Oriana Fatima’s POV Malakas ang paninindigan ko na mahahanap ko ang kapatid ko at uuwi kaming magkasama pero nang makita ko ang bahay namin parang nawala lahat ng pag-asa ko. Naubos na at ito na naman ako sa mga negatibong iniisip ko. Pinipilit ko na huwag magpatalo pero wala na talaga. Nasaan ka Yza? Anong ginawa nila sa bahay namin? Tao rin kami pero hindi na nila kami tinuring na parang tao. Ang bahay na punong-puno ng kasiyahan at maliwanag ay mas madilim pa ngayon sa patay na ilaw. Mabaho ang amoy dahil punong-puno ng basura ang bahay namin na sigurado ako na galing sa kapitbahay namin na noon naman ay tinutulungan ng pamilya ko. “S-Sa tingin ko, Damien, uuwi na tayo…” nabasag ang boses ko. Pinigilan ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Alam kong kahit sa ilalim ng baha