Oriana Fatima’s POV Bumangon ako sa kama na magaan na ang pakiramdam ko. Kahit pa paano nakatulong ang mga gamot na ininom ko kagabi na pinabili ni Damien. Mas gumaan ang pakiramdam ko at wala na ang bigat sa katawan ko lalo na sa talukap ng mga mata ko. Wala rin si Damien sa kwarto kaya nang matapos akong mag-ayos sa sarili ko, bumaba na ako para hanapin ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero baka pumasok siya sa opisina niya. Che-check ko na lang din sa ibaba para sigurado ako. Naglakad ako papunta sa hagdanan at humakbang pababa ng bahay namin. Nasa hagdanan pa lang ako pero naririnig ko na agad ang tahol ng aso. Kailan pa nagkaroon ng aso rito sa bahay? Wala namang kahit na anong hayop dito dahil alam ni Damien na allergic ako sa aso. “Miss Ana, ayos na po