Oriana Fatima’s POV Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay sa labas ng university. Hindi mapakali ang buong katawan ko. Maaga akong natapos sa paglilinis ko at dito ko na sa labas hinintay si Damien. Ngayon ko lang siya hinintay ng ganito dahil noon, siya ang laging naghihintay sa akin. Palingon-lingon ako sa front gate. Nang makita ko siya na nagmamadali sa paglabas ay tinawag ko agad siya, “Damien!” Mabilis siyang lumingon sa akin. Nang makita niya ako, naglakad agad siya patungo sa akin. Wala na rin ang dala niyang plastik ng paninda ko. Mukhang na paubos niya nga ‘yon. Kani-kanino niya kaya binenta ang mga paninda ko? “Akala ko umuwi ka na,” aniya sa akin. “Nagmamadali pa naman ako dahil baka hindi na kita maabutan.” Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga gusto