Oriana Fatima’s POV Masarap ang tulog ko dahil walang pumipigil sa akin na mamahinga nang matagal. Walang trabaho na naghihintay sa akin kaya malayang-malaya ako. Na sabi ko na rin kay Damien ang pagpapasalamat ko kaya pakiramdam ko, wala na akong dapat na isipin pa. Magaan talaga sa loob ang pagpapasalamat. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko kay Odelia nang makita ang mga kahon sa ibabaw ng maliit na lamesa namin na patong-patong na. Ang daming kahon at parang naka-stock kami bigla. Ano naman ang laman nito? “Kagabi pa ‘yan diyan, te. Hindi mo napansin?” aniya. Umiling ako at lumapit sa lababo namin kung nasaan ang thermos. Binuksan ko ang 3 in 1 na kape at isinalin sa mug ko. Binuksan ang thermos at sinalinan ng mainit na tubig ang mug ko para makapag-kape na. “Saan galing ang mga ‘ya