[C]hapter One

1530 Words
March 2:40 AM   MADILIM. Maalinsangan. Mainit. Tahimik na tanging ang naririnig ko lang ay ang aking pamugtong hininga. Halos naririnig ko na rin ang pagpulso ng aking mga ugat at pahinang t***k ng aking puso. At namamanhid na rin ang buong katawan ko sa sobrang sakit---sakit na mula ng mga pinaranas nila sa akin. Mga bagay na hindi magagawa ng isang normal na tao. Dahil sa pamamaga ng aking kanang mata; halos hindi ko na ito maimulat. Samantalang ang aking kaliwang mata ay nakapikit na at hindi ko na maimulat pa. Nanliliit na rin ang aking paningin. Naliligo na ako sa aking sariling dugo at pawis. Halos nanunuyot na ng rin ang dugong tumagak sa pisngi ko mula sa aking ulo. Sa tuwing naalala ko ang malakas na pagpalo ng isang matigas na bagay sa ulo ko--nararamdaman ko pa rin ang sakit. Punong-puno na ng pasa ang aking buong katawan. Ang aking mura at batang katawan. Brutalang pagpapahirap ang ginawa nila sa katawan ko. Ilang araw at gabi na ba akong narito? Ilang beses na ba nila akong pinahirapan? Hindi na kaya pa ng aking katawan. Bibigay na ako. Hindi ko na kaya pa.   Tila isang mabilisang pagpapalit ng senaryo ang nakita ko. Tila isang palabas na aking naisalalarawan sa aking isipan. Palabas na makatotohan. Palabas na aking nararamdaman. Naramdaman kong hinaltak ang aking buhok na halos mapunit ang aking anit sa pagkakabigla! Masakit! Pakiramdam ko, dugo na ang luhang gumigilid sa aking mata. Tumama ang aking batok sa kanto ng sandalan ng aking kinauupuan. Hindi ko maaninag ang lalaking may hawak sa aking buhok. May takip siya sa kaniyang mukha. Maduming tela na may butas at sumisilip sa akin ang mga matatalim na mga mata. Tila sabik at uhaw sa pagpapahirap. Mistulang berdugo na mas gusto pang pahirapan ang biktima bago katayin. Malalaki ang kaniyang mga braso. Mabulas ang kaniyang katawan. Hindi normal ang kaniyang laki. Masyadong malaki. Mala-halimaw sa laki. Nakakatakot. Kung gugustuhin niya. Kaya niyang baliin ang aking kamay, paa o ang aking buong katawan. Hindi siya nagsasalita pero nauulinigan ko ang paghalak niya, putol, paos, garalgal---para siyang tauhan sa isang mabayolenteng palabas. At siya ang pumapatay. Hindi ko na rin maibuka ang bibig ko. Putok na ang aking labi, may sugat na sa magkabilang dulo nito. Sarado na ang labi ko dahil nanunuyot na ang dugo na nagmistulang pandikit sa aking mga labi. Sagli't pa'y tinakpan niya ng tela ang aking mukha! Nabitin akong muli sa hangin. Sinusubukan kong magpumiglas. Sinusubukan kong pumakawala mula sa pagkakatali sa aking mga kamay, paa at sa aking katawan. Hindi ko magawa. Wala na akong lakas pa. Mas lalo pa akong nawalan ng kakayanang makakuha ng hangin nang maramdaman kong may ubod ng lamig siyang ibinubuhos sa aking mukha na may takip na tela! Malamig! Ubod ng lamig na halos kaya nitong makapanugat at makapamuklat ng balat at bukod pa roon... Nalulunod ako. Pumapasok sa butas ng ilong ko at bibig ko ang tubig. Unti-unti... Napipigta na ang tali na nagdudugtong sa buhay at kamatayan ko. Ilang saglit na lang ang karupukan nito at mababawian na ako ng buhay. At bago ako mawalan muli ng malay... May naulinigan akong... “...tapusin mo na ang isang iyan.”   Kadiliman.... Walang hanggang kadiliman. Blanko. Walang nabubuhay. Walang ingay. Walang mararamdaman. Walang lamig o init. Walang katutunguhan. Muli ay parang tumibok ang puso ko. Mabagal. Tila binubuhay ang aking sistema. Unti-unti... Muling nagsimulang dumaloy ang aking dugo sa aking mga ugat. Nakakaramdam na ako ulit. May matutulis na tumutusok sa aking balat na pumababasa aking balat. Ulan. Patak ng ulan. Malakas na ulan ang bumubuhos sa aking katawan... Kung nasaan man ako, hindi ko alam ang tanging alam ko... Buhay ako. Dahan dahan kong nagagalaw ang aking mga daliri. Lupa... Damo.. Nakadapa ang aking kaawa-awang katawan sa isang madamo at maputik na kalupaan. At nang sapat na ang pagpapagana ng aking puso at dugo sa aking sistema... Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Naidilat ko ang aking isang mata. Itinihaya ko ang aking sarili at sinalo ko ang malakas na buhos ng ulan sa aking katawan.   ***    4 [M]onths Earlier November   Damn it! Magpapalit na ang buwan, papasok na ang December---ang laki pa rin ng problema ko. Bwisit. Kailangan ko ng sideline o part time o kahit anong raket. Iyong pang matagalan... Sana! Hindi na sapat ang nakukuha ko sa pagsusulat. Ngayon pa, na isang beses sa isang buwan na lang ako makakapaglathala ng article sa News Paper. Pero okay na iyon kaysa wala. Sa school naman, may page naman ako sa newspaper namin. May nakukuha naman ako kahit paano. Mahigit dalawang buwan na rin na walang bumibili ng libro ko, in other words; walang benta. Pinauubos na nga lang ng Publisher; kulang na lang ipa-buy one take one. Natatawa na lang ako kapag nakikita ko ang libro ko sa stall ng NBS, kung minsan pa nga---inilalagay ko sa harap para lang mapansin ng iba. Nakakahiya na sa Publisher. Sino ba naman kasing bibili ng kwentong lalaki sa lalaki? Pero naisip ko rin minsan na, okay lang kahit walang bumasa o bumili ng isinulat ko, ang importante naisulat ko ang kwento na hindi pa naisusulat ng kung sino man. Meron din akong copies sa mga Online Bookstores, pero kagaya sa hard copies, wala rin nabili o nagda-download ng gawa ko. Meron man, isa o dalawa. Mas hilig kasi ng mga readers ang Online Free Reading. May account din ako sa mga Online Reading and Writing sites, marami akong followers at tinatangkilik naman nila ang gawa ko... Kasi nga libre. Pero okay lang sa akin, ever since naman... Mahilig na talaga akong magsulat, noon nga isang pinsan ko lang ang nagbabasa ng gawa ko pero ngayon marami na. Hindi ko rin naman sila mapipilit na bumili ng gawa ko---isa pa, pribado ang pagkatao ko sa mundo ng Online. Hindi ko ginagamit ang totoong pagkakakilanlan ko pero may iilan namang nakakakilala sa akin personally; mga kaklase ko at kaboardmate ko. Kahit paano naman sa blog ko, may nahihita naman ako. Salamat sa mga Adverts at Google Ads at sa walang kamatayan PayPerClick nagkakalaman kusing ang PayPal ko. Self-support na ako ngayon sa pag-aaral ko simula noong magkasakit si nanay. Nasa province sila. Sabi ko rin kasi, huwag na nila akong alalahin. Sa ngayon mas importante maibili ng gamot si nanay pang-maintain para sa sakit niya. Dalawang taon na lang naman at makaka-graduate na ako. Kaya ko pa... Kakayanin ko pa. Pero seryoso talaga, sa ngayon kailangan ko ng sideline! Kailangan kong rumaket. Ang dami ko na ngang utang---at ang dami ko pang babayaran. Sumasakit na ulo ko kakaisip! Subukan kong maghanap sa Jobstreet. Siguro naman may mga naghahanap ng Part-Time Writer o kahit Homebase Encoder. Kahit maliit ang palitan ng effort sa pera, papatusin ko na. Kinuha ko ang laptop kong---may taning na. Isang bagsak na lang nito, panigurado magpapaalam na talaga sa akin ito. Mabuti at may kaibigan akong marunong pagdating sa computer, somehow nakakalibre ako kapag tinutopak 'tong laptop na ito. Pero umaasa pa rin akong aabot pa ito hanggang maka-graduate ako. Tiwala at dasal lang talaga. Dahil sa walang pasok ngayon at wala rin naman akong gagawin sa labas uubusin ko na lang ang oras ko sa paghahanap ng pagkakakitaan online. Good thing, tapos na rin ako sa mga sinusulat ko, just yesterday nakatapos na naman ako ng isang kwento na masasabi kong nagustuhan naman ng mga nagtiyagang sumubaybay sa arawan kong pag-a-upload ng bawat parts. As usual, they keep on asking for the Book 2. Pwede naman siguro, kung sisipagin ako. Naipasa ko na rin ang Article ko sa News Paper Company, for publishing na lang. Nakapag-draft na ako ng ilang paragraphs para sa News Paper namin for next month.   [A]fter 3 Long Online Hours   Hindi ko alam kung ilan ang napasahan ko. Basta lahat ng makita kong may available slots pinagpapasahan ko ng resumé ko. Lahat magsisipagpasahan ng invitation for interview. Mga pinasahan ko iyong malalapit lang. Sa totoo lang, ngayon ko lang ito ginawa. Iyong sa news paper. I was invited to submit an entry article and I was lucky that time na isa ako sa napili kaya up to until now nakakapagsulat pa rin ako sa new paper. Nagbabakasakali lang. Maganda naman ang mga details na nakasulat sa resumé. Mabulaklak at bentang-benta ko ang sarili ko. Pagdating naman sa interview, dapat maging confidently convincing ako tungkol sa mga pinaglalagay ko sa informations ko. Mico is as hard working as carabao. Mico is as flexible as rubber. Mico can do multitasking like a machine. But Mico will seriously not gonna put all of those similes on his data. Tumayo muna ako para kumuha ng maiinom. Saglit lang at bumalik din ako. Hmm. I got a mail. Let's see kung sino ang nag-message sa akin sa aking email address. For sure, isa ito sa mga pinasahan ko. Personal email account ko ito, hindi ito ang ginagamit ko sa mga social accounts ko na dinadagsa ng kung anu-anong spam messages. I opened.   Hi Mico Del Rosario, This is Miss D. of Salvatore's Private Company. We appreciatively received your resumé and we believed you might be qualified to work with us. We are gladly inviting you for a discreet interview. Please send us your full name to this number (+639888888888) as confirmation. Thank you.   Salvatore' Private Company? May napasahan ba akong ganoon? Parang wala naman. At... Discreet interview? I haven't heard such as that before. Not even in my own knowledge. Hmm. Bahala na. Okay. Kinuha ko ang phone ko. / Mico Del Rosario / And sent.   Just like that, may na-received kaagad akong reply.   / Thank you Mr. Del Rosario! Please be informed that we already received your confirmation. Wait within 24 hours for your schedule. -Miss D. /
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD