Oriana Fatima’s POV Kapag kasama ko siya at kausap, inaamin ko sa sarili ko kung gaano kaginhawa ang pakiramdam ko. Kahit gaano pa ‘yon kabigat, gumagaan kapag nagtatawanan na kaming dalawa. Ganito ang pagkakaibigan na matagal ko ng gusto, ‘yong totoo at hindi ka pag-iisipin ng kung ano–ano. Pagkatapos ng ilang taon… Sa kanya ko lang pala mahahanap ‘yong pagkakaibigan na inaasam ko. Kay Damien lang. “Magandang umaga po, Auntie.” “Oh, Damien!” tuwang-tuwang sambit ng isang ginang kay Damien. “May kasama ka pala.” Ngumiti ako sa ginang na mukhang magulang ni Tupe. May pagkakahawig kasi siya kay Tupe. Dito na niya pinadiretso ang taxi na sinasakyan namin dahil nga makikitawag ako at kakain kami sa tindahan sa katabing bahay nila Tupe. “Ikaw talagang bata ka. Itatanan mo na ba ‘to?” n