya sa akin na tila may bakas ng pananabik na malaman. “I can't. Hindi alam ng mga nakakakilala sa akin na nagsusulat ng ako ng kwentong lalaki sa lalaki.” “Are you closeted? A queen.” Paningit niya. “No!” Sagot ko kaagad. “No? Is that right? But you chose to write this instead of a straight one.” “I don't put a label to my preference.” “Don't you? You just published your preferred  story.” Sabat niya! “Okay. I am done here. Hindi ko alam kung paano mong nalaman na ako ang author ng librong iyan. And I don't want to know. But since you have a copy of it, thank you for buying it.” “Your book was published two more years ago. Have you never ever wondered why you only have 108 copies sold? Including my copy. And 51 copies downloaded or sold online.” Tanong niya. I don't know but it sounds insulting. Irritating. Gratingly to my ear. And how did she know the number of books sold so precisely! “Ang importante meron bumili ng kopya ng book ko!” Sabi ko. “Of course, that will be your point but please don't get mad at me honey. I am actually being polite to you. And don't worry I don’t have any kind of pitifulness for you. In fact, I like your style. But before I proceed to your own style. Let me tell you why you only have those few numbers. Simply because the person behind those words in the book was not the person written on it's cover. This name, it was not you. You are Mico Del Rosario. That name could have been so perfectly written here. Haven't you thought of it?” Sabi niya at pinakita niya sa akin ang libro. “I told you, I can't! Even if I wanted to. I have to hide the real me, because this real me... Is not me. That name on the book, that is me.” “But not everyone will be convinced it was you.” “What do you want from me?” Nairitang pagkakatanong ko! “Not me... But someone needs a writer who will not mind putting his real name as the author of the book, a writer who can kill through his words, a writer like you, a ghost." Sabi niya. A ghost? A ghost writer? “Grevan Salvatore needs someone who will write his own bio. And if you are interested... Please, visit him here." Sabi niya at may ibinigay siyang card, "...be there before the night falls tomorrow and tell him I sent you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD