Episode 35

2914 Words

Oriana Fatima’s POV Nakilala ko agad ang kwartong kinahihigan ko pagmulat na pagmulat ng mga mata ko. Kay Damien ‘to dahil nakapasok na ako rito noong unang magpunta ako sa bahay nila. Pamilyar na pamilyar din ako rito dahil sa mabangong amoy. Nasa boyfriend ko ako ngayon. Nahanap niya talaga kami ng kapatid ko. Siya ang nakatagpo sa amin sa isang lugar na hindi namin alam kung saan. “Si Odelia… ‘Yong kapatid ko…” Inalis ko ang kumot sa katawan ko at dahan-dahan na tumayo para hanapin si Odelia. Masakit man ang ulo ko at mga paa pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumangon. Kailagan kong makita ang kapatid ko. Gusto ko lang masigurado na ayos siya ngayon dahil hindi mapalagay ang buong katawan ko. Hindi pwedeng mawala siya sa akin dahil siya na lang ang kadugo ko na mayroon ako ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD