Oriana Fatima’s POV Malamig. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang lamig ng paligid ko. Binuksan ko ang mga mata ko. Iba ang kulay ng mga ilaw. Ang kaninang puting-puti ay nagiging madilaw na… May comforter sa katawan ko pero parang tumatagos ang lamig papunta sa katawan ko. “Ate, mabuti gising ka na.” Naglakad ‘to palapit sa akin dala ang isang tray. “Nalaman na lang namin na bigla kayong umuwi rito. Tapos pag-uwi namin ni Lolo, alalang-alala si Damien sa’yo, Ate. Ayos ka na ba? Hindi ko alam na nakagat ka na pala ng aso at may rabbies pa.” Inilagay niya sa ibabaw ng bedside table ang tray. Naupo siya sa gilid ko at kinuha ang kamay ko. Mabilis niyang binitawan ‘to matapos hawakan. “Ang init mo! Ate! Para kang apoy! Sandali! Tatawagin ko si Damien!” natataranta na sabi niya. Mabili