“DITO ka nakatira?” tila gulat pang tanong ni Musika matapos nitong iparada ang kotse sa tapat ng inuupahan condominium unit na malapit sa NBI Headquarters.
Pagkatapos ng operation nila, sinamahan siya ni Musika sa ospital at nagprisinta na ito na ang magmamaneho at maghahatid sa kanya.
“Oo, bakit parang gulat na gulat ka?” nagtatakang tanong din ni Edward.
“May unit din ako dito. Sa tenth floor.”
“Ah talaga? Tingnan mo nga naman ang destiny.”
Natawa siya nang pukulin ni Musika ng masamang tingin.
“Joke lang!” bawi niya ng mabilis.
“Bumaba ka na nga diyan,” angil pa nito.
Muli siyang natawa.
“Sungit!”
Pagpasok sa elevator. “Anong floor?”
“Sixth.”
Hanggang sa makarating sila sa sixth floor ay tahimik lang silang dalawa. Pagdating nila sa loob ng unit niya ay sinalubong sila ng medyo makalat pang bahay.
“Pasensiya ka na, makalat pa. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos.”
“Okay lang,” kaswal na sagot ng dalaga.
“Ano? Nagugutom ka ba? Ipagluluto muna kita bago ako umalis,” sabi pa nito habang panay palakad-lakad at nililibot ang tingin sa buong kabahayan.
Napangiti si Edward.
“Ganyan ka ba sa boyfriend mo? Maalaga? Ang sweet mo naman,” biro ulit niya.
“Tse! Anong gusto mong palabasin? Ginagawa ko ‘to kasi di ba sabi mo partner
kita? Tulong ‘to! ‘Wag mo bigyan ng malisya!” pagsusungit ulit nito.
Sinimangutan siya ni Musika nang tawanan niya ito.
“Kaya ang sarap mong asarin eh, ang sungit mo.”
“Pasalamat ka may sugat ka, kung hindi kanina pa kita nabigwasan.”
Napailing ang binata. Ilang araw pa lang silang nagkakasama nito, and yet, he already finds her really amusing. She’s acting all tough and brave but she showed her care on a simple way. Kahit na puwede naman iba ang magdala sa kanya sa ospital ay ito pa ang personal na gumawa niyon. Bukod doon, isa pang nalaman niya bago tungkol dito. He saw her wild and sexy side. Ang halik na pinagsaluhan nila. Hindi magawang kalimutan ni Edward. It drives him so crazy. Gusto niyang matikman ulit ang halik nito. He wants to hold her again and lock her in his arms, melt her with his kisses.
Unang araw pa lang ni Edward. Pinahanga na siya ni Musika dahil sa walang takot at pag-aalinlangan na sabihin kung ano ang nasa isip nito. Mas lalo siyang humanga nang makita itong walang takot na nakipagbarilan at humabol sa suspect. Ang nasabi na nga lang niya…
“Pambihirang babae!”
“Bakit parang hindi kita nakakasabay kapag umuuwi?” pang-uusisa pa niya.
“Umuwi lang kasi ako dito sa unit ko kapag sobrang pagod na ako para mag-drive ng malayo. I usually stayed with my Dad’s house. Ayaw ni Daddy na umalis kami sa poder niya hangga’t hindi pa kami nakakapag-asawa.”
“Ilan kayong magkakapatid?” tanong ulit niya.
“Pito.”
“Wow dami!”
“Isang kambal na lalaki at quadruplets na babae. Pangatlo ako sa quadruplets.”
“Wow ulit!”
Nang makahalata ay lumingon ito sa kanya. “Teka nga, bakit ba inuusisa mo
autobiography ko?”
“Masama bang gustuhin ko na makilala ang partner ko?”
“Kung wala ka nang kailangan, aalis na ako,” pag-iiba nito sa usapan saka naglakad papunta sa pinto.
“Sandali lang! Ma’am saglit!” awat niya.
Huminto ito. “Ano na naman?!”
Ngumisi siya. “Eh patulong magtanggal ng t-shirt. Ang hirap eh, masakit ‘yong sugat ko.”
Bumuntong-hininga ito saka umiling at lumapit sa kanya. Nang tumayo sa harapan niya si Musika. Hindi napigilan ni Edward ang sarili na titigan ang magandang mukha ng dalaga.
She has hazel light brown pair of eyes, that are very pretty. The way her eyebrow arched gives a sexy vibe on the way she took glanced at him. Matangos ang ilong nito na parang nililok ng beteranong iskulptor. Maputi ang balat nito at natural ang pamumula ng mga pisngi nito. Her lips are red and luscious. Her Filipina-Dutch beauty makes her stood out anywhere she goes. And the way her long and wavy brunette hair dance along with her body as she walks and sway her hips. Hindi masisisi ni Edward ang ibang kalalakihan na mahumaling sa ganda ni Musika. And behind that beautiful face is a fearless woman. Astig. Palaban. Asintado. Mabilis sa barilan. And yes, she’s one heck of an amazing woman.
Tuloy, hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ang magandang mukha nito. Hindi napigilan ni Edward ang mapangiti nang makita ang pamumula ng mga pisngi nito.
“Ano? Huhubarin ba natin itong t-shirt mo o titigan mo na lang ako magdamag?” angil nito sa kanya.
Napangiti na lang siya sa pagsusungit ulit nito.
“S-Sorry. Kasalanan mo eh,” sagot niya.
“Ba’t ko naging kasalanan?!” angil na naman nito sa kanya.
“Ang ganda mo kasi eh. Ang hirap balewalain.”
Biglang umatras si Edward ng ambaan siya ng suntok nito.
“Oh? Oh? May sugat ako!”
Pinalo na lang nito ang kabilang braso niya. “Umayos ka nga!”
Nang dahan-dahan nitong iangat ang t-shirt niya. Bahagya siyang napa-igik sa sakit ng kumirot ang kanyang sugat. Napangiti ng lihim si Edward nang mapansin na nag-blush ang mukha ni Musika habang nakatingin sa malapad na dibdib niya. Hindi na lang siya kumibo dahil baka barilin na siya nito kapag inasar na naman niya.
“O-Okay na ba?” nauutal na tanong nito.
“Oo, Salamat.”
“Sige, una na ako,” hindi tumitingin na paalam nito.
“Okay, salamat ulit.”
Tumango lang ito saka agad naglakad papunta sa pinto.
“Ikah!” habol niya.
Huminto ang dalaga at lumingon sa kanya.
“Sana magkasundo tayo. I mean it. I really want to work with you. Nasa Baguio pa lang ako, nababalitaan ko na kung gaano ka kagaling na agent. Marami akong gustong matutunan sa propesyon na ito. And I want to learn them from you. You are an amazing agent. Really.”
“Okay,” she answered with a smirk.
Mayamaya, natigilan ito matapos mapatingin sa picture frame na nakapatong sa ibabaw ng display cabinet. Lumapit ito doon at kinuha iyon saka tinitigan ang baby sa larawan.
“Sino itong bata na ‘to?” tanong ni Musika.
“My son,” sagot niya.
Napansin ni Edward na natigilan ito. Tila nagulat sa naging sagot niya.
“Yo-You’re married?”
He smiled bitterly.
“No,” sagot niya sabay iling.
“I got my ex-girlfriend pregnant when we’re still together.”
“Nasaan na ‘yong anak mo ngayon?”
Bumigat ang damdamin ni Edward nang maalala ang nakaraan.
“Ang balita ko nasa London,” malungkot na sagot niya, sabay kibit-balikat.
“Anong ibig mong sabihin?”
Bumuntong-hininga ang binata saka kinuwento ang nangyari.
“Nagbabalak na akong pakasalan siya, hinihintay ko lang na manganak siya at lumaki ng konti si JC. Pero one-year matapos niya manganak, she cheated on me. Nahuli ko sila sa akto, naghahalikan, doon pa mismo sa tapat ng bahay namin. I almost kill that man. Dahil sa nangyari, inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Ang buong akala ko ay huminto na siya sa panlalaki. Iyon pala, nagpatuloy pa rin ang lihim nilang relasyon. Magtu-two years old si JC nang tumakas siya kasama ‘yong lalaki. Nagpunta sila sa London, tinangay niya kasama ang anak ko. I looked for them. Sinundan ko sila sa London, pero hindi ko sila nakita.”
Binalik ni Musika ang picture frame at naupo sa sofa di kalayuan mula sa kanya.
“Huminto ka na ba ng paghahanap?”
“Mahirap hanapin ang ayaw magpahanap, Ma’am. Umaasa na lang ako na balang araw magkikita kami ulit ng anak ko.”
Napalingon siya sa dalaga ng tapikin siya nito sa likod.
“Huwag kang mag-aalala, sigurado akong magkikita din kayo ng anak mo. Magtiwala ka lang. And if you need help, just tell me, I can use some connections.”
Pakiramdam ni Edward ay may bahagi ng pader na nakapalibot kay Musika ang unti-unting nagiba. Gumaan ang kanina’y mabigat na damdamin niya. Na-appreciate ng binata ang kusang pagtatanong at pagpapakita ng nito interes sa personal na buhay niya. Nang mga sandaling iyon, kanyang napatunayan na kahit paano ay may pakialam ito sa mga tao sa paligid. Naniniwala siya na isang araw, magiging maayos din ang relasyon nila bilang mag-partner. And hopefully, they will become friends.
“Thank you. You have no idea how comforting your words are, knowing it came from the merciless Senior Agent Musika Santillan.”
Lumukso ang puso niya nang sumilay ang magandang ngiti sa labi nito.
“Hey, I may have this cold aura but I’m not that bad. May puso pa rin ako na marunong maawa. Sa mga kriminal na halang ang bituka lang ako hindi naaawa,” pagtatanggol nito sa sarili.
“Alam ko naman ‘yon eh.”
Bumuntong-hininga ito pagkatapos ay tumayo.
“Una na ako. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka.”
Nakangiting tumango siya. “Salamat ulit.”
Napangiti pa rin si Edward kahit na tuluyan nang nakaalis si Musika. Hindi niya maintindihan ang sarili. May katangian ang dalaga na kahit na palagi itong masungit sa kanya, pero nagagawa nitong pagaanin ang damdamin niya.
“PUWEDE ba tayong dumaan sa sementeryo malapit dito?” tanong ni Musika.
Kagagaling lang niya mula sa pag-iimbestiga sa isang barangay sa Bulacan kasama si Edward, na ayon sa tip ng informer nila ay mistula one stop shop at lantaran ang pagbebenta ng illegal drugs. Matapos ang pag surveillance nila sa lugar ay agad silang umalis bago pa may makahalata sa kanila.
“Saan?” tanong nito.
“Kumaliwa ka dyan sa susunod na kanto,” sagot niya.
Mayamaya ay nakarating na sila sa sementeryong tinutukoy ni Musika. Pagbaba ng kotse, bumili siya ng isang bungkos ng bulaklak at isang piraso ng kandila na nasa loob ng baso. Sinamahan pa siya ni Edward sa pagpasok sa loob. Ilang sandali pa, huminto sila sa tapat ng isang museleo.
Bumalik ang pamilyar na kirot sa kanyang dibdib matapos mabasa ang pangalan na nakasulat sa lapida. Thomas Abelardo. Nilapag niya sa tapat ng nitso ang bulaklak pagkatapos ay sinindihan ang kandila.
“Pasensiya na, ngayon lang ulit ako nakadaan,” pagkausap pa niya dito.
“Sino siya?” tanong ni Edward.
Humugot ng malalim na hininga si Musika.
“Dating partner ko. Iyong huli bago ka dumating. Also, my fiancé.”
Katahimikan ang sunod na sinagot ni Edward.
“I heard about him. I’m sorry for your loss.”
“It’s okay. Matagal na naman na siyang nawala.”
“If you don’t mind, can I ask how did he died?”
She chuckled with bitterness as her mind traveled back from the past.
“He became a victim of serial killings. Apat ang mga naging biktima, isa sa Tommy sa apat na iyon at nag-iisang lalaki.”
“Paano?”
“His body found on a private villa. Sabi sa imbestigasyon, ni-rentahan daw iyon ni Tommy. Doon sa bedroom ng villa na iyon. Natagpuan ang katawan niya, naked and dead, naliligo sa sariling dugo, tadtad ng saksak sa dibdib. Katabi ang isang babaeng hubad at patay din.”
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. That painful day sent ached to her
heart once more. Pero kinurap-kurap niya ang mga mata para hindi tuluyan umagos ang luhang iyon.
“Ibig sabihin, niloko ka niya noon?”
“No,” mabilis na sagot niya. “Sabi sa resulta ng autopsy, hindi sa kanya galing ang semen na nakuha sa ari ng biktimang babae. The woman died in three deep stabbed wounds her and strangulation. Ang hinala namin, sinubukan i-mislead ng suspect ang imbestigasyon kaya hinubaran niya si Tommy. Ang finger prints ng suspect na nakuha mula sa bakat ng kamay na natuyong dugo sa leeg ng biktima ay hindi nag-match sa finger prints ni Tommy.”
“Nahuli n’yo ba ang suspect?”
Marahan siyang umiling. “Walang nakakilala sa suspect.”
“How about CCTV?”
“That’s the most frustrating part. Bumabagyo nang mangyari ang krimen at nawalan ng kuryente, kaya walang CCTV footage na nakuha.”
Huminga ng malalim si Musika para mabawasan ang bigat na nararamdaman.
“Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagpa-reserve siya ng villa?”
“Hanggang ngayon ayokong isipin. Natatakot kasi ko na malaman ang totoo. Noong nabubuhay pa si Tommy, wala akong nakita sa kanya na puwede kong paghinalaan na niloloko niya ako. Kaya hindi ako naniwala na may ibang babae siya, pero, nagbago iyon pagkatapos ko makausap ang bestfriend ni Tommy, si Jim. Umamin siya, Tommy is cheating on me all those time na may relasyon kami,” kuwento niya.
“Pero sa tuwing naiisip ko ang mga ebidensiya na nakuha sa crime scene. Hindi ko rin maiwasan mapaisip? Salungat ang sinasabi ng mga ebidensiya. Kung totoong niloloko ako ni Tommy, bakit hindi nag-match ang semen niya sa nakuha sa babae? Hindi ko alam, hanggang ngayon, litong-lito pa rin ako, hindi ko pa rin alam kung ano ang totoo.”
Narinig niyang bumuntong-hininga si Edward. “Iyon ba ang dahilan kaya ayaw
mo nang magkaroon ng partner?”
Natahimik si Musika. Imbes na sumagot ay tumikhim siya. “Halika na, kailangan pa natin bumalik sa opisina,” paiwas na sagot niya sabay talikod.
Pero natigilan ang dalaga nang maramdaman na hinawakan ni Edward ang kamay niya.
“Pare, huwag kang mag-aalala kay Ikah. Ako nang bahala sa kanya…”
Napalingon siya kay Edward. Nakatingin ito sa lapida ni Tommy. Tuluyan nang hindi naawat ni Musika ang luha sa pag-agos. Some kind of unexplainable emotion hit straight through her heart when she heard those words. Then, he looked at her as she felt him squeezed her hand.
“… aalagaan ko siya.”
Agad bumawi ng tingin si Musika pagkatapos ay binawi ang kamay at walang salita na umalis ng museleo. That moment, her heart wouldn’t stop beating fast. Pakiramdam niya ay sinisikipan na siya ng paghinga, hindi nga lang niya sigurado kung dahil sa pag-iyak o dahil kay Edward. She wants to curse him. Gusto niya itong sigawan. Anong ginagawa nito sa kanya?! How dare him say those words?! Darating ito bigla sa buhay niya pagkatapos ay aasta na akala mo kung sino?!
“Ma’am, sandali!”
Marahas niyang pinahid ang luha at hindi pinansin ito.
“Sandali lang sabi!” anito sabay hawak sa braso niya.
“Ano ba?!” sigaw niya dito.
“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Edward.
Sa inis niya ay sinipa niya ito sa binti. Napanganga ito sa sakit at nagpatalon-talon.
“Masakit ‘yon ah! Para saan ba ‘yon?!”
“Masyado kang feelingero kasi!”
Pinadyak-padyak nito ang paa na sinipa niya.
“Puwede ka naman mag-thank you ng hindi nananakit ah?” natatawa pang sabi nito.
“At sino may sabing magte-thank you sa’yo?”
Imbes na mainis ay huminto ito at tumitig sa mukha niya.
“Masyado ka nang nasanay sa klase ng trabaho natin at mga barako sa paligid mo. Nakalimutan mo na yata ang pakiramdam na ingatan bilang isang babae.”
Hindi siya nakakibo at umiwas na lang ng tingin. Ni hindi magawang itanggi ni Musika ang sinabi ni Edward.
“Come here,” narinig na lang niyang sabi nito.
Bago pa malaman ang susunod na kilos nito. Natagpuan na lang ni Musika ang sarili na nakakulong sa mga bisig ni Edward. Squeezing her body with his warm and tight embrace. She wanted to push him away. Yell at him and hurt him again. Pero sa kabila ng lakas at kakayahan, hindi magawa ng dalaga na itulak ito. Doon niya naisip na kaytagal na rin pala simula nang may huling yumakap sa kanya ng ganoon. Isang klase ng yakap na may pag-iingat at malasakit. Isang yakap na may pagmamahal… sandali? Bakit may pagmamahal?
Itulak mo kasi! Sigaw ng isipan niya. Pero hindi magawang kumilos ng kanyang kamay at tuluyan hinayaan ang binata na yakapin siya. Just this once, she needed that, and Musika found herself closing her eyes.
“Parang noong kailan lang ako ang nag-kuwento sa’yo tungkol sa buhay ko ah. Ngayon, ikaw naman. Ibig sabihin, close na tayo!” sabi pa nito.
Doon siya natawa, kaya lumayo siya dito at pinunasan ang luha.
“Feeling ka na naman!”
Muli siyang niyakap nito. Sa ikalawang pagkakataon ay hindi siya tumanggi. Hinayaan lang niya ang sarili na muling maramdaman ang mainit na yakap nito.
“Ayos ka na?” sunod na narinig niya mula dito.
Doon siya biglang lumayo at mabilis na tumango.
“Tara na!” hindi tumitingin na yaya niya dito.
“SIR,” tawag ni Edward kay Ric, marahan niyang siniko ito sa braso nang lapitan ito doon sa canteen ng NBI Headquarters.
“Oh, kumusta ‘yong lakad n’yo kahapon?”
“Ayos naman. Pero may itatanong kasi ako eh.”
“Ano ‘yon?” tanong ulit nito habang nakatingin sa mga ulam na nasa loob ng glass food display rack countertop.
“Miss, dalawang kanin, isang order nitong lechon paksiw saka isang gulay,” sabi pa nito sa tindera.
“Alam mo ba kung anong paboritong pagkain ni Ma’am Ikah?”
Bigla itong napalingon sa kanya at bakas sa mukha ang pagtataka.
“Bakit mo naman naitanong?”
Nahihiyang napangiti na napakamot siya sa batok.
“Wala… gusto ko lang malaman kung paano siya pangingitiin para naman hindi ako laging sinusungitan.”
Natawa si Ric habang nilalagay sa tray ang mga pagkain na order.
“Ganoon ba? Naku medyo may konting class ang taste ni Ikah. Kung hindi mo pa nalalaman, anak si Ikah ni retired lieutenant colonel Armando Santillan. Lumaki siya ng medyo maalwan ang buhay kaya iba ang taste no’n.”
Bitbit ang tray na may pagkain. Sabay silang pumunta sa isang bakanteng mesa sa di kalayuan.
“Okay lang ‘yon! Walang problema sa pera!”
Saglit na nag-isip si Ric.
“Paborito ni Ikah… ah… ah! Gustong-gusto no’n ‘yong carbonara tapos all time favorite niya ang fried chicken. Mahilig din sa ice cream ‘yun. Pagkatapos gusto din niya ng—”
“Eh bulaklak?! Ano gusto niyang bulaklak?”
“Sa bulaklak naman gusto niya ng— sandali nga! Nakakahalata ako ah! Gusto mo lang ba mawala pagsusungit niya sa’yo? O baka naman may gusto ka na sa kanya?!”
Namilog ang mga mata ni Edward.
“Ha? Hindi ah!”
“Weh?”
Tumikhim si Edward saka umiwas ng tingin ay tatlong magkakasunod na sumunod ng pagkain. Mayamaya ay biglang natawa si Ric at tinapik siya sa likod.
“Okay lang ‘yan! Maganda si Ikah. Hindi lang ikaw ang may gusto sa kanya. Ang totoo karamihan sa mga kilala ko dito sa Headquarters may gusto sa kanya. Hindi lang sila makaporma dahil wala nga umubra kahit sinong lalaki diyan. Ikaw nga lang ang may lakas-loob na komontra sa mga sinasabi niya.”
Matapos ngumuya at lumunok ay muling tumingin si Edward sa kaibigan.
“Hindi ko naman sadya na kontrahin siya. Bilang partner niya, inaalagaan ko lang siya.”
“Aminin mo nga sa akin, may gusto ka rin kay Ikah no?”
“Ha?”
Natawa ulit si Ric.
“Obvious naman eh, kahit hindi mo sabihin.”
“T-Talaga? Nahalata kaya niya?”
Sa pagkakataon iyon ay humagalpak na ito ng tawa.
“Sabi na nga ba eh! Hindi ko alam kung nahahalata niya. Pero kung sakali alam ni Ikah. Hindi lang ‘yan kumikibo.”
Muli siyang tinapik nito sa likod ng tatlong beses.
“Kung ako sa’yo, huwag mo na hintayin na makahalata siya. Ligawan mo na!”
Napaisip siya.
“Kaso Sir baka bigla akong barilin eh!”
Tumawa ulit ito.
“Hindi ‘yan, mukha lang laging papatay ng tao ‘yon pero mabait ‘yon. Alam mo naman na siguro ‘yon. Mag-iisang buwan ka na dito.”
Nagkibit-balikat siya.
“Sabagay, tama ka.”
Bumuntong-hininga si Ric.
“Ang sabi sa akin ng Daddy niya noong isang beses na mapasyal kami sa bahay nila. Simula daw ng makauwi si Ikah mula sa pagkakakidnap dito, nagbago na siya. Laging seryoso, laging nag-iisip, parang laging galit sa mundo. Lalong lumala iyon ng mamatay si Tommy. Hindi na siya nagpaligaw simula noon.”
May lumukob na awa sa damdamin ni Edward para kay Musika. That explains why her eyes are so lonely no matter how beautiful they are. Kung bakit para ang bigat ng dating nito at laging masungit.
“Nagagawa mo siyang kontrahin, isang bagay na kahit sino sa amin ay hindi kayang gawin iyon. Kung talagang gusto mo siya. Panahon na siguro para maramdaman ni Ikah na kailangan niya ng may mag-aalaga at magmamahal sa kanya.”
Determination hit him. Ang totoo, hindi alam ni Edward kung anong mayroon kay Musika kung bakit nagkakaganito siya. Bukod sa ganda na pisikal, nasa dalaga na ang dahilan para ayawan niya ito o iwasan. Laging galit, suplada, masungit, mainitin ang ulo. Pero hindi naging sapat iyon para layuan ito. Instead, he wants to know more about her. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang ugali nito. Kung bakit sa tuwing may hinahabol silang criminal ay nakikita niya ang halos pag-apoy ng mata nito sa galit. Edward knew, there something about her past that turned her into a fearless and cold-hearted woman. At kung ano man ang nangyari sa nakaraan nito. Handa siya na pawiin lahat ng sakit na pinagdaanan nito.
Naputol ang pag-iisip ni Edward nang makatanggap ng tawag mula kay Musika.
“Nasaan ka?”
“Sa Canteen?”
“Kailangan natin umalis. May nakitang bangkay ng teenager sa isang gilid ng ilog sa Norzagaray, Bulacan. Base sa description ng suot ng damit ng biktima, nagma-match ito sa suot ng kidnap victim na na-report sa atin three days ago.”
“Sige, pabalik na ako diyan!”