Oriana Fatima’s POV “Wow! Sino ka?” Hinarap ko agad ang kapatid ko na halatang may pang-aasar sa tono ng pananalita niya. Umagang-umaga pero sinisimulan na agad ni Odelia ang araw ko. Sumandal ako sa pader sa gilid ng salamin naming bilog. “Ako ‘to, Ana. Huwag ka na mag-inarte,” sita ko sa kapatid ko na ako na naman ang nakita. “Ganyan ba ang epekto ng allergy? Nag ma-make-up kinabukasan?” natatawang saad niya sa akin. Aba! Bawal bang ayusan ko ang sarili ko kahit minsan lang? Hindi naman pwedeng mahirap na nga ako tapos pangit pa. Gusto ko na presentable naman ang mukha ko kahit minsan lang. Araw-araw na lang kasi akong maputla na parang zombie. Nagmumukha tuloy akong walang dugo sa katawan. “Aalis na ako,” sambit ko na lamang para matigil na sa pang-aasar ‘tong kapatid ko. Sinuot