Oriana Fatima’s POV Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad kami ni Damien pabalik sa bahay namin. Tapos na kaming mag-dinner sa lugar na hinanda niya para sa aming dalawa. Sa gitna ng dilim ay masaya kaming nagtatawanang dalawa na parang kami lang ang tao sa mundo. Nakakapit siya sa bewang ko habang yakap ko siya mula sa gilid. Hindi kami makapaghiwalay kahit maliit na pulgada lang. Para kaming mga glue na palaging dikit-dikit sa isa’t isa at mahirap mapaghiwalay. “Ang galing mong umarte hah! Kahit ‘yong pang-aasar sa’yo ni Lolo bago tayo umalis, paniwalang-paniwala ako na wala ka talagang alam!” Magaling talaga si Damien magpanggap na parang walang alam pero ‘yon pala may kasunod na siyang plano. Akala ko, sobrang apektado niya talaga noong paalis kami sa bahay pero ‘yon