Oriana Fatima’s POV “Hello, secretary Carim.” Bahagyang yumukod sa akin si Secretary nang makita ako rito sa loob ng opisina ni Damien sa building nila. Pumunta talaga ako rito para na rin kausapin siya dahil siya ang nirekomanda ni Lolo na kausapin ko tungkol sa date namin ni Damien. “Pumunta ako rito para dalhan ng pagkain si Damien, secretary. Nagdala na rin ng ako para sa’yo. Luto ‘to ng kapatid ko at masarap ‘to. Sana magustuhan mo,” magalang na sambit ko. Napatingin ako sa lamesa kung saan ko nilapag ang paper bag na dala ko. Hindi alam ni Damien na dadalaw ako ngayon kaya sigurado ako na magugulat siya kapag nakita niya ako rito sa opisina niya. “Mamaya pa po ang labas ni CEO. Nasa meeting pa po siya,” aniya sa akin. “Gusto n’yo raw po akong makausap sabi ng Lolo n’yo.” Tum