[C]hapter Thirty Four

1275 Words

CHAPTER THIRY FOUR   BAGO pa atakehin sa puso si Papa sa sinabi ni Grevan, ipinakilala ko siya ng mas maayos sa pamilya ko. “Pa, Ma… si Sir Grevan Salvatore po. Boss ko po sa Metro.” “Ikinagagalak ko po kayong makilala.” Magalang na pagbati pa rin ni Grevan. Kinamayan na rin siya ni Mama. “Sir, sila po mga magulang ko si Conrado, papa ko at Michelle si Mama ko.” “Ngayon alam ko na kung bakit Mico ang pangalan mo. At sino naman ang maliit na cute na batang iyan? Hulaan ko, Leo?” Hindi kami nakasagot. Hindi ko nga naman din kaagad naisip na, hugot pa rin ang pangalan ni bunso sa pangalan ni Mama at Papa. “Opo. Leo Del Rosario.” Magalang na sabi ni bunso. Nakita ko iyong malaking ngiti ni Grevan---ngiting hindi matutumbasan ng kahit magkanong halata. Napaka-genuine ng mga ngiti niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD