“AYON sa informant ko, pupunta daw sa isang bar sa tomas morato si Malvar. But we have to be very careful, may mga kasamang bodyguards ‘to,” paliwanag ni Ric.
“Lakas ng loob na lumutang ah,” komento ni Musika.
“Palibhasa, malakas ang koneksiyon,” sagot naman ni Edward.
“Tingnan natin kung makapalag sa atin ang Ben Malvar na ‘yan,” sabi pa ni Ric.
“Are you sure with your information?”
Ric smirked. “Kilala mo ‘ko, brad!” Napangiti at iling na lang si Musika. Pagkatapos ay binasa ang report tungkol sa kaso ng suspect.
Si Ben Malvar ay wanted sa limang kaso ng rape at murder at ang mga biktima ay pawang mga nasa edad na labing-apat hanggang labing-anim na taong gulang, mga high school students mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Maynila. Bukod doon ay may kaso din itong illegal drug trafficking, matapos ma-raid ang gusaling pag-aari nito at natagpuan ng mga pulis ang malaking pagawaan ng mga iba’t ibang klaseng illegal na droga.
That was five years ago. Hanggang sa mga panahon na ito ay malaya pa rin ang suspect. Iyon ay dahil sa impluwensiya ng pamilya nito. Isang kilalang pulitiko ang ama nito habang ang ina ay isang malaking negosyante at nag-iisang anak si Ben Malvar. Sa unang tatlong kaso ng rape at murder, nagawa nitong malusutan ang mga imbestigador gamit ang impluwensiya ng pamilya. Dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay nakalaya ang suspect. Nang magkaroon ulit ng dalawa pang biktima ng rape at murder, ang pangalan ulit ni Malvar ang lumitaw sa naging imbestigasyon ng mga pulis. Ngunit sa pagkakataon na iyon, naging mas malakas na ang ebidensiya laban sa suspek. Kasunod ng paglitaw ng dalawa pang biktima ng rape & murder ay nagkataon na-raid ng PDEA ang nasabing gusali kung saan may illegal drug factory na ayon sa naging surveillance ng mga imbestigador ay pag-aari ni Malvar. Natagpuan sa pribadong opisina ng suspect, sa loob ng gusali din iyon ang mga larawan ng limang menor de edad, ang mga biktima ng rape & murder case kung saan si Malvar din ang tinuturong suspect.
Dahil sa mas matibay na ebidensiyang natagpuan, agad sinampahan ng kaso si Ben Malvar. Pero sa kasamaan palad, nagawa nitong makapagtago. Ang mga magulang naman ng suspect ay hindi nagsasalita o nakikipagtulungan sa mga pulis tungkol sa kaso ng anak. Hanggang sa lumipas ang limang taon.
Dahil magaling magtago ang suspect. Pinasa sa kanila ng PNP ang kaso ni Malvar. Kaya lahat ng koneksiyon nila sa buong Maynila ay agad nilang pinakilos. Hanggang sa makatanggap na nga sila ng eksaktong kinaroroonan ng suspect.
“We need undercover. Gagamit tayo ng asset na babae para lumapit sa kanya.”
Biglang tinaas ni Musika ang kamay.
“I’ll do it,” walang gatol na prisinta niya sa sarili.
Sabay-sabay lumingon sa kanya ang mga kasama.
“Bakit ikaw? May iba naman tayong kasama na puwedeng gumawa no’n ah?” protesta agad ni Edward.
Pinukol ni Musika ng masamang tingin ang binata na nakaupo sa tapat lang niya.
“Alam ko ang ginagawa ko, ‘wag ka nga kumontra!” pagsusungit niya.
“Delikadong tao ang suspect! Gusto mo bang mapahamak?!”
“Kaya ko ang sarili ko!”
Ngingiti-ngiti na umiling ito.
“Masabi mo pa kaya iyan kapag may nangyari na sa’yo?!”
“Puwede ba?! Huwag ka nga makia—”
“Aherm!”
Bigla silang natigilan, nang lumingon ay nakatingin na sa kanila ang mga kasama.
“Okay, calm down you two,” awat nito sa kanila, sabay tingin ulit kay Edward.
“Naiintindihan ko na nag-aalala ka sa partner mo. But I want you to trust her, on this field, Musika is the best.”
“Yes Sir.”
Binigyan niya ng “I told you so” na tingin si Edward bago inirapan ito.
“Anyway, nakausap na rin namin ang may-ari ng bar para ipaalam ang gagawin natin. Iyong mga mag-undercover sa loob, siguraduhin n’yo na ipapakita n’yo ang ID sa bouncer. Para hindi kunin ang baril n’yo.”
“Yes Sir!”
“Santillan, Pangilinan, kayo ang magiging asset sa loob ng bar. May iba pa kayong makakasama sa loob. Ang iba, standby kayo sa labas.”
“Yes Sir!” sabay-sabay nilang sagot.
“Our operation will start at twenty hundred hours.”
Nang matapos ang meeting nila. Bago lumabas si Edward ng conference room
ay tinawag ito ng dalaga.
“Pangilinan, puwede ba tayong mag-usap?” pormal ang mukha na tanong niya.
“Sure,” kibit-balikat nitong sagot.
Nang maiwan silang dalawa doon ay saka niya ito kinompronta.
“What was that?” salubong ang kilay na tanong ni Musika.
“Ang alin?” maang na tanong din nito.
“Iyon! ‘Yong kaninang pag-kontra mo sa akin! Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?!” angil niya dito.
“Ah iyon ba?!” sagot nito saka natawa.
“Stop laughing! Walang nakakatawa!”
“Ikaw na nga pino-protektahan, ikaw pa galit?”
“I don’t need your protection! Uulitin ko ang sinabi ko kanina, hindi ko kailangan ng poprotekta sa akin!”
Pumalatak ito saka umiling.
“Ano ka si Supergirl? Girl of Steel? Hindi tinatablan ng bala? May super powers at nakakalipad? Tinanong mo kung anong ginawa ko at bakit ako komontra? That’s what you called being taken care of! Hindi lang ikaw ang nawalan ng partner sa trabahong ito, Ma’am! Ako rin! At pinagsisihan ko na hindi ko inalagaan at prinotektahan ang kaibigan ko! And I promised myself from the very day my friend died, it won’t happen again.”
Natigilan si Musika. Again, Edward made her speechless. Hindi siya nito lubos na kilala. Sa katunayan ay hindi pa lumilipas ang ikalawang araw simula ng magkakilala sila. Pero heto ang isang ito at malakas ang loob na kontrahin siya para protektahan. Who on this world protects the fierce and fearless Maria Musika Santillan? Nobody. Dahil kadalasan ay siya ang nagpo-protekta sa mga tao. Nang walang maisagot ay umiwas ng tingin ang dalaga.
“Bahala ka!” sabi na lang niya saka mabilis na nag-walk out.
“SUBJECT spotted. Papasok na si Ben Malvar sa loob ng bar,” narinig nilang sabi ni Ric, ang team leader nila, mula sa suot na wireless earpiece.
Lumingon si Musika sa gawi ng entrance door at inabangan ang pagdating ng suspect. Ilang sandali pa ay naroon na nga ito.
“Lady eagle, time to move,” sabi ulit ni Ric. Siya ang tinutukoy nitong Lady Eagle, iyon ang code name niya kapag may operation sila.
Mula sa kinauupan na bar chair, tumayo si Musika at naglakad papunta sa dance floor. Halos lahat ng kalalakihan na kanyang nadaraanan ay nililingon siya. She’s wearing a pair of black-tight jeans, a black off-shoulder midriff blouse and a pair of black boots. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok na may malalaking kulot sa dulo. Sinadya ni Musika na mas landian ang pagsasayaw niya para mas makuha ang atensiyon ni Ben. Ngunit ilang sandali pa ay bigla siyang pinaikutan ng tatlong lalaki.
“Come on baby, dance with us!” sabi ng isa.
Lihim siyang nataranta. Wala iyon sa plano.
“Excuse me! But I don’t want to dance with you!” tanggi niya.
Akma siyang aalis pero hinarang ng dalawa ang dadaanan niya.
“Where are you going, baby? Stay here! Let’s dance!”
“I said—”
Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang siyang yapusin ng isa sa tatlong lalaki sa beywang at dinikit ang katawan niya dito. The man looks high in drugs. May hawak itong m*******a na hinihithit nito at namumula ang mga mata nito, gayundin ang dalawa pa. Nang sinubukan ni Musika na pumiglas ay hindi hinayaan ng lalaki na makalayo siya habang ang mga kasama naman nito ay pinalibutan din siya.
Kung si Musika ang masusunod. Kanina pa niya pinatumba ang tatlong ito. Pero hindi siya maaaring kumilos sa mga sandaling iyon dahil baka masira ang undercover nila. Tiyak na makakahalata ang suspect at baka takasan sila. Iniingatan din nila na may masaktan na civilian.
“Get off me!” sigaw niya.
“You look so hot, baby!”
Habang pigil na pumipiglas si Musika. Nagulat na lang siya nang biglang umaray ang dalawang lalaki sa likod niya. Doon siya binitiwan ng lalaki. Paglingon ng dalaga, nakita niya si Edward, hawak at pinilipit ang braso ng dalawang lalaki. Binitiwan nito ang dalawa, sabay hawak sa kanyang kamay at hinila siya palapit saka tinago sa likod nito.
“Stay there,” bulong pa nito.
Parang de remote control na tumango na lang at hinayaan si Edward na ipagtanggol siya. Natulala si Musika nang tingnan ang ekspresiyon ni Edward, bakas sa mukha nito ang galit. Alam niyang hindi ito umaarte ng mga sandaling iyon. He really is pissed off.
“Pare! Mukhang nagkamali ka ng babaeng binastos ah? Sino may sabi na puwede mong hawakan ang girlfriend ko?”
Napaatras ang lalaki ng humakbang palapit ang binata sabay suntok sa mukha nito. Hinablot ni Edward ang kuwelyo ng lalaking sinuntok.
“I-I’m sorry!”
Agad lumapit si Musika sa binata at hinawakan ito sa braso para pigilan.
“Tama na ‘yan!” awat niya saka nilapit ang labi sa tenga nito.
“Baka makahalata si Malvar,” dugtong niya.
Huminga ng malalim si Edward saka tumango. Nang humarap ito sa kanya ay
napaatras pa siya. Bakas sa mukha nito ang pag-alala, may emosyon nakabalot doon. It was kind of a unique tender care, a gaze with fear and a little anxious.
“Are you okay?” sa halip ay tanong nito sabay hawak sa isang pisngi niya.
“Y-Yeah,” nauutal na sagot ni Musika.
“Maupo muna tayo,” yaya nito sa kanya.
Nang mapatingin siya kay Malvar, nahuli niya itong tinitingnan siya simula ulo hanggang paa. Sinamantala ni Musika ang pagkakataon na iyon na nakuha nila ang atensiyon ng lalaki. Kaya nakipagtitigan siya dito. Mga tingin na nang-aakit. Kahit nang hinila na siya ni Edward pabalik sa bar counter ay hindi pa rin inaalis ng dalaga ang tingin sa suspect. Imbes na umupo sa bar chair ay sumandal siya sa counter.
“Kiss me,” bulong niya sabay hila sa kuwelyo ng polo ni Edward.
“What?!” gulat na tanong nito.
“Nakuha ko na ang atensiyon ni Malvar. Kailangan makita niyang wild ako, that I’m up for adventure, para mas magkaroon siya ng interes sa akin,” paliwanag niya, sabay sulyap ulit sa suspect na nakatingin pa rin sa kanya.
“Ginagawa mo ba palagi ito?” kunot-noong tanong ni Edward sa kanya.
“Ang dami mo naman tanong eh! Sagutin mo nga ako, gusto mo bang—”
Hindi na naituloy ni Musika ang sinasabi nang biglang sakupin ng binata ang labi niya. It was her idea, pero nagulat pa rin siya sa ginawa ni Edward. Nang gumalaw ang labi nito at tumugon siya, nagtayuan ang balahibo sa kanyang batok.
She only expects a simple French kiss. But damn Edward Pangilinan is giving her a mind blowing, erratic and intense kiss. Napakapit siya sa batok ng binata at tuluyan napapikit nang patuluyin ang sariling dila nito sa loob ng kanyang bibig. Habang ang dalawang kamay nito ay nasa beywang niya. They are not just simply making out; their tongues are mating inside their mouths.
Ang mainit na sensasyon ay unti-unting gumapang sa bawat himaymay ng katawan niya. Sa bawat galaw ng labi nito ay para siyang nalulunod sa sarap. Ang mainit na mga palad nito ay humahaplos sa kanyang beywang, pumipisil doon bago siya nito hinapit ng husto palapit sa katawan nito. She heard herself moan when he sucked her tongue. She started to feel really arouse. The fire inside her body started to blaze. Pakiramdam ni Musika ay may ginising si Edward sa kanyang p********e na matagal nang natutulog. She felt the ache right at her center. She started feeling greedy, wanting more than just a kiss.
“Ikah…” paanas na wika ng binata nang iwan nito ang labi niya at bumaba sa kanyang leeg.
Iyon ang nagpaalala sa kanya na nasa operation sila. Lihim siyang huminga ng malalim at hinanap ng mata niya ang suspect. Nakatingin ito sa kanya. Napapikit si Musika nang maramdaman niya ang dila at labi ni Edward sa leeg niya.
“He’s looking at me,” wika niya.
“Should we stop?” tanong ni Edward.
Eksakto naman na naglakad papunta sa puwesto nila ang suspect.
“Oo, palapit na siya.”
Doon ito huminto. When he looked at her, there’s something different on his eyes. It has more emotion. His gazes at her are more intense. Parang maraming sinasabi iyon sa kanya. Mayamaya ay nilapit nito ang bibig sa kabilang tenga niya na walang suot na earpiece.
“That was hot,” bulong nito.
Napalunok si Musika. Pinigilan niya ang sarili na pumikit nang dumampi sa tenga niya ang mainit nitong hininga.
“Lady Eagle, come in.”
Doon siya natauhan. Halos napapitlag siya sa gulat sa kabila ng malakas na musika sa paligid. Kasunod niyon ay iniwan na siya ng binata.
“This is Eagle two,” narinig niyang sagot ni Edward. “We got his attention.”
“The subject is approaching your location,” narinig nilang sabi ni Ric.
“Copy,” sagot nila.
Habang pinapakalma ni Musika ang sarili ay uminom muna siya ng ice tea. Pakiramdam ng dalaga ay kailangan niya niyon para humupa ang init na hanggang ngayon ay nararamdaman. Mula sa gilid ng mata at nakita niyang umupo sa tabi niya si Ben Malvar na agad siyang tinitigan.
“Hi,”
Sinadya niyang landian ang ngiti nang lumingon sa suspect.
“Hi,” sagot niya.
“Are you okay? Nakita ko ang nangyari kanina.”
“Ah yeah, I’m okay. Someone saved me,” sagot niya sabay ngiti.
“Ang suwerte naman ng boyfriend mo. Sobrang ganda mo.”
“Thank you. But he is not my boyfriend.”
Kitang-kita ni Musika nang tila may kumislap sa mata nito.
“Hindi mo siya boyfriend? But I saw you making out with him.”
Humarap siya sa lalaki, sabay kinagat ang ibabang labi. Kitang-kita niya na bumaba ang tingin nito sa labi niya.
“So… nakatingin pala… and why is that? Hindi mo ba alam na hindi magandang ugali ‘yon,” nanunudyo na sagot niya.
“I’m sorry, I can’t help it. You look so hot,” sagot nito.
Sinadyang basain ni Musika ang ibabang labi bago ngumiti ng nang-aakit.
“Naiinggit ka ba?”
“Paano kung sabihin ko na oo?”
Malandi siyang tumawa. “Ikaw talaga, mapagbiro ka!”
“By the way, I’m Ben,” pagpapakilala nito sabay abot ng kamay.
“I’m Ikah,” sagot saka tinanggap ang kamay nito.
Ramdam ng dalaga ang mahigpit at pagpisil nito sa palad niya. Ben Malvar is looking at her with lust. Pakiramdam ni Musika ay hinuhubaran siya sa imahinasyon nito ngayon.
“So, Ikah. Are you up for an adventure?” tanong ni Ben.
Nilandian ni Musika ang ngiti, saka kunwari ay nagpangalumbaba para marinig ng mga kasama ang usapan nila. Kabaligtaran niyon ang totoo niyang nararamdaman. Nabalot ng galit ang dibdib niya. Gustong-gusto nang sapakin ng dalaga ang kaharap.
“What kind of adventure?”
Lumapit ito sa kanya at bumulong.
“How about spending a night with me? Pangako, mag-eenjoy ka.”
“Sigurado ka ba na mag-eenjoy ako?”
Umangat ang kamay ni Ben at hinaplos siya sa pisngi. Literal na nandiri si Musika nang dumikit ang palad nito sa balat sa mukha niya.
“I promise.”
“Saan tayo pupunta?”
“May VIP room sa taas. Wanna go there?”
“Sure,” sagot niya.
“Let’s go,” yaya sa kanya ni Ben.
“Go ahead, susunod ako. Magsi-CR lang ako.”
Pag-akyat ni Ben ay siyang paglapit ni Edward. Biglang nakaramdam ng pagkailang si Musika nang salubungin niya ang tingin nito. Tumikhim siya at mabilis na umiwas ng tingin. Kinuha niya ang kulay itim na zip up black jacket saka sinuot iyon.
“My gun,” aniya.
Binalik ni Edward ang baril niya na kanina ay pinatago dito.
“Mag-iingat ka.”
“Thanks.”
Matapos iyon ay walang lingon-likod na umakyat si Musika sa second floor.
KINAKABAHAN. Iyon ang nararamdaman ni Musika. Hindi naman siya manhid at hindi gawa sa bato ang puso niya. Sa tuwing mag-a-undercover, nakakaramdam pa rin siya ng kaba. Kaya lang ay talagang may angkin talent siya na itago sa malamig na ekspresiyon ng mukha ang totoong nararamdaman.
Ayon sa imbestigasyon nila kay Ben Malvar. This man is a complete maniac. Napag-alaman din nila na ang naging sanhi ng pag-aaway nito at ng dalawang biktima na nauwi nga sa pagpatay ay dahil sa babae. Nalaman daw ng dalawang biktima na dinidiskartehan ni Malvar ang girlfriends ng mga ito noon. Dinaan sa biro ng dalawa hanggang sa tuluyan nauwi sa pagkapikon ng dalawang kampo. Hindi na nagtaka pa si Musika na sa kanya ito lumapit dahil ang tipo daw nito ay mga mestiza gaya niya.
Huminga ng malalim si Musika at pinuno ng tapang at lakas ng loob ang dibdib. Bago buksan ang pinto ay lumingon muna siya kay Ric na naka-standby kasama ni Edward di kalayuan mula doon sa VIP Room kung saan pumasok si Ben.
“Standby everyone, I will do this quickly.”
Agad nagpaskil ng pekeng ngiti nang magtama ang tingin nila ng suspect pagbukas niya ng pinto.
“Oh? Bakit ka nag-jacket?” gulat na tanong nito.
“Medyo nilamig na ako eh,” sagot niya saka sinarado ang pinto.
“Come here, maupo ka dito sa tabi ko.”
Sumunod siya sa sinabi nito at naupo malapit dito.
“Come closer,” sabi pa nito.
Kabadong ngumiti siya at saka umurong palapit. Nang umakbay ito sa kanya ay awtomatikong naging alerto ang katawan niya. Ben looked at her with complete lust. Umangat ang kamay nito ay humawak sa kuwelyo ng suot niyang jacket.
“You look better without this. And I actually think, you look better without wearing anything.”
Ngumiti siya.
“Really?”
“Yes.”
Nang akma siyang hahalikan nito. Mabilis kumilos ang kamay ni Musika at binunot ang baril na nakasuksok sa likod ng pantalon niya. Sa isang kisapmata ay naikasa niya ang forty-five calibre at tinutok sa suspect.
“NBI, ‘wag kang kikilos ng masama,” deklara niya.
Nanlaki ang mga mata ni Ben at tinaas ang mga kamay. Agad siyang tumayo nang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril dito.
“Tayo!” utos niya.
Kasunod niyon ay pumasok si Edward at Ric doon sa loob ng VIP Room at nakatutok ang mga baril. Kinapkapan ito ni Musika para tingnan kung mayroon itong dalang armas. Natigilan siya saglit nang makapa ang baril sa beywang nito. Kinuha niya ang armas mula dito.
“Santillan, ayos ka lang ba?” tanong ni Edward.
Marahan siyang tumango. Ibibigay na lang niya ang baril kay Edward. Nagulat si Musika ng bigla siyang itulak ni Ben kaya napahiga siya sa sahig sabay agaw ng baril at pinaputukan ang dalawa. Mabuti na lang at mabilis ang naging kilos ng dalawa at nakadapa sa sahig, pero nahagip pa rin ng bala sa braso si Edward.
Bago ito tuluyan makalabas ay agad nakabangon si Musika at sinipa ito sa tiyan. Mabilis na nilapitan niya ito saka sinuntok sa mukha. Pero nasipa siya nito sa tiyan dahilan para mapahiga siya. Sinamantala ni Ben na nakatumba sila at tumakbo
palabas.
“Nakawala ang suspect! May tama si Pangilinan!” sigaw niya sa wrist microphone.
Kahit masakit ang tiyan ay pilit pa rin tumayo ni Musika at nilapitan ang binata. May tama ito sa balikat.
“Edward, are you okay?”
Umungol ito sa sakit habang hawak ang balikat. “Daplis lang ‘to! A-ayos lang ako.”
“Huwag ka munang kikilos, babalikan kita!” baling niya sa kaibigan.
Mula doon sa VIP Room ay naririnig niya ang magkahalong putukan at sigawan ng mga tao. Dali niyang kinuha ang baril saka lumabas. Naabutan niyang nakatago sa mga safe areas ang mga kasama niyang agents. Habang ang suspect ay nakatago sa isang mesa na malapit sa exit door. Nakailang beses pa nitong pinaputakan ang mga kasamahan bago tuluyan nakalabas ng bar.
“Nakalabas na ang suspect ng bar! Close all possible exit!” sigaw niya.
Mula doon sa second floor ay tumalon siya pababa at sinalo siya ng isang leather sofa. Naroon pa siya sa loob ay narinig na niya ang putok ng mga baril mula sa labas, mayamaya ay sunod na narinig ay ang pagharurot ng isang sasakyan. Mabilis siyang tumakbo palabas.
“Nakawala si Malvar! Call the back-up units! Close all possible exit!” malakas ang boses na utos ni Ric.
Nasabihan na sila na madulas ang suspect na ito, pero hindi niya akalain na mas mabilis pa ito sa inaasahan. Sumakay ito ng isang itim na kotse at mabilis na pinasibad palayo. Pero nagulat siya dahil sumunod pala si Edward sa kanya.
“Sakay! Bilis!” nagmamadaling sigaw nito.
Mabilis silang sumakay ng kotse at hinabol ito. Nilagay nila sa bubong ng kotse ang police light siren para tumabi ang mga sasakyan.
“Dikitan mo!” utos niya.
“Anong gagawin mo?”
“Basta dikitan mo!”
Sinunod ni Edward ang sinabi niya. Naririnig ni Musika ang ungol nito dahil sa daplis ng bala sa balikat.
“Are you okay?” hindi nakatiis na tanong niya.
“Oo! Daplis lang ito saka sanay ako dito!”
Nang madikitan na nila ang kotse na minamaneho ni Ben. Binuksan ni Musika ang bintana. Mula sa kinauupuan ay nilabas niya sa bintana ang kalahati ng katawan at tinututok ang baril sa gulong ng kotse nito. Sa pagkalabit niya sa gatilyo ng baril ay tumama ang bala niyon sa target. Nagpagewang-gewang ang kotse ni Ben hanggang sa tumama ito sa isang poste.
Buong akala nila ay susuko na ito. Sa halip ay agad itong bumaba ng kotse. Nakita nilang nagdudugo ang noo nito, marahil ay dahil sa pagkakabangga ng sasakyan pero tila hindi nito alintana iyon at pilit pa rin tumakbo.
“Iikutan ko siya doon sa kabila para ma-corner natin,” sabi pa nito.
Tumango siya saka hinabol si Ben. Biglang nagtago sa likod ng trycicle si Musika nang paputukan ulit sila nito.
“Nauubos na pasensiya ko! Pinapagod ako nito!” naiinis nang sabi niya at tinutok ang baril sa suspect na pilit pa rin tumatakbo. Halos kasabay niyon ay ang biglang pagsulpot ng kotse na minamaneho ni Edward sa kabilang kanto at tuluyan na nga na-corner ang suspect.
“NBI! Tigil!” sigaw ni Musika, saka tinaas sa ere ang baril at nag-warning shot.
Natigilan ito at lumingon sa magkabilang gilid nito. Wala nang tatakbuhan ang suspect, sa kabila, kasama ni Edward ay ang ilan pang agents kung saan nakatutok din ang baril sa suspect.
“Sumuko ka na, wala ka ng tatakbuhan!” sabi pa ni Edward.
Tinaas nito ang dalawang kamay sa ere.
“Ibaba mo ang baril mo, pagkatapos dumapa ka sa lupa!” utos niya.
Dahan-dahan nitong sinunod ang sinabi niya. Sumenyas si Ric sa kanila na ibaba ang baril. Ngunit bago tuluyan mailapag ni Malvar ang baril, nagulat na lang siya ng mabilis itong bumwelo ay pinagbabaril sila. Kaya mabilis silang nagtago lahat.
“Lintik! Ayaw talagang pahuli ng buhay!” inis na bulalas ni Ric sabay lingon sa kanya.
“Tumba mo na, pero huwag mong puruhan ah? Ang order sa atin kailangan natin buhay ‘yan!”
“Aye aye! Sir,” sagot niya.
Inasinta niya ang braso nito. Pagkalabit niya ng gatilyo, tumama ang bala ng baril niya doon. Halos kasabay ng pagputok ng baril niya ay isa pang putok ng baril ang narinig nila at tumama ang bala sa binti naman nito kaya mabilis na bumagsak ang suspect.
“Sino ‘yong isa pang nagpaputok?” tanong pa niya.
Ngumuso si Ric sa bandang unahan. Nakita ni Musika na nakataas ang kamay ni Edward.
“Great job! Bagay pala kayong magka-partner eh! Looks like we have our own Avengers in our team. Right, Ikah?” tila nang-aasar pang sabi sa kanya ni Ric.
Natawa na lang siya at napailing.
“Avengers ka diyan!”
“Dalhin na sa ospital ‘yan!” utos ni Ric sa mga kasama nila.
Napatingin si Musika kay Edward, naglalakad na ito palapit sa kanila. Sinalubong niya ito. Sa unang pagkakataon, hindi niya pinagdamot ang ngiti sa binata.
“Nice job, Pangilinan. Magaling ka,” puri niya dito.
“Thanks,” titig na titig na sagot nito.
“Ayos ka lang?” tanong niya.
Marahan itong natawa. “Sabi ko naman sa’yo eh, sanay ako dito.”
“Salamat,” sabi pa niya.
“Saan?”
“Sa pagtatanggol sa akin kanina doon sa loob ng bar.”
Ngumiti sa kanya si Edward. “Walang anuman.”
“Tara sa ospital, kailangan magamot ‘yan sugat mo.”