Oriana Fatima’s POV “Ate, makikitawag din ako kila Tupe hah,” paulit-ulit na sambit ng kapatid ko habang sakay kami ng isang tricycle. Excited na excited pa siya at kulang na lang sabihin niya sa driver ng tricycle na paliparin na ang sasakyan namin. Pag-uwi ko sa bahay kanina, sinabi ko na lahat kay Odelia para hindi na rin siya mag-alala at gusto niya naman na makausap agad si Yza. Mahaba-haba rin ang naging tulog ko kaninang tanghali para makabawi dahil gusto rin nitong kapatid ko na pumunta talaga sa birthday ni Tupe. Kaya ito kami ngayon sakay ng tricycle na papunta kina Tupe. Ayaw naman ni Odelia na mag-isa lang siya kaya wala akong nagawa kundi ang magbihis na naman para sumama sa kanya. Inalis ko na rin ang wig na gamit ko kanina para hindi na ako mapagkamalan ng Tiago na ‘yan