Oriana Fatima’s POV “Kumpleto na ba ang mga gamit na dala mo, Ate? ‘Yong mga mahahalaga mong gamit? Okay na ba?” Tinignan ko ang dalawang bagahe na nilalagay sa likod ng kotse ngayon ng tauhan ni Damien. Isa sa akin at isa syempre kay Damien. Tig-isa kaming bagahe para sa limang araw na bakasyon naming dalawa bago magpasukan. “Oo, Odelia. Naayos ko naman lahat ng kailangan ko at ni Damien,” sagot ko. “Wala naman akong nakalimutan,” dagdag ko pa. Chineck ko talaga lahat ng laman ng bagahe at sinigurado ko na wala akong naiwan na mahalagang gamit. “Mag-iingat kayo, iha,” si Lolo na nakatayo sa gitna ng pinto katabi ang kapatid ko. Napatango ako sa kanya. Malapit ng mag ala-singko. Sigurado ako na malapit na rin si Damien dahil maaga siyang uuwi ngayon dahil sinabihan ko siya. Sigura