Damien Craig’s POV There is always someone that will give meaning to your life. Someone that you find yourself in love with. She's beautiful, a strong one, and cannot defeat easily. I love chasing her. Isang bagay na hindi ko alam kung paano pigilan at mas lalong hindi ko alam kung paano ko titigilan. Hindi ko kayang huminto basta-basta sa paghahabol sa babaeng ‘yon. Nagayuma yata ako ng ganda ni Oriana kaya hindi ko siya kayang tigilan. “Ang aga-aga may pabulaklak ka agad kay Ma’am Ana, Sir Damien.” Si Mang Larry sa unahan. Isang ngiti ang lumitaw sa labi ko. Inamoy ko ang bulaklak na ibibigay ko sa kanya ngayong umaga. I want to spoil her every time. She deserves everything from me. A flower in the morning is not enough. I should kiss her on the lips. Ulol na ulol na naman ako sa