Chapter One

4114 Words
          ALL heads turned when her white Maserati entered the gate of the main headquarters of Task Force Eagle. Lahat ng tao doon sa compound ng gusali na iyon ay hindi inaalis ang tingin sa kotse na sinasakyan niya. Mula doon ay lumipat ang tingin ng lahat sa kanya nang bumaba.           Investigation Agent IV, also known as Senior Agent Maria Musika Van de Berg Santillan. Mula sa PNP, kinuha siya ng NBI para maging miyembro ng special team na binuo ng ahensya, ang Task Force Eagle. Sa kanila ina-assign ang mga special cases, gaya ng Serial Killings, malalaking illegal drugs cases, murder cases etc. She’s now one of NBI’s top agents. A beautiful rose on the sea of thorns. She walked with authority, attitude and grace all combined. Nagmistula runway niya ang pasilyong iyon ng opisina. Her mixed Filipino-Dutch beauty is like a goddess shining in the midst of day. Wearing a pair of black tight jeans and pair of black ankle and flat boots. Her black polo shirt Task Force Eagle uniform is tucked in inside her jeans. Her forty-five calibre, an extra magazine and handcuff is hanging on her belt gun holster on her waist. Nakatali ang kalahati ng natural na kulay brunette na mahaba niyang buhok, saka hinayaan na bumagsak ang bangs niya sa gilid ng mukha. Napagkatuwaan siyang ayusan ng kakambal na si Lia bago umalis ng bahay kaya kinulot nito ng malalaki ang laylayan ng buhok niya. Hinubad ni Musika ang suot na sunglasses matapos may makasalubong na isang clerk na kaibigan rin niya. “Alam ko maganda ka, Ikah! Pero kailangan ba talagang mas gandahan mo pa?” biro sa kanya ni Rin. “Sira!” natatawang sagot niya. “Santillan!” Napalingon si Musika. Agad siyang sumaludo nang makita ang kasamahan na mas mataas ang rank sa kanya. “Tawag ka!” “Saan, Sir?” “Sa interrogation room.” Nagsalubong ang kilay niya. “Sandali lang ah?” paalam ni Musika kay Rin. “Sige, balik na rin ako sa desk ko,” sagot nito. Lumapit siya kay Ric Punzalan, ang Head Agent ng team nila.     “Anong kaso, Sir?” tanong niya. Imbes na sumagot ay binuksan nito ang pinto para sa kanya. Nadatnan niya sa loob ang dalawa pa sa kasamahan at ang isang suspect na lalaki na sa unang tingin pa lang ay halatang mayaman. “Case: Murder. Nariyan ang lahat ng mga ebidensiya, pati ang CCTV footage. Dalawa ‘yong suspect, itong isang ito at iyong kasama hindi pa nakikita, ayaw ikanta nito,” sabi ni Navarro. “Hindi ko nga kasi alam kung nasaan siya! Hindi na kami nagkikita! Nagkanya-kanya na kami!” galit na tanggi ng lalaki. Pinihit ni Musika ang silya at ang backrest ang nakasandal sa mesa pagkatapos at naupo siya doon at pinanood ang video. Tiningnan din niya ng maigi ang mga ebidensya, maging ang official report na naglalaman ng statement ng dalawang witness. Every piece of evidence leads to the suspect. “Hindi mo alam? Eh anong tawag mo dito sa picture na ‘to?” nakataas ang kilay na tanong ni Ikah sabay harap ng picture kung saan kasama nito ang isa pang suspect na hinahanap nila. Ayon doon ay kuha iyon kahapon ng umaga lang. Nahuli ang suspect kanina pang alas-singko ng umaga, pero mag-aalas nuwebe na ay ayaw pa rin nitong ituro kung nasaan ang kasama nitong pumatay sa biktima. “Wala ‘yan! Hindi ako ‘yan!” tanggi pa ng suspect habang nakaposas ito. Bumuntong-hininga si Musika saka tumayo at pinatong ang isang paa sa ibabaw ng silyang inupuan niya. Nagsalubong ang kilay ng dalaga. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” sabi pa niya saka kinuha ang baril na nakasabit sa kanyang beywang. “Hindi nga ako ‘yan! Hinde!” giit nito. “Ah, hindi ikaw,” ulit pa niya habang kinakalas ang kanyang forty-five calibre. Natigilan ang suspect saka napatingin sa baril niya. “Timer,” aniya. Agad naglabas ng cellphone ang isa sa kasamahan niya. “Matigas ka ha? Ayaw mo pang umamin, tingnan ko tapang mo,” natatawang sabi ni Punzalan na siyang may hawak ng phone. “Bibigyan kita ng dalawampung segundo! Kapag hindi ka pa rin umamin ka sa tinakda kong oras sa’yo. Deretso sa katawan mo ang unang bala na lalabas sa baril ko,” walang kangiti-ngiting sabi niya. “I think I have to inform you, Sir. I’m a type of person who has problems with patience. Madaling uminit ang ulo ko at ayoko sa lahat iyong sinasayang ang oras ko. Ngayon, may twenty seconds ka para mag-isip. It’s your choice, lalabas ka dito sa kuwarto na ‘to ng humihinga? O hihilahin ka palabas na duguan? Think,” sabi pa nito. Nanlaki ang mga mata ng suspect. “Timer… starts… now!” tatawa-tawang pakikisakay ng isa pa nilang kasamang agent na si Rosales. Hindi kumukurap na in-assemble ni Musika ang fourty-five calibre. “five… four… three…” “S-Sandali p-po!” “Two…” Nang maikabit ni Musika ang pinakahuling part ng baril, sa isang kisapmata ay naikasa agad niya ang baril sabay sampa sa upuan at mesa at hablot sa kuwelyo ng suot nitong polo saka tinutok iyon sa ulo ng suspect. “One!” “Nasa Parañaque po!” biglang sigaw nito. “Nasa Parañaque po! Sa isang squatter area po! Ituturo ko na po sa inyo ang pinagtataguan n’ya! Parang awa n’yo na huwag n’yo akong patayin!” nanginginig na pag-amin nito habang pumapalahaw ng iyak at mariin nakapikit. Biglang natigilan ang suspect nang marinig ang tunog ng mahinang click. Musika smiled sheepishly. “Nasabi ko bang walang laman bala ang magazine ko?” tanong bigla ni Musika. Doon nakahinga ng maluwag ang suspect, mayamaya ay napatungo ito. “Kung mali ang address na binigay n’yan. Let me know. Patayuin natin sa firing range,” pananakot pa ni Musika. Napapailing ang mga kasama niya. Mayamaya ay may narinig silang tunog na parang tumutulo. Nang silipin ni Ric ang ilalim ng upuan ng suspect ay natawa ito. “Ano? Naihi ka sa takot ngayon?!” napapailing na sabi nito. “Aamin ka rin pala!” tatawa-tawang sabi ni Rosales. Bumaba si Musika mula sa mesa. Habang binabasa niya kanina ang report ay pasimple ng kinuha ni Ric ang baril mula sa kanyang gun holster belt at inalis ang bala. Isa iyon sa mga paraan ng dalaga para sindakin ang mga suspect na gaya nito na ayaw umamin kahit matibay na ang ebidensya. “Salamat, Santillan.” “Wala ‘yon,” nakangiting sagot niya bago lumabas ng kuwarto. Habang naglalakad at binabalik niya isa-isa ang bala sa loob ng magazine. “Oh, sino na naman ang tinakot mo, Ma’am Ganda?” pabirong tanong ng isang janitor. “Nandoon sa loob, kaya lang maglilinis ka na naman ng ihi!” tatawa-tawang sagot niya. “Ma’am naman eh!” maktol nito. Isa iyon sa mga strategy na si Musika mismo ang nakaisip. Totoo ang sinabi niya sa suspect kanina. Isa sa problema ng mga boss at kasamahan niya sa kanya ay ang pagiging mainitin ng ulo. Ilang beses na rin siyang napapagalitan ng mismong NBI Regional Director nila na nagkataon Ninong niya dahil sa palagi niyang pananakot sa mga suspect. Walang makapigil sa kanya kapag umabot na sa hangganan ang maigsing pasensiya na kanyang inipon. And she doesn’t know how to smile. Matagal nang tinanggal ng dalaga sa bokabularyo niya ang salitang masaya. Doon sa department nila, siya lang ang nag-iisang babae na sumasama sa mga operation nila. Karamihan ng babae doon sa ahensiya ay mga clerical works ang ginagawa. But not her. Musika is born for action. To do things that mostly only men do. Pero kahit na nag-iisang babae, siya naman ang pinaka-siga sa lahat. Mabilis bumaril. Magaling sa martial arts. Walang kinatatakutan. Savage. A fierce woman without mercy.     ABALA si Musika sa pagta-type ng report niya sa laptop tungkol sa hawak na kaso nang lumapit sa desk niya si Ric. Bukod sa magkasama sa trabaho at boss niya, halos matalik na kaibigan na ang turing nila sa isa’t isa. “Uy Ikah, congrats ah,” sabi nito saka umupo sa gilid ng mesa niya.           Kunot-noo siyang lumingon dito. “Anong congrats? Para saan?”           Tinuro nito ang pinto ng opisina ng Regional Director habang ngumunguya ng mani.           “Hindi mo pa alam? May bago ka daw partner ah? Pakabait ka na sa kanya,” sagot ni Ric.           “What?!” gulat na bulalas niya sabay tayo.           Halos magbuhol ang dalawang kilay niya sa narinig.           “Oh? Oh? Relax! Mainit na naman agad ulo mo eh. Maupo ka muna,” pag-aalo sa kanya ng kaibigan.           Marahas siyang napabuntong-hininga saka napapikit.           “Paliwanag ko sa’yo, brad! Ganito ‘yon? Alam namin lahat dito na astig ka, at walang kinakatakutan. Pero babae ka pa rin, kailangan mo ng makakasama kapag may operation. Hindi puwedeng ikaw na lang mag-isa ang laging sumusugod.”           “Ric, I can manage on my own. Hindi ko kailangan ng partner! Istorbo lang ‘yan kapag may operation eh!” katwiran ni Musika.           He chuckled. “Iyon ba talaga ang dahilan?” makahulugang tanong nito.           Bigla siyang napatingin kay Ric at natigilan.           “Basta! Ayoko ng may kasama!” giit niya sabay iwas ng tingin mula sa kaibigan.           Napalingon silang dalawa ng dumaan ang isa pa nilang kasama si Art Navarro.           “Ikah, tawag ka ni Sir,” anito.           Muli siyang bumuntong-hininga. Mabigat ang loob at mga paa na tumayo at pumunta sa opisina ng Boss nila. Bago pumasok ay tinawag pa siya ni Ric.           “Smile,” tila nang-aasar pa na habol nito.           “Ulol,” pabulong na sagot niya na tinawanan lang ng huli.           Huminga muna si Musika ng malalim bago kumatok.           “Come in!”           Pagpasok, bumungad sa kanya ang NBI Regional Director nila na kausap ang isang lalaki. Sabay pang lumingon ang dalawang lalaki sa kanya. Bago lumapit ay sumaludo muna siya sa kanyang boss saka lumapit sa mesa nito.           “Maupo ka, Ikah.”           Tahimik na sumunod siya sa sinabi nito at naupo sa bakanteng silya sa likod ng mesa, sa harap ng lalaki. Napatingin ang siya dito. Gustong tumaas ng kilay ni Musika nang mapansin na titig na titig sa kanya ito na para bang kinakabisado nito ang bawat parte ng mukha niya. Pinormalan niya ang mukha nang ngumiti ito. But damn, this man! To describe him as hot and handsome is an understatement. He looks like a Greek god.           Matangkad ito ng konti sa kanya, malamang kapag inalis niya ang suot na boots na may heels ay hanggang labi lang siya ng lalaki. Clean cut ang buhok nito na medyo mahaba na ng konti. His deep-set brown pair of eyes are now looking intently at her. Hindi ito nakapormal, pero hindi rin ito nakangiti, at kayhirap hulaan ng tumatakbo sa isip nito ng mga sandaling iyon. May katangusan ang ilong nito at natural na kulay pula ang labi nito. Napansin din ni Musika na medyo namumula ang magkabilang pisngi nito, hindi siyaq sigurado kung natural iyon sa may kaputian balat nito. Kahit nakasuot ng kulay itim na jacket ay hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang malapad na dibdib nito. May hawig ito sa Hollywood actor na si Jeremy Renner. Ang mga tipo nito ang lalaking hinahabol at sinusundan ng tingin ng kahit sinong babae, except her.           She doesn’t like him. Ayaw niya sa mga lalaking kung makatingin ay mas malagkit pa sa kalamay. His gaze penetrates into her eyes down to her soul. It makes her nervous. Naiilang siya kung paano tumingin ang lalaki. Nobody stares at her that gives her that unexplainable feeling, like this man is doing right now.           “Ikah, siya si Investigation Agent II Edward Lee Pangilinan. Na-pull out siya galing sa NBI Baguio dahil sa outstanding record niya doon at makakasama na natin siya dito. Siya ang makaka-partner mo sa mga operations. Edward, Senior Agent Musika Santillan. Inaasahan ko na magtutulungan kayo sa trabaho n’yo.”           “Yes Sir,” sagot ni Edward.           Nang hindi sumagot si Ikah ay napalingon sa kanya ang Director.           “Ikah, hindi ka sumasagot.”           “Sir, can we talk if you don’t mind.”           Bumuntong-hininga ito at lumingon kay Edward.           “Mauna ka na sa labas,” anito sa lalaki.           Sumaludo muna ito sa bago tuluyang lumabas ng silid. Agad siyang tumayo at humarap sa Director.           “Sir! Di ba sinabi ko na po na—”           “Agent Santillan!”           Natahimik siya.           “My decision is final! Kailangan mo ng partner sa trabaho mo!”           “Pero Sir! Kaya ko naman ang sarili ko!”           Tumayo ang may edad na lalaki at umikot sa likod ng mesa.           “Iha, huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Wala na si Tommy. Kailangan mo ng partner sa trabaho natin na ‘to, hindi lang para tulungan ka sa mga kasong hawak mo, pero para na rin may magpo-protekta sa’yo. At the end of the day, you’re still a woman who needs to be taken care of.”           Hindi na nagawang makipagtalo ni Musika at napilitang tumango na lang.           “Okay Sir.”           “Inaasahan ko na pakikisamahan mo si Edward ng mabuti. Kung ang inaalala mo ay magiging pabigat siya, I don’t think so. Hindi siya ire-recommend dito sa team natin kung hindi.”           Marahan siyang tumango.           “Opo.”           “You can go back to your work.”           Bago lumabas ng silid ay sumaludo muna siya. Nang maisado niya ang pinto ay sumandal siya sa pader sa gilid lang niyon.           “I can take care of myself,” giit niya sa sarili.                     “RIC, pare,” pagpapakilala ng lumapit sa kanya.           “Edward.”           Nginuso nito si Musika na nakasimangot na lumabas ng opisina ng Director nila at dumiretso ng labas ng opisina.           “She doesn’t seem to like me,” aniya.           “Hindi naman sa ganoon, hindi lang sanay ‘yan ng may kasama. Nag-iisang agent na babae ‘yan na sumasama sa mga operations, pero si Ikah ang pinaka-matinik at malupit sa amin. Sanay siyang kumilos mag-isa simula nang mamatay iyong huling partner niya tatlong taon na nakakalipas, na eventually, boyfriend din niya.”           “Ah,” usal niya.           “Kaya pagpasensiyahan mo na. Medyo masungit at maangas ‘yan si Ikah sa umpisa, pero kapag napalagay na loob n’yan sa’yo, mabait ‘yan.”           Napangiti siya saka umiling.           “Salamat sa tip, pare.”           Ngumiti din sa Ric saka tinapik siya ng marahan sa likod bago ito umalis. Huminga siya ng malalim bago lumabas, nadatnan niya ito sa bandang likod ng gusali. Nakita niyang natigilan ito pagkakita sa kanya.           “Look, I know you didn’t like me. Alam ko rin na ayaw mo ng may partner,” pagsisimula niya.           “Alam mo naman pala, puwede mo naman i-request kay Sir na sa iba ka na lang i-partner,” nakasimangot na sagot ni Ikah.           “Pasensiya na, Ma’am, pero hindi ko gagawin iyon.”           Lalong nagsalubong ang dalawang kilay nito.           “Anong sabi mo?!”           “Hindi ko gagawin ‘yon,” ulit pa niya.           “Tinawag mo pa akong Ma’am, pero hindi ka rin naman susunod sa sinabi ko!”           Tumikhim si Edward saka sinuksok sa likod na bulsa ng suot na jeans ang dalawang kamay niya.           “With all due respect, MA’AM…” aniya na pinagdiinan ang salitang “ma’am”.           “Sa inyo po ako in-assign ni Director, kaya iyon po ang susundin ko. Hindi n’yo naman kailangan na magustuhan ako eh. Why don’t we just do out jobs right? Ganoon lang.”           Natahimik ito at bumawi ng tingin, mayamaya ay tila nag-isip ito.           “Sige, pagbibigyan kita,” mayamaya ay sagot nito saka muling binalik ang tingin sa kanya.           “Pero sa oras na naging perwisyo ka sa operation! Ako mismo ang magre-request kay Director na alisin ka dito!”           Imbes na mainis sa pagsusungit sa kanya ni Musika. Napatitig si Edward sa maganda at kulay light brown na mga mata nito. Sa kabila ng ganda niyon, kulay sa kinang ang mga iyon, kulang sa saya at sigla. Ang nakikita ng binata sa mga mata ng kaharap ay galit at lungkot.           “B-Bakit ka ganyan makatingin?” tila naiilang na tanong nito.           Tumikhim siya saka mabilis na ngumiti at umiling.           “May nakapagsabi na ba sa’yo na lalo kang gumaganda kapag nagsusungit ka?” biro niya.           Imbes na sumagot ay mabilis na umigkas ang kamao ni Musika. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag, nang muli nitong suntukin siya, mabilis nahawakan ni Edward ang kamay nito saka sinandal ito sa pader. At sinadyang ilapit ng husto ang mukha niya sa dalaga, na kulang na lang ay magdikit ang labi nila.           “Get off!”           Hindi sumagot si Edward, sa halip ay hinayaan ang sarili na titigan ng mas malapitan ang magandang mukha nito.           “Hindi mo pa ako kilala, Ma’am. Masyado mo yata akong minamaliit. Lumuwas ako dito sa Maynila dahil mahal ko ang trabaho ko. Kaya walang magiging problema kung maayos mo akong pakikitunguhan dahil tao akong humarap sa’yo kanina.”           Hinintay niyang sumagot ito pero nanatili lang nakatitig sa mukha niya si Musika. Para itong tumakbo ng ilang kilometro dahil mabilis ang bawat paghinga nito at bahagya itong namumutla. Ang sabi ni Ric kanina, masungit at maangas ito, at napatunayan niya na tama ito. Pero sa mga sandaling iyon, nawala bigla ang angas nito at ang tangi nakita ni Edward ay isang dalagang namumula ang mukha.           “Mukhang nagkakaintindihan na tayo,” sabi pa niya saka lumayo at iniwan ito.           Lihim siyang napangiti. Kung pagbabasehan ni Edward ang mga sinabi ni Ric, napatunayan niya ang angas nito. Sa kabila ng hindi magandang ugaling pinakita sa kanya ng babae. Handa naman siyang maghintay hanggang sa dumating ang araw na magkakasundo silang dalawa nito. Hindi siya magkakaila. Musika is an interesting woman. She’s too beautiful to be fearless and fierce. Tuloy ay nagkaroon din siya ng interes na mas makilala at mas lalong mapalapit dito. And when she looks back at him. Pakiramdam ni Edward ay biglang lumukso ang puso niya.           Pero sa kabila niyon, may nakita siya sa mga mata nito. Sa likod ng magandang mukha at malamig na pakikitungo nito sa kanya. He saw an unknown sadness and longingness in her eyes. At pakiramdam ng binata ay nakita niya ang sarili dito. The loneliness that comes from his longingness to see his son again.                                 BIGLANG napapitlag sa gulat si Musika nang marinig ang malakas na tunog ng kung anong nabasag. Paglingon ay nakita niya ang nagkapira-pirasong pinggan na nasa sahig.           May takot na napatingin sa kanya ang kasambahay.           “S-Sorry po Ma’am, na-nadulas lang po sa kamay ko,” nagkakandautal sa nerbiyos na paliwanag nito.           Napangiti lang siya ng tuluyan makabawi mula sa pagkakatulala.           “Okay lang ‘yan, ang dami-daming pinggan diyan. Walisin mo na lang, huwag kamay ang ipangdampot mo ha? Baka masugatan ka pa.”           “Opo, Salamat po.”           Agad kumilos ang kasambahay at kumuha ng walis. Napabuntong-hininga si Musika mayamaya at napasandal sa backrest ng silyang inuupuan niya. Bumalik sa iniisip ang kanyang atensiyon. Walang iba kung hindi kay Edward Lee Pangilinan, ang bagong partner niya. Bukod sa Regional Director nila, na Ninong din niya. Wala nang iba pa ang kayang sumalungat sa mga sinasabi niya. Whatever she says, she will definitely do it. Lalo na kapag sa mga operations, kahit delikado, kung walang gustong sumugod, siya ang gagawa at kahit anong pigil ng mga kasama niya, hindi nakikinig si Musika. Isa sa dahilan ang ugali niyang iyon kaya napapagalitan siya ng Ninong niya. Ilang beses nang sumalo ng bala ang katawan niya, umuwi ng may daplis ng saksak o kaya ay madumi at mabaho ang damit.           But for the very first time, after a long time, someone have the guts to go against her will. May isang taong malakas ang loob na iwasan ang suntok niya at ibalya siya sa pader. For the very first time, someone made her speechless with just one stare. Just. One. Stare. What on earth happened to her?! What kind of a man is Edward Lee Pangilinan?           Hindi maintindihan ni Musika kung bakit nakaramdam siya ng kaba habang nakatitig sa magandang pares ng mga mata nng binata. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang takot siyang naramdaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang itaboy palayo. Takot na hindi sa negatibong paraan. A fear that more like gives her excitement.           Pinilig niya ang ulo saka huminga ng malalim. Siguro ay pagod lang siya kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa isip. Paakyat na sana siya sa silid nang marinig na bumukas ang pinto, pumasok doon ang panganay na kapatid kasama ang Daddy nila.           “Oh, ba’t magkasama kayo?” tanong ni Musika nang salubungin ang mga ito.           Nagmano siya sa ama at humalik sa pisngi ng kapatid.           “Wala naman, nag-dinner lang kaming dalawa. Na-miss ko lang kasi si Dad,” sagot ni Amihan.           “Ikah, nagkausap kami ng Ninong mo.”           Napangiti siya saka umiling.           “Ano na naman ang nireklamo n’ya ngayon?”           “Una, may tinakot ka na naman daw na suspect habang ini-interrogate. Nagrereklamo na daw ang mga janitor dahil laging sila naglilinis kapag naiihi sa takot dahil sa’yo. Pangalawa, ayaw mo daw sa partner na in-assign sa’yo?”           Natawa na lang si Ikah. Alam naman niya na hindi seryosong reklamo ang mga iyon. Mas tamang sabihin na nalalabas ng hinaing ang Regional Director nila na malapit na kaibigan ng kanyang ama.           “Dad, walang bala ang baril ko. Saka humingi lang ng tulong sa akin ang mga kasama ko. Ilang oras na sila doon sa interrogation room ayaw pa rin ituro ng suspect ang kasamahan niya.”           “Kahit na, dapat ay gumamit ka ng ibang tactics.”           “Dad, hindi lahat ng suspect nadadaan sa mabuting pakiusapan. May mga suspect na gaya kanina na kailangan idaan sa bulas para magtanda at magsalita.”           Napatingin siya kay Amihan ng umakbay ito sa kanya.           “Ay naku, ang kapatid kong siga! Palibhasa puro lalaki ang kasama mo sa trabaho. Mag-boyfriend ka na nga ulit para naman may maiba sa buhay mo,” sabad ng kapatid.           Napangiti lang siya.           “Ate, masyado akong busy. At sa trabaho namin, hindi ako bagay magkaroon ng lovelife o ng pamilya.”           Kinunutan siya nito ng noo. “Parang hindi naman ganyan ang pananaw mo dati noong nandito pa si Tommy?”           Parang may malakas na sumipa sa kanyang dibdib ng marinig ang pangalan na iyon.           “Iba noon, ate. Iba na ngayon,” sagot niya na unti-unting napapalis ang ngiti.           “Ikah… hanggang ngayon pa ba?”           Hindi na niya nasagot ang tanong ni Amihan nang marinig ang malakas na pito ng kanyang ama. Ilang sandali pa ay nagsilabas ang iba pang kapatid ni Musika mula sa mga silid nito. At tuluyan nang natuon doon ang atensiyon niya. Paraan iyon ng ama para tawagin ang atensiyon nilang magkakapatid. Karaniwan nitong ginagawa iyon kapag dumarating ito sa bahay. Ayaw na ayaw ng daddy niya na walang sumasalubong dito kahit sino sa kanilang magkakapatid.           That whistle is most likely normal to hear on that house. Their father, Armando Santillan is a retired Lieutenant Colonel of the Armed Forces of the Philippines. Kaya lumaki sila sa isang mala-batas militar na disiplina ng ama.           Pito silang magkakapatid. Si Amihan, ang panganay. Sumunod dito ang kambal, si Hiraya at Himig. At ang bunso ay silang quadruplets. Si Malaya, Mahalia, siya at si Mayumi. Their family is a little bit far from a normal one. Nang mamatay mula sa isang malagim na plane crash ang biological mother ni Amihan. Para mailigtas ito sa labis na kalungkutan na maaring magdulot ng Depression. Nagdesisyon ang kanilang ama na subukan ang traditional surrogate. It’s a procedure where a woman gets artificially inseminated with the father’s sperm. Ipagbubuntis nito ang bata at matapos ipanganak ay saka iyon ibibigay sa mag-asawa. Ang pagdating ng Kuya niyang kambal ang naging daan para bumalik ang sigla sa bahay na iyon. Hanggang sa magdesisyon ang daddy nila na subukan sa pangalawang beses ang surrogate. That’s when they came, the quadruplets. Inaasahan daw ng daddy nila ay isang set ng kambal ulit ang darating. But they surprised them when the doctors saw four fetuses on their surrogate mom. Nang ipanganak sila at maiuwi doon sa bahay ay lalong naging masaya ang bahay na iyon. At ang biological mom ni Amihan, si Estelle Van de Berg-Santillan, ang kanilang nagisnan ina. Sa katunayan ay ang maiden name nito ang nakalagay sa birth certificate ng kambal at nilang quadruplets. And their surrogate mom a.k.a. their biological mom? They met her twice in person. Kaibigan ito ng Mommy Estelle at Daddy nila na isang pure Dutch gaya ng Mommy nila at sa Netherlands din nakatira, matapos ang isang taon, pumanaw din ito dahil sa atake sa puso. Lumapit ang mga kapatid niya sa ama at nagmano. “Nag-dinner na ba kayo?” tanong nito. “Tapos na po,” sagot ni Hiraya. “Ikaw Ikah, magpahinga ka na. Lagi kang pagod sa trabaho mo lalo kapag nanggagaling ka sa operations.” “Yes Dad,” sagot niya. Binagsak ni Musika ang katawan sa kama pagdating sa kanyang silid, pagkatapos ay bumuntong-hininga. Usually, she’s excited to go to work. Pero ngayon, bakit parang kinakabahan na siya maisip pa lang ang imahe ng mukha ni Edward? “Para kang sira, Ikah!” kastigo niya sa sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD