Episode 47

2759 Words

Oriana Fatima’s POV Hindi ako madalas gumanti pero hindi rin ako ang tao na marunong maawa sa mga paghihirap ng isang tao na sinaktan na ako noon. Hindi ako isang santo para maging mabait. Kapag kinarma ka, kinarma ka at matutuwa talaga ako. Mabilis ang ikot ng mundo at kasama kami ni Jave na bumaliktad. Napunta ako sa taas dahil sa boyfriend ko na mahal na mahal ko at napunta siya sa ibaba dahil din sa boyfriend ko na pinatumba siya dahil sa kagaguhan niya. Mukhang makamandag na hayop ang boyfriend ko. Napakabangis sa harap ng ibang tao lalo na sa harap ng mga kaaway nito pero kapag nasa dibdib ko na, dinaig pa ang unggoy kung makalingkis sa akin. Ayaw mahiwalay. Maluwag ang sasakyan pero mas pipiliin ng isang Damien Balenciaga ang maupo sa tabi ko habang nakayakap mula sa gilid ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD