Oriana Fatima’s POV Alas-dies pa lang ng umaga pero nakaligo na ako at nakabihis. Isang puting skirt at puring puff sleeve na crop top ang suot ko. Para akong pupunta sa lamay dahil puting-puti ang suot ko tapos nakabusangot pa ang mukha ko. Inabala ko ang sarili ko sa pagpisil-pisil ng unan sa ibabaw ng hita ko. Nasa veranda ako at kaharap ko si Damien. Ang mga tauhan niya naman ay nasa harapan lang ng bahay at nagkakape. Tahimik at parang walang gusto na mag-ingay. Walang kahit na sinong nag-uusap o nagbubulungan na tauhan niya. Tanging mga ibon lang ang naririnig ko. “Kumain ka na,” si Damien. “Tapos na ako,” sagot ko sa kanya ng hindi siya tinitignan sa mga mata. Sobrang sakit pa rin ng dibdib ko hanggang ngayon. Parang pinipiga pa rin ‘to. Kapag nagsasalubong naman ang mga mata